You are on page 1of 33

SHANNE I-D ROSALIN SAGRADO

ANG MGA MALING PAGBABAYBAY SA PAGSULAT NA PARAAN NG MGA

MAG-AARAL NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG

IMPASUGONG

Introduksiyon

Ang gabay sa ortograpiya o palatitikan ng wikang Filipino ay binubuo ng

mga tuntunin kung paano sumulat gamit ang wikang Filipino. Hinango ang mga

tuntunin sa mga umiiral na kalakaran sa paggamit ng Wikang Pambansa, bukod sa

napagkasunduang mga tuntunin, bunga ng mga forum at konsultasyon, hinggil sa

mga kontrobersiyal na usapin sa ispeling. (Almario,2014)

Ang pagsulat ay isa sa mga uri ng Makrong Kasanayang pangwika, at ayon

kay Sauco, et al. (1998) ito ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang

maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at

ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang

kaisipan. Isang paraan ng pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at kaalaman

ang pagsulat katulad ng pagsasalita at mga titik na simbolong ginagamit ng

manunulat upang makapagpahayag. Inilahad ni Arrogante (2000) ang mga

kahalagahan ng pagsulat, isa dito ang kahalagahang Panterapyutika na kung saan

ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas lamang

ang nasa kalooban may babasa man o wala. Gumagaan ang kanilang pakiramdam

pagkatapos makapagsulat.Sa pagsulat ng teksto ay nagsisimula ito sa isang

blankong papel patungo sa isang kumpletong sulatin. Kaya lang, nagkakaroon ng

1
suliranin kung paano sumulat ng tamang sanaysay at paano ang tamang

pagbabaybay ng mga salita upang makabuo nang mahusay na talata.

Noong nakadestiyero si Jose Rizal sa Dapitan, sinulat niya ang Estudios sobre

la lengua tagala na nalathala noong 1899. Kasáma sa mga panukala niyang reporma

sa ortograpiyang Tagalog ang alpabetong may limang patinig at labinlimang katinig.

Ang mga titik na ito ang naging batayan ng abakada na binuo ni Lope K. Santos

nang kaniyang sulatin ang Balarila (nalathala, 1940). Idinagdag sa orihinal na mga

titik ng baybáyin ang katinig na R at ginawang lima ang patinig: A, E, I, O, U kayâ

dalawampu (20) ang mga titik ng lumaganap na abakada hanggang sa panahong

tinatawag ang Wikang Pambansa na wikang Pilipino. Nakahanay ang mga ito sa

sumusunod na paraan: A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG, O, P, R, S, T, U, W, Y. Sa

pagbása ng mga titik, ang mga katinig ay binibigkas nang may kasámang patinig na

A, gaya ng sumusunod: /A/, /Ba/, /Ka/, /Da/, /E/, /Ga/, /Ha/, /I/, /La/,

/Ma/, /Na/, /Nga/, /O/, /Pa/, /Ra/, /Sa/, /Ta/, /U/, /Wa/, /Ya/.

(Almario,2014)

Noong 1890 ay naipahayag na ni Rizal sa kaniyang panukalang reporma sa

ortograpiyang Tagalog na kailangan itong “maging agpang sa diwa ng ating wika at

ng mga kapatid na wika nitó” at higit sa lahat, para “mapagaan ang pag-aaral nitó.”

Ang ibig sabihin, lumilikha ng mga tuntunin ang estandardisasyon tungo sa higit na

mabisàng pagtuturo ng pagsulat. Ang ibig sabihin pa, inaalis ng mga tuntunin ang

hindi kailangang lumang tuntunin at hindi kailangang baryasyon para higit na

madalîng gamitin ang ortograpiya. Isiniwalat rin nina Zafra at Galileo (2005) na ang

ortagrapiya ang tawag sa paraan ng pagbibigay simbolo sa wikang pasalita sa

pamamagitan ng paraang pasulat. Sa 2013 forum, pinagtibay din ang pagpapalabas

2
ng isang alpabetong ponetiko upang makapatnubay pa sa paggamit ng wika.

(Holms, 2013)

Sa pangkalahatan, natutupad pa rin ang payak na tuntuning “Kung ano ang

bigkas, siyáng sulat” sa pagbaybay na pasulat. Siyempre, hindi ito nasusunod sa

mga na isang pagpapaikli sa lumang anyo nitóng “manga” at ginagamit noon

hanggang sa bungad ng ika-20 siglo. Mahalaga ring pag-aralan kung kailan

ginagamit ang maikling ng at ang mahabàng nang, isang tuntuning pinairal mulang

Balarila at bumago sa ugali noong panahon ng Espanyol na mahabàng “nang” lagi

ang isinusulat.( Almario,2014)

Hindi matatawaran ang pagiging malikhain ng mga Pilipino sa maraming

bagay. Kabilang na rito ang pagbuo ng mga tao ng umuusbong na mga salitang

balbal o kolokyal sa kasalukuyang panahon. Lalabas lamang dito mauulit nang

mauulit ang palasak nang sinasabi ng ilan na ang wika ay daynamik at nagiging

dahilan pa ng pag-unlad nito. Ngunit dapat malaman ng lahat ang Pilipino ang

konteksto ng pag-unlad na ito ng wika. Hindî maikakailang ang Filipino ay isa

ngang mahirap na asignatura. Maraming bagay o mga paksa hinggil dito ang

kailangang pag-aralan sa mahabang panahon bago masabi ng isang Pilipinong siya

ay bihasa sa wikang Filipino.

Sa pagyabong ng makabagong panahon ay unti-unti na ring nakakaligtaan ng

mga mag-aaral ang tamang pagbaybay ng mga salita na nagdudulot nang kamalian

sa pagsulat ng kanilang mga gawaing papel. Ayon kay Treiman (1993), natagpuan

na ang 22% ng mga unang-grado ng mga mag-aaral ang mga maling pagbaybay ng

pantig sa mga salita. Dahil na rin sa makabagong teknolohiya, isa sa mga dahilan ng

3
kamalian sa pagbaybay ay nasasanay na ang mga kabataan sa pagtetext na minsan

ay ginagamitan ng maling pagbaybay o ispeling para mas mapadali ang kanilang

pagbigay ng mensahe. Sinabi ni dating Department of Education, Culture and Sports

Secretary Raul Roco sa isang panayam na maaaring maging dahilan ng pagbagsak

ng isang estudyante sa mga simpleng araling tulad ng ispeling at grammar ang istilo

ng mga salitang ginagamit sa text.

Kailangang pagtuunan ng pansin ang pagbaybay ng mga mag-aaral sa

kanilang mga gawaing papel upang mas maayos na maipahatid nila ang kanilang

mga kaalaman. Isang hakbang ito para mas mapaunlad pa ang wikang Filipino sa

kasalukuyan at sa darating pang panahon.

Layunin ng pag-aaral

Ang pangunahing suliranin sa pag-aaral na ito ay mga maling nagagawa ng

mga mag-aaral ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Impasugong sa kanilang

pagbaybay lalo na sa kanilang paraan ng pagsulat. Malaking suliranin din ng mga

guro sa Filipino kung paano nila matutulungan ang mga mag-aaral na mapabuti ang

kanilang pagbaybay sa pagsulat.

Ang pananaliksik ay naglalayong mabigyan ng kasagutan ang sumusunod na

tanong:

4
1. Ano-ano ang mga maling baybay na umusbong sa pasulat na awtput ng mga

mag-aaral ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Impasugong?

