You are on page 1of 14

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga literaturang konseptwal at literaturang

pananaliksik na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Ang mananaliksik ay nakakalap ng

mga mangilan-ngilang kaugnay na literatura at pag-aaral mula sa mga nailimbag na aklat, mga

tisis at disertasyon na sa tingin niya ay mahalaga para sa mga mambabasa na mas maunawaan

ang kaibuturan ng pag-aaral na ito. Ang mga literaturang ito ay isinama sa pag-asa na maaari

nitong patunayan ang kalidad ng kasalukuyang pag- aaral.

Kaugnay na Literatura

Ang Pagtuturo ng Wika [at Gramatika]

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon sa

kasalukuyan. Mas nagkaka-intindihan ang bawat mamamayan dahil madali at malayang

naipapahatid ng mga Pilipino ang kanilang saloobin at kaisipan (Albay, 2019). Hindi sapat na

malaman lamang ng mga bata kung paano makipag-usap na gamit ang ating sariling wika,

nararapat lamang na tama ang mga pangngalang kanilang gagamitin. Kung ito ba ay pangngalan

ng tao, lugar, o hayop. Maging ang tamang gamit ng mga panghalip ay dapat din nilang

matutunan nang tama. Kung ang pinapalitan ba ng panghalip ay para sa tao o hayop. Kung ang

itinuturo ba ay nasa malayo o malapit lamang. Kailangan matutunan ito ng mga kabataan upang

magkaintindihan nang mabuti ang mga nag-uusap at hindi magkaroon ng kalituhan.

Ang Pagtataya ng Pagkatuto sa Asignaturang Filipino


Isa sa mahalagang katuwang ng guro sa pagtuturo ang isang mabisang kagamitang

panturo na sasagot sa hamon ng pagbabago ng panahon, ang mga kagamitang panturo na

magsisilbing tagapaghatid ng kaalaman at tagapaglinang ng mga kasanayan sa isang mag-aaral.

Isa sa mga katangian na kailangang taglayin nito ay tumutugon sa pangangailangan ng isang

kurikulum na iniimplementa sa isang paaralan. Bagama’t talamak ang komersyalismo sa

paglilimbag ng isang teksbuk, hindi dapat nitong naisasantabi ang kredibilidad at kwalidad na

taglay nito bilang isang kagamitang panturo.(Lazaro-Zamora, 2016)

Malaking hamon sa panahon ng pandemyang ito ang pagtataya ng pagkatuto ng mga

mag-aaral. Sa isang modelo ng pagtataya ng pagkatuto na binuo ni Cabigao (2021) ngayong

COVID-19 pandemic, binigyang-diin niya ang tatluhang-ugnayan ng mga salik na

nakaaapekto sa pagtataya. Binanggit niya na upang maging epektibo sa pagtataya, mahalaga

ang ugnayan ng (a) pagsunod sa minimum [required] health standards, (b) alternative learning

delivery modalities, at (c) learning resources. Nakaaapekto rin sa mabisang pagtataya ang

ugnayang DepEd Vision-Mission-Core Values, gayundin ang ugnayang Paaralan-Tahanan-

Pamayanan, at ang ugnayan ng tatlong anyo ng pagtataya, ang Assessment For-As-Of Learning.

Kung maayos ang ugnayan ng mga naturang salik, nakatitiyak na ang mga mag-aaral, bilang

sentro sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto, ay lubos na matututo at makikinabang nang husto.

Ang pagtataya ang susukat sa kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa tinalakay na paksa.

Nararapat lamang na ang pagtatayang gagawin ng guro ay tiyak na masusukat ang lebel ng

kaalaman ng mga mag-aaral ayon sa paksang tinalakay. Bilang guro sa pribadong paaralan ang

pagtataya na aming ginagawa ay nasa loob ng aming platform, Schoology, may mga

nakahandang template na maaaring gamitin sa pagtataya at nakasisigurado na nakalinya ito sa

matibay na pagsukat ng pagkatuto ng mga mag-aaral.


