You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Tarlac State University


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Pasulat na Ulat
FIL 112 Mga Natatanging
Diskurso sa Wika at
Panitikan
KRITIKAL NA PAG-

Ipinasa kay:GNG. ARLYN CURA


GURO SA FIL 112
Group 5:
Corpuz, Crisjosef Garcia, Rhenalyn
Dades, Richelle Muñoz, Gladys Jane
Day, Jane Karla Pabustan Catherine
Fernandez, Sarah Mae

Center of Development
Republika ng Pilipinas
KOLEHIYO NG PANGGURONG EDUKASYON
CENTER OF DEVELOPMENT
Lucinda Campus, Tarlac City
Tel. No. (045) 493-0182; Fax No. (045) 982-0110
Re-accredited Level III by the Accrediting Agency of
Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACUP), Inc.

PANGALAN: Corpuz Crisjosef, Dades Richelle, Day Jane Karla,


Fernandez Sarah Mae, Garcia Rhenalyn, Muñoz Gladys, Pabustan
Catherine

Antas at Pangkat: BSED FILIPINO 3A


Asignatura: FIL112: Mga Natatanging Diskurso sa Wika at Panitikan
Paksa: Ang Kritikal na Pag-iisip sa mga Diskursong Filipino

I. LAYUNIN OBJECTIVE SMART

A. Naipapaliwanag ang Kritikal na Pag-iisip


B. Naiisa-isa ang Katangian ng Kritikal na Pag-iisip
C. Nagagamit ang Kritikal na Pag-iisip sa Konteksto ng pagtuturo

II. PAKSANG-ARALIN SUBJECT MATTER

Sanggunian: https://www.scribd.com/presentation/657691571/Ang-Kritikal-Na-Pag-iisip-Sa-Mga-
Diskursong-Filipino

Kagamitan: Laptop, Instructional Materials, PowerPoint Presentation

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
a. Panalangin Doxology
b. Pagbati
c. Pagtatala ng Lumiban
d. Balik-Aral

B. Pagganyak
TUKUYIN MO AKO
Ang mga mag-aaral ay mahahati sa dalawang grupo, bawat grupo ay
magkakaroon lamang ng isang representa upang sagutin ang mga naihandang larawan sa
PowerPoint huhulaan lamang nila ang mga ito. Ang makakakuha ng maraming puntos
sila ang mabibigyan ng gantimpala

C. Paglalahad (Pagtatalakay)

KRITIKAL NA PAG-IISIP

 Kalipunan ng mga kasanayan ng indibidwal na makapagbigay ng interpretasyon, makapagsuri, at


mataya ang impormasyon tungo sa paglikha ng mga bagong ideya at perspektiba.
LAYUNIN AT SANLIGAN NG PAGTUTURO NG KRITIKAL NA PAG-IISIP
Ang pinaka-layunin ng pagtuturo ng kritikal na pag-iisip sa iba’t ibang disiplina ay ang
mapaunlad ang mga kasanayang pangkaisipan ng mga estudyante, at upang hikayatin silang maging mas
matagumpay sa buhay.

 DONALD NORMAN, 1980- “Kakatwang inaasahan nating matuto ang mga estudyante, ngunit
bihira natin silang turuan tungkol sa pagkatuto.”
 CLEMENTE AND LOCKHEAD, 1980- “Dapat nating turuang mag-isip ang ating mga
estudyante, ngunit sa halip, tinuturuan natin sila kung ano ang dapat nilang isipin.”

APLIKASYON SA DISKUSYON AT EKSAMINASYONG PANGKLASRUM

PAGTALA NG LEKTYUR
• Pagtukoy kung ano ang mahalaga
• Pag-oorganisa ng mga impormasyon
• Gumagamit ng iba’t ibang estilo
• Isinasaalang-alang ang paraan ng pagtatalakay ng ispiker

PAGREREBYU PARA SA EKSAM


• Kinaklasipika ang mga impormasyon
• Nagsasagawa ng paglalahat
• Gumagamit ng iba’t ibang estilo
• Isinasaalang-alang kung anong ang uri ng asignatura

PAGGAWA NG SULATIN
• Nag-aanalisa ng mga datos at ebidensya
• Nagtitimbang ng mga argumento at panghuhusga
• Gumagamit ng iba’t ibang estratehiya
• Isinasaalang-alang kung ano ang kailangan ng mga mambabasa