Kahalagahan ng pag-aaral

Ang layunin sa pag-aaral na ito ay matukoy ang mga maling baybay na

nagagawa ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Impasugong sa

kanilang pasulat na mga awtput. Dahil dito, ang mananaliksik ay naniniwalang

malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito at lubos na pakikinabangan ng mga

sumusunod:

Komisyon sa Wikang Filipino o KWF. Mabibigyan sila ng ideya bilang pamunuang

nagtataguyod ng isang masinop na pasulat na Filipino tungkol sa mga maling

madalas na matagpuan sa balarila ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral

na ito, makagagawa sila ng karampatang aksiyon upang malunasan ang mga maling

nagagawa ng mga Pilipinong gumagamit sa wikang Filipino.

Mga guro sa Filipino. Bilang katuwang ng KWF sa pagbabatid ng mga kaalamang

pambalarila, ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sa mga gurong nagtuturo

ng asignaturang Filipino lalo na sa pagwawasto ng mga maling pagbaybay ng

kanilang mga mag-aaral. Bilang mga guro sa Filipino, nararapat lamang na sila ay

maalam pagdating sa mga tuntuning pambalarila upang magabayan ang mga mag-

aaral sa kanilang masinnop na pagsusular.

5
Mga mag-aaral. Malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito sa mga mag-aaral upang

malaman ang mga maling pagbaybay na madalas nilang magawa sa kanilang mga

awtput. Mawawasto rin nila ang kanilang kamalian sa paggamit ng baybay sa

kanilang sariling mga awtput gamit ang tamang mga tuntuning pambalarila.

Saklaw at delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang mga maling baybay sa

pasulat na awtput ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralang Pambansa ng

Impasugong. Saklaw nito ang mga ipinasang awtput ng bawat mag-aaral sa ika-10

baitang ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Impasugong na nasa anyong patalata

tulad ng sanaysay. Ang mga mag-aaral lamang sa ika-10 baitang ang sakop ng pag-

aaral na ito dahil nais malaman ng mananaliksik ang antas ng kanilang kaalaman at

kahandaan sa balarila bago pa sila tumuntong sa Senior High School. Nais rin

malaman ng mananaliksik ang mga kamalain sa pagbabaybay na umusbong sa mga

pasulat na awtput ng mga mag-aaral.

6
Depinisyon ng Terminolohiya

Baybay. Katutubong paraan ng pagsulat.(Almario,2014)

Ortograpiya. Tawag sa paraan ng pagbibigay simbolo sa wikang pasalita sa

pamamagitan ng paraang pasulat. (Zafra at Galileo,2005)

7
Mga Kaugnay na Literatura

Ang kasaysayan ng ortograpiya ng wikang Filipino ay maaaring ugatin mula

sa sinaunang panahong gumagamit ang mga Filipino ng katutubong paraan ng

pagsulat na tinatawag na baybáyin. Sa ulat ng mga misyonerong Espanyol,

nadatnan niláng 100 porsiyentong letrado ang mga Tagalog at marunong sumulat at

bumása sa baybáyin ang matanda’t kabataan, laláki man o babae. Dahil sa

pangyayaring ito, kailangan niláng ilimbag ang unang aklat sa Filipinas, ang

Doctrina Christiana (1593), nang may bersiyon ng mga dasal at tuntuning Kristiyano

sa paraang baybáyin. Sa gayon, ang libro ay binubuo ng mga tekstong Espanyol at

may salin sa Tagalog, nakalimbag ang tekstong Espanyol at Tagalog sa alpabetong

Romano ngunit inilimbag din ang tekstong salin sa baybáyin. Nakahudyat na rin sa

libro ang isinagawang Romanisasyon ng palatitikang Filipino sa buong panahon ng

kolonyalismong Espanyol.(Almario,2014)

Isinagawa ng Surian ng Wikang Pambansa (Linangin ng mga Wika sa

Pilipinas na ngayon) ang pagreporma sa alpabeto at sa mga tuntunin ng

palabaybayang Filipino upang maiayon ito sa itinatadhana ng Konstitusyon ng 1987

hinggil sa patuloy na pagpapayabong at pagpapayaman ng Filipino bilang

pambansa at pampamahalaang wika at bilang pagtugon na rin sa mabilis na

pagbabago, pag-unlad at paglaganap ng wikang pambansa.

Ang Alfabetong Filipino na ipinahayag sa Revisyon ng Alfabeto at Patnubay

sa Ispeling ng Wikang Filipino (Komisyon sa Wikang Filipino,2001) ay binubuo ng

28 letra.Sa 28-letrang ito ng alfabeto, 20 letra ang nasa dating ABAKADA, at 8 letra

8
ang dagdag ditto na galing sa mga umiiral na wika ng Pilipinas at sa iba pang mga

wika.

May mga tuntunin na dapat isa alang-alang at sundin sa Panlahat sa Ispeling

o Pagbaybay. Ang una ay ang Pasalitang Pagbaybay na ang ibig sabihin ay isa-isang

pagbigkas sa maayos na pagkasunod-sunod ng mga letrang bumubuo sa isang

salita, pantig,daglat,akronim,inisyal, simbolong pang-aghan, at iba pa.Ang Pasulat

na Pagbaybay ay manatili ang isa-sa-isang tumbasan ng tunog at letra sa pasulat na

pagbaybay ng mga salita sa wikang Filipino. Gayon pa man, may tiyak na tuntunin

sa pagpapaluwag ng gamit saw along dagdag na letra.Ang tuntunin na Panghihiram

ay isang realidad na ang pangangailangan ng wikang Filipino na manghiram sa

Ingles, Kastila at iba pang wika para matugunan ang malawakang pagpasok ng mga

bagong kultural na aytem at mga bagong konsepto na dala ng modernisasyon at

teknolohiya.Idagdag pa na ang karaniwang Pilipino ay nagpapalit-wika at malayang

nanghihiram ng mga salita anumang varayti ng wika ang ginagamit,pasalita man o

pasulat.

Ayon sa KWF Manwal na Masinop na Pagsulat,ginagamit ang walong

dagdag na titik sa mga bagong hiram na salita mulang Espanyol, Ingles, at ibang

wikang banyaga. Tandaan: mga bagong hiram. Ang ibig sabihin, hindi kailangang

ibalik sa orihinal na anyo ang mga hiram na salitang lumaganap na sa baybay ng

mga ito alinsunod sa abakada. Halimbawa, hindi dapat ibalik ang F ng orihinal na

forma sa Espanyol dahil ginagamit nang matagal ang pórma pati ang mga

deribatibo nitóng pormál, impormál, pormalísmo, pormalidád, depormidád, atbp.

Hindi rin dapat ibalik ang pírma sa firma, ang bintanà sa ventana, ang kálye sa calle,

9
ang tséke sa cheque, ang pinyá sa piña, ang hamón sa jamon, ang eksisténsiyá sa

existencia, ang sapátos sa zapatos.

Hindi pigilin ang pagbaybay paabakada sa mga idinadagdag ngayong salita

mulang Espanyol. Maituturing na bagong hiram ang mga salita na hindi pa

matatagpuan sa dalawang binanggit na diksiyonaryo sa seksiyong.Halimbawa,

maaaring hiramin nang buo at walang pagbabago ang fútbol, fertíl, fósil, vísa,

vertebrá, zígzag. Samantala, dahil sa walong dagdag na titik, maraming salita

mulang Ingles ang maaaring hiramin nang hindi nangangailangan ng pagbago sa

ispeling, gaya ng fern, fólder, jam, jar, lével (na hindi dapat bigkasing mabilis

—“lebél”—gaya ng ginagawa ng mga nag-aakalang isa itong salitang Espanyol),

énvoy, devélop, ziggúrat, zip.

