You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Division of Sultan Kudarat
BAMBAD NATIONAL HIGH SCHOOL
Bambad, Isulan, Sultan Kudarat

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9

Paaralan: Bambad National High School Petsa/Oras:

Pre-service Teacher:Lyneth P. Marabi Asignatura: Filipino

Baitang/Seksyon: Grade 9-JACINTO Markahan: Pangalawang Markahan

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a.Naipaliwanag ang pananaw ng may akda tungkol sa paksa batay sa napakinnggan .


b.Naipaliwanag ang mga kaisipan,layunin,paksa, at paraan ng pagkabuo ng sanaysay
c.Nagagamit ang angkop na kaalaman sa pag-gawa ng sariling sanaysay.
II. PAKSANG ARALIN:
A. Paksa: Sanaysay-Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakalipas na 50
Taon.

Gramatika at Retorika: Kaisahan at Kasanayan sa Pagpapalawak ng Pangungusap

Uri ng Teksto: Naglalarawan,Nagsasalaysay

A. Sanggunian (Mga Pahina sa Gabay ng Guro, Kagamitang Mag-aaral at


Teksbuk): SLM Filipino 9 Modyul 2 pp.118-119, MELCs
B. Kagamitang; Pampagtuturo/Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning
Resource: Powerpoint Presentation, Curriculum Guide, Insructional materials.
C. Pagpapahalaga: Kooperasyon, Pag-unawa at Pakikinig
III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
-Tumayo ang lahat para sa ating panalangin sa ngalan ng Ama, Anak at
Espiritu Santo, Amen.
b. Pagbati
-Magandang umaga/hapon sa lahat.
c. Pagtala ng mga lumiban
1
-Class Monitor, itala mo kung sino-sino ang lumiban sa ating klase
ngayon.
d. Pagbibigay ng alituntunin
-Bilang isang mag-aaral, ano-ano ang mga nararapat gawin tuwing oras ng
talakayan?
e. Pagpasa ng Takdang-Aralin
-Ipasa ang takdang-aralin sa harap nang maayos at walang ingay. f. f.
Pagbabalik-aral
-Mga Gabay na tanong:
c. Ano ang itinalakay natin noong nakaraang pagkikita?

B. Panlinang na Gawain
A. Gawaing Pagkatuto 1: Pagganyak; LARAWAN, ATING PAGNILAYAN!
Gawain 1: Panuto:Tukuyin ang mga gawaing karaniwang ikinakabit sa mga kababaihan.

1.Pagaalaga Sa anak o pagpapalaki


2.Pagtuturo ng tamang asal
3.Paggabay sap ag-aaral ng anak
4.Paggawang tungkuling bahay
5.Katuwang ng asawa

2
Gabay na tanong?
1.Ano kaya ang pinapakita ng larawan at kaugnay nito sa kababaihan?

2.Sa kasalukuyan,ito pa rin ba nag pagtingin ang pagtingin sa papel ng kababaihan sa


ating lipunan, Bakit?

B. Gawaing Pagkatuto 2: Pagtalakay ng Aralin (Lesson Proper)

Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang nasa anyong tuluyan na nagpapahayag ng sariling
kaisipan, kurokuro, saloobin at damdaming kapupulutan ng aral at aliw ng mambabasa. Ginagamit
ito upang makapagbigay ng mahalagang kaisipan tungkol sa paksang nais talakayin.

Ang sanaysay ay isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa paksa. Ito ay


isang genre o sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring
tumatalakay sa anumang isyu sa kapaligiran maging tao, hayop, pook, pangyayari, bagay,
at guniguni.

Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay


pagsasalaysay ng isang sanay. Kaya’t ang sinumang
susulat nito ay nangangailangan na may malawak na
karanasan, mapagmasid sa kapaligiran at palabasa.

MGA IBAT-IBANG ELEMENTO NG SANAYSAY


1.Paksa- ang tawag sa bahaging pinag-uusapan sa sanaysay.

2.Kaisipan - ang tawag sa mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema.


3.Layunin- Ilan sa mga layunin ng manunulat sa pagsusulat ng sanaysay ay upang
magturo, magpabatid, manghikayat, manuligsa, maglibang at magbigay-puri sa isang
individwal o gawain
4.Paraan ng pagbubuo- Ang paraan ng pagbubuo ng sanaysay ay maaaring
nagsasalaysay,naglalarawan, nakikipagtalo at nanghihikayat
5.Uri ng antas ng wika at estilo- sa paggamit nito ay nakaaapekto rin sa pag-unawa ng
mambabasa kaya higit na mabuting gumamit ng simple, natural, at matapat na mga
pahayag.

3
6.Di-lantad na kahulugan- Ang ilang salita ay may di-lantad na kahulugan o ang
kahulugan ay nasa pagitan ng hanay ng mga salita sa pagbuo ng sanaysay. Ito’y
nangangailangan ng pagbibigay-kahulugan/interpretasyon gamit ang dating alam ng mga
mambabasa upang makuha ang ipinahiwatig ng mayakda sa kanyang sanaysay.

URI NG SANAYSAY
1.Pormal na sanaysay- Nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang
tao,bagay,lugar, hayop o pangyayari. Tumatalakay ito sa seryosong paksa at
nangangailang ng masusing pag-aaral at malalim na na pag-unawa sa paksa.

2.Di-pormal na sanaysay- ito’y karaniwang nagtataglay ng ng opinyon kuro-


kuro at paglalarawan ng isang may-akda.

