You are on page 1of 14

MGA KAMALIAN AT KAHINAAN NG

MGA MAG-AARAL NA DI TAGALOG


SA PASULAT NA
PAKIKIPAGTALASTASAN: ISANG
PAGSUSURI AT MGA MUNGKAHING
SOLUSYON

Florante c. Garcia, PhD, Diosa N. Morong PhD


MGA SULIRANIN
Naging layunin ng pag-aaral na mabigyang solusyon ang
sumusunod na mga suliranin:
1. Ano-ano ang kapuna-punang kamalian at kahinaan ng
mga mag-aaral na di Tagalog batay sa sumusunod:
1.1 ispeling
1.2 leksikon/bokabularyo
1.3 gramatika
2. Ano ang maidudulot ng sumusunod na mga mungkahing
solusyon sa pagwawasto ng mga kamalian at kahinaan sa
pagsulat ng mga mag-aaral:
2.1 pagkritik sa pagsulat
2.2 configuration clue
2.3 word wall
2.4 structural analysis
2.5 written convesation
3. Paano nakatutulong sa pagpapabuti ng kakayahan sa
pagsulat ng mga mag-aaral na di Tagalog ang mga
mungkahing solusyon?

4. Ano ang maaaring maging bunga sa literal na


pagkasangkapan ng mga mungkahing solusyon sa
pagwawasto ng mga suliranin sa pasulat na
pakikipagtalastasan?
BUOD NG NATUKLASAN

1. Ang mga naging kapuna-punang kahinaan at kamalian


ng mga di Tagalog na mag-aaral ay ang sumusunod:
a. Sa ispeling, ang malimit na suliranin ay ang
pagpapalitan ng ponema na /e/ at /i/ at /u/. Mayroon ding
mga pagkakasulat sa mga salitang tinumbasan ng
pinakamalapit na kaanyuan.
b. Ang di magkakatugmang konseptuwalisasyon at
ekspresyon at maling paglalapi na nagpapabago sa
kahulugan ng mga suliranin sa leksikon.
c. Tatlong aspekto ng gramatika ang naging kahinaan
ng mga mag-aaral kabilang na ang morpolohiya, sintaks, at
semantikan.
2. Ang mga mungkahing solusyon ay nagdulot ng
sumusunod na mga benepisyo:
a. Pag-kritik sa pagsulat ang iminumungkahi upang
mapalawak ang oportunidad ng mag-aaral sa pagsulat,
maging mabisang kritiko, at mapaunlad ang kritikal na mata
sa pagpapahalaga.
b. Ang hugis ang siyang estimulong pampag-iisip ng
mag-aaral sa pagdulog na ginagamitan ng configuration
clue, pinahuhusay nito ang kasanayan sa ortograpiya.
c. Naglalaan ang word wall ng multiple exposure sa
iba't ibang antas, anyo, at kayarian ng wika na higit na
magbibigay-kabuluhan sa akda.
d. Suliranin sa paglalapi at pagpapakahulugan ang
binibigyang-tugon ng dulog na structural clue.
e. Kasiguruhan sa partisipasyon at pagkaunawa ang
nilayong ibahagi ng written conversation.
4. Ang mga mungkahing solusyon sa pangkalahatan ay
nakatutulong upang makapaglatag ng hinuha, bumuo ng
ugnayan, lapatan ng personal na koneksiyon, maging
mapagtanong, at matulungang kilalanin ang kamalian at
konsistensi sa gamit ng wika.
5. Sa aspekto ng literasi ay naisakatuparan ang mga
mungkahing solusyon, ang pagpapakilos ng kaisipan upang
ang mga ideyang lantay at hindi namamalayan at
mapaunlad at maibahagi.
MGA KONKLUSYON

1. Ang mga mag-aaral na di Tagalog ay may kapuna-


punang kamalian sa aspekto ng ispelling - partikular sa
gamit ng o/u at e/. Gayundin ng maling paglilipat ng mga
kaisipan sa papel. Ang mga suliranin sa leksikon ay
nauugnay sa maling paglalapat ng salita sa kahulugan at
maling paglalaping nagdudulot sa pagbabago ng
kahulugan.
2. Ang benepisyo ng mga mungkahing solusyon ay ang
pagpapataas ng kamalayan,pagiging bukas ng isipan,
partisipasyon at husay sa kritisismo at panunuri.
3. Maraming bisang pangkaisipan ang idinudulot ng mga
iminumungkahing kaisipan sa pagpapahayag ng mga mag-
aaral lalo sa aspekto ng pagsulat.

4. Nagiging mabisang kasangkapan sa literasi ang


pagkasangkapan ng mga mungkahing solusyon sapagkat
nakatutulong ito na maangkin ng mag-aaral ang
competency at impormasyon sa mabisang pagsulat.
MGA REKOMENDASYON

Batid ng mga mananaliksik na hindi lamang umiikot sa


variant ng lahi, wika, kasanayan, at pamamaraan ng
naglalahad ang mga suliranin ng ilang mag-aaral. Dahil dito
ay iminumungkahi ang sumusunod:
1. Adaptasyon at pagpapalawak pa ng sakop na paksa ng
mga pagdulog, lalo ng paki-kritik at pakikipag-usap na
pasulat upang matuto ang mag-aaral ng pakikisama at
pagkilatis nang masining.
2. Intergrasyon ng mga mungkahi sa iba pang aralin at
asignatura na mahalaga ang mabulas na kaban ng salita at
mahusay na kasanayan sa pagsulat.

3. Paglalapat ng mga mungkahi sa kurikulum at mga


pamamaraang pampagtuturo mula antas primarya
hanggang tersyarya.

You might also like