Gayunman, mapapansin sa mga binanggit na halimbawa ng bagong hiram na

salita na hindi pa ginagamit ang lahat ng dagdag na titik. Walang halimbawa ng

hiram na salita na may mga titik C, Ñ, Q, at X.Isang magandang simulaing

pangwika mula sa baybáyin hanggang abakada ang pangyayaring iisang tunog ang

kinakatawan ng bawat titik. Sa kaso ng C, problema ang pangyayari na may

dalawang paraan ito ng pagbigkas na maaaring katawanin ng K o S. Halimbawa, K

ang tunog nitó sa unang titik ng coche (kótse) ngunit S naman ang tunog sa unang

titik ng ciudad (siyudád). Sa kaso ng Ñ, napakalimitado kahit sa Espanyol ang mga

salita na nagtataglay ng titik na ito. Ang ilang salitang pumasok na sa Filipino ay

natapatan na ng NY, gaya sa dónya (doña), pinyá (piña), bányo (baño).

Sa kaso naman ng Q at X, may palagay na hindi isahang tunog ang mga

nabanggit na titik—nagiging kw o ky ang Q at ks ang X. Sa gayon, ginagamit

10
lámang ang mga ito sa mga pangngalang pantangi (Quintos, Xerxes) at katawagang

teknikal at pang-agham (Q clearance, X-ray). Kapag humiram ng pangngalang

pambalana at nais ireispel, ang ginagamit noon pa sa paabakadang pagsulat ay ang

katumbas ng tunog ng Q at X. Ang Q ay nagiging K sa mulang Espanyol na késo

(queso) at KW sa mulang Ingles na kwit (quit) o KY bárbikyú (barbeque). Ang X

naman ay tinatapatan noon pa ng KS gaya sa ékstra (extra).Ayon sa palabaybayang

Filipino na ang karaniwang salitang hiram sa Kastila ay ang 11 letrang nabanggit ay

tinutumbasan ng mga letrang nasa 20 letra ng abakada.

Batay sa Makabagong Balarilang Filipino nina Santiago at Tiangco (1991), ang

Filipino ay may 21 ponema- 16 sa mga ito ang katinig at 5 naman ang patinig. Ang

mga katinig ay /p,t,k,?,b,d,g,m,n,ng,s,h,r,w,y/ at ang mga patinig ay /i,e,a,o,u/.

Sapagkat konsistent ang palabaybayang Filipino na ang ibig sabihin ay may isa-sa-

isang pagtutumbasan ang ponema at ang letra o titik na kumakatawan dito, lahat ng

simbolong ginagamit na mga letra sa palabaybayan.

Ang pantig ay binubuo ng isang salita o bahagi ng isang salita na binibigkas

sa pamamgitan ng isang walang antalang bugso ng tinig. Bawat pantig sa Filipino ay

may patinig na kalimitan ay may kakabit na katinig o mga katinig sa unahan, sa

hulihan o sa magkabila. Maraming tuntunin rin ang dapat sundin sa pagpapantig;

Una, Hindi maaaring magkaroon ng dalawa o higit pang pantinig sa isang pantig.

Bawat isa sa nagkakasunod na patinig, magkatulad man o hindi, ay dapat ibilang na

isang pantig. Halimbawa: i-i-yak, i-a-a-lis, ba-o. Pangalawa, Kung nagkakasunod

ang dalawang katinig, ang una’y ipinapantig sa patinig na sinusundan at ang

ikalawa’y sa patinig na sumusunod.Halimbawa: ban-sa, kam-pa-na, sob-re. Ngunit

lagging tandaan na ang digrapong ng ay ibinibilang ng isang letra lamang o isang

11
katinig hindi dalawa. Kaya’t ang salitang nangunguna, halimbawa, ay hindi sakop ng

tuntuning ito. Ang tamang pagpapantig sa salitang ito ay na-ngu-ngu-na. Pangatlo,

hindi maaaring magkaroon ng higit sa dalawang katinig sa unahan o sa hulihan ng

pantig. Sa ibang salita, maaari ang wala, maaari ang isa o dalawa. Halimbawa: trans-

por-mas-yon.

Sa pagsulat ng isang maayos na talata o pangungusap ay dapat isaisip ang

pagkakabuo ng tamang salita. Isiniwalat nina Santiago at Taingco na ang pag-aaral

ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo

ng salita ay tinatawag na morpolohiya. Ang morpema ay ang pinakamaliit nay unit

ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Ang ibig sabihin ng pinakamaliit na

yunit ay yunit na hindi na maaari pang mahati nang hindi masisira ang kahulugan

nito. May tatlong Anyo ng Morpema; Ang morpemang binubuo ng panlapi,Ang

morpemang binubuo ng salitang ugat, at ang morpemang binubuo ng isang

ponema.

Ang isang morpema ay maaaring magbago ng anyo dahil sa impluwensiya

ng kaligiran kung minsan ay nakakaligtaan sa pagsulat ng tamang baybay ng mga

salita. Ang morpemang [pang-] ay may tatlong anyo na tinatawag na alomorp;

[pang-], [pam-], at [pan-]. Bawat alomorp ay may sariling distribusyon.Ginagamit

ang alomorp na [pang-] kung an inuunlapiang salita ay nagsisimula sa alinman sa

mga ponemang patinig na /i,e,a,o,u/ o alinman sa mga ponemang katinig na

/k,g,h,m,n,w,y/; ginagamit ang [pam-] kung ang inuunlapiang salita ay nagsisimula

sa /b/ o /p/, at ginagamit naman ang [pan-] kung ang salitang inuunlapian ay

nagsisimula sa alinman sa /d,l,r,s,t/.

12
Sa pagsusuri ng palabaybayang Filipino kailangan ay nakasunod ito sa mga

tuntunin upang makapaghatid ng maayos na kaalaman.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Batay sa pag-aaral ni Allan Ortiza na “Mga Suliranin ng mga Mag-aaral sa

Ikawalong Baitang sa Pagsulat ng Sanaysay na Sulatin” ay natuklasan niya na ang

pagsulat ng sulatin ay isang kasanayan sa asignaturang Filipino na nililinang bilang

kompetensi sa K to 12 kurikulum. Sa paglipas ng ilang taon ay napansin ng

mananaliksik na may suliranin ang mga mag-aaral sa pagsulat ng sulatin. Ang

suliranin sa sulatin ay nabatid sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral.

Gayundin, malaman ang epektibong estratehiya na makatutugon upang matugunan

ang suliraning umiiral sa pagsulat ng sanaysay, bilang sulatin, sa asignaturang

Filipino. Sa pag-aaral, malaking bahagdan ng mga mag-aaral ang may suliranin sa

nilalaman, organisasyon, higit sa talasalitaan, wika, at mekaniks. Ginamit ang

process approach sa pagtuturo ng sulatin gamit ang Second Language Composition

Profile ni Hughey. Bilang resulta, Sa mga pangkat na isinagawa ng process approach

Ang Compostela Valley sa kanilang burador ay may 86.60% patungong 87.95% sa

pinal na sulatin, Davao Del Norte na may 80.71% sa burador patungong 87.66% sa

pinal na sulatin, Davao Oriental na may 81.63% sa burador patungong 88.2% sa

pinal na sulatin, Sarangani na may 84.75% sa burador patungong 91.47% sa pinal na

sulatin, at South Cotabato na may 83.75% sa burador patungong 91.47% sa pinal na

sulatin. Sa kabuoan may 83.52% sa burador patungong 89.41% sa pinal na sulatin.

