You are on page 1of 44

1

KABANATA 1

SULIRANIN

Panimula
Ang mga kwentong-bayan ito ay isang malinaw na imahe,

larawan o presentasyon ng buhay, lipunan at kasaysayan sa

bawat indibidwal bata man o matanda, partikular nabagay,

lugar o tao. Sa kwentong bayan ay napapaloob ang isang tema

at isang paksa ay tumutulong din sa manunulat na mag-unlad

nang mahusay mula sa pagiging pangkalahatan at makikitid sa

isang tiyak na bagay na magbibigay-daan sa kanila na

magsulat ng nababasa na material.

Naragdagan ang ideya ng isang tao tungkol sa

ispisipikasyon ng mga bagay bagay sa naturang paksa. Ang

panitikan ay isa sa naging daan upang mapanatili at

maipamana sa susunod na henerasyon at upang mailathala at

maipaaalam kung paano ito tangkilikin na mga nakagisnan ng

mga kabataan. Maaari itong maging isang daan upang mas

lalong maipakilala at makilala pa ng lipunan ang kanilang

mga kasanayan, paniniwala, kaugalian at tradisyon hanggang

sa susunod na henerasyon. Nakikita kung anong bumubuo at

kumakatawan sa isang lahi mula noon magpahanggang ngayon at

maging sa hinaharap. Subalit nakakasama rin dito ang mga


2

panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nasa labas ng

sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng mga

Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan

ng paksa. Sa kasalukuyan, tinatawag din itong Panitikang

Filipino sapagkat kinabibilangan ng mga likhang

pampanitikang nagmula sa kinabibilangan ng iba’t ibang wika

sa Pilipinas.

Ayon kay (Catipay 2019), ang panitikan ay pangunahing

salamin ng kultura ng isang sambayanan. Dito nailalarawan

ang kanyang kahapon, ngayon at bukas. Sadyang nagkaroon ito

ng ibat-ibang anyo na bunga ng pagpapahayag ng damdamin at

kaisipan ng ibat-ibang tao. Kung gayon ang panitikan ay

hindi lamang likhang sining ng manunulat kundi higit pa

rito. Patunay nito ang sinabi nina (Silva & Tehrani, 2016)

sa kanilang pag-aaral na ang mga kuwento ay hindi

diretsahang nagpasalin-salin mula sa mga ninuno patungo sa

kanilang mga kamag-anak o mga tagapagmana lamang kundi ang

mga ito ay nagpasalin-salin sa kahit kanino dahil sa

pakikipag-usap, pakikipagsalamuha, pangangalakal at

pakikipagsapalaran sa buhay.

Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng

panitikan na naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino.

Kabilang sa mga ito ang kuwentong-bayan, maikling kuwento o


3

maikling katha, sanaysay, tula, dula, nobela, drama,

balagtasan, parabula, bugtong, salawikain, kasabihan,

pabula, alamat, tanaga, bulong, awiting-bayan, epiko,

pelikula, at mga iskrip na pangradyo, pantelebisyon at

pampelikula.

Ang kuwentong-bayan Ingles: (folklore) ay bahagi ng

isang kalinangan na binabahagi ng isang partikular na

pangkat ng mga tao; sinasasaklaw nito ang mga tradisyon

karaniwan sa kalinangan, subkultura, o pangkat na iyon.

Kabilang dito ang tradisyong pasalita tulad ng mga salaysay,

alamat, kawikaan at biro. Kabilang sa mga ito ang kulturang

materyal, na mula sa tradisyunal na istilo ng mga gusali

hanggang sa mga laruang gawang-kamay na karaniwan sa

pangkat. Kabilang din sa kuwentong-bayan ang tradisyunal na

kaalaman (kaya maaring tawagin din itong tradisyong-bayan o

tradisyong-pambayan), na nagbibigay aksyon para sa mga

paniniwalang-bayan, ang mga anyo at ritwal ng mga

pagdiriwang tulad ng Pasko at mga kasal, mga sayawing

pambayan, at mga rito ng pagsisimula. Bawat isa sa mga ito,

nag-iisa man o magkahalo, ay tinuturing isang artipakto ng

tradisyong-pambayan. Kasinghalaga ng anyo, sinasaklaw din ng

kuwentong-bayan o tradisyong-bayan ang paghatid ng mga

artipakto iyon mula sa isang rehiyon hanggang sa isa pa, o

mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod pa na


4

henerasyon. Hindi tipikal na makukuha ang kuwentong-bayan sa

isang pormal na kurikulum ng paaralan o pag-aaral sa pinong

sining. Sa halip, impormal na naipapasa ang mga tradisyon

mula sa isang indibiduwal hanggang sa isa pa sa pamamagitan

ng tagubiling pasalita o demonstrasyon. Tinatawag na araling

tradisyong-pambayan o polkloriko ang akademikong pag-aaral

ng kuwentong-bayan o tradisyong-bayan, at maaari itong

masiyasat sa lahat ng antas ng edukasyon.

Ang tema ay ang umiikot sa ideya na makikita sa kabuuan

ng buong kwento.Ang tema ay ang bagay na gustong iparating

ng kwento sa mga mambabasa at aral na napulot mula dito.

Ayon kay (Fleming G. )Ang tema ay isang mensahe na inaalis

mula sa aklat at ito ay tinukoy ng mga simbolo o isang paksa

na nagpapanatili sa paglitaw. Upang matukoy ang tema ng

isang kwentong bayan dapat pumili ng isang salita na

nagpapahayag ng naturang paksa.

Ayon kay Ki, (2021)Ang paksa ng isang kwento ay siyang

nagmumulat sa mga mambabasa. Bukod dito, mas nagiging

epektibo ang isang paksa kapag ito ay sumasalamin sa totoong

mga pangyayari.

Ayon sa (Philnews.ph, 2021) naman ay tumutukoy sa diwa o

ideya na binigyang pokus o atensyon ng may akda. Maraming

paksa ang posibleng gamitin ng may-akda, pero dahil sa


5

sobrang dami ng mga paksang mapagpipilian, mas madali kung

ang paksang ito ay mayroong tema. Dahil sa paksa, ang mga

mambabasa ay nabibigyan ng ideya at namulat sa mga posibleng

maging epekto ng mga desisyon ng mga karakter.

