You are on page 1of 5

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 8

SUNUKNIPAN
MASUSING Paaralan NATIONAL HIGH Baitang Siyam (9)
BANGHAY-ARALIN SCHOOL
SA Guro Jayson M. Talan Asignatura FILIPINO
FILIPINO 8 Oktubre 11, 2023
Petsa/Oras Markahan Una
10:45-11:45 AM

I.LAYUNIN:
A.Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
pangnilalaman: mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya.
B.Pamantayang Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing panghihikayat
Pangganap tungkol sa isang book fair ng mga akdang pampanitikan ng Timog-
Silangang Asya.
C.Mga kasanayan sa  Nasusuri nang wasto ang pardon ng pag-iisip sa mga ideya at
Pagkatuto: opinyong inilahad sa binasang sanaysay sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga gabay na tanong. F9PT-If-42

 Naitatala ang mga opinion tungkol sa dapat at hindi dapat na


katangian ng kabataang Asyano. FGWG-If-42

 Napapahalagahan ang karapatan at ang papel na ginagamapanan


ng mga kababaihan sa lipunan.

II.NILALAMAN “Kay Estela Zeehandelaar” isang sanaysay mula sa Indonesia


KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian Panitikang Asyano 9, pahina 53-55
B. Iba Pang T.V, powerpoint, bidyo, ispiker, laptop, pananda at kartolina.
Kagamitang Panturo
III.PAMAMARAAN
Kahapon tinalakay natin ang tungkol sa sanaysay. Muli, base sa inyong
A. Balik-aral sa pagkaunawa ano ang sanaysay at ano ang dalawang uri nito?
Nakaraang
Aralin
B. Paghahabi sa Ngayon, dumako na tayo sa panibagong aralin. Ito ay tungkol sa salitang
Layunin ng mabubuo ninyo gamit ang mga numerong ibibigay ko. Tukuyin ang salita
Aralin batay sa katumbas na letra ng bawat bilang.

11-1-2-1-2-1-9-8-1-14
KABABAIHAN

Ngayong umaga, ang ating talakayan ay patungkol sa kababaihan.


Sa araling ito kayo ay inaasahan na:
 Nasusuri nang wasto ang pardon ng pag-iisip sa mga ideya at
opinyong inilahad sa binasang sanaysay sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga gabay na tanong.

 Naitatala ang mga opinion tungkol sa dapat at hindi dapat na


katangian ng kabataang Asyano.

 Napapahalagahan ang karapatan at ang papel na ginagamapanan


ng mga kababaihan sa lipunan.

C. Pag-uugnay ng Gawain: Panonood ng Maikling Bidyo. (Ibibigay muna ang gabay na


Halimbawa sa tanong bago ipanood ang bidyo)
Bagong Aralin
May ipapanood akong maikling bidyo tungkol sa napapanahong issue ng
Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) nais kong unawain ninyo itong
mabuti at itala ang mga karahasan na naranasan ng mga kababaihan. –
AP(Current Events)

Gabay na Tanong:
 Ano-ano ang mga karahasang naranasan ng mga kababaihan sa
Socorro Bayanihan Services Inc.?

Alam n’yo ba na ang inyong pinanood ay hindi na bago sa kasaysayan?


Noon pa man nararanasan na ito ng mga kababaihang tulad ni Estela
Zeehandelaar, isang Prinsesa mula sa Java Indonesia. Sa ating aralin,
tutuklasin natin kung ano ang kalagayan ng mga kababaihan noong unang
panahon.

D. Pagtalakay ng Bago tayo magpatuloy, bigyan muna natin ng kahulugan ang malalalim na
Bagong salita na mababasa natin dito.
Konsepto at
Paglalahad ng Talasalitaan
Bagong Panuto: Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang mga salitang may
Kasanayan #1 salungguhit sa pangungusap na hango sa akda.

1. Buong kasabikan kong sinalubong ang pagdating ng bagong


panahon.
2. Balang araw maaaring lumuwag ang tali at kami'y makalaya sa
pagkakaalipin.
3. Kinakailangang ikahon ako, at pagbawalang lumabas ng bahay.
4. Hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga indian kundi sa piling ng
aking mga puting kapatid.
5. Kaytagal na inasam ang emansipasyon, ang paghihintay sa
pagpapahalaga o pagkakaligtas sa pagkaalipin na inasam.

Halina’t basahin at unawain ang akdang Kay Estela Zeehandelaar,


isang sanaysay mula sa Java Indonesia, isinalin sa Filipino ni Elynia Ruth
S. Mabanglo. Narito ang mga gabay na tanong:

1. Sino si Estela Zeehandelaar?


2. Paano n’ya ipinakilala ang kanyang sarili?
3. Ano ang mga nais ng prinsesa na mabago sa kaugaliang Javanese
para sa kababaihan?
4. Sa iyong palagay, bakit kaya hindi n’ya magawa ang mga nais
n’yang gawin?
5. Paano s’ya nakalaya sa sitwasyong iyon?
6. Matapos mong mabasa ang sanaysay, maituturing mo ba ang
iyong sarili na modernong babae na malaya o ‘di kaya’y
tradisyunal na babae? Patunayan?
7. Suriin kung anong uri ng sanaysay ang akdang Kay Estela
Zeehandelaar. Patunayan.

