You are on page 1of 10

BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO I

KOMPOSISYON
UNANG MARKAHAN – IKAWALONG LINGGO

I. MGA/PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN

Paksa : Pagsulat ng Talambuhay


Kagamitan : tsart. Illustration board. activity sheets
Kompetensi : Naisusulat ang paglalarawan ng pangyayari

II. MGA INAASAHANG BUNGA

1. Nagagamit nang pasalita ang wika sa pagpapakilala ng ibang tao

2. Nagagamit ang mga angkop na salita sa pakikipag-usap

3. Nakasusulat ng talambuhay batay sa ginawang interbyu

4. Nakapagsusuri ng mga tiyak na haimbawa

5. Naisusulat na muli ang ginawang talambuhay batay sa tiyak na gabay

III. PROSESO NG PAGKATUTO

UNANG ARAW

1. Mga Panimulang Gawain

a. Pagpapakilala ng ibang tao

Pag-iinterbyu ukol sa buhay ng kamag-aral. Itala ang lahat ng


impormasyon sa pamamagitaan ng character profile

Pangalan: ___________________________________________
Tirahan: ____________________________________________
Gulang: _______ Taas: ______ Timbang: _______
Relihiyon: ___________________________________________
Bansang Kinabibilangan: _______________________________
Katalinuhan (IQ): _____________________________________
Kakayahan/Natatanging Talino: __________________________
Pinag-aralan: ________________________________________
Mga Karangalang Natamo: _____________________________
Mga Magulang: ______________________________________
Ilang Magkakapatid: ___________________________________
Kaanyuan (Pisikal): _____________ Libangan: ____________

81
Pagpapalitan ng character profile at ipakikilala sa pamamagitan ng
cycle na ito

b. Pag-uulat ng bawat isa

c. Pagbibigay ng reaksyon sa pag-uulat na narinig

Patnubay na tanong

1. Ano ang ginawa ng iyong kamag-aral?


2. Anu-ano sa kanilang mga sinabi ang iyong natandaan? Bakit?
3. May karanasan ka ba sa buhay na katulad din ng iyong narinig?
Ibahagi ito sa klase.
4. May kabuluhan ka bang napulot mula sa ginawa ng inyong
kamag-aral?

2. PAGLALAHAD

a. Pagbasa. Pagpapalawak ng kaalaman sa tulong ng tiyak na


teksto. Pagbubuo ng reaksyon batay sa mga tiyak na tanong.
(Pangkatan)

LIWANAG AT DILIM

“Hindi ako nawawalan ng pag-asa. Alam kong magiging


maganda rin ang takbo ng aming buhay,” ang madalas kong masabi sa
sarili tuwing maiisip ko ang aming kalagayan sa buhay. Ako ang
panganay sa apat na magkakapatid. Dalawa kaming lalaki at dalawa
rin ang kapatid naming babae. Katatapos ko pa lamang ng
elementarya ng magkasakit at mamatay ang aming ama. Bagama’t
may kaunting ipong naiwan, unti-unti rin naming naramdaman ang
pagdarahop sa buhay.

Sa kabila ng kakapusan sa pera, ginusto pa rin ng aming ina na


makapag-aral kaming magkakapatid. Ako ay nagpatuloy ng hayskul sa
Manuel L. Quezon High School sa Tondo. Alam ko ang hirap na tinitiis
ng aming ina sa pagtitinda ng isda sa palengke upang kami ay

82
matustusan. Upang makatulong kahit papaano, pagkatapos ng klase
ay naglako ako ng mga kakanin sa kabila ng pagtupad ko sa iba pang
mg gawaing-bahay. Alam kong marami pa akong titiisin upang mabago
ang takbo ng aming pamumuhay. Alam ko ring mahirap lamang kami
kaya dapat lamang na magsikap.

Nagpatuloy sa pag-aaral ang tanging hangad ay ang makatapos


ng hayskul. Ito ay isang hakbang upang maabot ko ang aking
panaginip – ang mahango kami sa hirap.

“Hindi ako nawalan ng pag-asa. Alam kong sa pamamagitan ng


akign pagtitiyaga ay maabot ko ang aking minimithi.” Iba na ang aming
pamumuhay ngayon. Hindi lamang hayskul ang aking narating. Higit pa
roon.

Unang Pangkat : Sino ang sumulat ng talambuhay na binasa?


Anong klaseng tao ang sumulat?

Ikalawang Pangkat : Anu-anong mga impormasyon ang inyong


nakuha mula sa binasa?