Gustong pag-aralan at malaman ng mga mananaliksik ang

mga paksa at tema ng kwentong bayan ng Filipino Grade 7

dahil ito ang naging basehan para maisakatuparan kung ano

ang nais maipahayag sa bawat kwentong bayan na nabuo.Bukod

pa dito ay para mas lalong maipaliwanag rin sa makabagong

henerasyon ang kahalagahan ng kwentong bayan na ngayon ay

hindi na masyadong tinatangkilik ng kabataan.Gustong

ipahayag ng pag-aaral na ito na mas kaaya-ayang basahin at

pagtuunan ng pansin ang mga kwentong bayan dahil maliban na

sa nakakakuha tayo ng mga magagandang paksa at tema

maisasabuhay rin natin ang mga aral sa bawat kwento na ating

mababasa.

Batayang Teoritikal at Konseptwal

Ang teoryang binatayan ng pag-aaral na ito ay ang

Teoryang konstruktibismo sapagkat lumilitaw sa pag-aaral na

ang paksa at tema ng kwentong-bayan ng Filipino Grade 7 ay

isang pag-aaral na humahawak ay mga tao at aktibong

nagtatayo o gumagawa ng sariling kaalaman, nakabubuo ng


6

kanilang sariling pagpapakahulugan gamit ang kanilang dating

kaalaman at karanasan.

At ang huling teoryang humanismo ay nakapukos sa tao

ito ay isang pag-aaral sa pananaw ukol sa paniniwala o

prinsipyo ng tao. Naniniwala ang mga humanista na ang tao

ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya mahalagang

maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng

saloobin at kalayaan sa pagpapasya.

Sa unang kahon makikita ang limang kwentong bayan. Sa

pangalawang kahon ay ang bawat paksa at sa pangatlong kahon

ay ang bawat tema at ang panghuling kahon ay ang

implikasyon na nakuha mula sa kwentong bayan ng Filipino

Grade 7.
7

Implikasyon
ng paksa at
tema ng
Kwentong-bayan
ng Grade 7 kwentong-
Paksa Tema
bayan ng
Filipino
Grade 7
8

PIGURA 1: Iskematik Dayagram

Paglalahad ng Suliranin

Layunin sa pag-aaral na ito ay ang mailarawan ang

limang mga kwentong-bayan mula sa grade 7. Upang matugunan

ang layuning ito sinikap na sagutin ang mga sumusunod:

1. Anu-ano ang mga Paksa na mula sa kwentong-bayan?

2. Ano ang mga temang nakuha mula sa kwentong-bayan ng grade

7 Filipino?

3. Anong implikasyon ng paksa at tema ng kwentong-bayan ng

Filipino grade7?

Kahalagahan sa Pag-aaral
Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magkakaroon ng

halaga sa mga sumusunod:

Guro. Maibabahagi sa kanyang mga estudyante ang mga

paksa at tema lalong-lalo na ang mga aral na mula sa

kwentong-bayan.
9

Mag-aaral. Ito ay kapupulutan nila ng aral na pwede

nilang mailapat sa totoong buhay. At maipamahagi rin sa iba

kahit hindi nag-aaral.

Magulang. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay

matutulungan ang mga magulang na mabigyang halaga ang

pagbabasa at pag-uunawa sa akdang binasa ng kanilang mga

anak lalong-lalo na sa mensahe at temang nakapaloob dito.

Iba pang Mananaliksik. Ito ay maging batayan sa

isasagawang pag-aaral.

Saklaw at Limitasyon

Pokus sa pag-aaral na ito ang paksa at tema ng mga

kwentong-bayan na mula sa grade 7. Saklaw lamang sa pag-

aaral, ang limang(5) kwento na mula sa grade 7, na nakalap

mula sa aklat at internet. Ito ay ang mga sumusunod:Alamat

ng Pinya(Rotero Arderolosen),Alamat ni Mariang

Sinukuan(Eugene Evasco),Alamat ng Puno ng Niyog(Richard

G.Reynante),Nakalbo ang Datu(Kwentong bayan ng Maranao),Ang

Aso at Ang Leon(Ernesto U. Natividad Jr.). Sa pag-aaral na

ito, ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga piling kwentong-

bayan na siyang sinuring mabuti.


10

Katuturan ng Terminolohiya

Kuwentong-Bayan.Ito ay ang malayang kultura ng bawat

grupo ng tao na kung saan kasama sa mga bali-balita ang mga

salaysay,salawikain alamat at mito.Naipasa din ito sa

komunidad, o rehiyon sa pagpapahayag gamit ang kilos. Mga

kathang isip na pinag aralang kuwento o salaysay na ang mga

kumakatawan ay ang mga pag-uugali at mga turo ng mamamayan

sa isang lipunan. Ginamit sa pag-aaral bilang basehan sa

pagkuha ng paksa at tema.

Paksa. Ito ay ang nagbibigay sa mga mambabasa ng ideya o

kaya’y namumulat sa mga posibleng maging epekto ng mga

desisyon ng mga karakter o mga bagay na pinag-uusapan.Ang

isang paksa ay tumutukoy sa diwa o ideya na binigyang pokus

o atensyon ng may akda, at ang pinag-uusapan sa isang

kwento. Ito ay ginamit upang makuha ang bawat paksa sa bawat

kwento.

Tema. Ang tema ay may malawak na sakop, maaari itong

tungkol sa pag- aaral, karanasan, o maging sa ating


11

imahinasyon.Ito ang basehan ng kwento at kung saan ang

direksyong gustong palutangin ng tagapagsulat ng

kwento.Upang mas maiintindihan ang daloy ng bawat kwento

kung kaya’t kinakailangang mayroong tema. Ito ay

pangkalahatang kaisipan na nais maisakatuparan ng may akda

sa isang kwento.

KABANATA 2

MGA KAUGNAYAN NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Nakapaloob sa kabanatang ito ang mga kaugnay na

literatura at pag-aaral na may kaugnayan sa ginawang pag-

aaral.