Naging mas epektibo sa pangkat ng Sarangani at South Cotabato ang paggamit ng

process approach dahil sa mga resultang lumabas mula sa pag-aaral. Naging

matagumpay ang paggamit ng process approach upang matugunan ang suliranin sa

13
pagsulat ng sulatin ng mga mag-aaral sa ikawalong baitang. Ito ay nararapat

magamit ng mga guro upang magkaroon ng mastery ang mga mag-aaral sa mga

kasanayan sa pagsulat na kung saan nakaliligtaan na sa kasalukuyan.

Sa pag-aaral ni Ignacio at Concepcion ay pinatutunayang ang process

approach ay mabisang pagdulog upang makamit ang inaasahang kasanayan sa

pagsulat ng mga mag-aaral sa lahat ng antas maging kahinaan at kalakasan ng

bawat mag-aaral sa pagsulat. Ito ay mabisang gabay sa mga mag-aaral sa pagsulat at

pagtuturo ng mga guro.Pinaniniwalaan ni Soledad Francisco (1991) na ang

kaalaman at kasanayan sa pagsusulat ay maaring bunga ng maagang paglinang nito

sa bawat indibidwal ng ito ay nasa elementary pa lamang. Ito ay kanyang inilahad

sa kanyang pag-aaral na may pamagat na “Acquisition of Discourse Skills in Written

Narratives of Filipino Students.” Pinagtitibay ng pag-aaral na ito na may baytang ng

pag-unlad sa pagkamit ng kakayahan sa pagsulat na makikita sa natural na proseso.

May sistematikong pamamaraan sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat at ito ay

naiimpluwensiyahan ng antas ng kanilang gulang. Malinaw na ibinabahagi ng

pagaaral na ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ay dumaraan sa mga

yugto ng pag-unlad ng pagkaunawa, proseso batay sa kanilang antas ng pagkatuto,

edad, at impluwensya. Nagiging mahalag ang gampanin ng guro sa mga yugtong

ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na pagsasanay sa pagsulat upang

maiugnay ang sarili na humahantong sa pagkatiwala sa sarili sa pagsulat.

Rekomendasyon ni Francisco na makalikha ng kalagayan sa silid-aralan na

makahihikayat sa bawat mag-aaral na magsalita at sumulat

Sa isinulat ni Prof. Ramades M. Doctor na may pamagat na “Teacher

Education Curricula” na matatagpuan sa aklat na Philippine Extension Service

14
Review na nailimbag noong 1996. Tinalakay niya ang propesyon ng pagtuturo na

naaayon sa kurikulum ng edukasyon na kung saan dapat mapaunlad ang

pagkaunawa, kakayahan at pag-uugali ng mag-aaral. Ang tagapagturo ay isa sa

tagapagpaunlad ng programang pang-edukasyon at pangwika. Idinagdag pa niya

na ang mga paaralan ay gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan para madaling

matuto ang mga mag-aaral. Isa sa pamamaraang ito ay ang kurikulum na nagiging

instrumento sa pagsalin ng pag-asa o inaasahang edukasyon sa kongkretong

realidad. Para magawa na ang kurikulum sa programang pang-edukasyon at

pangwika ay maging totoong epektibo, ang kailangan ay iagapay sa panahon ang

sistema ng edukasyon na kung saan nalilinang ang kaalaman, operasyunal na

kakayahan at pagpapatupad ng katanggap-tanggap na pamamaraan.Sa bawat isa na

nagbibigay ng malikhaing mga karanasan at pagpapaunlad ng pag-iisip kasabay

ang paparating na bagong kaalaman sa pag-usad ng panahon (97-98).

“Huwag nating asahan ang ating mga estudyante na makalikha ng isang

komposisyon na higit na orihinal at makabuluhan sapagkat ang kanilang kakayahan

ay nakadepende lamang sa uri ng materyal at estratehiyang ginamit sa pag-uugnay

ng kanilang mga karanasan upang makapagsulat kaalinsabay nito ang pagtuturo ng

tamang proseso ng pagsusulat.” Sengseng (1987)

Sang-ayon ang mananaliksik sa pahayag na ito na nakasalig sa paraan ng

pagbibigay ng angkop na estratehiya ng pagsulat ang kakayahan ng bawat mag-

aaral upang malinang ang kakayahan sa pagsulat ng mag-aaral. Laging iniisip ng

mga guro na mahirap ang pagtatama ng sulatin, kailangang agarang matapos ang

sulating gawain subalit nararapat lamang tandaan na kailangang mabigyan ng sapat

na panahon ang mga mag-aaral sa pagsulat. Ito ay nakatutulong ng lubos upang

15
magkaroon ng sapat na pagkaunawa sa paksang nais isulat ang mga mag-aaral. Ang

mga punang maibibigay sa mga mag-aaral ay magbibigay sa kanila ng higit na

pagkatuto upang magabayan sila sa pagsulat.

Sa pag-aaral na ginawa ni Belinda Ho (2006) Effectiveness of using the

process approach to teach writing in six Hong Kong Primary Classrooms”.

Napatunayan ng pag-aaral na epektibo ang paggamit ng prosesong ito sa paghubog

ng kasanayan sa pagsulat. Ang pagtataya na pagsasagawa ng post-interviews at

paghahambing ng pre-at post questionnaire ay nagpatibay sa pagiging epektibo

nito. Ang positibong resulta nito sa mataas at mamabang antas ng talino ay

nagbigay ng mataas na rekomendasyon na sagot sa higit na epektibong paglinag ng

mga mag-aaral sa kasanayan sa pagsulat. Bago isinagawa ang pag-aaral ay

sumailalim ang mga guro sa dalawang buwang pag-aaral sa programa.

Kahalintulad ng pag-aaral na ito ang isinasagawang pananaliksik dahil sa pagtukoy

sa suliraning umiiral sa mga mag-aaral sa pagsulat at pagbibigay ng puna kanila at

paggamit ng angkop na estratehiya na bahagi ng proseso ng pagdaraanan ng mga

amg-aaral sa pagsulat.Sa pag-aaral na isinagawa ni Onozawa (2000) na

pinamagatang “The Use of Process Approach : A suggestion for an eclectic writing”

tinalakay niya ang paggamit ng process approach ay may kabutihang dulot. Ang

pagkakaroon ng sapat na panahon ng mga mag-aaral sa pagbuo ng komposisyon ay

nakatutulong sa paghubog sa kanilang kakayahan sa pagsulat. Ang tatlong

prosesong pinagdaanan ng mga mag-aaral sa pagsulat ay malaking tulong upang

mapagbuti at mapino ang paggamit ng wika sapagkat ang mag-aaral ang gagamit at

lilikha ng mga salitang aangkop sa nilalaman at mensahe ng kanilang sulatin. Ang

pagbibigay puna sa kanilang sulatin ay nabibigyang-halaga sa saloobin ng mag-

16
aaral. Karagdagan pa,aniya, ang istratehiyang ito ay nakabubuti sa mga mag-aaral

dahil sa iba’t ibang gawain na nakakatulong sa paglinang ng kakayahan sa paggamit

ng wika at ang paggamit ng teknik na “conferencing”. Bagaman ang pag-aaral ni

Onozawa ay nakatuon sa mga mag-aaral na electric, ang paggamit ng angkop na

estratehiya sa pagsulat gaya ng process approach ay epektibo sapagkat kahit anong

