You are on page 1of 4

Tarlac State University

Kolehiyo ng Edukasyon
Lucinda, Campus
Panuto: Basahin at suriin ang halimbawa ng tula na nagmula sa panahon ng Amerikano na sinulat ni Lope
K. Santos. Isulat sa kasunod na talahanayan ang mga mahahalagang impomasyon. Isulat sa anyong
pangungusap ang inyong mga sagot.
Kabayanihan
ni Lope K. Santos
Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod
na walang paupa sa hirap at pagod;
minsang sa anyaya, minsang kusang-loob,
pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos.

Natatalastas mong sa iyong pananim


iba ang aani’t iba ang kakain;
datapwa’t sa iyo’y ligaya na’t aliw
ang magpakasakit nang sa iba dahil

Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo, buhay…


pinupuhunan mo at iniaalay
kapagka ibig mong sa kaalipinay makatubos ka ng aliping bayan.

Sa tulong mo’y naging maalwan ang dukha,


sa turo mo’y naging mulat ang mulala,
tapang mo’y sa duwag naging halimbawa’t
ang kamatayan mo ay buhay ng madla.

Tikis na nga lamang na ang mga tao’y


mapagwalang-turing sa mga tulong mo;
ang kadalasan pang iganti sa iyo ay ang pagkalimot, kung di paglililo
Dades, Richelle Dg.
Fil 3-A
Pamagat at may-akda
➢ Ang pamagat ng tula ay “Kabayanihan” at ito ay isinulat ni Lope K. Santos. Ito ay naghahatid
ng mensahe patungkol sa ating mga bayani. Nagpapatunay lamang na ang tulang ito ay punong-
puno ng sakripisyo ang ating mga bayani. Malaki ang ambag ng mga bayan sa ating bansa dahil
bagaman wala silang kasiguraduhan kubng saan mapupuntahan sa kanilang ginagawa noon ay hindi
sila nagdalawang isip na ipaglaban ang ating Karapatan na makalaya mula sa mga mapangabusong
mga mananakop.
➢ Si Lope K. Santos ay ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang
kapanahunan. Ang kanyang sagisag/Taguri ay Berdugo,Anakbayan,Apo ng Mananagalog at siya
ang tinaguriang Ama ng Balarila. Sikat na sikat na kanyang akda ay Banaag at Sikat,Puso at Diwa
at Ang Pangginggera na patunay lamang ito na mahusay siyang manunulat.

Tema
➢ Kabayanihan ang nakikita kong tema ng tulang ito dahil dito umiikot ang buong tula na siyang
nais ipaintindi ng may akda na maintindihan ng mga mambabasa ang kabayanihan ng ating mga
bayani.

Tono at Diksyon
➢ Binubuo ng mga magkahawig na elemento lalong lalo na sa tono o himig ng persona sa tula. Ang
tula ay punong-puno ng damdaming maka- bayan, pagmamahal, sakripisyo at paggawa ng
kabutihan sa kapwa na walang hinihiling na kapalit na nagbunga ng kabutihan at kalayaan para sa
ating lahat.

Tinig
➢ Ang tinig ng tulang “Kabayanihan” ay nagbibigay indayog sa tuwirang bibigkasin sa ang tulang
ito.
Taludtud

Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod


na walang paupa sa hirap at pagod;
minsang sa anyaya, minsang kusang-loob,
pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos.
➢ Sa unang taludtod ay nagpapakita lamang ng kung ano ang mga handing gawin ng bayani sa
kanyang bayan kahit pa ito ay magdanas ng hirap at pagod

Natatalastas mong sa iyong pananim


iba ang aani’t iba ang kakain;
datapwa’t sa iyo’y ligaya na’t aliw
ang magpakasakit nang sa iba dahil
➢ Ang mga bayani ay walang alinlangan na magpakasakit para lamang maisakatuparan ang mithiin
nitong makalaya ang Pilipinas.

Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo, buhay…


pinupuhunan mo at iniaalay
kapagka ibig mong sa kaalipinay makatubos ka ng aliping bayan.
➢ Ipinapakita ng may-akda rito ang pinuhunan ng mga bayani alang-alang sa pagmamahal sa
bayan.
Sa tulong mo’y naging maalwan ang dukha,
sa turo mo’y naging mulat ang mulala,
tapang mo’y sa duwag naging halimbawa’t
ang kamatayan mo ay buhay ng madla.
➢ Nais bigyang-diin ng may akda na ang pagkamatay ng mga bayani sa ay para sa inang-bayan.

Tikis na nga lamang na ang mga tao’y


mapagwalang-turing sa mga tulong mo;
ang kadalasan pang iganti sa iyo ay ang pagkalimot, kung di paglililo
➢ Ibinibahagi ng may-akda rito na may ilang mga Pilipino ang nakalimot at pinagsasawalang
bahala ang nagawa ng mga bayan isa bansa.
Sukat
➢ Ang tulang ito ay lalabindalawahin, ibig sabihin ang bawat taludtod ay binubuo ng labingdalawang
pantig.

Tugma
➢ Ang makata ay gumamit ng tugmaang katinig sa unang tatlong saknong. Sa huling dalawang
saknong naman ay gumamit ng tugmaang patinig ang makata. Makikita ang halimbawa ng tugmaan
sa ikatlong saknong sa mga huling salita na buhay iniaalalay, at kailipinan bayan.

Sesura
➢ Ang pagputol sa mga linya sa tula ay tila binibigyang diin ang lahat ng mga nais sabihin ng may
akda sa bawat saknong. Ang nai-imahe ko sa pagputol na ito ay ang persona ay parang isang
tagapagsalitang ipinapahayag ang kanyang boses para madinig ng lahat ang mensaheng nais niyang
iparating.
Tunog at Ritmo
➢ Ritmo/ Indayog 1.Sukat- Labingdalawang pantig 2.Tugma: Tugmang di- ganap

Mga tayutay at Alusyon


Ang paggamit ng mga tayutay ay nagsisilbing mga palamuti sa tula at mas nagpapayabong sa kagandahan
at kariktan nito. Sa tulang "Kabayanihan" gumamit ang makata ng mga sumusunod na tayutay:

Pagwawangis
1. Ang kahulugan mo'y isang paglilingkod na walang paupa sa hirap at pagod;
2. Pag-ibig sa kapwa ang lagi mong Diyos.
3. Sa tulong mo'y naging maalwan ang dukha
4. Ang kamatayan mo ay buhay ng madla.

Pagpapalit-saklaw
1. Ang kamatayan mo ay buhay ng madla.

Repleksyon
➢ Patuloy kong pahahalagahan ang ating mga bayani dahil hindi maliit na bagay ang kanilang ginawa
para sa bansa dahil kung hindi dahil sa kanila ay walang kalayaan sa bansang Pilipinas na ating
tinatamasa ngayon. Hirap,pagod at sakripisto ang puhunan ng mga bayani kaya naman nakamit
natin ang ating kalayaan. Malaking pasalamat natin sa mga bayani kaya naman bilang balik sa
kanilang ginawa ay patuloy nating mahalin ang ating bansa gay ana lamang ng pagkakaroon ng
respeto sa watawat ng Pilipinas at patuloy na maging mabuting Pilipino sa pamamagitan nito ay
naiaangat natin ang magandang kaugalian ng mga Pilipino.

You might also like