Kwentong-bayan

Sa pag-aaral nina Tabinas, Pepano at Macasinag (2006)

na ang kalipunan ng mga nakalap na kuwentong pasaling-dila

ay may kinalaman sa kultura at kuwento ng isang lugar. Ito

ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat ang

kasalukuyang pananaliksik ay naglayong matukoy ang iba't

ibang kuwentong-bayan ng mga dinarayong lugar.

Ayon kay Manue (1956) ang kwentong-bayan, ito ay sanga

ng sinaunang berbal na sining ng tradisyunal na inilapat na


12

tumutukoy sa kwento ng awiting-bayan, mito, bugtong, sayaw,

salawikain, salaysayin at iba pa.

Ayon kay Camar (2016) Sa kanyang pagsusuri sa

pagpapahalagang napaloob sa bawat kuwentong-bayan nalikom

mula sa Cantilangnun, natuklasan niya na karamihan sa mga

kuwentong-bayan ay kaki-kitaan ng pagpapaghalagang makatao

na sinundan ng maka-Diyos, makakalikasan at makabayan.

Ayon sa tesis ni Weerasingher (2010) sadyang Malaki ang

tungkuling ginampanan ng kuwentong-bayan upang mahubog ang

kakayahan ng tao sa pakikipagsalamuha. Sa pamamagitan ng

kuwentong-bayan ay mabubuksan ang isipan ng mga tao kung

gaano kahalaga ang pakikipagsalamuha sa kapwa nnag sa gayon

ay maging bukas ang isipanpatungkol sa mga bagay-bagay.

Tema

Ayon kay Aquino (2015) tumutukoy ito sa pangkalahatang

konsepto at inaasahang epekto nito sa manonood. Halimbawa

kung ang tema ay karahasan sa kababaihan, layunin nitong

pukawin ang atensyon ng madla tungkol sa isyung ito at

magsilbing tulay upang makapagnilay o kumilos ang mambabasa.

Ayon kay Aranda (2014), ang tema ng palabras ay may

malaking impluwensya sa lahat ng tao, ito ay may mahalagang

gampanin sa paghubog ng kamalayan ng tao at kung paano niya

titingnan at hinuhubog ang mundo.


13

Winika naman ni Chen (2009) ang tema sa kuwentong-bayan

ay sinasabi niyang kadalasan ng mga ito ay kakikitaan ng

matulunging hayop, mga di-kapani-paniwalang pagbabagong

anyo,mga kahilingan na natutupad, ang higit sa lahat ang

pagkakaroon ng mahika.

Ayon sa tesis ni Lomonggo (2020) ng tema ay ang

pangkalahatang kaisipan na nais palutangin na may akda sa

isang maikling kwento.

Paksa

Ayon kay Ki (2021) ang paksa ng isang kwento ay siyang

nagpamulat sa mga mambabasa. Bukod dito, mas nagiging

epektibo ang isang paksa kapag ito ay sumasalamin sa totoong

pangyayari.

Sinabi ni FPA Demeterio III (2013) ang paksa sa

kuwentong-bayan ng iba’t ibang kultura, pati ng isang

pagbaliktanaw sa pag-akyat at paglubog ng naturang paksa.

Ang isang paksa ay mai-outline tulad ng isang isyu na

pinag-uusapan ng katutubong kapag nagsusulat ng isang

kadahilanan, debate at bilang bahagi ng isang diyalogo. Ang

pinakamalaking diskarte sa pagpapaliwanag ng agwat ng oras

ay lumiliko sa ilang mga kasingkahulugan na kahawig ng

usapan, yugto ng pakikipag-usap, tesis, konsepto at

pangunahing tono. Maaari itong magbago na may kaugnayan sa


14

tema gayunpaman naiiba sa isang diskarte na ang isang

argumento ay maaaring baguhin ang tono kung saan ang isang

kadahilanan ay nagsasalita mismo, samantalang ang paksa ay

nagiging eksaktong bagay kung saan ang mga pagbabago sa tema

Porter, (2021).

Mga Buod ng Kwentong Bayan Mula sa Grade 7

“ Alamat ng Pinya”

(Rotero G. Arderolosen)

Mayroong mag-inang nakatira sa isang kubo.Simple man

ang kanilang pamumuhay ay nais pa rin ni Aling Rosa na

magkaroon nang maayos na pag-uugali ang kaniyang anak na si

Pina.Ngunit tila lahat ng negatibong pag-uugali ay

tinataglay na ni Pina. Una, hindi ito maaasahan sa mga

gawaing bahay kundi sobrang tamad ito. Kaya nang minsang

magkasakit ang kaniyang nanay na si Aling Rosa ay

kinakailangan niyang magluto. Ngunit imbes na hanapin ang

sandok, panay tanong ito sa kaniyang ina. Ang mga bagay na

nasa kaniyang harapan na lamang ay hindi pa niya makita

dahil sa katamarang taglay nito. Dahil sa inis ng ina sa

pag-uugaling ito ng anak, isang araw ay nasigawan niya ito

at napagalitan. Sinabi ng ina na sana ay magkaroon ito ng

maraming mata para makita nito lahat ng hinahanap niya at


15

hindi na siya tanong nang tanong pa. Umalis sa kanilang

bahay si Pina na masama ang loob dahil sa sinabi ng ina.

Simula nang umalis si Pina ay hindi na ito nakita pa ni

Aling Rosa. Ngunit nakita na lamang niya ang isang halamang

tumubo sa kanilang bakuran. Marami itong mata kaya naman

naalala niya ang kaniyang anak na si Pina dahil sa sinabi

niya. Batid niyang nagkatotoo ang kaniyang mga tinuran. Kaya

naman tinawag na nila ang bunga na Pinya bilang pag-alala

kay Pina.