Ngayon ay ating nalaman ang sanaysay at mga elemento nito, Sa pagkakataong ito ating
Basahin ang sanaysay na pinamagatang ‘“Ang Kababaihan ng
Taiwan: Ngayon at sa Nakalipas na 50 Taon” Sa pamamagitan ng pagdudugtungan
pagbabasa.

Sanaysay hango mula sa magazine ng bansang Taiwan at isinalin sa Filipino ni


Shiela C. Molina

Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% 0 2% na mataas kaysa


kalalakihan. Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong
pagkakataon at karapatan gaya ng kalalakihan. Ilang kababaihan lamang sa buong mundo
ang nakakakuha ng pantay na karapatan at paggalang tulad sa kalalakihan. Ang tungkulin
at kalagayan ng kababaihan ay unti-unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon. Ito ay
makikita sa dalawang kalagayan: una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ang
ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan at kalagayan. Nakikita ito sa Taiwan.

Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad sa
kasambahay o housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi
mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa. Ang mga babae ay
walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan.

Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging komplikado. Sa
bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay.
Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng
kalalakihan. Sa madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa
kanilang balikat.

Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong


makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kompanya ay
nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng babae at ang mga kinauukulan ay handang
kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas. Tumataas ang
pagkakataon na umangat ang babae sa isang kumpanya at nakikita na ring may mga
babaing namamahala. Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa
edukasyon. Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng

4
mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50
taon.

At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa


kababaihan ay nakikita na rin. Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa nangungunang networking
hardware manufacturer sa Taiwan, ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip na
3 buwan lamang. Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng
pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan.

Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon
kung ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng
pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay
na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring mga kompanya na hindi
makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito. Marami pa ring kalalakihan ang
nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin
sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki
ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.

C. Gawaing Pagkatuto 3: Analisis


Sa pagtatapos ng talakayan, magbibigay ng tanong ang guro sa mga mag-aaral.
Mga gabay na tanong:
1. Ano ang kalagayan ng kababaihan sa taiwan?
2. Isa-isahin ang pagbabago pagkalipas ng ng 50 taon sa kalagayang ng mga babae sa
taiwan?
a.
b.
c.
3. Ano ang nagiging pananaw ng may akda sa teksto?

D. Gawaing Pagkatuto 4: Abstraksyon


PAMAGAT; ‘DECODING’ Pagtutumbas ng letra sa bawat numero upang malaman ang isang
salita.
Panuto: Pumili ng dalawang mag-aaral Alamin ang mga kasagutan kaugnay ng mga
katanungan sa ibaba at ibigay ang di lantad na kahulugan ng nasa langguhitan na salita sa
pamamagitan ng pagtutumbas ng letra sa bawat numero.

I N I L A A N
5+4=9 2x7=14 1x9=9 6x2=12 1x1=1 2-1=1 20-6=14

1.Maraming oras ang iginugol upang maisagawa ang proyekto na ito.


K A H I R A P A N
5+71=1 3-2=1 1x8=8 10-1=9 2x9=18 5-4=1 5+6+5=16 10-9=1 5+4=9
5
1

2.Ang kasalatan ng buhay ang nagtulak sakin upang maging sunod-sunuran at gawin ang
mga bagay na hindi ko gusto.

K A D E N A
5+6=11 1x1=1 2x2= 3+2=5 7+7=14 3-2=1

3.Tinanikala ko ang aking bisekleta upang makasigurado akong hindi ito mananakaw .
P A G B U B U N Y A G
8x2=16 7- 5+2= 5- 10+11=21 1x2=2 17+4=21 7+7=24 5x5=25 15- 5=5=10
6=1 7 3=2 14=1

4.Ngayon araw ay isisiwalat ko ang nakatagong lihim ni ligaya.

D. Gawaing Pagkatuto 5; Aplikasyon : Hahatiin sa dawang grupo ang mag-aaral aatasang


gumawa ng sanaysay ang bawat grupo. Na sasagot sa tanong na, Ano ang bahaging
ginampanan ng pagbabago upang matuklasan ang mahahalagang kasangkapan sa
kasalukuyan?

Pamantayan
Maayos ang pagkalahad ng sagot 10 %
Nilalaman 10%
Kabuoan 20%

IV. EBALWASYON; Sa inyong sagutang papel, sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat
sagot bago ang bilang.

6
1. Ay isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa paksa. Ito ay isang genre o
sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumatalakay sa anumang
isyu sa kapaligiran maging tao, hayop, pook, pangyayari, bagay, at guniguni.

2. Ang tawag sa bahaging pinag-uusapan sa sanaysay.

3. Ang tawag sa mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema.

4. Ayon sa kanya ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang sanay. Kaya’t ang sinumang
susulat nito ay nangangailangan na may malawak na karanasan, mapagmasid sa
kapaligiran at palabasa.

5. Ang kahulugan ay nasa pagitan ng hanay ng mga salita sa pagbuo ng sanaysay.

6 Sa paggamit nito ay nakaaapekto rin sa pag-unawa ng mambabasa kaya higit na


mabuting gumamit ng simple, natural, at matapat na mga pahayag.

7. Ang manunulat sa pagsusulat ng sanaysay ay upang magturo, magpabatid,


manghikayat, manuligsa, maglibang at magbigay-puri sa isang individwal o gawain.

V. TAKDANG-ARALIN

1.Magsaliksik kung ano ang ang pabula?


2. Ano-ano ang elemento ng pabula?
3. Sino ang tinaguriang ama ng mga sinaunang pabula?

Inihanda ni:
LYNETH P. MARABI
Pre-service Teacher Inobserbahan ni:

NELPEA P. DOCE
CooperatingTeacher

You might also like