Ang pagsulat ay isang kompleks na kasanayan

Isang kompleks na kasanayan ang pagsulat ayon kay Badayos (2001) sapagkat kailangan

ng Isang manunulat ng sapat na kaalaman sa mga salik na mahalaga sa pagbuo ng sulatin.

Ayon pa rin kay Badayos (2002) ang kalagayan kultura sa ating paaralan ay maaring

makalikha ng mga di makatwirang pagpipilit ng mga metodo sa mabisang pagsusulat. Ilan sa

mga ito ang pagtatakda ng bilang ng pormal at di pormal na sulatin para sa isang takdang

panahon na di man isinasaalang-alang ang abilidad ng isang klase o pangkat. Nariyan pa ang

estratehiyang write to-a-title-approachith at iba pang gawi na totoo namang pinaglumaan na ng

panahon. Nagpahayag siya ng mga walong batayang simulaaln sa pagsulat na hindi dapat

kaligtaan ng mga guro:

1. Iba-ibahin ang haba ng sulatin,

2. Suriin at ipaalam ang kombensyon ng mga uri ng tekstong isinulat,

3. lugnay ang pagsulat sa iba pang hati ng mga kasanayang makro sa pagtuturo ng wika,

4. Iplano ang mga aralin nang may wastong pagkakasunod-sunod,

5. Tiyaking may Interaksyong pang-mag-aaral sa proseso ng pagsulat,

6. Talakayin ang layunin sa pagsulat at ang awdyens na paglalarawan nito,

7. Ituro ang mga teknik ng pag eedit ng sulatin at

8. Iba-ibahin ang pokus ng pagmamarka.

Dinagdag pa niya sa kanyang pagwawakas ang mga mungkahing paraan upang mabago

at mapaunlad ang mga kaganapan sa mga pagtuturo.


Ang ikatlong mungkahing nabanggit ang ginamit na batayan ngmananaliksik

upang magsagawa ng pananalaiksik ukol sa pagsusuri sa mga karaniwang kamalian ng

mga mag-aaral sa pagsulat ng sulatin at makagamit ngepektibong pamamaraan sa pagtuturo

ng pagsulat upang magabuo ngrekomendasyon na mapapakinabangan ng mga kapwa guro

sa Filipino at higitlalo sa mga mag-aaral na sentro ng pagtuturo. Ang pagsulat ayon kay

Tumanganat iba pa (2001) ay isang paraan ng pagpapahayag ng pag-iisip, kaalaman

atdamdamin ng tao sa pamamagitan ng mga sagisag ng mga tunog ng salita. Ito rinay tumutukoy

sa kakayahan ng tao sa paraang palimbag upang maipahayag angkanyang iniisip at

nadarama. Isang paraan ng pagtataya ng pagkatuto angpagsulat para sa mga mag-aaral.

Ang pagsulat nila ng isang komposisyon bilangpaghahanda sa pagbuo ng mahabang

salaysay, pagsulat ng ulat upangmatutuhan ang pagbibigay ng mahahalagang impormasyon

isinasama sa ulat atang pagsulat ng pamanahong papel na nagbibigay sa kanila ng

karagdagangkaalaman sa samut-saring paksa na ipinapaloob sa pananaliksik.

Nagigingbatayang ebalwasyon ng pagkatuto ng mag-aaral ang pagbuo ng mahusay nasulatin

kapag siya ay nagsasaliksik at nagbabasa ng mga sangguniang aklat parasa isang kapaki-

pakinabang na pamanahong papel. Ang pagsulat ay hindi lamangisang simpleng paraan ng

pagsasalin ng wika sa pasulat na simbolo ito ay isangproseso ng pag-iisip. Ito ay

nangangailangan ng intelektwal na pagsisikap nadapat na mapanatili sa isang takdang

panahon. Sapagkat ang kabisaan sa wikaay hindi sapat upang mapadali ang pagsulat bagkus

dapat ang pangkognitibongkasanayan. Hedge (2002)

Samantalang si Edward (1987) ay nagpapatunay na ang pagsusulat aymaaring maisama

bilang pinakamahirap na kasanayan sa wika. Mga kamalian sapagbaybay at gramatika ay hindi

maiiwasan kahit na maliwanag ang kahulugan atang pagkakasulat ay kaakit-akit at maayos.