“ALAMAT NI MARIANG SINUKUAN “

(Eugene Evasco)

Sa awa ng mga kilalang diwata sa Pilipinas katulad ni

Maria Makiling ng Los Baños at Maria Cacao ng Cebu. May

isang napakabait na diwata sa bundok Arayat. Siya si Mariang

Sinukuan, ang may-ari ng bundok na ito. Madalas niyang

binibiyayaan ang mga tao ng mga pagkain tulad ng prutas, at

iba pang likas na yaman. May nagtangkang magnakaw ng pagkain

sa kanyang kagubatan isang araw. Ang sako ay puno ng iba’t

ibang klase ng mga prutas na kanilang ninakaw. Habang sila

ay umalis sa kagubatan ay naramdaman nilang biglang

bumibigat ang kanilang mga dala. Nang binuksan ang sako ay

puno na ng mga bato. Hindi ito ang kauna-unahang


16

pagkakataon na inabuso ang kanyang kabaitan. Kaya siya

napuno ng galit at pinarusahan niya ang mga tao. Nagutom na

sila dahil wala na silang napakinabanggan pang mga likas ng

yaman ng kagubatan at mula noon, hindi na muling nagpakita

si Mariang Sinukuan.

Alamat Ng Niyog

(Richard G. Reynante)

Noong unang panahon, may isang batang nag ngangalang

niyog. Siya ay napakaliit na bata na halos kalahati ng isang

normal na bata, ngunit mayroon siyang napakataas na

pangarap, na balang-araw, siya ang magbabangon sa kanyang

mga magulang sa kahirapan at magtataguyod sa buhay. Sa araw-

araw na ginawa ng Diyos, daing sa hirap at laging pagod sa

paghahanapbuhay ang mga magulang ni niyog. Lagi niyang

binabalak na tumulong ngunit pinapa-galitan lamang siya ng

kanyang ama at sinasabing, “huwag ka ng tumulong, maliit ka,

wala kang maitutulong at sa halip ay makakaperwisyo ka pa”.

Kaya sa tuwing umaalis ng bahay ang kanyang mga magulang

upang maghanapbuhay, palihim na lang niyang nililinis ang

kanilang tahanan at maging ang kapaligiran nito bilang

tulong, ngunit hindi ito napapansin ng kanyang mga magulang.


17

Isang gabi, nag-usap ang mag-asawa. Kahit ano gawin

nating pagsisikap ay hindi pa rin tayo makaahon sa ating

pagkakalugmok. Habang tumatagal, lalo tayong naghihirap,

sabi ng ama. Ang ating anak, mula nung iniluwal ko siya ay

naging kakambal na natin ang kahirapan, malas na siya wala

pa siyang pakinabang, ang sabi ng ina. Ngunit ang hindi nila

alam ay naririnig pala sila ni niyog. Dahil sa sama ng loob,

naisip ni niyog na umalis upang mag isip-isip. Buong gabi

siyang umiyak ng umiyak.

Kinabukasan ng madaling araw, lumayas siya at sa harap

ng kanilang pinto ay nag-iwan ng sulat na naglalaman ng

kanyang hinanakit. Panandalian siyang tumigil at sinabi

niya, isinusumpa ko, lalaki rin ako, titingalain ng maraming

tao, mararamdaman nyo rin na isa akong malaking kawalan sa

inyo. Kasabay ng pagtakbo niya mula sa kinatatayuan ang

pagtulo ng luha. Ilang araw na ang nakakalipas ngunit hindi

pa rin nila napapansin ang pagkawala ni miyog ang paligid

nito.

Hindi naglaon, nagkasakit ang ama ni miyog Dahil sa mga

insektong dumumog sa kanilang kapaligiran dahil sa dumi at

nabubulok na nakapaligid sa bahay.

Noon nila napagtanto na wala napala si Miyog sa kanila

at siya lamang ang posibling naglilinis ng paligid nung


18

siya’y nandito pa. Ilang linggong hinanap ng ina si Miyog

ngunit hindi niya ito makita. Napa upo nalamang ang ina at

napapikit sa may pinto at sinabing, “Miyog, anak, kung

nandito ka lamang sana ay maayos ang kalagayan ng iyong

ama”. Pagmulat niya nasilaw siya sa isang liwanag kasabay ng

pagtubo ng isang puno na may bunga.

Kasabay din nito ang pagkakita sa sulat na ginawa ni

Miyog. Habang nag tatagal ay lalong dumadami ang puno at

napakinabangan ng tao ang lahat ng parte nito mula ugat

hanggang dahon. Laking pasasalamat ng mga tao doon at isang

malaking pakinabang ang punong iyon sa kanila, nagsilbi

itong pagkain, inumin, at maging gamot sa mag sakit at kung

anu-ano pang gamit ang makukuha dito. Siguro nga ay si Miyog

ang punong iyan, nagsisisi akong nasabi kong wala siyang

pakinabang, ang sabi ng ina. Di naglaon, tinawag nila itong

punong miyog, hanggang sa naging puno ng niyog. Hanggang sa

ngayon, tinitingala at napakalaki pa rin ng pakinabang ng

mga tao sa puno ng niyog. Dito nakukuha ang karamihan sa

ipinagmamalaking mga produkto ng Pilipinas.

Ang Aso at Ang Leon


19

(Ernesto U. Natividad Jr.)

Isang araw, naligaw ang isang matandang aso habang

hinahabol ang kuneho. Mayamaya ay napansin niya buhat sa

malayo ang isang leon na tumatakbo papalapit sa kaniya na

may tinging nagugutom. “Palagay ko’y lalapain ako ng

nilalang na ito,” sabi ng aso sa sarili. Nakakita ang

matandang aso ng mga butong nakakalat malapit sa kaniya.

Umayos siya na animo’y kakainin ang mga ito nang nakatalikod

sa paparating na leon. Nang dadambahin na ng leon, sumigaw

ang matandang aso, “isang napakasarap na leon! Mayroon pa

kayang iba rito? Nang marinig ng batang leon ang sigaw ng

matandang aso ay bigla itong tumigil, at mabilis na nagtago

sa puno. “Marahil ay mabagsik ang matandang asong iyon at

marami nang napatay,” bulong niya sa sarili.

