You are on page 1of 1

ASSESSMENT TASK SHEET #1

Q1 W6

PANGALAN: ISKOR:
PANGKAT:
PETSA:
PAKSA:

Panuto: Basahin at unawain ang tula. Pagkatapos ay suriin ito. At sagutin ang mga
tanong sa ibaba

KABAYANIHAN
Lope K. Santos
Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod
na walang paupa sa hirap at pagod;
minsang sa anyaya, minsang kusang-loob,
pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos.
Natatalastas mong sa iyong pananim
iba ang aani’t iba ang kakain;
datapwa’t sa iyo’y ligaya na’t aliw
ang magpakasakit nang sa iba dahil.
Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo, buhay…
pinupuhunan mo at iniaalay,
kapagka ibig mong sa kaalipinan
ay makatubos ka ng aliping bayan.
Sa tulong mo’y naging maalwan ang dukha,
sa turo mo’y naging mulat ang mulala,
tapang mo’y sa duwag naging halimbawa’t
ang kamatayan mo ay buhay ng madla.
Tikis na nga lamang na ang mga tao’y
mapagwalang-turing sa mga tulong mo;
ang kadalasan pang iganti sa iyo
ay ang pagkalimot, kung di paglililo.

https://philnews.ph/2020/01/07/tula-10-halimbawa-ng-mga-tulang-pilipino-philnews/

B. Sagutin ang ss: na mga katanungan


1. Tungkol saan ang tula?
2. Paano ka magiging bayani sa iyong sariling kaparaanan?
3. Kailangan bang dumanas ng hirap upang masabing ikaw ay bayani?
4. Anong anyo ng tula ang binasa? Ipaliwanag

C. Ibigay ang hinihinging elemento ng tula mula sa tulang “Kabayanihan”

Sukat Saknong Kariktan Talinghaga Tugma

You might also like