You are on page 1of 30

PAGBASA SA

IBA’T IBANG
DISIPLINA
SA UNANG ARALIN, TINALAKAY KUNG ANO
PAGBASA, ANG PROSESO NG PAGBABASA, AT ANG
IBA’T IBANG URI NG PAGBABASA. SA ARALIN ITO
NAMAN, MATUTUNGHAYAN ANG PAGBASA SA IBA’T
IBANG DISIPLINA.

NGUNIT BAGO NATIN TALAKAYIN ANG PAGBASA SA


IBA’T IBANG DISIPLINA, ATIN MUNANG ALAMIN ANG
IBIG SABIHIN NG TEKSTO.
TUMUTUKOY ANG TEKSTO SA MGA NAKASULAT NA
SIMBOLONG NAGKAKAROON NG KAHULUGAN
HABANG ITO AY BINABASA. SAMAKATUWID, ANG
TEKSTO AY ANG MGA SALITANG BUMUBUO SA
ISANG AKDANG BINABASA.

NAGTATAGLAY ANG TEKSTO NG MAYAMANG IDEYA


AT IMPORMASYON.
Mayroon tayong tatlong klase ng
teksto. Ito ay ang TEKSTONG
AKADEMIK, TEKSTONG PROPESYONAL
at TEKSTONG EKSPOSITORI.
TEKSTONG AKADEMIK

Tumutukoy ang tekstong akademik sa mga akda o


babasahing ginagamit sa pagaaral tulad ng
teksbuk. Sa pagbabasa ng ganitong uri ng disiplina,
nadadagdagan ang kaalaman ng estudyante at
nalilinang ang kaniyang kaisipan upang mapahusay
ang kaniyang kaalaman.
Matatagpuan din ang mga tekstong pang akademik
sa mga pang akademikong dyornal na madalas na
inilalathala nbg iba’t ibang departamento sa
unibersidad.

Nabigyan tuon at halaga ang teksto nung panahon


ng pagkamulat or Age of reason o Intellectual
Revolution na nagmula sa europa nung ika 18
siglo.
Narito ang ilang halimbawa ng mga disiplinang nasa
ilalim ng ng tekstong akademik.

-Teolohiya(Theology)
-Politika(Politics)
-Sining(Arts)
-Panitikan(Literature)
-Agham(Science)
-Sipnayan o Matematika(Math)
-Wika(Language)
-Ekonomiks(Economics)
-Kasaysayan(History)
-Agham Panlipunan(Social Science)
-Humanidades(Humanities)
TEOLOHIYA

Mula ito sa isang termino na unang ginamit ng


griyegong pilosopo na si Plato.

Ang teolohiya ay hango sa salitang Theo na ibig


sabihin ay Diyos at Logos na pag aaral.

Pinagaaralan sa teolohiya ang mga ideya at


konsepto kung paano nakakaapekto ang ganitong
paniniwala sa pananampalataya ng isang tao.
POLITIKA

Hango naman ito sa salitang Politics o Polis na


tumutukoy sa mamamayan, pinag aaralan sa
politika ang iba’t ibang sistema ng pamamahal at
kung paano ito nakakaapeko sa mga mamamayan.
Ang politika ay ang pag aaral kung paano
patakbuhin ang isang bansa o pamahalaan.
SINING

Maituturing na sining ang lahat ng malikhaing


pagsisikap ng tao, sa pag aaral ng sining,
matutuhan ng mga estudyante ana maging
malikhain sa pagpapahayag ng ng kanilang ideya o
damdamin sa pamamagitan ng pagpinta, paghabi,
at iba pang uri ng paglikha na nagpapamalas ng
kagandahan.
PANITIKAN

Tumutukoy ito sa mga akdang katangi-tangi sa


masining at malikhaing pagtatanghal ng ideya. Sa
pag aaral na ito, matututuhan ng mga estudyante
ang mga adkang pampanitikan na likha ng
mahuhusay na manunulat.

Ex. Tula, maikling kwento, sanaysay, at nobela


AGHAM

Ito ang proseso ng sistematikong pagtamo ng


kaalaman. Matutuhan ng mga estudyante mula sa
agham na maunawaan at masura ang mundong
ginagalawan sa pamamagitan ng pagmamasid at
pagtuklas. Napagaaralan din ang mahahalagang
konseptong may kinalaman sa biyolohiya(biology),
kimika(Chemical) at pisika(Physics).
SIPNAYAN o MATEMATIKA

Matutuhan ng mga estudyante ang mga konsepto


na may kinalaman sa bilang at operason o relasyon
nito. Sa hayskul napagaaralan yung Algebra,
Geometry, Calculus at Trigonometry. Lahat ng yan
ay may koneksyon sa matematika
WIKA

Mahalagang pagaralan ang wika dahil dito mo


matutuhan kung paano makipagusap gamit ang
mga angkop na salita. Sa pamamagitan ng wika,
maipapahayag mo ang iyong ideya at damdamin at
makakapaglahad din ng impormasyon.
EKONOMIKS

Hango ito sa salitang OIKONOMIA na


nangangahulugang pangangasiwa ng
pangangailangan sa tahanan. Ang ekonomiks ay
pag aaral sa kilos at pagsisikap ng tao sa paraan ng
paggamit ng limitadong pagkukunan ng yaman.
Matutuhan mo din dito ang mga isyung may
kinalaman sa kakapusan, trabaho, kahirapan at iba
pa.
KASAYSAYAN

Sa pag aaral ng kasaysayan, matutunghayan ng


niyo ang kasaysayan o mga nangyari sa nakaraan,
kabilang dito ang mga taong may mahalagang
papel na ginampanan sa ating kasaysayan.

