You are on page 1of 24

10

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 5
Maikling Kwento mula sa East Africa
Ang Alaga
KARAPATANG-SIPI 2021

“RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng MODYUL na ito ang


maaaring sipiin o gamitin nang WALANG nakasulat na pahintulot mula sa MAY-AKDA,
TAGAMASID PANSANGAY AT TAGAPAGLATHALA”

Ang orihinal na bersyon ng modyul na ito ay ginawa ng SANGAY NG HILAGANG SURIGAO


sa pamamagitan ng LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SECTION ng
CURRICULUM IMPLEMENTATION DIVISION. Maaari itong ilimbag muli para sa pag-aaral ng mga
kabataan; baguhin upang mas lalong mapahalagahan ang pagsasaling-wika at upang lubos na
maunawaan; at lumikha ng pinaunlad na bersyon nito alinsunod sa orihinal na gawa ng may-akda at
taga-guhit ngunit mahigpit na itinagubilin ang nararapat na pagkilala. WALA ni isang bahagi ng modyul
na ito ang ililimbag para sa layuning nakatuon sa komersyo at negosyo.

Ang modyul na ito ay pinapahintulutan na maipamahagi sa ON-LINE sa pamamagitan ng


LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM (LRMDS) sa portal nito na
(http://lrmds.deped.gov.ph) at DIVISION NETWORK ACADEMY (https://netacad.depedsdn.com).

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lina B. Galido


Editor: Mary Grace M. Tadulan
Tagasuri: Rotchelle P. Galgo
Tagaguhit: Stephen B. Gorgonio
Mga Tagalapat: Ivan Paul V. Damalerio, Alberto S. Elcullada, Jr.,
Mamerto E. Trajano Jr., Iris Jane M. Canoy
Tagapamahala: Ma. Teresa M. Real
Laila F. Danaque
Dominico P. Larong, Jr.
Gemma C. Pullos
Manuel L. Limjoco, Jr.

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Schools Division of Surigao del Norte

Office Address: Peñaranda St., Surigao City


Tel. No.: (086) 826-8216
E-mail Address: surigao.delnorte@deped.gov.ph
10

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 5
Maikling Kwento mula sa Africa:
Ang Alaga

ii
PAUNANG SALITA

PARA SA TAGAPAGDALOY/GURO:
Bago ang lahat, binabati kita munti naming mga mag-aaral sa asignaturang
FILIPINO. Ang MODYUL na ito ay pinagtulungang idisenyo, nilinang at sinuri ng mga
guro mula sa iba’t ibang distrito ng Sangay ng Hilagang Surigao at ng Tagamasid
Pansangay upang gabayan at tulungan ka, gurong tagapagdaloy na makamit ng mga
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 na linangin ang
kakayahang MAKRO ng mga mag-aaral katulad ng PAKIKINIG, PAGSUSULAT,
PAGBABASA, PAGSASALITA at PANOOD kasali na ang pagpapahalaga sa
kakayahan ng mga mag-aaral na harapin ang hamon na pansarili, panlipunan at pang-
ekonomiko.
Inaasahang makagagawa ang mga mag-aaral ng isang malikhaing sariling
gawang sulating akademiko na sinuri at nirebesa sa tulong ng guro at mga kapamilya
upang magsilbing porfolio. Bago at pagkatapos ng bawat modyul ay may
nakahandang pagsusulit upang tayain ang kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral
sa pag-unawa at pagproseso ng mga araling nakapaloob sa bawat modyul.
Ito ay tulong-aral na magpatuloy ang malayang pagkatuto ng mga mag-aaral
sa pamamatnubay ng gurong tagapagdaloy ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mga mag-aaral upang makamit ang
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang pangangailangan
at kalagayan.
Makikita sa kahon sa ibaba ang pinakalaman ng modyul:
Mga Tala para sa Guro

Ito’y naglalaman ng Pauna at Panghuling Pagsubok,


Gawain,Pag-aanalisa, Abstraksyon at Pagtatasa

Bilang tagapagdaloy, mahigpit na itinagubilin na bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mga mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan
ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na
higit pang hikayatin at gabayan ang mga ag-aaral habang isinasagawa ang mga
araling nakapaloob sa modyul.

