Professional Documents
Culture Documents
Introduksyon
Ang alamat ay isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga pinagmulan
ng mga bagay-bagay sa daigdig. Bagama't karaniwan nang sinasabi bilang "totoo" na mga
kuwento, ang mga alamat ay kadalasang naglalaman ng mga supernatural, kakaiba, o napaka-
imposibleng elemento.
Ayon kay (Casanora, 1997), ang panitikan ay pangunahing salamin sa kultura, tradisyon at
paniniwala ng isang sambayanan. Dito inilalarawan ang kanyang nakaraang kahapon at bukas.
Sadyang nagkaroon ito ng iba’t-ibang anyo bunga ng pagpapahayag ng damdamin at kaisipan ng
mga nasasakupan. Kadalasang nagsimula ito bilang oral na pagpapahayag o salin-dila hanggang
sa landasin nito ang daan tungo sa pagkalimbag.
Ayon kay Dr. Teresita Ramos (2011), napakahalaga ng pagmamahal ng Pilipino sa kaniyang
literatura. Dagdag pa niya, nararapat lamang na ipagmalaki at isaisip ng bawat estudyante ang
mga ito. Sinabi niya rin na sa mga alamat tunay na masasalamin ang aspektong ispiritwal, pisikal
at historikal ng isang lugar. Sa pamamagitan ng pagsusuri ng alamat ng mga katutubong Panay
Bukidnon, magiging mas malinaw ang kanilang kaugalian, paniniwala at tradisyon. Ito ay isang
paraan upang mapanatili ang kanilang kultura at kaalaman na maaaring mawala sa paglipas ng
panahon.
Kaugnay nito, nais ng mga mananaliksik na pag-aralan ang mga alamat na di-nailathala ng
Katutubong Panay-Bukidnon upang malaman kung ano pa ang karunungang-bayan na mayroon
sila. Kaya ang pag-aaral na ito ay maaring makakatulong sa pagpapanatili ng panitikan at
pagpapahalaga ng alamat.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang mga karunungang yaman na napapaloob sa
Katutubong Panay Bukidnon. Upang matamo ang mga layuning ito ay pinagsisikapang masagot
ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang mga konkretong mga alamat o panitikan mula sa mga Katutubong Panay Bukidnon
na kinakailangan nating suriin at dokumentaryohin?
2. Ano ang kalakaran ng pagtuturo o pagpapamana ng mga alamat sa kanilang komunidad, at
paano ito nagbabago sa paglipas ng panahon?
3. Ano ang mga kahalagahan ng mga alamat ba ito sa buhay ng mga katutubong Panay
Bukidnon?
4. Ano ang mga katangian ng mga alamat na ito at paano naging bahagi ng kanilang kultura at
identidad.
5. Ano ang potensyal na epekto ng pagsusuri sa mga sa mga alamat sa sektor ng kultural na
turismo o sa ekonomiya ng kanilang komunidad?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Mga Mag-aaral:
Mambabasa:
Mamamayan:
Mananaliksik:
Pwedeng maging inspirasyon ito para sa iba pang mananaliksik na magkaruon ng mas
malalim na pang-unawa ukol sa kultura ng mga katutubong Pilipino.
Maari itong maging batayan para sa karagdagang pag-aaral ukol sa kasaysayan,
antropolohiya, at iba pang aspeto ng buhay ng mga Katutubong Panay Bukidnon.
Magbibigay ito ng pagkakataon para sa masusing pagsusuri at dokumentasyon ng
kanilang mga alamat.
Teoritikal na Balangkas
Inilahad sa balangkas Teoretikal ang mga teorya na may malaking kaugnayan sa pag-
aaral na ito. Ito ang Dual Inheritance Theory, Cultural Theory, Sociological Theory at Cultural
Materialism Theory.
Tinatalakay sa teoryang Dual Inheritance ni Laing (2010) ang tungkol sa mga pagsusuri
ng mga katutubong panitikan ayon sa kabisaan nito sa mga mambabasa at ang kaugnayan nito sa
ebolusyon ng lahi at kultura ng isang tao na itinututuring bilang isang kaalaman at kaugaliang
nakukuha at natutunan sa kaniyang paligid, sa kaniyang lugar. Ito ang kontemporaryong dulog
ukol sa kilos at pag-uugali ng isang indibidwal. Nakaangkin ito sa paniniwalang iba-iba ang
kuwentong taglay ng bawat lugar. Ang Dual Inheritance Theory ay nakatulong ng malaki sa pag-
aaral ng mga mananaliksik dahil naging batayan ito ng kasalukuyang pananaliksik para
makakuha ng mga kuwentong-bayan sa iba't ibang lugar na nakabatay sa kanilang mga
paniniwala, ugali at kilos. Nagsilbing patunay din ang teoryang ito na malaki ang kaugnayan ng
kultura at kaugalian ng mga mamamayan sa kanilang panitikan.
Isa naman sa pinaniniwalaan ni Gross sa Sociological Theory (2007), na ang manunulat
ay produkto ng kaniyang panahon, lugar, mga kaganapan, at institusyon sa kaniyang kapaligiran
kung saan tinuturing sila bilang boses ng kanilang panahon. Kaugnay nito, ipinalalagay na ang
akdang kanilang nilikha ay sumasalamin sa mga kaganapan sa kapaligirang kanilang
ginagalawan. Sinasabing sa pamamagitan ng panitikan, masasalamin ang uri ng pamumuhay ng
bawat tao at ang kanilang pakikibaka sa lugar na kanilang kinalalagyan. Ang Sociological
Theory (2007) ni Gross ay sumuporta sa pag-aaral na ito dahil nagsilbi itong gabay ng mga
mananaliksik na ang panitikan ng isang lugar ay salamin o repleksyon ng uri ng pamumuhay ng
bawat tao. Katulad ng mga nakalap na kuwentong bayan na siyang naging pokus ng
pananaliksik, Bawat kuwentong-bayan na nakuha ay may kaakibat na kasaysayan at
paglalarawan sa tradisyon ng mga mamamayan.
Ayon naman sa Cultural Theory ni Johnson (2009), ipinakikilala ang kultura ng may-
akda sa mga hindi nakaaalam. Dito ay ibinabahagi ng may-akda ang mga istorya, paniniwala,
gawi-gawi at mga kaganapan sa kanilang lugar maging ang kasaysayan na minana ng mga tao at
ipinapasa sa mga susunod na salinlahi upang mapanatili at hindi mabaon sa limot. Ang Cultural
Theory ay nakatulong ng malaki sa mga mananaliksik dahil nagsilbi itong gabay na kailangan
ding ibahagi ang kuwentong-bayan para mapanatiling buhay ang diwa ng panitikan para sa
susunod na henerasyon.
Awtput
Koleksiyon ng mga di-nailathalang alamat ng Katutubong Panay-Bukidnon
Mga mananaliksik:
Estroso, Ge-ar T.
Soriano, Maureen N.
Manuevo, Maico Jade T.
Gavilangoso, Eilyn S.
Tagapayo:
Gng. Jayson N. Sagudaquil