You are on page 1of 31

1

PAGKILALA SA WASTONG GAMIT NG “NG” AT “NANG” NG MGA

MAG-AARAL NA I BSIT NG PANG-ESTADONG UNIBERSIDAD

NG PANGASINAN, LINGAYEN KAMPUS

________________________________________________________________

ISANG PANANALIKSIK NA INIHARAP KAY DR. MARILOU CAYABYAB NG

LYCEUM NORTHWESTERN UNIVERSITY, INSTITUTE OF GRADUATE AND

PROFESSIONAL STUDIES

BILANG PAGTUGON SA PANGANGAILANGAN SA ASIGNATURANG MEd.

06 PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

Ipinasa ni:

JOHN MICHAEL S. SALAZAR

MAYO, 2021

2
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Med. 06

(Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik), ang pananaliksik na ito na

pinamagatang “Pagkilala sa Wastong Gamit ng “NG” at “NANG” ng mga

Mag-aaral na I BSIT ng Pang-Estadong Unibersidad ng Pangasinan,

Lingayen Kampus” ay inihanda at iniharap kay Dr. Marilou Cayabyab ng

Lyceum Northwestern University, Institute of Graduate and Professional Studies.

Inihanda ni:

JOHN MICHAEL S. SALAZAR

DR. MARILOU CAYABYAB

Propesor

3
DAHON NG PASASALAMAT

Lubos na nagpapasalamat ang mananaliksik sa mga naging bahagi ng

pag-aaral na ito. Nang dahil sa mga taong ito, naging matagumpay at maganda

ang kinalabasan ng nasabing pag-aaral:

Kay Dr. Marilou Cayabyab, propesor sa Lyceum Northwestern

University, Institute of Graduate and Professional Studies at nagsilbing tagapayo

ng mananaliksik sa pananaliksik na ito;

Kay G. Marvin Ordines, MEd Filipino sa Lyceum Northwestern University,

Institute of Graduate and Professional Studies na nagsilbing panel noong final

defense;

Sa mga mag-aaral na I BSIT ng Pang-Estadong Unibersidad ng

Pangasinan, Lingayen Kampus na nagging mga respondente ng pananaliksik na

ito;

Sa mga magulang ng mananaliksik para sa kanilang suportang

pampinansiyal;

At higit sa lahat, sa Poong Maykapal na nagbigay na sapat na kaalaman,

determinasyon, at pagpupursigi upang maging maayos ang kalalabasan ng

pananaliksik.

- Ang Mananaliksik

4
TALAAN NG NILALAMAN

Fly Leaf 1 ----------------------------------------------------------------------------------------- 1

Pahina ng Pamagat ---------------------------------------------------------------------------- 2

Dahon ng Pagpapatibay ---------------------------------------------------------------------- 3

Dahon ng Pasasalamat ----------------------------------------------------------------------- 4

Abstrak -------------------------------------------------------------------------------------------- 6

Fly Leaf 2 ----------------------------------------------------------------------------------------- 7

KABANATA I (Ang Suliranin) ---------------------------------------------------------------- 8

KABANATA 2 (Disenyo at Paraan ng Pananaliksik) ---------------------------------- 17

KABANATA 3 (Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos) -------------------- 20

KABANATA 4 (Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon) --------------------------- 24

Mga Sanggunian -------------------------------------------------------------------------------- 26

Apendiks ------------------------------------------------------------------------------------------ 27

Mga Liham -------------------------------------------------------------------------------- 27

Sampol ng Survey Questionnaire --------------------------------------------------- 29

Curriculum Vitae -------------------------------------------------------------------------

30

5
ABSTRAK

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman kung gaano kakilala ng

mga mag-aaral ang wastong gamit ng NG at NANG. Ang nasabing pananaliksik

ay gumamit ng Descriptive Survey Research Design para makalikom ng mga

datos na magdedetermina kung gaano na kakilala ng mga mag-aaral ang

wastong gamit ng NG at NANG. Ang bilang ng mga respondent ay apatnapung

(40) mga mag-aaral na I BS Information Technology ng Pang-Estadong

Unibersidad ng Pangasinan, Lingayen Kampus. Sa lumabas na resulta, nalaman

ng mananaliksik na karamihan sa mga mag-aaral/respondente ay nalilito pa rin

kung paano wastong gamitin sa pangungusap ang NG at NANG. Karamihan din

sa mga respondente ang nagsabing malaking impak ang pag-alis ng

asignaturang Filipino sa kolehiyo, partikular na ang Retorika, dahil dito itinuturo

ang wastong gamit ng mga salita.