PARA SA MGA MAG-AARAL:


Malugod na pagtanggap ang aming bati sa iyo munti naming gintong mag-
aaral. Sana’y masasabik kang buklatin at pag-aralan nang mabuti ang modyul na ito
upang sa gano’n ay may marami kang matutuhan dahil masusing inihanda ang mga
gawaing nakapaloob dito para sa iyo at inaasahang magiging gabay upang harapin
ang tunay na buhay. Alam kong magagawa mo ito dahil magaling ka.
Ang modyul na ito ay isang kagamitang-pampagtuturo na siyang gagamitin mo
upang magabayan at maitawid ang iyong pag-aaral. Kaakibat nito ang iba’t ibang
gawaing susubok sa iyong kakayahan kasama ang inyong kapamilya at higit sa lahat,
sa tulong na rin ng inyong gurong tagapagdaloy.

2
Sana ay iingatan mo ito ng buong puso katulad ng pag-iingat mo upang
makamit ang minimithing TAGUMPAY. Panalangin namin na kayo ay patnubayan ng
DAKILANG MAYLIKHA.

PARA SA MAGULANG:
Mahal naming mga magulang isapuso ninyo ang katotohanang ito. Kayo ay
mahalagang TULAY o KONEKSYON sa pagitan ng bahay at paaralan, bilang mga
magulang mahalaga ang papel na inyong gagampanan tungo sa pagtupad ng
kanilang mga pangarap. Kayo ay mahalagang kaakibat sa edukasyon at pag-aaral ng
inyong mga anak. Malaki ang inyong maitutulong upang patuloy na maibahagi ang
kaalaman sa inyong mga anak. Napakalaki ng inyong impluwensiya upang
maisakatuparan ang adhikaing ito. Inaasahan ang makatotohanang kolaborasyon ng
mga magulang at ng mga guro na naglalayong tulungan ang mga mag-aaral na
magkaroon ng makabuluhang edukasyon upang makamit nila ang tagupay at
magandang bukas.
Higit sa lahat, aming panalangin na magkakaroon ng positibong saloobin
kayong mga mahal naming mga magulang upang maging bahagi sa napakagandang
oportunidad na ito na kasali sa pagpapaunlad ng karunungan ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng paggabay ng kanilang pag-aaral gamit ang modyul na ito.

Ito ay may mga bahagi na dapat mong maunawaan.

*Gawain : Malalaman mo dito ang dapat mong matutuhan at


pagbibigay ng Paunang Pagsubok

*Pag-aanalisa : Paglalapat sa mga araling nakapaloob sa modyul

*Abstraksyon : Pagbibigay ng pantulong na Mungkahing


Pagsasanay upang matiyak ang Kaalamang taglay
ng mga mag-aaral mula sa modyul na binigyang-
pansin

*Pagtatasa : Pagtatasa sa angking kaalaman mula sa ibinigay


na modyul at pagbibigay ng Huling Pagsubok.

3
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (CONTENT STANDARD):
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
akdang pampanitikan ng Africa at Persia.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP (PERFORMANCE STANDARD):


Ang mag-aaral ay makapaghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang
bansa batay sa binasang akdang pampanitikan.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO (LEARNING COMPETENCIES):


a. Pag-unawa sa napakinggan (PN)
b. Paglinang ng Talasalitaan (PT)
c. Pagsulat (PU)
d. Wika at Gramatika (WG)
LAYUNIN (LEARNING OBJECTIVES)
1. Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa napakinggang bahagi ng akda
sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan. F10PN-IIId-e-79
2. Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa.
F10PT-IIId-e-79
3. Nabibigyang puna ang napapanood na teaser o trailer ng pelikula na may
paksang katulad ng binasang akda. F10PD-IIId-e-77
4. Mapanuring naihahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan
ng akda sa:F10PS-IIId-e-81
a. Sarili
b. Panlipunan
c. Pandaigdig
5. Nasususri nang pagsulat ang damdaming nakapaloob sa akdang binasa at
alinmang social media. F10PU-IIId-e-81

ALAMIN (PANIMULA)

Magandang araw sa iyo, Ayon sa kasaysayan ang Africa ay pangalawa sa


pinakamalaking kontinente at isa sa may pinakamalaking populasyon kasunod ng
Asya. Ang Persia naman o Iran ay isa sa may pinakamatandang literatura sa mundo.