Ang ardilya (squirrel) naman na kanina pa pala nanonood

sa malapit na punongkahoy ay alam ang pandarayang ginawa ng

aso at nag-isip na gamitin ang kaniyang nalalaman para sa

kaniyang sariling proteksiyon mula sa leon. “Siguro naman ay

makukuha ko ang loob ng leon,” nakangiting sabi nito sa

sarili. Nang makausap ang leon, ipinaliwanag ng ardilya ang

nangyari at gumawa ng kasunduan. “Baka pinagtatawanan ka ng

asong iyon ngayon,” pangising tinuran ng ardilya. Napoot ang

leon dahil sa pagkakalinlang sa kaniya at nagwika “sumakay


20

ka sa likod ko at nang makita mo ang mangyayari sa

manlilinlang na iyon!” Natiktikan ng matandang aso ang

pagdating ng leon na may nakasakay na ardilya sa likod. Sa

halip na tumakbo, naupo siya at nagkunwaring hindi pa niya

sila nakikita. Nang malapit na ang dalawa at alam niyang

siya’y maririnig, ang matandang aso ay nagsabi, “nasaan ang

ardilyang iyan? Inutusan ko siya, isang oras na ang

nakakaraan na dalhin sa akin ang isa pang leon!” Biglang

kinabahan ang leon at bumaling sa ardilya.

“Akala ko ba’y kakampi kita?” “Nilinlang mo lang pala

ako at nais mo akong ipakain sa asong iyan?” Akala ng leon

ay talaga ngang inutusan ng matandang aso ang ardilya upang

siya ay dalhin sa harap nito. Lingid sa kaniyang kaalaman,

sa laki niya ay kaya niyang patayin at lapain ang matandang

aso. Kumaripas ng takbo ang leon, at ni hindi na nagawang

lumingon. Ang ardilya ay naiwan. Hinarap siya ng matandang

aso at galit na nagwika, “akala mo siguro ay mapapatay mo

ako sa pamamagitan ng leong iyon!” Matanda na ako at marami

ng karanasan. Hindi ninyo ako mapaglalalangan. Nanginginig

na humingi ng tawad ang ardilya.

Nakalbo ang Datu


21

(Kwentong bayan ng Maranao)

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang

Muslim. May katutubong kultura ang mga Pilipinong Muslim

tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang kalinangan, ang isang

lalaki ay maaaring mag-asawa nang dalawa o higit pa kung

makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang babae at ang

magiging pamilya nila. May isang datu na tumandang binata

dahil sa paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan. Lagi

siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook. Nalimutan ng

datu ang mag-asawa. Siya ay pinayuhan ng matatandang

tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon

siya ng anak na magiging tagapagmana niya. Napilitang mamili

ang datu ng kakasamahin niya habang buhay. Naging pihikan

ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang

pamayanan. Sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang

bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit

hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang

dalagang maganda na ay mababait pa. Dahil sa wala siyang

itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal

kaya pinakasalan niya ang dalawang dalaga.

Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin.

Siya ay batang-bata at napakalambing. Kahit na matanda na

ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal na mahal din siya
22

ng datu kaya ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin niya.

Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, umisip si Hasmin ng

paraan upang magmukhang bata ang asawa. Ah! Bubunutin ko ang

mapuputing buhok ng datu. Sa ganito, magmumukhang

kasinggulang ko lamang siya. Ganoon nga ang ginawa ni

Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni

Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling

nakakatulog ang datu at napakahimbing pa. Mahal din ng datu

si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda, mabait si

Farida ngunit kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida

kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu. Kahit maganda

siya, ayaw niyang magmukhang matanda. Tuwing tanghali,

sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na ang datu,

palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa.

Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa,

siyang-siya sa buhay ang datu. Maligayang-maligaya ang datu

at pinagsisihan niya kung bakit di kaagad siya nag-asawa.

Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang minsang

manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kanyang sarili.

Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu.


23

KABANATA 3

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito ay naglalayon na maipaliwanag at

mailahad ang mga paraang ginamit ng mga mananaliksik upang

mabigyang katuparan ang layunin ng pag-aaral.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang disenyong isinagawang pananaliksik ay ginamitan ng

kwalitatibo sa pamamaraang deskriptibo. Ito ay

kinapapalooban ng pagbibigay linaw at tiyak na pagbibigay ng

kuro-kuro o interpretsyon. Ang uri ng pananaliksik na ito ay

kinapapalooban ng ibat-ibang uri ng pagsisiyasat na

naglalayong makakuha ng isang malalim na impormasyon ukol sa

pag-uugali, ugnayan ng mga tao at ang dahilan ng gumagabay

rito. Ang mga datos ay tinatala at binibigyang

interpretasyon gaya ng “Nonnumerical” na pamamaraan gaya ng

at mga detalyadong deskripsiyon. Tinangka sa pag-aaral na

ito na kunin ang mga paksa at tema mula sa kwentong bayan sa

Filipino grade 7. At makuha ang bawat implekasyong makukuha

mula sa mga paksa at temang nakalap.


24

Instrumento ng Pananaliksik

Sa bahaging ito makikita ang mga instrumento ng mga

kwentong-bayan na nakuha mula sa aklat ng Grade 7 Filipino.

Koding sa limang kwentong bayan ng Filipino grade 7. “Alamat

ng Pinya” na may code na KB1; “Alamat ni Mariang Sinukuan”

na may code na KB2; “Alamat ng Niyog” na may code na KB3;

“Ang Leon at ang Aso” na may code na KB4; at “Alamat ng

Nakalbo ang Datu” na may code na KB5.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay nanghiram ng aklat sa Filipino

7 sa isa sa mag-aaral ng Grade 7. Una ay binasa ang mga

napiling kwentong-bayan. At ang huli kinuha ang paksa at

tema mula sa mga akda ng kwentong-bayan.