MGA KATANGIAN NG INDIBIDWAL NA MAY KRITIKAL NA PAG-IISIP


1. Laging may paglilinaw sa mga impormasyong natatanggap.
2. Handang tumanggap ng mga bagong ideya.
3. Kinikilala ang pluralistikong perspektiba.
4. Sistematiko ang pagtugon sa alinmang uri ng usapan
5. Mahusay sa pagbuo ng mga tanong
6. Lantad sa magkaka-ibang pananaw
7. Taglay ang katangiang makapagsuri ng mga patunay o ebidensiya
8. Detalyado sa pagbuo ng konklusyon

MGA ESTRATEHIYA AT TEKNIK NG PAGTUTURO SA KRITIKAL NA PAG-IISIP


Ang KP (Kritikal na Pag-iisip) ay isang aktibong proseso, kung kaya, ang mga kasanayang tulad
ng analisis, sintesis, refleksyon at iba pa, ay dapat na matutuhang aktwal.
1. LEKTYUR 0 LECTUR
 Ito ay tumutukoy sa oral na presentasyon ng mga impormasyon o karunungan na kailangan ng tao
para sa isang partikular na paksa o asignatura.
2. WORKSYAP
 Ang workshop ay sanayan na nagbibigay diin sa palitang-kuro, pakitang-turo, at praktikum.
 Ang Worksyap din ay kinabibilangan ng mga elementong taglay ng isang pantas-aral o seminar,
bagamat ang malaking bahagi nito ay nakapokus sa “hand-on-practice”.
3. TAKDANG-ARALIN
 Ang takdang-aralin (Ingles: assignment o school work) ay trabahong tinatakda ng isang guro,
para sa gawain ng kaniyang mga estudyante na iuuwi nila sa kanilang mga tahanan.
 Ang layunin nito ay ihasa ang kaalaman ng mag-aaral tungkol sa nakaraang aralin o mga susunod
na aralin.
PANANALIKSIK AT PAGSULAT
PANANALIKSIK
 isang payak at mapamaraang paghahanap ng isang makabuluhan at mahalagang
impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin sa pamamagitan ng paggamit ng
mga makaagham na kagamitan. Sa pamamagitan ng pananaliksik ay natitipon ang mga
pangunahing kaalaman na nasaliksik.

PAGSULAT
 ay proseso ng pagsasatitik ng mga ideya, karanasan, opinyon, argumento, pamamaraan at lahat ng
naiisip o nararamdaman. Ito ay isang mahalagang kasanayan sa pakikipagtalastasan at ugnayan sa
lipunan. Bahagi ng pang-araw- araw na buhay ng tao ang pakikipag ugnayan sa pamamagitan ng
pakikipag-usap gamit ang berbal na komunikasyon sa anyong pasulat. At malaki ring bahagi ng
mga tuklas na dunong at kaalaman ang pagsulat.

EKSAMINASYON
 Ang eksaminasyon ay isang pagsusulit o paaran upang masubok ang kakayahan ng isang mag
aaral kung may mga bagay ba itong natutunan o naiwan sa kanyang isip mula sa leksyon na
ibinahagi ng isang guro.

MGA URI NG KRITIKAL NA TANONG

1. PAGLILINAW
Hal. Magbigay ka ng halimbawa ?
Hal. Nais mo bang tukuyin ang ________ O ________?
2. PAGSISIYASAT NG PAHIWATIG
Hal. Parang ipinahihihiwatig mong _______
Hal. Paano mo mapatutunayang walang saysay ito?
3. PAGSISIYASAT NG KATWIRAN AT EBIDENSYA
Hal. Paano nating mapapatunayang tama nga ito?
Hal. May dahilan ba para pagdudahan ang ganitong ebidensya?
4. PAGBIBIGAY NG PANANAW
Hal. Paano makatutugon ang ibang pangkat o uri ng mga tao?
Bakit? Ano ang maaring makaimpluwensya sa kanila?
Hal. Paano pangagatwiranan ng mga taong sumasalungat sa kasong ito?
5. PAGSISIYASAT NG MGA IMPLIKASYON
Hal. Ano ang maaring epekto nito?
Hal. Kung ito o ang mga ito ay tama, anu-ano pa ang mga posibleng tama?
6. TANONG TUNGKOL SA TANONG
Hal. Upang masagot ang tanong na ito, anu-ano munang mga tanong ang dapat na masagot
Hal. Ito rin ba ang isyung pinag-uusapan?