Matutuklasan mo sa modyul na ito ang mga iba’t-ibang panitikan naiaambag


ng dawalang bansa.

1
SUBUKIN/PAGSASAGAWA NG PAUNANGPAGSUBOK (PRE-TEST)

Sa gawaing ito ay matutuklasan natin kung gaano kalawak ang iyong kaalaman
at pag-unawa sa araling ito. Sagutang mabuti ang lahat ng aytem at iwawasto natin
ito upang malaman mo ang iyong iskor. Isaalang-alang ang mga naging kamalian at
tuklasin ang tamang sagot habang pinag-aaralan ang modyul.

Handa ka na ba? Galingan mo.

Pangalan: _____________________________ Pangkat: _______ Puntos: _____

Panuto: Bilugan ang titik ng iyong tamang sagot

1. Ang pinakakaluluwa ng maikling kuwento.


A. Banghay C. paksang-diwa
B. Kaisipan D. Panimula

2. Ito ay bahagi ng maikling kuwento kung saan napapasama rin dito ang
pagpapakilala ng ilan sa mga tauhan at ng Tagpuan.
A. Gitna C. Tema
B. Simula D. Wakas

3. Isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa


buhay ng pangunahing tauhan.
A. Anekdota C. Maikling kuwento
B. Epiko D. Sanaysay

4. Ito ay mga elemento ng maikling kuwento maliban sa


A. Gitna C. Suliranin
B. Panimula D. Tunggalian

5. Ang problemang kakaharapin ng tauhan sa kuwento.


A. Suliranin C. kasukdulan
B. Tunggalian D. Kakalasan

6. Ito ay bahagi ng maikling kuwento na binubuo ng saglit na kasiglahan,


tunggalian, at kasukdulan.
A. Gitna C. Tema
B. Simula D. Wakas

7. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng


kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.
A. Gitna C. Tema
B. Simula D. Wakas

2
8. Ito ang mensahe ng kuwento.
A. Kaisipan C. Suliranin
B. Simula D. Tunggalian

9. Sino ang ama ng maikling kuwento?


A. Edgar Allan Poe C. Mario Apolinario
B. Eduardo de Vera D. Mar Lopez

10. Ang maikling kuwento ay may layuning __________________________.


A. Sundin ang nakasulat sa Bibliya
B. Ihambing ang pangyayari sa totoong buhay
C. Pagtabihin ang dalawang bagay upang pagtularin
D. Magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan

11. Ang maikling kuwento ay isa itong masining na anyo ng panitikan.


A. Tama C. Di-tiyak
B. Mali D. Wala sa nabanggit

12. Ang paksa ang pinakamensahe ng kuwento.


A. Tama C. Di tiyak
B. Mali D. Wala sa nabanggit

13. Ang kasukdulan ang tulay sa wakas.


A. Tama C. Di tiyak
B. Mali D. Wala sa nabanggit

14. Bakit mahalagang unawain at pahalagahan ang mga maikling kuwento?


A. Marami tayong mapupulot na aral at kaalaman sa pagbabasa nito.
B. Maaaring makapagturo sa atin ng mga bagay na magagamit natin sa ating
buhay.
C. Ang pag-unawa sa parabula binasa ay pag-unawa din sa kultura ng
bansang pinagmulan ng akdang iyon.
D. Lahat ng nabanggit

15. Bilang mag-aaral, bakit mahalaga ang pagbabasa ng maikling kuwento?


A. Upang maging malawak ang ating imahinasyon at kakayanan bilang tao.
B. Upang makakuha ng magagandang aral na maaaring gamitin sa totoong
buhay.
C. Upang magkaroon ng kaalaman ng kultura ng bansang pinagmulan ng
akdang iyon.
D. Lahat ng nabanggit

3
BALIKAN (PAGBALIK-ARALAN MO)

Sagutan niyo muna ang inihandang mga gawain bilang pagbabalik-aral sa nagdaang
paksa natin . Galingan mo!