uri ng mag-aaral, kahit electric learner, ay mahuhubog ang kasanayan sa pagsulat

na isa sa makrong kasanayan ng Filipino. Ayon naman sa pag-aaral na ginawa ni

Unger (2004) na pinamagatang “Is Process Writing the, Write Stuff?” ayon sa

kanyang rekomendasyon ay nangangailangan pa rin ng malawakang pag-aaral

tungkol sa kabisaan ng process approach. Bagaman, sinabi niyang sapat na ang mga

nalikom na datos para masabing epektibo ang paggamit ng pagdulog na ito. Ang

paggamit ng una at ikalawang yugto ng pagsulat; ang panimulang pagsulat

(Prewriting) at pagsulat (Writing) ay higit na nakatulong sa paglinang sa kakayahan

sa pagsulat. Sa pangkalahatan, iminungkahi niya na ang paghahanap ng angkop at

tugmang materyales sa paggamit ng prosesong ito ay pagtuturo ng pagsulat ng

mag-aaral. Ayon din sa pag-aaral ni Chau na isinagawa sa Ly Tu Trong Specialized

Upper Secondary School na may paksang “The impact of Adapting the Process-

Oriented Approach on EFL Learners Writing Performance”. Tinalakay niya sa

kanyang rekomendasyon ang suliraning umiiral sa mga mag-aaral na kalahok sa

pag-aaral. Ito ay ang pagbibigay ng mahabang panahon ng paghahanda ng mga

mag-aaral at guro gaya ng brainstorming at pangangalap ng impormasyon sa

pagsulat ng paksa, ang oras para sa pagsulat para makasulat ng unang burador, ang

pagrerebyu at pag-eedit at pagsulat muli. Hindi maisasagawa ang lahat ng ito sa

loob ng 45 na minute o isang oras. Kaya iminungkahi niyang kung ito ay isasali sa

17
kurikulum ay kailangang isaalang –alang ang paglalaan ng sapat na oras para sa

matagumpay na pagpapatupad ng process approach.

Sa pananaliksik ni Mar Llano na “Pagsusuri ng maling balarila ng mga

Agnesian sa kanilang Pasulat na awtput” , nagkaroon ng tatlong pagkakamali sa

pagbabaybay ng mga salitang Filipino: Interlingguwal na Kamalian; Intralingguwal

na Kamalian; at Hindi Maalam sa Kasalukuyang Palabaybayan. Ang Interlingguwal

na Kamalian, ayon kina Hongyi, Jia & Fengjie (2016), ay impluwensiya ng unang

wika o mother tongue. Kumbaga, napipigilan nitong matutuhan ng tao ang mga

tuntunin sa ikalawang wika. Ang mga halimbawa nito ay ang mga salitang “duon”,

“naten”, “supporta”, at “tapara”. Ang “duon” at “naten” ay kapwang may

kinalaman sa naiibang pagbigkas ng mga probinsiyano sa pagbigkas ng taal ng mga

Tagalog. Ang ilang probinsiyano, halimbawa, ay napagpapalitan ang /e/ at /i/,

gayundin ang nangyayari sa /o/ at /u/. Ito ay nagpapatunay lamang na patuloy pa

ring nasusunod ang panuntunan noong “kung ano ang bigkas ay siyang sulat”. Sa

kaso naman ng salitang “supporta”, ang mag-aaral ay nagkaroon ng kalituhan kung

ang baybay ng salitang Ingles na “support” ay pareho lamang sa salitang suporta.

Naglagay lamang ang mag-aaral ng titik A sa salitang kanyang nakasanayan.

Nagpatutunay itong wikang Ingles ang unang wika ng mag-aaral. Samantala, ang

salitang “tapara” ay walang kahulugan bagamat ang nais sabihin ng mag-aaral sa

kanyang mga pangungusap ay para. Ang pangatnig na “para” ay tinumbasan sa

Bikol ng “tanganing” o kung hindi naman ay pinaikling “nganing”. Ito ang

pinagbatayan ng salitang “tapara” na gaya sa nabanggit na ay walang kahulugan.

Hindi masasabing hindi ito sinadya ng mag-aaral dahil dalawang ulit niya itong

ginamit sa kanyang pagsusulat.

18
Ang Intralingguwal na Kamalian naman ay nangyayari habang pinag-aaralan

ang mga tuntunin sa target na wika. Ang anyo ng kamalian ay hindi nakabatay sa

mother tongue; bagkus sa parsiyal na eksposyur sa ibang wika (Hourani, 2008).

Kabilang ditto ang mga salitang “ng yayare”, “ngyari”, “taohan” at "tunkol".

Kapansin-pansin sa mga salitang "ng yayare" at "ngyari" ang hindî pagiging

pamilyar ng mga mag-aarál sa tamang baybay ng mga ito: nangyayari at nangyari.

Hindî maikakailang mas madalas na ginagamit sa mga pangungusap ang pang-ukol

na "ng" kaysa sa pangatnig na "nang".Dahil dito, ang mga mag-aarál ay nagbigay ng

generalisasyong ang lahat ng salitang may "nang" ay binabaybay ng /en-dyi/. Ang

salitang "taohan" naman ay may dalawang morpema: ang salitang-ugat na "tao" at

hulaping "han". Isang tuntunin noon pa man sa pagpapalit ng E/I at O/U na ang

salitang-ugat na nagtatapos sa mga patinig na E at O ay napapalitan ng I at U, na

ang salitang-ugat na nagtatapos sa mga patinig na E at O ay napapalitan ng I at U,

ayon sa pagkasusunod-sunod, kapag binubuntutan ng hulapi. Kayâ, ang tamang

baybay ng salita ay tauhan at hindî "taohan" na epekto lámang ng limitadong

kaalaman sa mga tuntuning panggramatika at hindî pagbabasá ng mag-aarál. Sa

kaso naman ng salitang "tunkol" na ang tamang baybay ay tungkol, ito ay may

kinalaman pa rin sa mga ponema o sa mga tunog ng bawat titik. Mapapansing

magkatabi ang mga katinig na G at K. Sa ponolohiya, ang mga ponemang /g/ at

/k/ ay halos magkasintunog; sukat na kapag pinagtatabi ang dalawang ponema ay

nawawala ang tunog ng isa lalo na ang ponemang /g/ dahil napagigitnaan ng mga

katinig na N at K na may katabi pang mga patinig na U at O na higit na

nagpalalakas sa mga ponemang /n/ at /k/.

19
Malaki ang nagiging epekto ng unang wika sa pagkatuto at pagsasalita

ng ikalawang wika lalong-lalo na kung magkaiba ang Palatunugan o Ponolohiya ng

dalawang wika. May kaugnayan ang resultang ito sa nabanggit ni Odlin (1989) na

makapangyarihan ang impluwensiya ng ponetika at ponolohiya sa pagbigkas ng

pangalawang wika. Sa pahayag na ito binigyang-diin niyang malaki ang epekto ng

Ponolohiya o Palatunugan ng unang wika sa pagsasalita at pagbigkas ng mga salita

sa ikalawang wika. Sang-ayon naman kay Cook (1992), ang mga konsepto ng unang

wika ay naisatitik na sa pag-iisip ng isang tao kung kaya’t ang kaalaman nila sa

ikalawang wika ay palaging niuugnay sa konsepto ng unang wikang kanyang

kinalakhan. Dagdag pa niya, kung pinag-uusapan ang impluwensya ng unang wika

sa ikalawang wika ay mahalagang pagtuunan ng pansin ang Contrastive Analysis

Hypothesis (CAH) na nagsasabing ang mga aspeto at katangian na mayroon sa

unang wika at ikalawang wika ay mas madaling mapag-aralan kumpara sa mga

aspetong hindi nila pinagkatularan. Malaki ang epekto ng pamamaraan ng pagbuo

ng mga tunog ng isang wika upang maging makahulugang yunit sapagkat ang

bawat wika’y may kanya-kanyang estilo sa pag-proseso ng mga tunog upang

maging salita, dito kalimitan nagmumula ang kamalian sa intonasyon, pagbigkas at

diin, ang kondisyong ito ay tinawag na interference ng mga linguist

Nabibilang naman sa Hindî Maalam sa Kasalukuyang Palabaybayan ang mga

salitang "ipinapakita dito", "kwento", "madami", "mangdaya", "nya", "pa din"

