You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG BATANGAS
Taysan National High School
Brgy. Taysan, San Jose, Batangas

Banghay-Aralin sa Filipino 9

Yugto ng Pagkatuto: Linangin-Panitikan


I. LAYUNIN
F9PT-If-42
Naipapaliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan.
F9PB-If-42
Nasusuri ang pardon ng pag-iisip(thinking pattern) sa mga ideya at opinyong
inilahad sa binasang sanaysay.
F9PD-If-42
Nasusuri ang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at opinion sa
napanood na debate o kauri nito.

II. PAKSA
Panitikan : Sanaysay- Indonesia
: Kay Estella Zeehandelaar salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Gramatika/Retorika : Gamit ang mga Salitang Pang-ugnay sa Pagpapahayag
ng Opinyon
Uri ng Teksto : Naglalahad
Sanggunian : Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et. al.
Kagamitan : laptop, speaker,powerpoint

III. PROSESO NG PAGKATUTO


Gawain ng Guro Gawain ng Mag- aaral
A. Panimulang Gawain
Pagdarasal
Pagbati ng Guro
Pagsasaayos ng Silid

P- Pulutin ang mga kalat


I - Ihanay ng maayos ang upuan
N- Ngitian ang mga katabi
O- Oras na para maghanda
Y- Yumuko at bumati ng may kagalakan
sa guro

Pagtatala ng Liban

B. Aktibiti
1. Pagganyak
Bago tayo tumungo sa ating paksang
aralin ay may ipaparinig akong isang
awitin. Pagkatapos ninyong marinig ay
kailangan ninyong sagutin ang aking mga
katanungan.
Handa na ba ang lahat? Opo!

Ngayon ay kung talagang naunawaan


niyo ang bidyo, may ilan akong inihandang
katanungan na may kaugnayan sa inyong
pinanood.

Analisis 1
1. Batay sa awiting napakinggan, ano
ang gustong ipahiwatig nito sa atin? Inilahad po sa bidyo ang isang sitwasyon
tungkol sa kalayaan.

Tungkol sa kababaihan

Magaling! Tama ang inyong mga


kasagutan.

2. Ano ang gustong matamo ng


kababaihan sa kanta? Ang kalayaan po

Magaling!

C. Paglalahad ng Aralin
Mayroon akong inihandang gawain.

Aktibiti 2
Panuto: bigyang kahulugan ang mga
salitang may salungguhit sa pangungusap.

1. Buong kasabikan kong sinalubong


ang pagdating ng bagong panahon. bagong henerasyon

2. Balang araw, maaaring lumuwag


ang tali at kami’y makalaya sa
pagkakaalipin. makalaya

3. Kinakailangan ikahon ako, ikulong


at pagbawalang lumabas ng bahay. nakakulong sa isang silid na walang
liwanag

4. Hindi ako nabibilang sa daigdig ng


mga Indian, kundi sa piling ng aking
mga puting kapatid. kasama , kasapi

5. Kaytagal na inasam ang


emansipasyon, ang paghihintay sa
pagpapahalaga o pagkakaligtas sa
pagkakaalipin na inasam. nangangahulugang “palayain”

Magaling! Tama ang inyong mga


sinabi. Ngayon nama’y dadako na tayo sa
pagtalakay sa aralin. May ipapanood ako
sa inyo na bidyo kung saan ito ay liham ni
Estella Zeehandelaar.
Handa naba ang lahat? Opo!
Analisis 1:
1. Sa palagay mo, sino ang
nagsasalita sa akda? Kanino niya
nais iparating ang liham na ito? Ang nagsasalita ay si Estella Zeehandelaar.
Ang liham ay nais niyang iparating sa mga
kapwa niya kababaihan at sa mga
mambabasa.

2. Sino si Estella Zeehandelaar?


Ilarawan. Si Estella Zeehandelaar ay ang tampok na
tauhan sa sanaysay.

Magaling! Sino pa ang nais sumagot?


( ang mga mag-aaral ay nagbigay ng kani-
kanilang ideya o kasagutan.