Panuto: Bilugan ang titik ng iyong tamang sagot. (3 puntos bawat aytem)
1. Ito ay tulang pasalaysay na pinagsalinsalinan ng mga berso ng mahuhusay na
mananalaysay na sinasaliwan ng instrument ng musika.
A. Hira C. Sundiata
B. Puasa D. Ramadan

2. Ang nagpahiya sa in ani Sundiata nang dahil lamang sa baobab.


A. Balla Fesseke C. Maghan Kon Fatta
B. Dnakaran Touma D. Sassoumo

3. Ito ay may kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan. Di-tuwirang nagbibigay


ng kahulugan ang idyoma.
A. Aral C. Matanghilagang salita
B. Banghay D. Tauhan

4. Matalik na kaibigan ni Mari Djata.


A. Doua C. Manding Bory
B. Farakourou D. Sogolon

5. Ang nagpadala ng mamahaling muwebes kay sundiata at ipinagkasundo ang


kanyang anak na babae kay Sundiata.
A. Hari ng Inglatera C. Hari ng Guidimakhan
B. Kamanjan D. Fakoli

TUKLASIN (PAG-ARALAN MO)

Ngayon basahin natin ang isang maikling kuwento kung saan inilalahad sa
akdang ito ang tungkol sa pagmamahal na inukol ng isang tao sa kanyang alaga.
Ang Alaga
(Maikling Kuwento mula sa East Africa ni Barbara Kimenye)
Isinalin sa Filipino ni Magdalena O. Jocson

Naniniwala si Kibuka na hindi para sa kaniya ang pagreretiro. Isa siyang


mapagkakatiwalaang kawani sa Ggogombola Headquarters. Hanggang isang araw,
may pinapunta mula sa Komisyon ng Serbisyo Publiko sa kanilang tanggapan upang
alamin kung sino ang mga kawaning dapat nang magretiro. Ang sumunod na
pangyayari sa likod ng maitim na kulay ng kaniyang buhok, may pensiyon na siya,
may Sertipiko ng Serbisyo, at wala ng trabaho.

4
Sa pagkakaretiro niya, nag-aalala pa rin siya kung paano ginagawa sa
kasalukuyan ang dati niyang trabaho. Minsan, ipinatawag siya sa dati niyang
tanggapan upang tingnan kung kailangan ng kaniyang kapalit ang payo at tulong.
Hindi siya makapaniwala sa nadatnan niyang makalat na mga papeles at napatunayan
niya ang kawalan ng kaayusan. Sa buong paligid ng tanggapan, nagkalat din ang iba’t
ibang papeles, maging ang mga kompidensiyal na papeles na hindi dapat makita ng
kung sino-sino ay nababasa na ng lahat. Sa ganitong sitwasyon tila walang pakialam
ang kaniyang kapalit. Mas binibigyang-pansin pa nito ang pakikipag-usap sa telepono
habang napaliligiran ng ilang babae.

Hindi naging maganda ang pagpunta niya sa dating tanggapan. Maging ang
dati niyang mga kasamahan ay hindi na interesado sa sinasabi ni Kibuka.

Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng
ilog sa Kalansanda na maraming muling babalikan ngunit hindi gaano sa kaniyang
haharapin. Nagkataon pa na ang matalik niyang kaibigan na si Yosefu Mukasa ay
nasa Buddu Country para sa pagnenegosyo. Naiisip ni Kibuka na kaawa-awa na siya
at mabuting mamatay na lamang. Paulit-ulit niya itong naiisip habang nag-iinit ng tubig
para sa iinuming tsaa. Sa ganoong sitwasyon, nakarinig siya ng tunog ng paparating
na kotse. Sabik niyang tinungo ang pinto ng bahay upang alamin kung sino ang
dumating. Siya ang pinakamatanda sa kaniyang mga apo, mataas, payat, at kaboses
ni Kibuka.

Masayang-masaya si Kibuka habang nanginginig na niyakap ang apo.

“Napakagandang sorpresa! Tuloy ka mahal kong apo, tamang-tama naghanda


ako ng maiinom na tsaa.”

“Lolo, sandali lang po ako. Hindi po ako magtatagal. Tiningnan ko lamang po


ang katayuan ninyo at dinalhan ko po kayo ng pasalubong.”

“Napakabuti mo, aking apo. Ang biglang pagbisita mo at may pasalubong pa


ay lubha kong ikinatuwa.” Dahil dito, nabaligtad na lahat ang hindi niya magagandang
naiisip tungkol sa buhay, puno na siya ng kapanabikan.