"pagtiyatiyaga", "Pilipinas", "pwedeng", "sweldo", at "sya". Noon, tinatanggap ang

ganitong mga baybay kung impormal na pagsulat ang pinag-uusapan; ngunit, ang

pagsunod sa itinalagang mga tuntunin ay siyang dapat sa kasalukuyang

palabaybayan. Sa mga salitang "kwento", "nya", "pwedeng", at "sya",Noon,

20
tinatanggap ang ganitong mga baybay kung impormal na pagsulat ang pinag-

uusapan; ngunit, ang pagsunod sa itinalagang mga tuntunin ay siyang dapat sa

kasalukuyang palabaybayan. Sa mga salitang "kwento", "nya", "pwedeng", at "sya",

halimbawa, ay nababawasan na ang bilang ng mga kambal-katinig o klaster: KW sa

salitang "kwento", NY sa "nya", PW sa "pwedeng", at SY sa "sya".Ayon kay Almario

(2014), kailangang maglagay ng titik I o U bago ang Y o W kapag ang kambal-

patinig o diptonggo ay sumusunod sa katinig sa unang pantig ng salita. Halimbawa,

bIYUda (viuda), kIYOsko (kiosco), pIYAno (piano), pIYEsa (pieza), tIYA (tia),

bUWItre (buitre), kUWEnto (cuento), pUWEde (puede), pUWErsa (fuerza), at

tUWAlya (toalla). Ganito rin naman ang dahilan noon pa sa tradisyonal na baybay

ng katutubong mga diptonggo gaya ng siyá, niyá, tuwíng, at buwán. Kung nais

isulat ang bigkas nang wala ang unang patinig, kailangang katawanin ang nawalang

patinig ng simbolikong kudlit ('), gaya ng s'ya, n'ya, t'wing, o b'wan. Ang

kaso naman ng salitang "pagtiyatiyaga" ay sobra lámang sa pag-uulit ng pantig. Sa

makabagong tuntunin, ang inuulit lámang ay ang unang pantig ng salitang-ugat.

Ang salitang-ugat ay tiyaga, ang unang pantig dito ay TI; kayâ, ang tamang baybay

ay pagtitiyaga. Ang salitang "Pilipinas" naman ay kasalukuyang ginagamit pa rin ng

nakararaming Pilipinong hindî nakaaalam sa Manwal sa Masinop na Pagsulat ni

G. Virgilio S. Almario, ang Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino o KWF.

Ang manwal o aklat na ito ni Almario ay sumusunod sa panuntunang "Kastila

muna, bago Ingles" dahil bago pa nagkaroon ng salitang "Pilipinas", una nang

tinawag ito ng mga Espanyol na Filipinas matapos ang kanilang pagkakadiskubre

sa bansa. Gayumpaman, ang salitang "Pilipinas" ay hindî baybay-Ingles bagkus

isang baybay-Tagalog. Maging ang katumbas nitong salita sa wikang Ingles na

21
Philippines ay binibigkas din ang PH ng /f/.Isa pang tuntuning binigyang pokus sa

manwal ni Almario ay ang palitan ng D at R. Ang mga ingklitik na DAW at DIN ay

ginagamit lámang kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa mga katinig.

Ginagamit din ang mga ito sa mga salitang nagtatapos sa mga pantig na -RA, -RE,

-RI, -RO, at -RU. Halimbawa, basuRA DAW, si kumaRE DIN, at carRY DAW niya.

Ang RAW at RIN, samantala, ay ginagamit naman sa mga salitang nagtatapos sa

mga patinig. Kayâ, ang tamang baybay ng mga salita ay ipinapakita rito, marami, at

pa rin; hindî "ipinapakita dito", "madami", at "pa din". Iba naman ang kaso ng

salitang "mangdaya". Ito ay may kinalaman sa mga alomorp ng morpema gaya ng

mang/pang/sing na nagiging mam/pam/sim na maaari ding maging man/pan/sin

depende sa kasunod na titik. Ang mam/pam/sim ay ginagamit kung ang kasunod na

salitang-ugat ay nagsisimula sa mga titik B o P.

Disenyo ng pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng Grounded Theory Design, isang uri ng

Qualitative Research upang masuri ang mga datos na malilikom. Ang Grounded

Theory ay gamit para lumikha ng teorya na nagpapaliwanag sa suliranin.

(Creswell,2004)

Pagsusuri ng Datos

Sunuri ng mananaliksik ang mga nakaraang awtput ng mga mag-aaral.

Gumamit ang mananaliksik ng Content Analysis upang matukoy ang mga uri ng

maling balarila na madalas na magawa ng mga mag-aarál. Sa Content Analysis, ang

pagkakategorya ng mga kowd ay nakabatay sa mismong teksto (Hsieh & Shannon,

22
2005). Kung kayâ, ang mga uri ng maling baybay ay tinukoy batay sa nakitang mali

sa pagkakabuo ng pangungusap o talata.

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Mababasa sa bahaging ito ang presentasyon, analisis at interpretasyon ng

mga datos upang masagot ang mga suliranin ng pag-aaral; kabilang dito ang mga

maling baybay na umusbong sa pasulat na awtput ng mga mag-aaral ng Mataas na

Paaralang Pambansa ng Impasugong.

23
Mga Maling Baybay Koreksyon
itapun itapon
maayus maayos
pouk pook
pagtapun pagtapon
tumolong tumulong
druga droga
nalolong nalulong
adminestrasyon administrasyon
kaylangan kailangan
ngayun ngayon
polyosyon polusyon
pwedi pwede
persyento porsyento
kwento kuwento
gyera giyera
wag huwag
naapektohan naapektuhan
ngonit ngunit
systema sistema
proyecto proyekto
crimen krimen
matutunan matutuhan
manga Mga
Talahanayan 1. Mga Maling Baybay

Batay sa ilang halimbawa ng salitang makikita sa talahayan 1, nagkaroon ng

tatlong pagkakamali sa pagbabaybay ng mga salitang Filipino: Interlingguwal na

Kamalian; Intralingguwal na Kamalian; at Hindi Maalam sa Kasalukuyang

Palabaybayan. Ang Interlingguwal na Kamalian, ayon kina Hongyi, Jia & Fengjie

(2016), ay impluwensiya ng unang wika o mother tongue. Kumbaga, napipigilan

nitong matutuhan ng tao ang mga tuntunin sa ikalawang wika. Ang mga halimbawa

nito ay ang mga salitang “maayus”. Sa mga bisaya ay nasasanay sila sa mga salitang

may U kagaya ng maayu o sa Tagalog ay mabuti o maganda, kaya ang mag-aaral

pagdating sa pagsulat ng Filipino ay nadadala nila ang kanilang nakagisnang

mother tongue. Ang ilang probinsiyano, halimbawa, ay napagpapalitan ang /e/

24
at /i/, gayundin ang nangyayari sa /o/ at /u/. Ito ay nagpapatunay lamang na

patuloy pa ring nasusunod ang panuntunan noong “kung ano ang bigkas ay siyang

sulat”. Sa kaso naman ng salitang “crimen”, “proyecto”, “druga” at “systema”, ang

mag-aaral ay nagkaroon ng kalituhan kung ang baybay ng salitang Ingles na

“systema” ay pareho lamang sa salitang sistema. Naglagay lamang ang mag-aaral

ng titik Y sa salitang kanyang nakasanayan.Kagaya sa salitang “druga” na

karamihan sa mga mag-aaral ay nagkakamali dahil nakagisnan na nila ang salitang

ingles na “drug” at dinagdagan lang nila ito na titik A para maging “druga”.