3. Ano ang nais mangyari o mabago


ng prinsesa sa kaugaliang
Javanese para sa kababaihan? Ito ay ang kanilang tradisyon.

Magaling!

Pangkatang Gawain
Mayroon akong inihandang pangkatang
gawain. Ito ay isasagawa ninyo sa loob ng
limang minuto.

Pangkat 1: Ano ang mga nakaugaliang


Javanese ang natuklasan mo sa iyong
binasa? Itala mo ito gamit ang concept
web. Gayahin ang pormat sa ibaba.

Pangkat 2: Paghambingin ang babaeng


Javanese at Pilipino. Ilahad ang
kanilang pagkakaiba pagdating sa
mga nakagisnang kultura at ang
kanilang gampanin sa lipunan.

Pangkat 3: Magsagawa ng isang


panayam sa isang Muslim o iba pang
pangkat sa inyong lugar, tanungin o
alamin ang kanilang mga tradisyon.

Mga tanong:
1. Paano ninyo napapanatili ang inyong
mga tradisyon?
2. Nais ba ninyong lumaya sa mga
nakagisnang tradisyong ito?
3. Ano ang naging pagbabago sa inyong
mga tradisyon sa paglipas ng
panahon.

Pangkat 4: Sumulat ng isang awitin na


naglalahad ng inyong pananaw sa
ilang kulturang hindi kumikilala sa
pagkakapantay- pantay ng lalaki at ng
babae sa lipunan.

Malinaw ba ang gagawin?


Opo!
Maaari na kayong magsimula.
(pagsasagawa ng mga mag-aaral)
Ang lahat ay humanda para sa
gagawing presentasyon. Ang bawat grupo
ay bibigyan ko ng pgkakataon upang
magbigay puna sa magpepresenta sa
unahan. Maliwanag?
Opo!

D. Abstraksyon

Analisis 3
1. Anong uri ng sanaysay ang
Estella Zeehandelaar?
Patunayan.
Ito po ay isang pormal na sanaysay
sapagkat naglalahad ito ng mahahalagang
impormasyon o kaalaman tungkol sa kanilang
Magaling! Tama ang iyong kasagutan. nakaugaliang tradisyon.

2. Anu-ano ang katangian ng isang


sanaysay na pormal na naiiba
sa sanaysay na di pormal?
Ang sanaysay na pormal ay naghahatid ng
mahahalagang impormasyon, maingat na
pinipili ang mga salita at maanyo ang
pagkakasulat. Ito din ay nasa tono ng
pagkaseryoso at di nagbibiro samantala ang
di pormal na sanaysay ay nagbibigay ng
kasiyahan. Gumagamit ito ng mga salitang
sinasambit sa araw-arwa na pakikipag-usap
lamang. Palakaibigan ang tono nito sapagkat
pumapanig sa damdamin at paniniwala ng
Magaling! may akda ang pananaw nito.

E. Aplikasyon
Kung ikaw ang nasa kalagayan ng
tauhan, paano mo haharapin ang
buhay na walang kalayaan?
Kung ako ang nasa katayuan ng tauhan ay
hinding hindi ako makararamdam ng
kasiyahan sapagkat kalayaan na lamang ang
pinakamahalagang karapatan na meron tayo.

( ang mga mag-aaral ay nagbigay pa ng


kanilang mga kasagutan)
IV. PAGTATAYA
Basahin ang debate ng
kababaihan at kalalakihan
hinggil sa karapatan ng mga
babae sa lipunan. Magbigay ng
damdamin at saloobin hinggil
dito at suriin kung anong paraan
ito ipinahayag.

V. TAKDANG ARALIN
1. Maghanap ng isang sanaysay tungkol sa kababaihan at sipiin ito.
2. Anu-ano ang mga gamit ng mga salitang pang- ugnay sa pagpapahayag.

Inihanda ni:

____________________
PRINCES JANE C. MIRAL
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni

___________________
JOMIELYN RICAFORT
Gurong Tagapagsanay

You might also like