Mga libro:
*History of the Filipino People – Teodoro Agoncillo
*A Past Revisited – Renato Constantino
*The Roots of the Filipino Nation – Prof O.D Corpus
AGHAM PANLIPUNAN

Pag aaral ng isang aspeto ng lipunan o isang anyo


ng aktibidad sa lipunan. Sa pag aaral ng agham at
panlipunan, matutunghayan ang mga
impormasyong naglalahad at nagpapaliwanag kung
paano makisama sa ibang tao batay sa kultura at
aspeto nito.
HUMANIDADES

Matutuhan kung bakit matatangi ang tao batay sa


kaniyang kakayahan na makagawa ng mataas na
anyo ng sining, panitikan, awit, musika, sayaw at
iba pa. Napagaaralan din dito ang kung paano mo
magamit ang iyong sariling kakahayan para
mapaunlad ang iyo sarili.
TEKSTONG PROPESYONAL

Tumatalakay ito sa tekstong propesyonal o kursong


kinukuha ng isang estudyante sa kolehiyo o
unibersidad. Nasasaad din dito ang impormasyong
kakailanganin mo kapag ikaw ay nagtrabaho na.
MEDISINA

Ito ang pag aaral sa mga sakit. Kung ano ang lunas
sa mga sakit na ito. Kung ano ang karampatang
gamot.

Pag aaralan sa iba’t ibang klaseng gamot.

Pag aaralan din dito ang buong katawan, parte at


pati mga laman laman.
INHINYERA

Tumutukoy sa paggamit ng agham sa pagdidisenyo


at sa pagpapatakbo ng makina. Sa pamamagitan ng
matematika Makakagawa kang planong makabuo
ng isang gusali at iba pang ekstraktura.
ARKITEKTURA

Eto naman ay nakatuon sa pagdedesenyo at


pagpaplano ng mga gusali at iba pang pisikal na
ekstraktura.
PISIKA

Pag aaral hinggil sa bagay at enerhiya sa kalagayan


ng musyon at pwersa. Matututunan mo din dito ang
tungkol sa force, motion, gravity, at iba pang
siyentipikong konsepto upang mas maunawaan
kung paano gumagalaw ang mga bagay bagay na
likas o gawang tao na nakikita sa paligid.
KIMIKA

Pinagaaralan ang iba’t ibang elemento at ang mga


sangkap na bumubuo sa mga kemikal. At kung
paano gamitin ang mga ito.
BIYOLOHIYA

Galing sa salitang BIO na ibig sabihin ay buhay at


logos means study. Pag aaral sa mga bagay na may
buhay tulad ng halaman, hayop, tao.
ARKEOLOHIYA

Hango ito sa salitang ARKHAIOS(Sinauna) at


logos(pagaaral). Pag aaral sa mga sinaunang bagay
o tao. Pag aaral sa sinaunang kabihasnan.
PILOSOPIYA

Matutuhan niyo ang mahalagang kaisipan na mula


sa kagalang galang na pilosopo na tulad nila
Socrates at Plato. Mahalagang pagaral ng pilosopiya
sa pagbabasa dahil makakatulong ito upang maging
mapanuri ang mababasa.

Galing ito sa salitang PHILOS(Pagmamahal) at


SOPHIE(Karunungan).

Ito ay pag aaral ng makatwirang imbestigasyon ng


mga katotohanan at prinsipyo ng tao, kaalaman at
gawi.
ABOGASYA

Pagaaral ito ng mga batas. At sa mga karapatang


pantao at lipunan.

Mahalaga ang pag aaral ng abugasya sa pag


babasa dahil mas magiging mapanuri ang
mambabasa sa mensaheng inihahain ng may akdak
kung dapat pa itong sangayunan o kung ito ba ay
katanggap tanggap o lohikal.
EDUKASYON

Ito ay sistematikong pagtuturo o pag aaral.


Malalaman dito ang wastong paraan ng pagtuturo
upang maging ganap ang pagkatututo.

Bakit kelangan ang pagbabasa sa edukasyon?

Dahil ginagamit ang aklat na binabasa natin upang


tayo ay matuto.
TEKSTONG EKSPOSITORI

Sa tekstong ito, maayos na naipapakita ang mga


ideya at kaisipan. Matutunghayan dito ang kaalaman
o impormasyon na malinaw na naipapaliwanag.
Makikita rin ng mambabasa sa tekstong ito ang
mayamang naipapaliwanag ng isang terminolohiya at
ilang detalye tungkol dito upang mas madaling
maunawaan ang konsepto.

Matutunghayan din dito ang pagpapakita ng sanhi at


bunga ng isang kalagayan. Ang pagtatalakay sa
tekstong ito ay walang kinikilingan at pinapanigan
dahil ang layunin niyo ay maging impormatibon ang
pahayag.

You might also like