Ikatlong Pangkat : Pumili ng isang karansang inilahad sa akda


na nakapukaw sa inyong damdamin? Bakit
ito ang pinili?

Ikaapat na Pangkat : Bumuo ng pansariling pag-uugnay sa mga


karanasang natinig sa iyong sariling
karanasan

3. Pag-uulat ng bawat pangkat.

4. Pagkuha ng feedback mula sa mga kaklase.

Tanong: Tama ba ang kanilang kasagutan? Ipaliwanag.

5. Pagbibifgay ng guro ng feedback sa mga nabuo ng bawat pangkat sa


kanilang kasagutan.

Tanong: Malinaw bang naihatid sa inyo ang nilalaman ng teksto? Bakit?

6. Pagbuo ng sintesis ng mga napag-usapan

Patnubay na tanong

a. Mayroon bang pagkakaiba ang talambuhay sa kathambuhay?

b. Naibigay ba ang impormasyong taglay nito?

83
IKALAWANG ARAW

Panimulang Gawain

1. Pagganyak:

a. Pagpili ng isang kaklaseng gustong makapareha at pag-usapan ang


tungkol sa:

caravan

pamilya pag-aaral paniniwala pangarap paano ito


sa buhay matutupad?

b. Pagbuo ng mga tiyak na reaksyon batay sa mga sumunod.

1. Ano ang inyong naramdaman habang kayo ay nakikipag-usap sa


inyong kapareha? Bakit?
2. Ano ang naramdaman ninyo habang pinakikinggan ninyo ang
sinasabi ng inyong kapaareha tungkol sa inyo? Bakit?
3. Anu-ano ang mga sinabi ng inyong kapareha ang labis ninyong
natanddaan at naibigan? Bakit?
4. Ano ang naging kahalagahan sa iyo ng gawaing ito? Bakit?

c. Pagbabahagi sa klase ng mga naging kasagutan mula sa kapareha.

2. Pagtatalakay sa Aralin:

a. Pagbasa sa isang tiyak na halimbawa

PATRICIO G. MARIANO
(1977-1935)

Si Patricio G. Mariano ay isinilang noong Marso 7, 1877 sa Sta.


Cruz, maynila. Sa mga panahong inilagi niya sa daigdig, siya ay
nakilala bilang isang mandudula, kwentista, manunulat, makat, pintor,
biyolinista at iba pa.

Nagsimula siya ng pag-aaral sa isa sa mga pampublikong


paaralan sa Maynila. Bagama’t sa Ateneo de Municipal na
pinamamahalaan ng mga Pareng Hesuwita siya nagsimula ng una
hanggang ikatlong taon sa mataas na paaralan, sa San Juan de
Ledtran naman niya ito tinapos. Pagkaraang makapagtapos ng mataas
na paaralan, nag-aral naman siya ng iba’t ibang gawaing-kamay sa
Escuela de Artes de Officios. Nag-aral din siya ng estergotipograpiya
sa pamamahala ni G. Jose Kison, isa sa mga kababayan nating

84
magigiting at makabayan at kapanahon ng bayaning si Emilio, jacinto.
Nag-aral din siya ng pagpipinta. Bagama’t taglay na ang iba’t ibang
natutuhan, nahumaling din si Patricio sa pag-aaral ng pagtugtog ng
biyolin. Kumuha din siya ng bookeeping at nang lumaon ay naging
isang manananggol. Ang huling kurso ay kinuha sa Unibersidad ng
Rizal.

Dahil sa panahon ng digmaan, si Patricio, kasama ng kanyang


nunong si Ambrosio Rianzares Bautista ay sumapi sa isang hukbong
mapanghimagsik. Naglingkod siya bilang kanagng-kamay ng kanyang
lolo subalit dala ng angking kahusayan sa paghawak ng sandata, siya
ay pinagkatiwalaan ng pinuno ng hukbo na manungkulan bilang
tinyente ng isang pangkat. Bukod sa pagiging magaling na sundalo,
kinakitaan na ang kagalingan sa panulat ang batang si Patricio. Bukod
sa pagsulat niya sa El Heraldo de la Revolucion, isang pahayagan ng
himagsikan, pinamahalaan din niya ang Imprenta de Malolos, isas pa
ring lingguhang pahayagan.

Pagkatapos ng himagsikan, si Patricio ay nagbalik sa Maynila.