Sadyang natural na magkaroon ngpagkakamali sa ilang pagbabaybay o gramatika sa pagsusulat

ngunit kailangangdumaan pa rin sa proseso ng pagrerebisa upang maging pino ang isang

isangsulatin.

Binigyang pansin ni White (2004) ang ating utak ay hindi lamang nakatuon sa mga

salitang nakalista at nakalinya. Dumadaan sa proseso ng pagpili na nagaganap sa ating isip sa

hanay ng mga salitang makikita sa talumpati at napapanahong papel. Ang ganitong kalagayan ay

ang pagdaan manunulat sa mataas na yugto ng pag-iisip. Tulad ng kompyuter na naghahanap ng

pinakaangkop ideya at paksa sinusulat. Kapag ang manunulat ay nawawalan ng aktibong

pakikibahagi ay magdudulot ng kabiguan dahil ang nais na ideyang palutangin ay hindi

matatamo. Samakatuwid, kailangan ng manunulat na matamo ang yugto ng kamalayan. Ang

paksa ay magiging "felt sense in a vague fussy feeling within the body created by the images,

words, ideas evoked by the topic".

Ang mga salik sa pagkakaiba-iba ng bawat indibidwal ay nakakaapekto rin sa pagkatuto

sapagkat bawat mag-aaral ay may iba’t-ibang estratehiya ay kakayahan para matuto mula sa

kani-kanilang karanasan maging ng lahi. Mas matututo ang isang mag-aaral kung ang lingwahe,

kultura at sosyal na background na ibaiba ay napag-isa. Batayan kung paano itinuturo ang

asignatura, paraan ng pagtataya at batayan kung may natutunan. Sa lahat ng nilalang ng Diyos

ang tao lamang ang binigyan ng kapangyarihang makapagsalita, makarinig, makabasa at

makasulat ng may kritikal na pang unawa. Dahil dito kanyang nai-explore ang mga bagay-bagay

na may kinalaman sa kanyang kapaligiran at natutuklasan ang mga pangyayaring nakakatutulong

sa paghubog ng kanyang kamalayan. Ang pagkakaroon ng talino at isipan, ang kakayahang

makalikha ng tunog at makapag-kritik ang dahilan kung bakit kailangang mapaunlad sa tao ang
tinatawag na makrong kasanayan sa pagbasa, pagsulat, pagsasalita, at pakikinig at panonood.

Isang mahalagang kasangkapang nagagamit ng tao sa paglinang ng mga kasanayang nabanggit

ang wika. Isasaalang-alang itong kasangkapan sapagkat sa wika naipapahayag ng tao ang

kanyang kaisipan at saloobin. Sa wika nagkakaroon siya ng pagkakataon na makipaginteraksyon

sa mga taong nasa lipunan at sa pamayanang humubog ng kanyang kamalayan. Sa wika kanyang

naibubulalas ang damdaming maaring sumikil sa kanyang pagkatao.

1. Pagpili ng wastong salita. Ito ay ang wasto at angkop ng pagkakagamit ng salita sa

isang pahayag. May mga salita tayong ginagamit na ang akala natin ay tama o wasto at maari

itong magpalitan o malayang magpalitan ayon sa pagkakagamit, ngunit hindi naman, kung

ibabatay natin ito sa istriktong tuntuning pambalarila tulad ng paggamit ng eupemismong

pahayag o paglulumay na pahayag upang mas maganda at kaaya-ayang pakinggan kaysa sa

orihinal nitong kahulugan.