6
7
KABANATA I

ANG SULIRANIN

INTRODUKSYON AT KALIGIRAN NG PANANALIKSIK

Ang wika ay ang pangunahing instrumento ng mga tao sa pang-araw-

araw na pakikipagtalastasan. Gamit ang wika, mabilis na nagkakaunawaan ang

mga tao sa isang lugar. Wika rin ang nagbubuklod sa mga tao at sa bansang

kanilang kinalakhan at ito rin ang nagsisilbi nilang pagkakakilanlan. Ayon kay

Constantino (2010), ang wika ang behikulo para makisangkot at makibahagi ang

tao sa mga gawaing panlipunan upang matamo ang pangangailangang

instrumental at sentimental.

Malinaw na ipinahayag ni Constantino na mahalaga ang papel na

ginagampanan ng wika sa buhay ng isang tao. Dahil sa wika, nagagawa ng

taong matugunan ang kanyang pangangailangan, personal man o panlipunan.

Nagiging instrumento rin ang wika upang maging maalam ang tao sa mga

nangyayari sa kanyang kapaligiran. Nagsisilbing behikulo ng tao ang wika upang

maiparating niya ang kanyang mensahe sa isang tao. Dahil dito, mahalaga rin na

maalam ang isang tao sa wikang kanyang ginagamit upang magamit niya ito sa

tamang paraan.

8
Ayon din kay Arocha (2016), ang wika ang maituturing na pinakamabisang

kasangkapan sa pakikipagkomunikasyon. Ang wika ay magiging sandata ng mga

tao sa pakikihamok sa mga hamon ng buhay. Ito ay binubuo ng mga titik at

simbolo na kapag pinagsama sama ay makabubuo ng mga salitang magagamit

sa pagpapahayag ng kaisipan at saloobin.

Pahayag din ni Porter (2012), isang mahalagang instrumento ang wika sa

komunikasyon. Nakasalalay ang epektibong pagkatuto at matagumpay na

paghahatid ng mga ideya sa ibang tao sa pamamagitan ng wika. Kaya naman,

kinakailangang maging mahusay ang isang indibidwal sa pagsasanay sa wika

upang magamit ito nang maayos. Inaasahan ding sa papel na ito

maipapaliwanag ang tungkuling ginagampanan ng wika sa pagkatuto sa iba’t

ibang disiplina.

Batay naman sa Utrecht Institute of Linguistics (2015), ang paggamit ng

wika sa pakikipagtalastasan ay kailangang precise o eksakto batay sa tunay na

bokabularyo para mas malinaw na maiparating ang mensahe. Nakasaad din dito

na ang kailangang maintindihan ng tagapakinig ay kung paano ginamit ang wika,

at kung ito ba ay nagamit sa tamang paraan.

Ayon din kay Surbhi (2016), ang pakikipagtalastasan at ang wika ay

minsan hindi magtugma dahil sa mga sumusunod na kadahilanan: Una, dahil sa

paggamit ng magkasalungat o hindi kompatibol na wika. Pangalawa, dahil sa

kakulangan sa kaalaman lalo kung gumagamit ng magkaibang diyalekto ang

magkausap. At pangatlo, ang timeline ng terminong ginamit lalo na sa

9
makabagong panahon kung saan umusbong ang iba’t ibang termino na tanging

piling kabataan lamang sa kasalukuyan ang nakaiintindi.

Batay naman sa isang artikulo sa The Libraries na pinamagatang

“Communication in the Real World: An Introduction to Communication Studies”,

ang wika ay ginagamit sa pagpapahayag ng obserbasyon, kaisipan, damdamin,

at pangangailangan. Nakasaad din na ang wika ay makapangyarihan kaya dapat

itong gamitin sa tamang paraan dahil magiging magulo ang pagpapahayag kung

ito ay hindi pormal at nahahaluan na ng paiba-ibang termino.

Nakasaad din sa artikulong “Effective Use of Language”, isa sa mga

paktor na nakaaapekto sa pagpapahayag ng ideya habang nakikipagtalastasan

ay ang pagiging malinaw at wastong paggamit ng wika. Ang pagpapahayag daw

gamit ang wika ay kailangang malinaw ay madaling maintindihan dahil may mga

terminong nakalilito at may mga termino ring maraming kahulugan.