Pag-aanalisa ng mga Datos

Upang maisakatuparan ang mga layunin sa pag-aaral na

ito, ang mga mananaliksik ay gumamit ng paglalarawan at pag-

aanalisa upang pagtibayin ang mga nakuhang datos. Gumamit

din ang mga mananaliksik ng pag-aanalisa ng nilalaman. Sa

pag-aanalisa ng mga datos ang unang ginawa ng mga

mananaliksik ay ang pagkuha ng paksa sa mga kwentong-bayan,

ang pangalawa ay ang mga tema sa nakuhang paksa ng mga

kwentong-bayan mula sa Filipino Grade 7. At ang pangatlong


25

kahon ay ang implekasyon ng mga tema at paksa mula sa mga

kwentong bayan ng Filipino Grade 7.


26

KABANATA 4

PRESENTASYON, ANALISIS, AT INTERPRETASYON NG DATOS

Sa kabanatang ito makikita ang presentasyon, analisis,

at interpretasyon ng mga nakalap na datos.

Ang mga datos ay buong husay na sinuri at inilagay sa

talahanayan para malinaw ang pagbigay ng interpretasyon sa

bawat datos na nakuha.

Talahanayan 1: Mga Paksa ng kwentong-bayan mula sa grade 7.

Paksa Tiyak na Paksa

Masunurin sa mga magulang  Sumunod sa utos ng


magulang
27

Paniniwala  May malas na anak


 Biyayang ibinigay ng
mga Diwata
Sariling proteksyon  Hindi maisahan ng
kaaway o kalaban

Makikita sa talahanayan 1 ang mga paksa na nasusuri sa

limang Kuwentong-bayan ng Grade 7 ay nararapat sumunod sa

mga magulang, paniniwala, at sariling proteksyon.

Sa unang paksa na masunurin sa mga magulang ay may

tiyak na paksa na sumunod sa utos ng magulang, sa

pangalawang paksa na paniniwala ay may tiyak na paksa na

mag-asawa ng ilang beses at ang biyayang ibinigay ng mga

Diwata, at sa huling paksa na sariling proteksyon ay may

tiyak na paksang hindi maisahan ng kaaway o kalaban.

Narito ang mga linya mula sa iba’t ibang kwentong-bayan

na magapapatunay sa inihayag na paksa. Tunghayan sa ibaba:

1. Masunurin sa mga magulang

sumunod sa utos ng magulang ang tiyak na paksa

“Kaya ng minsang magkasakit ang kanyang


nanay na si Aling Rosa ay kinakailangan
niyang magluto” KB1

“Sa tuwing umaalis ng bahay ang kayang


mga magulang upang maghanapuhay, palihim
niyang nililinis ang kanilang tahanan at
maging ang kanilang kapaligiran nito
bilang tulong ” KB3
28

Ang tiyak na paksa ng kwentong-bayan ay ang pagsunod sa

utos ng magulang dahil nararapat lamang na ito ang maging

kagawian ng mga kabataan. Kagaya ng pagluluto, paglilinis ng

bahay at maging sa kapaligiran o bakuran.

Sa ating modernong panahon ngayon ay karamihan sa mga

bata ay nahuhubog sa teknolohiya. Minsan nahihirapan ang

ating mga magulang sa lahat ng mga gawain kaya’t bilang mga

anak tayo ay inaasahan na gawin ang pagtulong sa kanila,

pagsunod sa mga utos at payo dahil alam nila kung ano ang

ikabubuti dahil dumaan narin sila sa ating edad.

Ayon kay Javier,(2018) ang pagpapakita ng pitagan at

pagsunod sa ama’t ina ay nararapat na pagkalinga at pag-

aaruga sa kanila, pati narin sa paggawa ng mga gawaing

bahay.

2. Paniniwala

Ang tiyak na paksa sa paniniwala ay ang Biyaya ng


diwata at ang isinilang na may kakambal na malas.

“Madalas niyang binibigyan ang mga tao


ng mga pagkain tulad ng prutas, at iba
pang likas na yaman” KB2

“Ang ating anak, mula iniluwa ko siya


ay naging kakambal na natin ang
29

kahirapan, malas na siya wala pa siyang


pakinabang”

Likas sa mga paniniwala ng mga tao na ang mga Diwata ay

nagbibigay sa kanila ng mga biyaya, kagaya ng mga pagkain

tulad ng prutas at likas na yaman. Naniniwala rin ang ina ni

miyog na kakambal ng kanyang anak ang malas na dumating sa

kanilang buhay.

Nakagisnan na ng mga Filipino ang maniwala kahit na

hindi ito nabigyang paliwanag ng mga nagdaan na henerasyon

at ngayon ay patuloy parin itong ginagamit na batayan sa

pamumuhay ng marami.

Ang ating mga ninuno ay maraming paniniwala na kung

iisipin nating mabuti ay talagang taliwas sa larangan ng

siyensiya. Pero kahit ngayon, sa ating makabagong panahon,

kahit na ang tao ay nakarating na sa buwan, mayroon pa ring

mga pamahiing pinaniniwalaan o sinusunod ng ating mga

kababayan lalo na sa baryo at mga lalawigan. Asuncion,

(2011).

3. Sariling proteksyon

Isang tiyak na paksa ay ang Tunay na katauhan.

“Ang ardilya naman na kanina pa pala


nanonood sa malapit sa punongkahoy ay alam
ang pandarayang ginawa ng aso at nag-isip na
gamitin ang kaniyang nalalaman para sa
30

kaniyang sariling proteksyon mula sa leon”


KB4

Isa sa mga paksa ng Kuwentong-bayan ay ang pagkakaroon

ng sariling proteksyon dahil ito ang kinakailangan natin sa

araw-araw upang mas maging matibay tayong humarap sa mga

hamon sa buhay dahil hindi sa lahat ng panahon maasahan

natin ang mga taong nakapalibot sa atin. Walang ibang

magtatanggol sa atin kundi ang Diyos at ang ating sarili

lamang.

Proteksyon sa sarili katulad sa tunggalian sa kwento

tulad ng tao laban sa tao pakikitunggali sa buhay laban sa

sarili sa tao at sa lipunang ginagalawan ito ay maiuugnay sa

kasalukuyang panahon na kailangang matutong proteksyonan ang

sarili mula sa masasamang tao at mga kalamidad na hindi

inaasahan at hindi malilinlang ng sino man.