Gaano man kasining ang isang pahayag, kung mali naman ang gramatika nito, maari

itong maging hindi katanggap-tanggap lalo na sa mga iskolar, edukado at kritiko. Bukod pa rito

maari itong maging hindi kapani-paniwala at maging katawa-tawa. Bernales, R., Bernardino, E.,

Sison, E at Babasa, E. 2013).

Ayon sa ulat ni Impong Elyang sa Philippine Star (2012), binanggit nina Abangan,

Magno, Becero, at Gera (2016) mga may akda ng “Masining na Pagpapahayag” (Filipino 3) “na

ang wastong paggamit ng ng mga salita ay siyang tulay sa isang masining na pagpapahayag.

Nabangggit ng mga may-akda na hindi maiiwasang magkaminsan akala natin ay maaring

makapagpalitan ang gamit ng ilang mga salita. Subalit kung susuriing mabuti ang kawastuhan ng

gamit nito, matutuklasan nati’y na tayo ay nagkakamali”.


2. Wastong paggamit ng salita. Ito ay kaangkupan ng paggamit ng salita na

makatutulong upang maging maayos, malinaw at mabisa ang pagpapahayag. Ito ang sangkap

upang mas maging maganda at kaakitakit ang pahayag. Ilang halimbawa nito ay ang mga

sumusunod. Paggamit ng NANG at NG, Mayroon at May, Pahirin at Pahiran, Subukin at

Subukan, Kung at Kung at iba pa.

Ayon kay Lomtong hinalaw ni Heramia (2017), pinakabiktima ng maling paggamit ng mga

balarila ay ang nang at ng. ginagamit ang nang bilang kasing kahulugan ng noong, para at upang.

Samantalang ang ng naman ay ginagamit tuwing sinusundan ito ng pangngalan (noun). Ang ilan

sa nasabing halimbawa kung tutuusin ay maliliit na salita lamang. Bagkus, pinuna nito ang

maling paggamit ng mga karaniwang parirala na aklat ng nakararami ay wasto.

3. Ayos ng Pangungusap. Ito ay ang tamang pagkaka-ayos ng pangungusap sa pahayg.

Karaniwang binubuo ng Karaniwang Ayos at Di-Karaniwang Ayos. Karaniwang Ayos kung ito

ay pinangungunahan ng Panaguri at susundan ng Paksa o Simuno at Hindi lantad ang “ay”. Di-

Karaniwang ayos kung ito ay pinangungunahan ng Paksa/Simuno at sinusundan ng Panaguri ay

lantad ang “ay” Tanawan, S., Lartec, J. at Nacin, A. (2008).

Halimbawa: Si Ana ay masipag na mag-aaral. (Di-Karaniwang Ayos) Masipag mag-aral

si Ana. (Karaniwang-Ayos)

4. Kayarian ng Pangungusap. Ito ay ang istruktura ng pangungusap na karaniwang

binubuo ng mga sumusunod. Payak na Pangungusap- ito ay nagpapahayag ng isang buong diwa

o kaisipan. Tambalang Pangungusap-dalawang Payak na Pangungusap na pinag-uugnay ng

pangatnig. Hugnayang Pangungungusapisang payak na pangungungusap at isang sugnay na


pinag-uugnay ng pangatnig. Langkapang Pangungusap- ito ay binubuo ng dalawang sugnay na

makapag-iisa at isa o higt pang katulong na sugnay.

5. Pagbuo ng Pangungusap. Ito ay ang pagkakaroon ng kaisahan sa kaisipan ng pahayag

at nag-uugnay sa bawat bahagi ng pangungusap tungo sa isang pangunahing diwa. Ang

gramatika ay isang espesyalistang disiplina. Ang masusing pag-aaral nito ay komplikado at

nangangailangan ito ng mahabang panahon. Kung pakaisipin, hindi hindi kailangang maging

dalubhasa sa larangang ito upang maging mapanghikayat na ispiker at manunulat. Ngunit

anumang kaalaman at kasanayang panggramatika na ating naiaaply sa anumang diskurso pasalita

man o pasulat, ay malaking tulong sa ating pagpapahayag.