Hindi na maikakaila ang katotohanan na ang wika ang instrumento at

behikulo upang magkaintindihan at makapagpalitan ng impormasyon ang mga

tao. Ngunit upang magkaintindihan at maging matagumpay ang pagpapalitan ng

impormasyon, kailangang maging malinaw, maayos, at tama ang pagkakagamit

ng tao sa wika, partikular na sa ilang mga simpleng salitang kadalasan ay

nakalilito.

Ayon kina Manansala et. al sa pananaliksik na “Wastong Paggamit ng

mga Salita ng mga Mag-aaral sa I-Tech Calapan Taong 2018-2019”, karamihan

sa hindi pagkakaunawaan ng mga tao ay bunga ng hindi maayos na paggamit ng

10
mga salita. Dahil dito, mapagtatanto talaga kung gaano kahalaga ang tamang

paggamit ng mga salita lalo na sa wikang Filipino.

Sa pananaliksik ni Bagtasos (2019) na pinamagatang “Antas ng

Kahusayan sa Wastong Gamit ng mga Salita sa Filipino ng mga Mag-aaral ng

Ikapitong Baitang”, nabanggit na upang maging matagumpay sa ang isang tao

sa pakikipag-interaskyon, kailangang maging malinaw, maayos, nauunawan at

tama ang pagkakagamit ng wika.

Sabi ng iba, hindi na mahalaga kung wasto ang pagkakagamit sa salita

basta naiparating ng tagapagbatid at naintindihan ng tagapakinig ang mensahe.

Ang hindi lang maganda sa ganitong sistema, hindi alam ng tagapagbatid kung

wasto ang naiparating na mensahe. Bukod pa rito, maaring hindi maihayag nang

maayos ng tagapagbatid ang mensaheng ipaparating.

Isa sa madalas na napagpapalitan ng mga tao, partikular ng mga mag-

aaral ang “ng” at “nang”. Bilang nagpakadalubhasa sa asignaturang Filipino,

isang malaking hamon sa mananaliksik ang hindi sapat na kaalaman ng mga

mag-aaral sa pagkakaiba ng dalawang ito. At bilang isang guro sa Filipino na

may malaking pagpapahalaga sa wikang Filipino at sa wastong paggamit ng

ibang salita nito, nahikayat ang mananaliksik na pag-aralan kung gaano nga ba

kakilala ng mga mag-aaral ang pagkakaiba ng “ng” at “nang”. Sapagkat

naniniwala rin ang mananaliksik na sa pamamagitan ng wastong paggamit sa

wika, partikular sa dalawang salitang ito, mas magiging maayos ang proseso ng

komunikasyon at maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan.

11
Ang kawastuhan sa paggamit ng mga salita ay mahalaga upang maging

wasto ang maiparating na mensahe sa kausap. Ang paggamit ng tamang salita

ay nakapagbibigay ng kaayusan, kalinawan, at kabisaan sa paksang

ipinapahayag. Kaya naman, kinakailangang angkop at tama ang ginagamit na

salita sa nais na ipahayag.

Responsibilidad ng bawat tao na pagyamanin ang kanyang kaalaman sa

wikang kanyang sinasalita at ang tamang paraan ng paggamit ng mga salitang

nakapaloob dito. Dahil naniniwala ang mananaliksik na kapag bihasa ang tao sa

paggamit ng kanyang sariling wika, maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan at

mas maipaparating nang maayos ang kanyang saloobin o nais sabihin.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman kung gaano kalalim ang

kaalaman ng mga mag-aaral sa wastong gamit ng “ng” at “nang”. Layon ng pag-

aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Gaano kalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral sa wastong paggamit ng

“ng” at “nang”?

2. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang ng mag-aaral upang maging

wasto ang paggamit nila sa “ng” at “nang”?

3. Paano nakaapekto ang pag-alis ng asignaturang Filipino, partikular ang

Retorika, sa kolehiyo sa kaalaman ng mga mag-aaral sa pagkakaiba ng

dalawang ito?

