You are on page 1of 3

Istilo sa pagbasa ng grade 12 abm-b

Ni: Jeff kevin M. Bulanadi

Ayon sa libro na pagbasa at pag susuri ang pag basa ay isa sa apat na makrong kasanayang
pang wika na mahalaga sa pakikipag talastasan. Maituturing na 90 porsiyento ng atin kaalaman ay
mula sa ating binasa, maaari natin libutin ang buong daigdig sa pamamagitan lamang ng pag
babasa. Matatarok natin ang lalim ng kaalaman at nahahawakan ang landas ng karunungan sa iba’t
ibang larangan, sining, agham, teknolohiya, kasaysayan, pulitika, lipunan, at iba pa. Namumulat tayo
sa katotohanan at nag kakaroon ng pag kakataong makisalamuha para sa ating ibayong
kapakinabangan.

Kailanagn ang pag babasa sapagkat nag bibigay ito nang lubos na kaligayahan sa isang tao na
di mapapalitan ng yaman material, at napapanatiling buhay ang kultura at di nababaon sa limo tang
kasaysayan nang bansa. Sapagkat ang mga naka sulat na talata ay nababasa ng susunod na
henerasyon o salin lahi.

Ayon kay coady(1979) ay nag bigay nang elaborasyon sa kaisipan ni Gppd man sa pagbasa.
Ayon sa kanya para sa lubusang pang unawa ng teksto, kailangan ang dating kaalaman ng taga
basa ay maiugnay niya sa kanyang kakayahan bumo ng mga kaisipan at kasanayan sap ag
proproseso ng mga impormasyong masasalamin sa teksto.

Ang pagbasa ay proseso ng pag unawa sa mga nakalimbag na simbolo o koda ng isang
partikular na wika, hindi lamang ito simpleng pagtingin sa mga nakasulat na titik at salita, kasama rin
dito ang pag tukoy sa kabuluhan o kahalagahan ng mga mensaheng naka sulat.

Imunungkahi nina Applebee. Et al (2000) ang mga sumusunod na ispesipikong estrahiya sa


pagbasa, bagamat gamitin ang mga ito sap ag babasa ng mga naratibong seleksyon o mga akdang
literari magagamit pa rin ang mga ito sa pag babasa ng ibang uri ng seleksyon.

Ayon kay Toze. Ang pagbabasa ay nag bibigay ng impormasyon na nagiging daan nang
kabatiran at karunungan.

Ayon kay Willian Gray (1950) kinilalang “Ama ng pagbasa” Ang pag basa ay isang prosesong
binubuo ng apat na hakbang pag kuha sa kahulugan ng salita o kabaliktaran pag unawa sa
kahulugan nito; reaksyon sa kahulugan o kabaliktaran nito batay sa kaalaman at pag uugnay sa
ideya at karanasan.

Ayon kay Kenneth Goodman (1982) ang pagbasa’y isang suliranin sa prosesong pang wika,
isang larong saykolohistika. Ang kaayusan sa salita o pahiwatig na semantic ay makatutulong nang
Malaki sa pagkaintindi o pagkaunawa sa mga pahayag. Naniniwala si Goodman na ang pagbasa ay
kinapapalooban ng interaksyon sa pagitan ng wika at kaisipan at ang proseso nito ay pag ikot nang
paghahalimbawa, pag likha, pag subok at pagkilais sa katotohanan.
Ayon sa organisasyonng SEDL, dating kilala bling THE SOUTHWEST EDUCATIONAL
DEVELOPMENT LABOLATORY, na gumagawa ng mga pananaliksik pang edukasyon. May
dalawang pangungunaging hakbang sa kognisyon, ang pagkilala (DECODING) at pag-unawa
(COMPREHENSION), una kinikilala muna natin at binibigyan anyo ang mga simbolong tinutukuyan
ng ating mga mata, habang nagaganap ito ay inuunawa natin an gating binabasa, ang mga titik at
simbolo ay naipamagahagi sa iba’t ibang sentro ng utak (pakiramdam, imahinasyon, kagustuhan, ay
iba pa) at naka ugnay-ugnay upang magkaroon tayo ng [agkilala at pagkaunaawa sa kahulugan ng
mga nakalimbag na simbolo, mahalaga ang pagsasama ng mga kasanayan ito sa pag babasa.

Ayon sa sampong akin nakapanayam sampo dito ay sumagot nang mahalagang mahalaga ang
pagbabasa, at pito naman ang interesado sa pagbabasa at tatlo naman ang hindi interesado, at
siyam ang komportable mag basa sa libro at isa sa kumpyuter, at ang sagot nila sa tanong na bakit
ay mas kapanipaniwala ang sa libro at sa kumpyuter naman ay mas maraming impormasyon.

Sa aking ginawang pagsusuri sa sampong mag aaral nalaman ko na bawat isa sakanila ay
napaka halaga nang pagbabasa nang libro sa isang tao, dahil madami kang makukuhang
impormasyon dito at makakatulong sa atin at Malaki ang pakinabang nito sa ating lipunan.
Mga sanggunian
Mendoza, Zenaida M. et.al. “mga istilo sa pagbasa at sa ibat ibang disiplina sa antas tersarya”
(Pagbasa at pagsulat) 856 Nicanor Reyes, Sr. st. Manila Philippines 2016.
Atanacio, Heisi C. et.al. “iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksin” (Pagbasa at pagsusuri) C &
E publishing, Inc. 839 EDSA, South Triangle Quezon City 2005.
Astorga, Eriberto R. et.al. (Pagbasa, pagsulat at pananaliksik) st. mary’s Quezon city. 2017.
Flores, Cresencia et.al (Batayang aklat sa Filipino) Rex bookstore, 1977.
Tumangan, Alcomtiser Sr. P, et.al. (Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik. Makati
grandwater Publication and Research Corporation, 2006.
Nuncio, Elizabeth. et.al. (Makabuluhang Filipino sa iba’t ibang pagkakataon) 105 Engineering
road, Araneta University Village, Malabon City. 2009.
Bernales, Rolando A. et.al. (Maunawang Pagbasa at Akademikong Pagsulat, Mutya Publishing
House, Inc. Malabon city. 2007.
Enriquez, Melissa et.al. (Pagbasa at Pagsulat) Philippine Book co. 1993.
Arrogante, Jose G. et.al. (Layunin sa Pagbasa) National Bookstore 2017.
Espina, Leticia D et.al. (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Filipino 2) Mutya
Publishing House, Inc. 2009.

You might also like