6. Mekaniks. Ito ay paggamit ng wastong pagbabaybay, kapitalisasyon, pagbabantas,

pagpapantig ng mga salita at iba pa, dapat isa-isip na ang maayos na pagkakasulat ng isang

sulatin ay isang kailanganin na dapat isaalang-alang sa pagsulat. Kailangan na ang lahat ng

salitang gagamitn ay may wastong baybay. Hindi dapat kaligtaan ang wastong pagbabantas at

ang angkop na anyo ng teksto na gagamitin sa pagsulat. Almario (2014).

7. Lohikal na Organisasyon. Ito ay ang wastong pagkakabuo o pagkakasunod-sunod ng

mga ideya sa loob ng isang artikulo. Naglalaman ito ng kaisahan, kaugnayan at pagbibigay diin o

emphasis. Ang epektibong komunikasyon ay yaong nagsisimula sa maayos at malinaw na

pagkakahanay ng mga kaisipan tulad ng lohikal at pagkakaroon kaangkupan, sa gayon, isa sa

pinakamahalagang pasya sa isang manunulat ay makabuo ng isang mahalagang hulwaran ng

organisasyon na magagamit sa istruktura at pagkakasunod-sunod ng ideya sa isang pahayag.

Sinabi ni J. Lee (2015) ang isang tao na maalam sa larangan ng gramatika ay may

kaangkupan sa paggamit ng wastong deliberasyon ng kanyang balarila na kanya ring magagamit


sa pagsulat ng isang makabuluhang pangungusap at may kahusayan sa komunikatibong

pangwika tungo sa kanyang pagpapahayag ng may kagalingan at kalinawan sa pagpapahayag.

Kaugnay na Pag-aaral

Ang pangangailangan ng balarila sa pagtuturo, ito ang ginawang pananaliksik ni Wang

(2010), ang pagkakaroon ng kasanayan o kagalingan sa balarila ay pundasyon ng pagkakaroon

ng kahusayan sa wika, mahalaga ang balarila bilang bahagi ng wika sa pagtuturo, ang balarila ay

epektibong paraan para sanayin ang mga mag-aaral sa pakikipagkomunikasyon gamit ang Ingles

na wika, kaya sa kanyang pag-aaral ang balarila at ang kakayahang pangkomunikatibo ay iisa.

Sang – ayon ang kasalukuyang manaliksik sa pag-aaral na isinagawa ni Wang, kailangan

talagang maalam ang mga Pilipino sa Balarilang Filipino.

Hindi sapat ang kahandaan at kakayahang panggramatika sa pagkatuto ng wika ng isang

mag-aaral. Masasabing magaling ang isang tao sa paggamit ng isang wika kung siya ay

nakabubuo ng mga pangungusap na angkop sa lipunang kanyang ginagalawan. Ang kakayahan

at kasanayan sa pagsasalita at pasusulat ay hindi lamang nakatuon sa kung ano ang kanyang alam

at makabuo ng pangungusap bagkus ay magamit ang mga pangungusap na angkop at tinatanggap

ng lipunan, Hymes, 2002 hinalaw nina Arca, Epan, Gonzales at Minimo, (2014).