12
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Naniniwala ang mananaliksik na mahalaga ang pananaliksik na ito sa mga

sumusunod:

Sa mga respondente. Para malaman ng mga mag-aaral na tutugon sa

talatanungan kung gaano na ba kalalim ang kanilang kaalaman sa wastong

gamit ng “ng” at “nang”

Sa mananaliksik. Makatutulong ito nang malaki sa mananaliksik upang

makagawa ng aksyon para mas lumalim ang kaalaman ng kanyang mga

respondente/mag-aaral sa wastong gamit ng “ng” at “nang”

Sa mga guro sa Filipino. Magagamit nila ang aksyong gagawin ng

mananaliksik sa kanilang mag-aaral na nahihirapan din sa pagkakaiba ng

dalawang salitang ito.

Sa mga susunod pang mananaliksik. Maaaring maging gabay ng mga

susunod na mananaliksik ang pananaliksik na ito upang makakuha ng

karagdagang impormasyon sa pananaliksik ding kanyang isasagawa.

SAKLAW AT DELIMITASYON

13
Saklaw ng pag-aaral na ito ang paaralang Pang-estadong Unibersidad ng

Pangasinan, Lingayen Kampus na matatagpuan sa Alvear St. Lingayen,

lalawigan ng Pangasinan.

Bilang limitasyon, ang ginamit lamang na respondente ng mananaliksik ay

ang mga mag-aaral sa unang taon ng Bachelor of Science in Information

Technology ng nasabing unibersidad.

KAHULUGAN NG MGA TERMINOLOHIYA

Ang mga salitang ginamit sa pag-aaral na ito ay binigyang kahulugan

ayon sa kung paano ito ginamit sa pag-aaral upang madaling maintindihan. Ang

mga salitang ito ay ang mga sumusunod:

Mag-aaral na BSIT. Sila ang mga piling mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa

kursong Information Technology (IT). Sa pananaliksik na ito, sila ang mga mag-

aaral na ginamit ng mananaliksik bilang mga respondente.

Pang-estadong Unibersidad sa Pangasinan, Lingayen. Isang prestihiyosong

unibersidad sa Pangasinan na nagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa mga

mag-aaral. Sa pananaliksik na ito, ito ang ginamit ng lugar ng mananaliksik para

makahanap ng mga respondenteng sasagot sa talatanungang may kinalaman sa

kanyang isinasagawang pananaliksik.

Ng. Ito ay kadalasang ginagamit sa mga pangngalan; bilang kasunod ng pang-

uring pamilang; kapag sinasagot ang tanong na ano o paano; sa marami pang

aspeto. Sa pananaliksik na ito, ito ang isa sa salitang pinakapokus dahil ito ang

14
madalas na hindi gamay na gamitin ng ibang tao, kabilang na ang mga

respondente ng nasabing pananaliksik.

Nang. Ito naman ay kadalasang ginagamit sa gitna ng mga pandiwang inuulit;

para magsaad ng dahilan o kilos ng galaw; kapag sinasagot ang tanong na

paano; bilang kapalit ng noong, para, at upang. Isa rin ito sa salitang

pinakapokus ng pananaliksik dahil hindi rin gamay ang iba, partikular ang mga

respondente, sa tamang paggamit nito sa pangungusap.

PARADIGMA NG PAG-AARAL

AWTPUT
PROSESO
INPUT Pagbibigay ng
Pagsagot ng mga
Pagkilala ng mga konklusyon at
respondente sa
Mag-aaral sa rekomendasyon
sarbey at
Wastong Gamit ng para mas mahasa
questionnaire sa
“ng” at “nang” at makilala ng mga
pamamagitan ng
mag-aaral/respond
google form
ente ang
pagkakaiba ng “ng”
at “nang”

Ipinapakita ng paradigm ang proseso ng pananaliksik sa pamamagitan ng

pagpapakita ng input-process-output model.

15
Nakasaad sa input ang pamagat ng pananaliksik kung saan aalamin ng

mananaliksik kung gaano na nga kakilala ng mga mag-aaral/respondente ang

wastong gamit ng “ng” at “nang”

Ipinapakita naman sa proseso kung papaano mangangalap ng datos ang

mananaliksik. Gagamit ang mananaliksik ng sarbey at questionnaire sa

pamamagitan ng google form.

Sa awtput naman magaganap ang pagbibigay ng konklusyon at pagsagot

sa mga katanungang inihanda bago pa mag-umpisa ang pangangalap ng datos.