 Pagtalakay sa nilalaman ng sanaysay.


 Pagsasagot sa gabay na tanong.

E. Pagtalakay ng Sa kasalukuyan, masasabi mo ba na mayroong pantay na


Bagong karapatan at opurtunidad ang mga kababaihan at kalalakihan sa
Konsepto at Pilipinas? Patunayan.
Paglalahad ng
Bagong Pahapyaw na tatalakayin ang mga karapatan ng mga kababaihan. –
Kasanayan #2 AP
F. Paglinang sa Pangkatang Gawain- Differentiated Instruction
Kabihasaan
(Tungo sa Pangkat 1- Isa-isahin ang mga tradisyong pinaglalabanan sa akdang
Formative binasa na naging sanhi ng hindi pag-unlad ng katauhan bilang babae ni
Assessment) Estela Zeehandelaar at gamit ang venn diagram, ikumpara ang
kalagayan ng mga kababaihan noon at ngayon.
Pangkat 2- Magtala ng tiglimang mga katangiang dapat at hindi dapat
taglayin ng kabataang Asyano na katulad mo upang maipakita ang
pagpapahalaga at paggalang sa karapatan ng mga kababaihan.
Pangkat 3- Gumawa ng maikling dula-dulaan na nagpapakita ng
paggalang sa kalayaan at karapatan ng kababaihan.
Pangkat 4- Gumawa ng maikling tula na nasa anyong malayang
taludturan tungkol sa kababaihan na may pamagat na: “Babae Ako,
Hindi Babae Lang!”

G. Paglalapat ng  Bilang isang babae, paano mo pahahalagahan ang kalayaan at


Aralin sa Pang- karapatan na natatamasa mo sa kasalukuyan? - ESP
Araw-araw na
Buhay
H. Paglalahat ng  Anong aral ang natutunan mo sa akda na maari mong tularan
Aralin bilang isang kabataang Asyano? – ESP
I. Pagtataya ng Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
Aralin 1. Anong uri ng sanaysay ang akdang Kay Estela Zeehandelar?
a. Pormal b. di-pormal c. malikhain d. payak

2. Labag noon sa kaugaliang Muslim ang pag-aaral ng mga babae.


Ang kaugaliang ito ay isang _________.
a. Batas b. Tradisyon c. Pamahiin d. Paniniwala

3. Kinakailangang ikahon ako at pagbawalang lumabas ng bahay.


Ano ang ibig sabihin ng mga salitang may salungguhit?
a. Ikulong b. Itali c. Itago d. Ikubli

4. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng babaeng moderno


ayon sa akda?
a. Makabago b. Mapagmataas c. Malaya d. Maagap

5. Kahit noong maliit pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig


ang salitang emansipasyon. Ano ang ibig sabihin ng salitang may
salungguhit?
a. Kaunlaran b. Pagbabago c. Pamayanan d. Sibilisasyon

6-8. Batay sa binasang sanaysay magbigay ng tatlong (3) katangian na


dapat mong taglayin bilang kabataang Asyano.

9-10. Magbigay naman ng dalawang (2) katangiang hindi dapat taglayin


bilang kabataang Asyano.

J. Karagdagang Gumawa ng isang tula na nagpapahalaga sa karapatan at papel na


gawain para sa ginagampanan ng mga kababaihan sa lipunan.
Takdang-Aralin
o Remediation PAMANTAYAN:
Orihinalidad 20%
Nilalaman 35%
Taglay ang Elemento ng Tula 25%
Wika/Gramatika 20%
Kabuuan: 100%

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-
aaral na
nagtamo ng
80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailanga
n ng gawaing
pagpapahusay
(remedial).
C. Nakatulong ba
ang
pagpapahusay?
Bilang ng mag-
aaral na
naunawaan ang
aralin.
D. Bilang ng mag-
aaral na patuloy
na
nangangailanga
n ng
pagpapahusay
(remediation).
E. Alin sa aking
pagtuturo ang
nagging
epektibo?
Bakit?
F. Ano-ano ang
aking nagging
suliranin na
maaaring
malutas sa
tulong ng aking
punong guro at
superbisor.
G. Anong mga
inobasyon o
lokalisasyon sa
mga kagamitan
ang ginamit/
natuklasan ko
na nais kong
ibahagi sa ibang
guro.

Inihanda ni:

JAYSON M. TALAN
Guro

Binigyang pansin ni: Inaprubahan ni:

MELODY P. DAPLA JUDITH C. MAGCAWAS


Ulong Guro II Punong Guro II

You might also like