Sa isinagawang pag-aaral ni Galang (2007) Sa bahaging lingguistika na saklaw ang

ponolohiya, napatunayan na ang mga mag-aaral ay may kahinaan sa diptonggo, ang karaniwang

kamalian ay kapag magkasunod ang isang patinig at Y at Al-sa isang pantig, ito ay diptonggo na

nang hindi muna sinusuri ang pagpapantig. Sa morpolohiya, ang karaniwang kamalian ng mga

mag-aaral ay ang paggamit ng pang-angkop na ng at nang. Pinahihiwatig nito ang kakulangan ng

kaalaman sa wastong gamit ng naturang pang-angkop. Sa sintaksis lumilitaw na madali para sa


mag-aaral ang bumuo ng isang pangungusap na kasingkahulugan ng naibigay na pangungusap.

Nakikilala ang magkakaugnay na pangungusap at higit sa lahat nauunawaan ang talatang nabasa.

Bagama't may ilang mga katanungan sa pag-unawa sa talata na di wasto ang naging kasagutan

sapagkat kinakailangan ang higit na mataas na lebel ng pag-isip upang masagot ang mga ito.

Saklaw din ang talasalitaan sa kakayahang linggwistika, napatunayan na ang karaniwang

kamalian ng mga mag-aaral sa pagkilala sa magkakasingkahulugan at pagtukoy sa

magkakasalungat na salita ay ang "context clue." Ang mga mag-aaral ay di-gaanong bihasa sa

pagpapakahulugan gamit ang pahiwatig.

Isa sa pinakagamiting makrong kasanayang pangwika ay ang pagsulat. Ayonkay Lazaro

(2004), ang makrong kasanayang pagsulat ay ang paraan ngpagsasalin ng mga letra o salita sa

simbolong pasulat. Ang pagsulat aynahahanay sa di-berbal na komunikasyon kung saan

ginagamitan ng papel, lapiso ballpen. Ang ideya o salitang pinagtagpi-tagpi hanggang sa

makabuo ng isangmakabuluhang pangungusap o talata na naipapabatid sa pagsulat na paraan..

Sinabi naman ni Bernales (2006), ang pagsulat ay pagsasalin sa papel oano mang

kasangkapang maaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuongsalita, simbolo at

ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag angkaniyang/kanilang kaisipan.

Ito ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t

ibang layunin. Ito ay pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay atmental.

Mental na aktibiti rin ito sapagkat hindi maaaring hindi gamitin ang utaksa pagsusulat.

Kasanayang Pampag-iisip

Binanggit ni Austero (2006), ang pagsulat ay nakapagdaragdag sa talinong isang tao dahil

sa ginagawang analisis at sintesis sa mga nakuhangimpormasyon.


Analisis

Ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip. Ang pag-iisip ng

mabuti ay maaring hindi sapat na kondisyon paramakasulat nang maganda subalit tiyak na lilitaw

pa rin ang kinakailangangkondisyon. Ang pagsulat din ay isang instrumento para mag-isip ang

isang taotungkol sa kanyang paksa. Ayon kay Ricafrente (2009), ang pag-iisip ay kasamang set

ng mga kasanayang pampag-iisip na lumikha, magpanimula atmakipagtalastasan sa iba ng

personal na simbolo ng isip. Ito ang pag-iisip bilangng set ng proseso, ang mga tao ay bumubuo,

gumagamit at nagbabago ngpanloob na simbolikong modelo. Binanggit pa ni Ricafrente na ang

pag-iisip atpagsusulat ay kakambal ng utak.

Ayon naman kay Gonzales (2005), ang kakayahang makapagpahayagnang malinaw sa

pamamagitan ng panulat ay maituturing na isa sapinakaimportanteng kasanayang dapat matamo

ng tao at nilinaw niya na isa sapinakamahirap na makrong kasanayan ang pagsulat.

Kasanayan sa Pagbuo ng Talata

Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng pangungusap naang dapat

inihahayag na kaisipan ay nafofokus sa pagbuo ng iisang diwa otalata. Ang dapat tandaan sa

pagbuo ng isang talata: 1. Sinimulang makatawag-pansin ang talata. 2. May isang paksang

pangungusap dapat sa bawat talata. 3.Bawat pangungusap sa talata ay tumutulong sa

pagpapaliwanag sa paksangpangungusap.Binanggit nina Lazaro at Liwanag (2006),

kinakailangang maging maingatang mga manunulat sa pagsulat, pagbabaybay, pagbabantas,

paggamit ng maliitat malaking titik at paggamit ng mga salita.