Ayon kay Paz (2008) kapag hindi ginamit ang sariling

abilidad tulad ng proteksyon sa sarili ay humihina ang loob,

ito ang magsisilbing gabay upang hindi maisahan ng kaaway o

kalaban.

Talahanayan 2: Mga Temang nakuha sa kwentong-bayan mula sa


grade 7.

Mga Temang nakuha sa Kwentong-bayan mula sa Filipino 7


31

Pagpapakita ng respeto

Mataas na paggalang sa mga paniniwala

Pagpapahalaga sa sarili

Makikita sa Talahanayan 2 ang mga temang nasusuri sa

limang Kwentong-bayan ng Grade 7 na may pagpapakita ng

respeto, mataas na paggalang sa mga paniniwala at

pagpapahalaga sa sarili.

1.Pagpapakita ng respeto

Pinahayag sa ibaba ang mga kwentong bayan na

nagpapakita ng respeto.

“May isang datu na tumandang binata dahil sa

paglilingkod sa kanyang nasasakupan bilang respeto

sa kanila abala sya sa kanilang pook. Nalimutan ng

atu ang mag-asawa”.

2. Mataas na paggalang sa mga paniniwala NNN

Pinahayag sa ibaba ang mga kwentong bayan na may temang

mataas na paggalang sa mga paniniwala.

“May halamang tumubo sa kanilang bakuran. Marami itong

mata kaya naman nalala niya ang kanyang anak nasi pina dahil

sa sinabiniya pinaniniwalaan niyang nagkatotoo ang kanyang


32

tinuran. Kaya naman tinawag nila ang bunga na pinya bilang

paalala kay pina.

3.pagpapahalaga sa sarili

Pinahayag sa ibaba ang mga kwentong bayan na may temang

Implikasyon

Ang paksa at tema ng kwentong-bayan mula sa Grade 7 ,

ito ay nagpasalin-salin sa maraming henerasyon at humuhubog

ng pagkakatao at tumutulong sa pagbigay pag-asa tungo sa

makabuluhang buhay. Naipaloob sa mga kwentong-bayan ang mga

magagandang katangian tulad ng malasakit, pagkamalikhain,

pagtitiwala at katapangan gaya ng kwento ng “Nakalbo ang

Datu” mula sa kwento ng Maranao. Ang kwentong ito ay

nagmumulat sa kamalayan ng mga kabataan sa Filipino Grade 7

ukol sa mabuting asal at tamang pananaw.

Itinuro sa kabataan ang mga aral ng kwentong-bayan

sapagkat ang mga ito ay nagtuturo ng mensahe ng paggawa ng


33

mabuti, maging ang aral na ang responsableng pagpapasya ay

nagdudulot ng mabuting kahihinatnan. Naipakita ng kwentong-

bayan ang kahalagahan ng mabigat na pagpapasya sa mahihirap

na sitwasyon at ang pakikipag-talakayan sa mga bata tungkol

sa pagpapasya sa kanilang buhay. De Leon (2017).


34

KABANATA 5
BOUD NG NATUKLASAN, KONKLUSYON, REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagpapakita sa buod ng pagtuklas,

konklusyong nabuo at rekomendasyong inihain.

Buod ng Natuklasan

Ang pag-aaral na ito ay may paksang Ang paksa at tema

ng kwentong-bayan ng Grade 7 filipino. Layunin sa

pananaliksik na ito ay ang masuri ang mga paksa at tema ng

mga kwentong-bayan ng grade 7. Ginamit sa pananaliksik ang

desinyong kwalitatibo at diskriptibo o paglalarawan naman sa

pagsusuri ng mga datos na nalikom.

1. Ano-ano ang mga kwentong-bayan ng grade 7 Filipino?

Natuklasan sa pag-aaral ang mga paksa ng kwentong-bayan

ng Grade 7 Filipino, una ay maging masunurin sa mga magulang

na may tiyak na paksa na sumunod sa utos ng magulang,

pangalawa ay ang paniniwala na may tiyak na paksa na mag-

asawa ng ilang beses at biyayang ibinigay ng mga diwata at


35

panghuli ang sariling proteksyon na may tiyak na paksa na

hindi maisahan ng kaaway o kalaban.

2. Ano-ano ang mga temang nakuha mula sa kwentong-bayan

mula sa grade 7 filipino?

Natuklasan na ang mga temang nakuha mula sa kwentong-

bayan ng Grade 7 ay ang pagpapakita ng respeto, mataas na

paggalang sa mga paniniwala at pagpapahalaga sa sarili.

Konklusyon

Nabuo ang konklusyon mula sa resulta ng pag-aaral na

ang mga tema at paksa ay mula sa mga kwentong-bayan na

nakalap sa aklat ng Grade 7 Filipino. Ang tema ay makikita

sa kabuoang kwento samantalang ang paksa ay makikita sa kung

ano ang pinag-uusapan sa kwento.

Rekomendasyon

1. Tipunin ang iba pang mga kwentong-bayan sa iba’t-ibang

parte ng bansa.

2. Tangkilikin ang sariling atin lalo na ang mga kwentong-

bayan.
36

Apindeks A

Larawan ng aklat ng Filipino grade 7


37
38

Talasanggunian

Aputan, E. (2013). Panitikang Kayamanan ng Bayan. School


Division of Nueva Ecija Greater Heights.
Archibalb. ((1976)). kwentong-bayan.
Asuncion, M. (2011). Mga pamahiin at matatandang paniniwala.
munting nayon
Bron, L. O. (2008). kaugaliang Pilipino at pagpapahalagang
moral na masalamin sa mga sinasalita at isinatitik na
panitikang bayan sa apat na bayan ng camarines norte.
C, m. (2019). final manuscript.
https://www.pssp.org.ph/diwa-7, 7.
Camar, A. B. (2016). Koleksyon, klasipikasyon at
pagpapahalagang napapaloob sa mga kuwentong-bayan,
Surigao del Sur State University, Tandag City.
Catipay, T. A. (2019). Antolohiya ng mga Sugbu-anun’g
Kwentong Bayan: Pagbabalik-tanaw sa buhay at kulturang
Cebuano. Asia Pacific Journal of Multidisciplinary
Research, 7(1). Retrieved 11 04, 2018, from
www.apjmr.com
Chen, C.-F. E. (2009). Characteristics of Folk Literature,
Taiwan: National Koohsiung First University of
Scienceand Technology.
Cripto, m. (2020). kaibahan ng tema sa paksa.
De Leon. (2017). K'wentong bayan mahalaga sa kabataan.
Du, N. O. (2014). Pagdalumat sa mga sinaunang di-materyal na
kultura sa mga b'laan sa barangay pisan,Kabacan,
Cotabato mula sa kanilang kwentong-bayan. asia pacific
journal of multidiciplinary research, 2(6).
39