ANG MGA TANONG NA AYON SA KP


1. Ang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio ay tradisyunal na tula, pagkat:
a. wala itong sukat at tugma ngunit may sining at talinghaga
b. may sukat itong labindalawahin ngunit walang tugma
c. may sesura ito sa bawat 6 na pantig, may 12 pantig sa bawat taludtod, may tugmaan, sining at
talinghaga
d. may tugmaan ito at may sesura sa bawat 6 na pantig, ngunit walang sukat
e. may sukat at tugma ngunit walang sining at talinghaga

ANG MGA TANONG NA HINDI AYON SA KP


1. Ang mga pangunahing elemento ng tulang may malayang taludturan ay:
a. Walang sukat at tugma
b. sukat at talinghaga
c. tugma at sining
d. tugma at talinghaga
e. sining at talinghaga
D. Paglalapat
TANUNGAN AT SAGUTAN
1. Bakit mahalaga ang kritikal nap ag-iisip?
2. Uri ng diskurso na kung saan karaniwang magkaharap ang partisipant kung kaya’t
pinagtutuunan din ng bawat kasapi ang ibang sangkap ng komunikasyon tulad ng
paraan ng pagbigkas, tono, diin, kilos at kumpas ng kamay
3. Ito ay paaran upang masubok ang kakayahan ng isang mag aaral kung may mga bagay ba
itong natutunan o naiwan sa kanyang isip mula sa leksyon na ibinahagi ng isang guro.
4. Isang payak at mapamaraang paghahanap ng isang makabuluhan at mahalagang
impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin sa pamamagitan ng paggamit
ng mga makaagham na kagamitan.
5. Ito ay tumutukoy sa sanayan na nagbibigay diin sa palitang-kuro, pakitang-turo, at praktikum.
6. Ang Worksyap din ay kinabibilangan ng mga elementong taglay ng isang pantas-aral o
seminar, bagamat ang malaking bahagi nito ay nakapokus sa “hand-on-practice”.
7. Ito ay tumutukoy sa oral na presentasyon ng mga impormasyon o karunungan na kailangan
ng tao para sa isang partikular na paksa o asignatura.
8. Trabahong tinatakda ng isang guro, para sa gawain ng kaniyang mga estudyante na iuuwi nila
sa kanilang mga tahanan.
9. Paano nagagamit ang kritikal na pag-iisip sa pagtuturo?
10. Ano ang kahalagahan ng kritikal na pag-iisip?

E. Paglalahat
KRITIKAL NA PAG-IISIP
Ang kritikal na pag-iisip at kalipunan ng mga kasanayan ng indibidwal na makapagbigay
ng interpretasyon, makapagsuri, at mataya ang impormasyon tungo sa paglikha ng mga bagong
ideya at perspektiba. Ito ay may layunin na mapaunlad ang mga kasanayang pangkaisipan ng
mga estudyante, at upang hikayatin silang maging mas matagumpay sa buhay. Kabilang din ang
pagtala ng lektyur, pagrebyu para sa eksam, paggawa ng sulatin sa mga aplikasyon sa diskurso at
eksaminasyong pangklasrum.
Ang mga katangian ng isang indibidwal na may kritikal na pag-iisip ay laging may
paglilinaw sa mga impormasyong natatanggap, handang tumanggap ng mga bagong
ideya,kinikilala ang pluralistikong perspektiba,sistematiko ang pagtugon sa alinmang uri ng
usapan,mahusay sa pagbuo ng mga tanong lantad sa magkaka-ibang pananaw,taglay ang
katangiang makapagsuri ng mga patunay o ebidensiya at detalyado sa pagbuo ng konklusyon.
Samantala, ang mga estratehiya at teknik ng pagtuturo sa kritikal na pag-iisip ay
lektyur,worksyap,takdang-aralin,pagsaliksik, pagsulat at eksaminasyon. Karagdagan, ang mga uri
ng kritikal na pag-iisip ay Paglilinaw, Pagsisiyasat ng Pahiwatig,Pagsisiyasat ng Katwiran at
Ebidensya, Pagbibigay ng Pananaw, Pagsisiyasat ng mga Implikasyon at Tanong
tungkol sa Tanong. Bilang konkolusyon, nararapat lamang na may taglay tayong kritikal na pag-
iisip dahil sa panahon natin ngayon ay maraming manloloko at maaaring tayong maloko ng mga
ito kung hindi tayo magiging matalino sa ating mga desisyon. Karagdagan ay guro tayo sa
hinaharap kaya dapat lamang taglay natin ang pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip na magagamit
natin sa pagtuturo sa mga bata at sa pang-araw-araw nating pamumuhay.
IV. PAGTATAYA PAPER AND PENCIL TEST FORMAL TEST