Pagbabaybay
Ang pagbabaybay ay ang pagsulat ng salita o mga salita sa pamamagitanng tamang

pagkakasunod-sunod ng titik. Ito ay isa sa mga pinakamahalagangbahagi ng wika. Sa sistema ng

pagbabaybay sa Filipino, sinusunod angpanuntunan na kung ano ang bigkas ay ito ring sulat at

kung ano ang sulat ito rinang basa, ito ay nakapaloob sa kautusang pangkagawarang bilang 81,

1987 ngKagawaran ng Edukasyon.

Ang pagbabaybay sa Filipino ay isa-isang pagsasabi o pagsulat samaayos na

pagkakasunod-sunod ng mga titik na bumubuo sa isang salita,pantig, daglat, akronim, inisyal, at

simbolong pang-agham (Santiago at Tiangco2003).

Pagbabantas

Ang paggamit ng tuldok, kuwit at tandang pananon, tandang pandamdam,tuldok kuwit,

tutuldok, kudlit, panipi, panaklong, gatlang at gitling aymakakatulong sa pagbuo ng sulatin.

Sa pagbabantas, sinabi ni Bernales (2006) mahalaga ang bantassandigan ito ng wastong

pagsulat. Ang wastong diwa ng pangungusap aynaipapakita sa pamamagitan ng mga bantas.

Nakakatulong din ang mga bantassa pagkakaroon ng kaliwanagan, kauganayan at kaisahan sa

mga pasulat napahayag.

Ang bantas ay mahalaga sa pag-aaral ng wika. Madaling mauunawaan ngbabasa kung

nagagamit ng wasto ang bantas. Mababasa ng maayos atmadaling malalaman ang mensaheng

ipapahayag ng mambabasa.

Batay sa pag- aaral ni Lucero (2007) na pinamagatang “Kasanayan sa Pagbasa at

Pagsulat ng mga Mag-aaral sa Unang Taon sa Kolehiyo”. Nagkatulad ang pananaliksik ni Lucero

sa isinagawang pag-aaral ng mgamananaliksik sa taon nito, ang kasanayan sa pagsulat. Ang

kinalabasan ng pag-aaral nila ay may makabuluhang relasyon ang antas ng kasanayan sa


pagbasaat antas ng kasanayan sa pagsulat. Sa kanyang pag-aaral siya ay nagbigay ngmungkahi

na bumuo ng mga pagpapayaman na gawain sa pagbasa at pagsulatng mga mag- aaral. Iba’t

ibang kagamitang panturo ay dapat mabuo sa ikauunlad ng kasanayan ng mga mag-aaral sa

pagbasa at pagsulat na katulad din naibinigay ng mga mananaliksik.

Batay naman sa pag-aaral ni Dimanarig (2002) na pinamagatang “Mga Tamang

Pamamaraan sa Pagsulat ng Malikhaing Komposisyon sa AsignaturangFilipino ng Mag-aaral ng

Rizal Technological University Lab. High School”, kinakailangan sa pagsulat ay alamin ang mga

tamang pamamaraan sa pagsulatng malikhaing komposisyon upang magkaroon ng isang kawili-

wiling sulatin.

Ayon sa pag-aaral ni Visitacion (2008) na pinamagatang “Ang Bisa ngPamamaraang

kolaboratibo sa pagsulat ng komposisyon”. Ginamit sa pag-aaral na ito ang disenyong

experimental/control group sapagkat inilalarawan ang bias ng kolaboratib bilang pamamaraan sa

pagsulat ng komposisyon. Naiba angpananaliksik na ito dahil sa respondante na ginamit.


Sintesis

You might also like