Bubuo rin ang mananaliksik ng rekomendasyon sa dulo ng pananaliksik.

16
KABANATA II

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito, tatalakayin ang pamamaraang ginamit sa pag-aaral,

ang mga respondente ng pag-aaral, mga instrumento ng pananaliksik, at tritment

ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay gagamit ng deskriptibo o palarawang disenyo.

Maraming uri ang deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mananaliksik na

gamitin ay ang Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng

talatanungan o survey questionnaires para makalikom ng mga datos na

magdedetermina sa kung gaano na kakilala ng mga mag-aaral ang wastong

gamit ng NG at NANG. Naniniwala ang mananaliksik ang angkop ang

disensyong ito para sa pag-aaral na ito sapagkat mas mapapadali ang

pangangalap ng datos.

Pagpili ng mga Kalahok o Respondente

Ang mga respondente sa nasabing pag-aaral ay ang mga mag-aaral sa

unang taon ng Bachelor of Science in Information Technology sa paaralang

17
Pang-Estadong Unibersidad ng Pangasinan, Lingayen Campus. Ang nasabing

kurso ay binubuo ng tatlong seksyon. Ang bilang ng mga mag-aaral sa seksyon

A ay 52, habang sa seksyon B naman ay 55, at 51 sa seksyon C. Pipili lamang

ang mananaliksik ng 40 na mag-aaral na bilang respondente na sasagot sa

sarbey.

Sila ang napiling respondente sapagkat napansin ng mananaliksik na

hindi pa gaanong kaalim ang kaalaman ng mga mag-aaral sa wastong gamit ng

NG at NANG. Bukod pa rito, naniniwala ang mananaliksik na sa pamamagitan ng

pag-aaral na ito, mas mahahasa ang mga respondente sa wastong gamit ng NG

at NANG na magagamit nila sa kanilang pag-aaral.

Instrumento ng Pananaliksik

Sa pananaliksik na ito, gagamit ang mananaliksik ng talatanungan o

sarbey sa pangangalap ng datos. Ngunit dahil sa kasalukuyang pandemya,

gagamit na lamang ang mananaliksik ng google forms para pasagutan sa mga

respondente ang nasabing talatanungan o sarbey.

Ang nasabing sarbey ay binubuo ng dalawang bahagi. Sa unang bahagi,

aalamin ng mananaliksik kung gaano kakilala ng mga respondente ang

pagkakaiba ng NG at NANG sa pamamagitan ng isang pagsasanay. Sa

ikalawang bahagi naman, aalamin ng mananaliksik kung ano ang opinyon ng

mga respondente sa pag-alis sa asignaturang Filipino sa kolehiyo, partikular ang

sabyek na Retorika dahil dito itinuturo ang wastong gamit ng mga salita, kabilang

ang NG at NANG.

18
Tritment ng mga Datos

Ang mga datos na makakalap ng mananaliksik mula sa mga respondente

na tutugon sa talatanungan ay ipagsasama o itatally at bibigyan ng berbal na

interpretasyon. Ang mga datos na ito ay magsisilbing kasagutan sa mga

katanungang inilahad ng pag-aaral. Ang mga makakalap na datos ay iaanalisang

mabuti at magiging gabay sa resultang ninanais ng mananaliksik.

19
KABANATA III

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pagsusuri at pagpapakahulugan ng

mga datos na nakalap tungkol sa pagkilala ng mga mag-aaral sa wastong gamit

ng NG at NANG.

Mga Katanungan

1. Gaano kalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral sa wastong paggamit ng

“ng” at “nang”?

Talahanayan 1. Pagkilala ng mga Mag-aaral sa Wastong ng NG at NANG

Sumagot Sumagot

Mga Tanong sa ng NG Bahagdan ng Bahagdan

Pagsasanay (%) NANG (%)

1.Bumili si Rex NG apat na


38 95% 2 5%
tinapay para sa kanyang anak

20
2.Pumunta NG paaralan ang
30 75% 10 25%
guro

3.Nag-aaral NANG tahimik ang


23 57.5% 17 42.5%
magkakapatid

4.Inalis NG matanda ang mga


32 80% 8 20%
nakaharang na bakod sa daan.

5.Nabasag ang salamin NG


36 90% 4 10%
bintana.