I. Pagsusulit na may pagpipilian


Panuto : Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang tamang sagot.
1. Ito ay ang mga kalipunan ng mga kasanayan ng indibidwal na makapagbigay ng interpretasyon,
makapagsuri, at mataya ang impormasyon tungo sa paglikha ng mga bagong ideya at perspektiba.
a. Diskurso
b. Pag-iisip
c. Kritikal na pag-iisip
d. Pagpapasya

2. Sino ang nagsabi ng katagang “Kakatwang inaasahan nating matuto ang mga estudyante, ngunit
bihira natin silang turuan tungkol sa pagkatuto.”
a. Desmond
b. Lockhead
c. Clemente
d. Donald Norman

3. Ito ay sanayan na nagbibigay diin sa palitang-kuro, pakitang-turo, at praktikum.


a. Workshop
b. Takdang-aralin
c. Lektyur
d. Laptop

4. Ang pagsulat ay proseso ng pagsasatitik ng mga ideya, karanasan, opinyon, argumento,


pamamaraan at lahat ng naiisip o nararamdaman
a. Pananaliksik
b. Pagbasa
c. Pakikinig
d. Pagsulat

5. Ito ay tumutukoy sa oral na presentasyon ng mga impormasyon o karunungan na kailangan ng tao


para sa isang partikular na paksa o asignatura.
a. Lektyur
b. Takdang-Aralin
c. Workshop
d. Laptop

6. isang payak at mapamaraang paghahanap ng isang makabuluhan at mahalagang


impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin sa pamamagitan ng paggamit ng
mga makaagham na kagamitan.
a. Pagsulat
b. Pananaliksik
c. Pagbasa
d. Takdang-aralin

7. Ito ay isang pagsusulit o paaran upang masubok ang kakayahan ng isang mag aaral kung may mga
bagay ba itong natutunan o naiwan sa kanyang isip mula sa leksyon na ibinahagi ng isang guro.
a. Paggawa ng Sulatin
b. Pagtala ng Lektyur
c. Takdang-aralin
d . Eksaminasyon
8. Ito ay tumutukoy sa trabahong tinatakda ng isang guro, para sa gawain ng kaniyang mga
estudyante na iuuwi nila sa kanilang mga tahanan.
a. Eksaminasyon
b. Pagtala ng Lektyur
c. Takdang-aralin
d. Paggawa ng Sulatin

9. Dito ay isinasaalang-alang kung ano ang kailangan ng mga mambabasa


a. Paggawa ng Sulatin
b. Pagtala ng Lektyur
c. Takdang-aralin
d. Eksaminasyon

10. Tinutukoy nito na dapat isinasaalang-alang ang paraan ng pagtatalakay ng ispiker


a. Paggawa ng Sulatin
b. Eksaminasyon
c. Takdang-aralin
d. Pagtala ng Lektyur

II. 11-20 ENUMERASYON:

Panuto: Magbigay ng Uri ng Kritikal na Tanong


11.
12.
13.
14.
15.

Magbigay ng katangian ng indibidwal na may kritikal na pag-iisip

16.
17.
18.
19.
20.

21-25. Essay:
Bilang isang guro sa hinaharap , bakit mahalaga na magkaroon tayo ng kritikal na pag-iisip? ( 5pts).

Sagot :
1. C
2. D
3. A
4. D
5. A
6. B
7. D
8. C
9. A
10. D
11-15
 Paglilinaw
 Pagsisiyasat ng Pahiwatig
 Pagsisiyasat ng Katwiran at Ebidensya
 Pagbibigay ng Pananaw
 Pagsisiyasat ng mga Implikasyon
 Tanong tungkol sa Tanong
16-20
 Laging may paglilinaw sa mga impormasyong natatanggap.
 Handang tumanggap ng mga bagong ideya.
 Kinikilala ang pluralistikong perspektiba.
 Sistematiko ang pagtugon sa alinmang uri ng usapan
 Mahusay sa pagbuo ng mga tanong
 Lantad sa magkaka-ibang pananaw
 Taglay ang katangiang makapagsuri ng mga patunay o ebidensiya
 Detalyado sa pagbuo ng konklusyon

21-25 : Ang iskor ay nakabatay sa mga nilalaman ng kanilang mga sagot.

V. TAKDANG-ARALIN

Panuto: Maghanap sa impormasyon sa kung paano gamitin ang kritikal na pag-iisip sa pang-
araw-araw na pamumuhay.

You might also like