Mula noon ay hinarap na niya ang pagsusulat. Namahala siya sa iba’t
ibang pahayagan tuld ng Los Obreros, Renacimiento Filipino,
Katarungan at Lunas ng bayan, La Vanguardia at Taliba.

Siya ang tinaguriang “Anak ng Pahayagan” ni G. Artigas y


Cuerva. Sandayng karapat-dapat ang ganitong taguri sa kanya dahilan
na rin sa walang kapagalan niyang pagsusulat ng mga nobela, tula,
kwento, at dula. Sa larangan ng dula niya higi na naipakita ang
kanyang kahusayan hindi lamang bilang manunulata at direktor kundi
bilang isa ring artista. Sa kanyang panahon, tinawag siyang “Puno ng
Mandudulang Tagalog” dala na rin ng mga dulang kanyang naitanghal.
Kabilang sa mga ito ay ang “Ang Sampaguit” na itinanghal sa Dulaang
Zorilla nopong Nobyembre 17, 1901 at ang Anak ng Dagart na siyang
itinuturing na pinakamainam niyang dula. Ito rin ang dulang nagdala sa
kanyang pangalan sa tugatog ng tagumpay at tumanggap ng iba’t
ibang papuri mula sa mga timpalak-panitik.

“Si Mariano ay tunay na matapar”, ang sabi ni G. Manuel Artigas


y Cuerva. “Kapag siya ay nangako ay sapilitan niyang tutuparin. Siya
ay magiliwin at masaya. Ang kanyang pag-ibig sa bayang kinamulatan
ang unang-unang umakay sa kanya upang makiisa sa pagtatag ng
“Association Pro Patria”.

Noong Enero 28, 1935, sa gulang na 57 ay inulila ng matalinong


mandudula ng kanyang mga kababayan at tagahanga. Siya ay
nagbalik na sa sinapupunan ni Bathala.

b. Pagsusuri sa talambuhay

Patnubay na tanong (Ugnayang tanong at sagot)

85
b.1 Sino ang nagsasalaysay ng talambuhay?

b.2 Sino naman ang inilalarawan sa talambuhay?

b.3 Anu-ano ang mga mahahalagang impormasyon tungkol kay


Patricio G. Marinao ang napulot mo sa akda?

b.4 Paano sinimulan ang salaysay at paano naman ito nagwakas?

3. Pagbuo ng sintesis ng mga napag-usapan.

Gabay na Tanong:

Sa palagay mo ba mahalagang matutunan ang paggawa ng


talambuhay? Bakit?

4. Pagbibigay ng Gawaing-Bahay

Punan ng mahahalagang impormasyon ang mga talang nasa ibaba.


(Pangkatan) (Isulat sa tsart)

Pangalan:
Tirahan:
Gulang: _______ Taas: ______ Tibang: _______
Relihiyon:
Bansang Kinabibilangan:
Katalinuhan (IQ):
Kakayahan/Natatanging Talino:
Pinag-aralan/Natatanging Talino:
Pinag-aralan/Natapos:
Mga Karangalang Natamo:
Kaanyuan (Pisikal):

Pangkat 1 - Filipino 4 - Araling Panlipunan


2 - English 5 - Matematika
3 - MSEPP 6 - Edukasyong Pagpapahalaga

IKATLONG ARAW

Pagsulat ng Talambuhay

1. Pagganyak

a. Bago sumulat

a.1 Pag-uulat ng klase ukol sa gawaing-bahay.

Pangkatan – (character Profile/Tsart – ipapaskil sa pisara)

86
Pangkat 1 - Filipino 4 - Araling Panlipunan
2 - English 5 - Matematika
3 - MSEPP 6 - Edukasyong Pagpapahalaga

a.2 Pagpapalalim ng karanasan mula sa gawain

Patnubay na tanong

1. Paano mo pinili ang gurong iyong inerterbyu?


2. Paano mo sinimulan ang isinagawa mong interbyu?
3. Paano mo tinapos?
4. Habang isinasagawa mo ang interbyu, ano ang iyong
naramdaman? Bakit?
5. matapos ang ginawang interbyu, nakilala mo ba nang lubos
ang iyong pinakapaboritong guro? Paano?

a.3 Pagsagot ng mga mag-aaral sa bawat katanungan.

2. Pagbabasa. Pagpapalawak ng Kaalaman sa tiyak na impormasyon at


pagbibigay ng reaksyon dito.