Nagpatutunay itong wikang Ingles ang unang wika ng mag-aaral. Ito rin ang

wikang kanilang kadalasang ginagamit sa pagbabaybay ng wikang Filipino na isa sa

mga nagiging mali ng mga estudyante pagdating sa pagbaybay ng mga salita sa

wikang Filipino.

Ang Intralingguwal na Kamalian naman ay nangyayari habang pinag-aaralan

ang mga tuntunin sa target na wika. Ang anyo ng kamalian ay hindi nakabatay sa

mother tongue; bagkus sa parsiyal na eksposyur sa ibang wika (Hourani, 2008). Ang

salitang "naapektohan" naman ay may dalawang morpema: ang salitang-ugat na

"apekto" at kabilaan na “na-“ at “-han”. Isang tuntunin noon pa man sa pagpapalit

ng E/I at O/U na ang salitang-ugat na nagtatapos sa mga patinig na E at O ay

napapalitan ng I at U, na ang salitang-ugat na nagtatapos sa mga patinig na E at O

ay napapalitan ng I at U, ayon sa pagkasusunod-sunod, kapag binubuntutan ng

hulapi. Kayâ, ang tamang baybay ng salita ay naapektuhan at hindî "naapektohan"

na epekto lámang ng limitadong kaalaman sa mga tuntuning panggramatika at

hindî pagbabasá ng mag-aarál.

25
Nabibilang naman sa Hindî Maalam sa Kasalukuyang Palabaybayan ang mga

salitang "kwento","Pilipinas", at "pwedi". Noon, tinatanggap ang ganitong mga

baybay kung impormal na pagsulat ang pinag-uusapan; ngunit, ang pagsunod sa

itinalagang mga tuntunin ay siyang dapat sa kasalukuyang palabaybayan. Sa mga

salitang "kwento" at "pwedi ". Noon, tinatanggap ang ganitong mga baybay kung

impormal na pagsulat ang pinag-uusapan; ngunit, ang pagsunod sa itinalagang mga

tuntunin ay siyang dapat sa kasalukuyang palabaybayan. Sa mga salitang "kwento"

at "pwedi” halimbawa, ay nababawasan na ang bilang ng mga kambal-katinig

o klaster: KW sa salitang "kwento" at PW sa "pwedi".Ayon kay Almario (2014),

kailangang maglagay ng titik I o U bago ang Y o W kapag ang kambal-patinig o

diptonggo ay sumusunod sa katinig sa unang pantig ng salita. Halimbawa, bIYUda

(viuda), kIYOsko (kiosco), pIYAno (piano), pIYEsa (pieza), tIYA (tia), bUWItre

(buitre), kUWEnto (cuento), pUWEde (puede), pUWErsa (fuerza), at tUWAlya

(toalla). Ganito rin naman ang dahilan noon pa sa tradisyonal na baybay ng

katutubong mga diptonggo gaya ng siyá, niyá, tuwíng, at buwán. Kung nais isulat

ang bigkas nang wala ang unang patinig, kailangang katawanin ang nawalang

patinig ng simbolikong kudlit ('), gaya ng s'ya, n'ya, t'wing, o b'wan.Ang salitang

"Pilipinas" naman ay kasalukuyang ginagamit pa rin ng nakararaming Pilipinong

hindî nakaaalam sa Manwal sa Masinop na Pagsulat ni G. Virgilio S. Almario, ang

Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino o KWF. Ang manwal o aklat na ito ni

Almario ay sumusunod sa panuntunang "Kastila muna, bago Ingles" dahil bago pa

nagkaroon ng salitang "Pilipinas", una nang tinawag ito ng mga Espanyol na

Filipinas matapos ang kanilang pagkakadiskubre sa bansa. Gayumpaman, ang

salitang "Pilipinas" ay hindî baybay-Ingles bagkus isang baybay-Tagalog. Maging

26
ang katumbas nitong salita sa wikang Ingles na Philippines ay binibigkas din ang

PH ng /f/.Isa pang tuntuning binigyang pokus sa manwal ni Almario ay ang

palitan ng D at R. Ang mga ingklitik na DAW at DIN ay ginagamit lámang kung ang

salitang sinusundan ay nagtatapos sa mga katinig. Ginagamit din ang mga ito sa

mga salitang nagtatapos sa mga pantig na -RA, -RE, -RI, -RO, at -RU. Halimbawa,

basuRA DAW, si kumaRE DIN, at carRY DAW niya. Ang RAW at RIN, samantala,

ay ginagamit naman sa mga salitang nagtatapos sa mga patinig. Kayâ, ang tamang

baybay ng mga salita ay ipinapakita rito, marami, at pa rin; hindî "ipinapakita dito",

"madami", at "pa din". Iba naman ang kaso ng salitang "mangdaya". Ito ay may

kinalaman sa mga alomorp ng morpema gaya ng mang/pang/sing na nagiging

mam/pam/sim na maaari ding maging man/pan/sin depende sa kasunod na titik.

Ang mam/pam/sim ay ginagamit kung ang kasunod na salitang-ugat ay nagsisimula

sa mga titik B o P. Halimbawa, mambabae o mampuwersa (dahil sa pagbabagong

morpoponemiko kayâ nagiging mamuwersa), pambahay o pampasahero, at simbait

o simputi. Ang man/pan/sin naman ay ginagamit sa mga salitang-ugat na nag-

uumpisa sa mga titik D, L, S, R, o T. Halimbawa, mantakot (dahil sa pagbabagong

morpoponemiko kayâ nagiging manakot), pandalaga, at sinsarap. Samantala, lahat

ng natitirang titik sa alpabeto na hindî nabanggit sa unang dalawang pangkat ng

mga alomorp ay ginagamit sa mang/pang/sing. Kung kayâ, ang tamang baybay ng

"mangdaya" ay mandaya.

27
Maling Kapitalisasyon Koreksyon
Duterte Duterte
Nakalipas nakalipas
Bansa Bansa
Pinakamalakas pinakamalakas
Biktima Biktima
Proyekto proyekto
Bagyo Bagyo
pilipinas Pilipinas
Lindol Lindol
Pamilya Pamilya
department of social work and development department of social work and development
Talahanayan 2. Mga Maling Kapitalisasyon

Mula sa talahanayan 2 ay natukoy ang dalawang anyo ng kamalian: mga

salitang malaki ang inisyal na titik kahit hindî kailangan at mga salitang maliit ang

inisyal na titik kahit kailangang nakakapital. Isa sa batayang mga tuntunin sa

pagsusulat ay kailangang nakakapital ang inisyal na titik ng mga pangngalang

pantangi kayaga ng “department of social work and development“, “duterte” at

“pilipinas” na dapat ang inisyal na titik ay malaki sapagkat ito’y pangngalang

pantangi.Hindî naman kailangang nakakapital ang inisyal na titik ng mga

pangngalang pambalana gaya ng salitang lindol, pamilya, bansa,bagyo, proyekto at

mga salitang naglalarawan gaya ng pinakamalakas. Isa ring batayang tuntuning

kailangang nakakapital ang inisyal na titik ng anumang salitang nag-uumpisa sa

bagong pangungusap.