6.Nagkita kami NANG alas otso


26 65% 14 35%

7.Tumigil ang iyak ng sanggol


9 22.5% 31 77.5%
NANG bumalik ang kanyang

nanay.

8.Aalis ka NANG hindi


18 45% 22 55%
nagpapaalam?

9.Si ate ay nagluto NG


33 82.5% 7 17.5%
empanada.

10.Gawin mo NANG hindi


18 45% 22 55%
nagrereklamo.

Base sa talahanayan sa itaas ng mga nakalap na datos, masasabing hindi

pa talaga ganun kakilala ng mga respondente ang wastong gamit ng NG at

21
NANG. Kung papansin sa bilang 3, 23 sa mga respondente (57.5%) ang

sumagot ng NG habang 17 lamang (23.5%) ang sumagot ng NANG gayong ito

ang tamang sagot. Gayundin sa bilang 8, 18 sa mga respondente (45%) ang

sumagot ng NG habang 22 naman (55%) ang sumagot ng NANG (na siyang

tamang sagot).

2. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang ng mag-aaral upang maging

wasto ang paggamit nila sa “ng” at “nang”?

Talahanayan 2. Mga Dapat isaalang-alang upang maging wasto ang

paggamit ng NG at NANG

Sapat na kaalaman sa Re-


torika
16%
Kaalaman sa Pagkakaiba
nito
31%

Sapat na kaalaman sa mga


Bahagi ng Pananalita
21%

Gamit nito sa Pangungusap


32%

Kaalaman sa Pagkakaiba nito Gamit nito sa Pangungusap


Sapat na kaalaman sa mga Bahagi ng Pananalita Sapat na kaalaman sa Retorika

Base sa pie graph sa itaas ng mga nakalap na datos, 32% ng mga

respondente ang na0gsabing dapat isaalang alang sa wastong gamit ng NG at

22
NANG ay kung paano ito ginamit sa pangungusap. 31% naman ang nagsabing

dapat alam mo ng pagkakaiba nito habang 21% ang nagsabing dapat sapat ang

iyong kaalaman sa mga bahagi ng pananalita. Samantala, 16% lamang ang

sumagot na sapat sa kaalaman sa retorika ang dapat isaalang alang upang

maging wasto ang paggamit ng NG at NANG.

3. Paano nakaapekto ang pag-alis ng asignaturang Filipino, partikular ang

Retorika, sa kolehiyo sa kaalaman ng mga mag-aaral sa pagkakaiba ng

dalawang ito?

Ayon pa rin sa mga datos na nakalap, lubha raw nakaapekto ang pag-alis ng

asignaturang Filipino, partikular ang Retorika, sa kolehiyo sa kaalaman ng mga

respondente sa wastong gamit ng NG at NANG. Ilan sa kanilang mga rason ay

ang mga sumusunod:

a. Dahil sa asignaturang Retorika itinuturo ang wastong gamit ng salita,

kabilang na ang wastong gamit ng NG at NANG

b. Sapagkat karamihan sa mga kabataan ngayon ay hindi na maalam sa

iba’t ibang bahagi ng pananalita

c. Dahil inalis ang asignaturang Filipino sa kolehiyo, hindi na matututunan ng

mga susunod na henerasyon ang wastong gamit ng mga salita sa Filipino

d. Mas makadaragdag sa kalituhan ng mga mag-aaral ang pagkakaiba ng

NG at NANG lalo na ngayong wala ng asignaturang Filipino sa kolehiyo

kung saan itinuturo at mas pinapalalim ang kaalaman sa pagkakaiba nito.

23
KABANATA IV

LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng lagom, konklusyon, at

rekomendasyon sa pag-aaral na pinamagatang “Pagkilala sa Wastong Gamit ng

NG at NANG ng mga Mag-aaral na I BSIT ng Pang-Estadong Unibersidad ng

Pangasinan, Lingayen Kampus

Lagom

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin kung gaano na nga ba

kakilala ng mga mag-aaral ang wastong gamit ng NG at NANG. Nangalap ng

katunayan at datos ang mananaliksik sa pamamagitan ng pagbibigay ng

talatanungan o sarbey sa mga respondente gamit ang google forms. Ang mga

nakalap na datos ng mananaliksik ay inaalisang mabuti at ito rin ang nagsilbing

24
kasagutan sa mga gabay na katanungan na inihayag sa pagsisimula ng

pananaliksik.