Sa nakaraang aralin ay nabatid ninyo ang kaalaman tungkol sa


pagsulat ng pansariling talambuhay. Ngayon, ,kayo ay nagkausap ng
inyong kapareha. May nabatid ba kayo sa kanya? Kung isusulat mo ang
mga ito, makabubuo ka ng kanyang talambuhay. Ang tawag sa
talambuhay na iyon ay talambuhay ng iba.

Sapagkat ibang tao ang susulat tungkol sa isang tao, nararapat


lamang na magsagawa ang susulat ng isang pananaliksik tunggkol sa
kanyang isusulat. Kung bbuhay pa ang taong isusulat, mahalganag
matanong ito ng hayagan. Magiging mahalaga rin ang mga
impormasyongibibigay tungkol sa kanya ng mga taong dati na niyang
kakilala. Samantala, kung patay na ang taong isusulat ng talambuhay,
mahalaga ang mga impormasyong maibibigay ng mga taong dati na
niyang kakilala. Makatutulong din ang mga pagbabasa.

Patnubay na tanong saa reaksyon

a. Ano ang hayagang kaugnayan ng pag-iinterbyu sa pagsulat ng


talambuhay ng ibang tao?

b. Batay sa iyong karanasan, mabisa bang talaga ang mag-interbyu


muna bago ang sumulat? Bakit?

3. Pagbibigay ng input g guro.

Tandaan: Talambuhay – ito ay hango sa dalawnag salita, ang tala at


buhay. Ang ibig sabihin nito ay mga nasusulat na
karanasan sa buhay ng isang nilalang.

87
4. Pagbuo ng sariling mga pangungusap batay sa inyong napag-
usapan. (Isulat sa index card) (Isahang Gawain)

1) Tungkol sa Pamilya ng Guro

2) Tungkol sa pag-aaral ng Guro

3) Tungkol sa Paniniwala ng Guro

4) Kung bakit at paano siya naging Guro

5. Pagsulat ng Burador.

Mula sa inyong nakuhang impormasyon, sumulat ng isang


talambuhay ng ibang tao.

Isaalang-alang mo ang mga sumusunod.

a. Hindi pagsulat nang palimbag.

b. Paggamit ng malaking letra at mga wastong bantas kung


kailangan.

c. Pagsulat nang malinaw at maayos.

d. pagsulat nang laktaw-laktaw.

IKAAPAT NA ARAW

1. Panimulang Gawain

a. Pagpapabasa ng talambuhay na kanilang ginawa.

b. Pagbibigay puna ng mga mag-aaral.

c. Pagsusuri/pagwawasto ng mga sumusunod:

(Papiliin ng kapareha ang bawat mag-aaral)

1. Tseklist sa pagwawasto

a) May maganda ba at nakatawag pansing panimula?


b) Nailipat ba ang mga impormasyon nang maayos at
makatotohanan?
c) May p;agkakaugnay ba ang pangungusap at talatang nabuo sa
talambuhay?
d) Wasto ba ang baybay, bantas, istraktura at gramatika ng
komposisyon?

88
2. Pagpapasulat muli ng guro sa mga mag-aaral nag maiwastong
burador. Bigyang-pansin ang ginawang pagwawasto ng kamag-
aral.

3. Pagwawasto ng guo sa isinulat na talambuhay batay sa tseklist.

IKALIMANG ARAW

Muling Pagsulat

1. Panimulang Gawain

a. Pagsusulit sa mga panandang ginamit sa sulatin.

Panuto: Piliin sa kahon ang nararapaat na panadang gamit sa mga


sumusunod:

1. g. cruz

2. Si Mariano ay tunay na matapat, ang sabi ni G. Manuel Y


Cuerva.

3. Nag-aaral din Siya ng pagpipinta.

4. Bagama’t taglay na ang iba’t ibang natutuhan

5. Marso 17; 1877

MT B ( )

Mm / mb

- Pagwawasto ng papel

2. Muling pagsulat ng wastong sulatin

Pagbibigay muli ng guro sa pamantayan ng pagsulat.

a. Huwag kang susulat nang palimbag.

b. Pansinin ang wastong gamit ng bantas at malaking letra.

c. Sumulat nang malinaw at maayos

3. Pagbabasa ng ilang sulating isinulit.

89
4. Pagbibigay ng reaksyon sa sulating binasa.

Patnubay na tanong

1) Nasunod ba ang mga pamantayan sa muling pagsulat ng sulatin.

5. Pagpapahalaga – Pagpapaskil ng guro sa magandang ginawa ng


mag-aaral

90

You might also like