Kongklusyon

28
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang umusbong na mga maling

baybay mula sa pasulát na mga awtput ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralang

Pambansa ng Impasugong na nasa ika10 baitang. Upang maisakatuparan ito, sinuri

ng mananaliksik ang mga sanaysay na ginawa ng mga estudyante. Natuklasan ang

tatlong dahilan kung bakit mali-mali ang baybay ng mga mag-aarál sa mga salitang

Filipino: ang Interlingguwal na Kamalian kung saan naaapektuhan pa rin ng

kaalaman sa unang wika o mother tongue ang lubusang pagkatuto sa mga

tuntuning pambalarila at marami rin sa mga mag-aaral ay mas maalam sa mga

salitang ingles kaysa sa wikang Filipino kaya sa pagbabaybay nila sa mga salita sa

Filipino ay naaapektuhan ito ; ang Intralingguwal na Kamalian kung saan ang anyo

ng kamalian ay dahil sa parsiyal na eksposyur lámang sa target na wika at hindi pa

alam ang mga bagong tuntunin sa pagpapalit ng ponema; at Hindî Maalam sa

Kasalukuyang Palabaybayan kung saan napag-alamang nalilito pa rin ang mga

mag-aarál sa tuntunin ng pagbabagong morpoponemiko. Ang isa rin sa mga

natuklasan sa pagbabaybay ng mga mag-aaral ay marami ang hindi nakakalam sa

tuntunin ng pagsulat sa malaking titik ng mga pangngalang pantangi at maliit na

titik naman sa mga pangngalang pambalana. Na kung tutuusin ay itinuturo na ang

bahagi ng pananalita sa elementarya pa lamang. Sa kabuuan ng pagsusuri ay

napagtanto ng mananaliksik na marami sa mga mag-aaral ay hindi pa maalam sa

mga tuntunin sa tamang pagbabaybay ng mga salita na siyang isang dahilan kung

bakit hindi nakakapagsulat ng mahusay na gawaing papel.

Rokomendasyon

Batay sa mga natuklasan at sa mga konklusyon ng pag-aaral na ito, narito

naman ang mga rekomendasyong nais itagubilin ng mananaliksik:

29
Komisyon sa Wikang Filipino o KWF.Higit na mabuting makipag-ugnayan din sa

Departamento ng Edukasyon at Komisyon sa Mataas na Edukasyon upang maláman

ang mga suliranin ng mga guro at mga mag-aarál pagdating sa balarila o

pagbaybay. Magbigay rin ng libreng mga panayam o seminar at mga palihan o

workshop para sa lahat ng guro sa pampubliko at pampribadong mga paaralan.

Huwag lámang umasa sa ibinibigay na mga Pambansa at/o Panrehiyong Forum sa

Filipino dahil hindî naman lahat ng guro ay nabibigyan ng pakakataong makadalo.

Mga guro sa Filipino. Maging responsable sa pag-alam sa makabagong mga

tuntuning pambalarilang magagamit din sa responsableng pagwawasto sa mga

awtput ng mga mag-aarál. Magkaroon din ng istandard na rubrik sa mga

pamantayang pambalarila upang maging maayos at organisado ang pagwawasto sa

mga awtput. Kung wala namang panahong isulat nang isa-isa ang mga komento sa

mga awtput ng mga mag-aarál, magkaroon ng panahong sabihin ang mga ito sa

pangkalahatang pagtalakay sa harap ng klase. Para sa mga gurong nagtuturo ng

Filipino, higit na makabubuting ibalik ang pagtuturo ng mga paksang nauukol sa

balarila o pagbabaybay ng mga salita sa loob ng klase upang magabayan ang mga

mag-aarál. Gumawa rin ng mga paraan o mga gawaing makatutulong upang

manatili sa isipan ng mga mag-aaral ang mga paksang pambalarila. Mahalagang

nagagabayan na sa Elementarya pa lámang ang mga mag-aarál sa tamang

pagsusulat upang hindî ito madala hanggang sa High School.

Mga mag-aaral. Kailangan lámang magbasá nang magbasá ng mga babasahíng

Filipino―nakalimbag man o online―upang maging pamilyar sa mga salita, sa mga

bantas, maging sa pagbubuo ng mga pangungusap at mga talata. Ugaliin ding

30
sanayin ang sarili sa pagsusulat sa Filipino, basahin ito nang paulit-ulit, at i-edit ang

sariling gawa.

Mga manunulat. Bilang mga manunulat, kailangan ding maalam sila sa mga

tuntuning pambalarila lalo na sa wikang Filipino. Huwag lámang umasa sa

magagandang idea at makabagong mga paksa para sa isusulat na panitikan; bagkus

ay lalo pang pagandahin ang sinusulat sa pamamagitan ng pagsisinop sa balarila

nitó.

Mga netizen. Tulad sa mahabang panahong ginugugol nila sa pagpopost sa kanilang

mga social media account, panonood ng mga video, at pagbabasa ng mga komento o

pagkokomento rin sa komento ng ibang tao, maglaan din ng mahabang panahon

para mapag-aralan ang pagsusulat (o pagpopost) gamit ang tamang balarila. Tulad

din sa kanilang pag-a-update ng kanilang mga status sa kanilang mga social media

account, kailangan ding maging updated sila sa makabagong mga tuntuning

pambalarila.

Susunod na mga mananaliksik. Higit na mainam na mapag-aralan ang mga maling

pagbaybay ng mga mag-aarál kung may interbensiyong namagitan. Kung kayâ,

iminumungkahi ng kasalukuyang mananaliksik sa mga mananaliksik sa hinaharap

na suriin ang balarila ng mga mag-aarál sa pamamagitan ng pagbibigay ng pre-test

at post-test kung saan ay kailangang makapagbigay ng karampatang aksiyon o mga

gawaing magpapayaman sa kaalaman ng mga mag-aarál sa mga tuntuning

pambalarila.

TALASANGGUNIAN

31
A.Aklat

Garcia, E., et al. (2008). Tinig: Komunikasyon sa akademikong Filipino. Cabanatuan

City: Jimcy Publishing House.

Lachica, V. (1999). Wika ng retorika. Manila: MK Imprint.

Madsen, H. S. (1983). Techniques in teaching. New York: Oxford University Press.

Marasigan, E. V., & Dayag, A. M. (2015). Sa Kubyerta. Pinagyamang Pluma 10 (pp.

468–478). 927 Quezon Ave., Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Reid, L. A. (Ed.). (1971). Philippine minor languages: word lists phonologies. Hawaii:
University of Hawaii Press.
B. Peryodikal

Fengji, L., Jia, R., Hongyi, Z. (2016). Grammatical mistakes in college English writing:

problem analysis, reasons and solutions. International Journal of Applied Linguistics

and Translation, 2(3), 20-28.

C. Websites

Almario, V. S. (2014). Manwal sa masinop na pagsulat. Nakuha sa

http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2015/12/MMP Full.pdf

Etikan, I., Musa, S. A., & Alkassim, R. S. (2006). Comparison of convenience

sampling and purposive sampling. American Journal of Theoretical and Applied

Statistics, 5, 1–4. doi: 10.11648/j.ajtas.20160501.11

Hourani, T. M. (2008). An analysis of common grammatical errors in the English

writing made by third secondary male students in the eastern coast of the UAE.

Nakuha sa https://bspace.buid.ac.ae/bitstream/1234/225/1/20050055.pdf

Hsieh, H. & Shannon, S. E. (2005). Three approaches to qualitative content analysis.

SAGE Journals, 15, 1277–1288.

32
https://doi.org/10.1177/1049732305276687

wikiHow.com. How to avoid sentence sprawl. April 9, 2019. Nakuha sa

https://www.wikihow.com/Avoid-Sentence-Sprawl

33

You might also like