Konklusyon

Bilang konklusyon ng mga nakalap na katunayan at datos, napansin ng

mananaliksik na karamihan pa rin sa mga mag-aaral ay hirap sa pag-alam kung

papaano wastong gamitin ang NG at NANG sa pangungusap. Ang ilan din sa

kanila ay nalilito sa pag-aakalang ang dalawang salitang ito ay magkatulad dahil

pareho lamang ito sa bigkas. Ang ilan naman sa kanila ay nagpokus na lamang

sa kung alin sa dalawa ang swak gamitin sa pangungusap, hindi sa pagkakabuo

ng pangungusap.

Bukod pa rito, napatunayan din ng mananaliksik na lubhang nakaapekto

sa mga mag-aaral ang pag-alis ng asignaturang Filipino sa kolehiyo – partikular

na ang Retorika dahil dito itinuturo ang wastong gamit ng salita, kabilang na ang

wastong gamit ng NG at NANG.

Rekomendasyon

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, nabuo ng mananaliksik ang mga

sumusunod na rekomendasyon:

1. Kailangang ipaalam sa mga mag-aaral na mahalagang malaman nila ang

wastong gamit ng mga salita sa Filipino upang maayos nilang mailahad at

maiparating ang nais nilang sabihin sa kapwa.

25
2. Mahalaga ring maalam sila sa pagkakaiba ng NG at NANG dahil ang

dalawang ito ay kadalasan nilang ginagamit sa pang-araw-araw na

pakikipagtalastasan.

3. Mainam ding magbasa sila nang magbasa ng mga panitikang Filipino

upang mas mapalalim ang kanilang bokabularyo patungkol sa wikang

Filipino.

4. Makabubuti rin kung patuloy nilang pag-aralan ang wikang Filipino kahit

wala na ito sa asignatura sa kolehiyo dahil ang wikang ito ang kanilang

pagkakakilalanlan at ang ginagamit nilang wika sa

pakikipagkomunikasyon sa kapwa.

MGA SANGGUNIAN

Manansala, Marc Aaroon et. al., Wastong Paggamit ng mga Salita ng mga Mag-
aaral sa I-Tech Calapan Taong 2018-2019

Ayon, Aerol John et. al., Isang Pag-aaral sa Antas ng Kaalaman ng mga Mag-
aaral sa Baitang 11 ng General Academic Strand sa Wastong Paggamit ng
Wikang Filipino ng Our Lady of Fatima University sa Kasanayan sa
Pakikipagtalastasan (2019)

Ibay, Ray Mark, Kakayahan ng mga Guro sa Filipino: Susi sa Pagpapayaman ng


Kaalaman sa Gramatika ng mga Mag-aaral (2021)

Baldon, Jomar et. al., Wikang Filipino sa Makabagong Panahon (2014)

https://www.academia.edu/38878530/
Isang_Pag_aaral_sa_Antas_ng_Kaalaman_ng_mga_Mag_aaral_sa_Baitang_11
_ng_General_Academic_Strand_sa_Wastong_Paggamit_ng_Wikang_Filipinong
_Our_Lady_of_Fatima_University_sa_Kasanayan_sa_Pakikipagtalastasan

https://www.basicknowledge101.com/subjects/languages.html

26
https://philnews.ph/2019/07/17/ng-at-nang-kaibahan-wastong-paggamit-ng-ng-at-
nang/

https://www.slideshare.net/BryanneMas/ano-ang-wika

https://www.slideshare.net/thaddeussoria/kahulugan-at-kahalagahan-ng-wika

https://filipinojournal.com/gaano-nga-ba-kahalaga-ang-tamang-paggamit-ng-
wika/

https://samutsamot.files.wordpress.com/2014/09/ang-wastong-paggamit-ng-ng-
at-nang.pdf

APENDIKS

A. Mga Liham

Dr. Lorna G. Urbiztondo

Ehekutibong Direktor

Pang-Estadong Unibersidad ng Pangasinan, Lingayen Kampus

Madam:

Maligayang araw! Ako si John Michael S. Salazar, MEd Filipino sa Lyceum

Northwestern University. Bilang pagtugon sa aking asignaturang Pagbasa at

Pagsulat tungo sa Pananaliksik, ako po ay nagsasawa ng isang pananaliksik na

may pamagat na “Pagkilala sa Wastong Gamit ng NG at NANG ng mga Mag-

27
aaral na I BSIT ng Pang-Estadong Unibersidad ng Pangasinan, Lingayen

Kampus”.