Encyclopedia, W. O. (n.d.). Argot. Retrieved from


https:fr.m.wikipedia.org/wiki/Argot
Eugenio, D. (2007). Philippinefolk Literature: an anthology.
Fleming, G. (n.d.). Tema at Literatura.
Fleming, G. (n.d.). Tema at Literatura. tl.eferrit.com.
FPA Demeterio III. (2013). Ang Nobelang "Si Amapola sa 65
na kabanata" ni Ricardo Lee Bilang Kontra-Diskurso ng
Baklang Manilenyo Laban sa Homopobikong Kamalayang
Filipino.
Ki. (2021).
Javier, R. (2018). Mula sa pag-iisa tungo sa pakikiisa sa
kapwa.
L., C. (2006). Baklese: Pinoy pop queer dictionary. Quezon
City: Milflores Pub.
Lomonggo, R. D. (2020). Mensahe at Tema sA mga piling Akda:
Isang Pagdalumat.
Manuel, A. E. (1956). Guide for the study of the Phiippines
ortiga. (2018). kwentong bayan. blogspot.
Philnews.ph. (2021). ano ang paksa kahulugan at halimbawa.
philnews.ph. (jan,25,2021). elemento ng kwentong bayan at
kahulugan nito. 2.
Porter, M. (2021). Pagkakaiba sa pagitan ng tema at paksa.

Puyat, G. J. (2021). Tambulig profile. Tambulig GovPh, 1-4.


Silva, S. G., & Tehrani, J. J. (2016). Comparative
phylogenetic analyses uncover the ancient roots of
indo-european folktales. Royal society open science:
The royal Society Publishing.
SJD Polo, F. (2022). Serbisita: Pagpapakilala sa Kulturang
Bayanihan sa Irosin. Research and Analysis Journal.
Weerasinghe, T. (2010). Folkatales as an effective media
for culture communication towards child socialization:
a study on folktale practice among school children in
sri lanka.
40

Weerasingher, T. (2010). Ang mga Kuwentong-bayan bilang


mabisang midya para sa komunikasyon pangkultura
tungkol sa batas pagsasapanlipunan;isang pag-aaral sa
mga kasanayan sa kuwentong-bayan sa mga mag-aaral sa
Sri.Lanka:Unibersidad ng Colombo.

DATOS NG MGA MANANALIKSIK

Pangalan : Jumie Jane


C. Abrahan
Kapanganakan : June 14, 1988
Lugar ng Kapanganakan : Buug,
Zamboanga
Sibugay
Estadong Sibil : Walang Asawa
Tirahan : Tungawan Tambulig Zamboanga
Del, Sur
Mga Magulang : G. Miguel C. Canete
Gng. Norma E. Canete
Edukasyon
Elementarya : Tambulig, Central School
1996-2000
41

Sekondarya : Basilan National High


Basilan, Isabela City
2004-2005
Kolehiyo : JH Cerilles State College
Tambulig Offsite Class
Tambulig Zamboanga del Sur.

Kurso : Bachelor of Secondary


Education Major in
Filipino

Personal na Impormasyon

Pangalan : Mary Ann C.

Villarmino
Kapanganakan : Feb, 21, 1994
Lugar ng Kapanganakan : Gabunon,
Zamboanga Del Sur
Estadong Sibil : Walang Asawa
Tirahan : Gabunon, Tambulig Zamboanga
Del Sur
Mga Magulang : Miguela C. Villarmino

Edukasyon
Elementarya : Gaudincio Saldivar
Sr.Elem.School Gabunon,
Zamboanga Del Sur 2001-
2005
Sekondarya : Tambulig Zamboanga Del Sur
2007-2011
42

Kolehiyo : JH Cerilles State College


Tambulig Offsite Class
Tambulig Zamboanga del Sur.

Kurso : Bachelor of Secondary


Education Major in
Filipino

Personal na Impormasyon

Pangalan : Jenielyn C.
Robles
Kapanganakan : April 1,
1990
Lugar ng Kapanganakan : Datu, Tutukan
Dumingag
Estadong Sibil : Walang Asawa
Tirahan : Calolot, Bonifacio
Misamis Occidental

Mga Magulang : G. Henry Tatan Compra


Gng. Gloria E. Compra
Edukasyon
43

Elementarya : Datu Tutukan. Elem.School


Dumingag Zamboanga Sur
1997-2003
Sekondarya : Dulop National High school
Dumingag Annex 2003-2007
Kolehiyo : JH Cerilles State College
Tambulig Offsite Class
Tambulig Zamboanga del Sur.

Kurso : Bachelor of Secondary


Education Major in
Filipino

Personal na Impormasyon

Pangalan : Brook
Shields
Aizah
P.Calahat
Kapanganakan : October 30,
1988
Lugar ng Kapanganakan : Gango, Ozamis City
Misamis Occidental
Estadong Sibil : Walang Asawa
Tirahan : Gango, Ozamis City
Misamis Occidental

Mga Magulang : G. Manolo Salazar Calahat


Gng. Zenaida P. Calahat

Edukasyon
44

Elementarya : Gango Elem.School


Ozamis City 1999-2000
Sekondarya : School of Arts and Trades
Ozamis City 2004-2005

Kolehiyo : JH Cerilles State College


Tambulig Offsite Class
Tambulig Zamboanga del Sur.

Kurso : Bachelor of Secondary


Education Major in
Filipino

You might also like