Kaugnay nito, hinihingi ko po ang inyong pahintulot na payagang magbigay ng

talatanungan o sarbey sa inyong mga mag-aaral na I BSIT upang makalikom ng

datos na kinakailangan sa aking isinasagawang pag-aaral.

Inaasahan ko po ang inyong tugon sa liham na ito. Maraming salamat.

JOHN MICHAEL S. SALAZAR

Mananaliksik

Mga Respondente:

Maalab na pagbati!

Maligayang araw! Ako si John Michael S. Salazar, MEd Filipino sa Lyceum

Northwestern University. Bilang pagtugon sa aking asignaturang Pagbasa at

Pagsulat tungo sa Pananaliksik, ako po ay nagsasawa ng isang pananaliksik na

may pamagat na “Pagkilala sa Wastong Gamit ng NG at NANG ng mga Mag-

aaral na I BSIT ng Pang-Estadong Unibersidad ng Pangasinan, Lingayen

Kampus”.

Kaugnay nito, nais ko sanang hingin ang inyong pakikiisa sa pamamagitan ng

pagsagot sa talatanungan o sarbey gamit ang google forms. Ipapadala ko na

28
lamang sa inyong kanya-kanyang messenger account ang link ng nasabing

sarbey.

Maraming salamat sa inyong oras.

JOHN MICHAEL S. SALAZAR

Mananaliksik

B. Sampol ng Survey Questionnaire

Pangalan:

Kurso at Seksyon:

A. Panuto: Piliin kung NG o NANG ang wastong gamitin para sa mga


sumusunod na pangungusap:

1. Bumili si Rex ___ apat na tinapay para sa kanyang anak

2. Pumunta ___ paaralan ang guro.

3. Nag-aaral ____ tahimik ang magkakapatid

4. Inalis ____ matanda ang mga nakaharang na bakod sa daan.

5. Nabasag ang salamin ___ bintana.

6. Nagkita kami ____ alas otso

29
7. Tumigil ang iyak ng sanggol ____ bumalik ang kanyang nanay.

8. Aalis ka ____ hindi nagpapaalam?

9. Si ate ay nagluto ___ empanada.

10. Gawin mo ____ hindi nagrereklamo.

B. Sa iyong palagay, ano ang dapat mong isaalang-alang para wasto mong
magamit ang NG at NANG?

a. Kaalaman sa pagkakaiba nito

b. Kung paano ito ginamit sa pangungusap

c. Sapat na kaalaman sa mga bahagi ng pananalita

d. Sapat na kaalaman sa retorika

C. Nakaapekto ba ang pag-alis ng asignaturang Filipino, partikular ang Retorika


sa iyong kaalaman sa wastong gamit ng NG at NANG? Kung OO ang sagot,
paano ito nakaapeko?

C. Curriculum Vitae:

SALAZAR, JOHN MICHAEL S.


#264 Lomboy, Binmaley, Pangasinan
Contact No.: 0909-057-7808 / 0995-812-3243
Email Address: johnmichaelsalazar626@gmail.com

PERSONAL INFORMATION

Date of Birth : July 06, 1997


Age : 23 years’ old
Place of birth : Diliman, Quezon City
Gender : Male
Religion : Roman Catholic
Nationality : Filipino
Civil Status : Single
Height : 5’5”
Weight : 57 kg.

30
EDUCATIONAL ATTAINMENT

Graduate School : LYCEUM NORTHWESTERN UNIVERSITY


: Dagupan City
: Masters in Education major in FILIPINO
: 2019- present

Tertiary Education : PANGASINAN STATE UNIVERSITY


: Alvear St., Lingayen, Pangasinan
: Bachelor of Secondary Education major in FILIPINO
: S.Y 2013-2017

Secondary Education : DULAG NATIONAL HIGH SCHOOL


: Dulag, Binmaley, Pangasinan
: S.Y 2009- 2013

Elementary Education : LOMBOY ELEMENTARY SCHOOL


: Lomboy, Binmaley, Pangasinan
: S.Y 2003-2009

JOHN MICHAEL S. SALAZAR

31

You might also like