“Isang biik ang pasalubong ko po sa inyo mula sa Farm School. Hindi na siya
mapakain doon at naisip ko na baka gusto ninyong mag-alaga nito.”

Kinuha ng apo ni Kibuka ang itim na biik.

Tuwang-tuwa si Kibuka. Ngayon lang siya nakakita ng napakaliit na biik.


Sampung minuto ang ginugol niya para tingnan ang kabuuan ng biik: ang
mapupungay na mata, mga kuko sa paa, at pagwagwag ng buntot. Masayang
nagpaalam si Kibuka sa apo at habang kumakaway siya rito, sumisiksik naman sa
kaniyang dibdib ang biik.

5
Sinabi niya sa apo na dadalhin niya sa Markansas ang biik at kakausapin si
Miriami na ihanda ang biik bilang espesyal na pagkain sa hapunan para sa pag-uwi ni
Yosefu.

Nagdalawang-isip si Kibuka para sa planong gagawin sa biik sapagkat sunod


nang sunod ang biik at bawat pag-upo niya laging nasa paanan niya ito. Hindi ito
umaalis sa tabi niya. Parang taong nakikinig sa bawat sasabihin ni Kibuka.

Pagdating ng gabi, biglang maiisip ni Kibuka na pakainin ang biik ng tiring


pagkain sa sarili niyang pinggan, bukod pa sa talagang kinakain niyon. Pagkalipas ng
ilang araw, lumalaki na ang biik, malakas nang kumain at kailangang manguha ng
matoke si Kibuka sa mga kaibigan at kapitbahay.

Nalaman na sa buong Kabzanda na may alagang baboy si Kibuka. Mula noon,


hindi na nagbabahay-bahay si Kibuka upang manguha ng matoke para sa alaga
niyang baboy sapagkat ang mga babae at bata na nag-iigib ng tubig na malapit sa
bahay ni Kibuka ang nagdadala na ng mga matoke. Nagiging dahilan iyon upang
makita at makipaglaro sila sa alagang baboy ni Kibuka. Para na nilang kamag-anak
ito na sinusundan at inaalam ang paglaki nito.

Ito lamang ang baboy na napakalinis dahil naaalagaan ito nang maayos. Dahil
dito, pinapayagan ni Kibuka na matulog ito sa kaniyang paanan bagaman ingat na
ingat siya na malaman ito ng kaniyang mga kapitbahay. Naging mabilis ang paglaki
ng alagang baboy. Lumaki ito sa maayos na kapaligiran at higit sa lahat, napamahal
na iyon kay Kibuka.

Sa paglipas ng mga linggo, habang lumalaki ang alagang baboy, maraming


problema ang dumarating. Halimbawa, kailangan na nang mas maraming pagkain at
hindi naman ganoon karami ang makukuha sa mga kapitbahay kaya kapag wala nang
makain ang baboy, pupunta ito sa shamba ng mga kapitbahay at kakainin ang tanim
na mga gulay at kape. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain
maibigay lamang sa alagang baboy.

Hindi na rin gusto ni Kibuka na natutulog sa kaniyang paanan ang alagang


baboy gaya noong biik pa lamang ito. Ngayon, napakalakas niyong maghilik na
nakapagpapapuyat kay Kibuka. Isang mabigat na desisyon na hindi na magtatagal ay
ilalabas na niya ang alagang baboy at itatali na lamang sa puno.

Kung sino kaya ang magdurusa, si Kibuka o kaniyang alagang baboy ay


mahirap na sagutin. Walang malayang alagang baboy at si Kibuka lamang ang
makapagsasabi.

Sa araw, malayang nakagagala pa ang baboy, bagaman laging nahuhulog sa


ilog.

6
Hindi tiyak ang lalim ng ilog sa Kalansanda. Karaniwang naliligo o
nagtatampisaw ang mga taga-Kalansanda sa nasabing ilog. Minsan, kapag umuulan,
malakas ang agos ng tubig na maaaring madala nito ang isang bata. Ibig na ibig ng
alagang baboy na magtampisaw rito. Naglalaro sa imahinasyon ni Kibuka na baka
paglaruan ang alagang baboy ng mga batang naglalaro na maaaring hulihin at dalhin
sa gitna ng ilog at lunurin ang baboy.

Para hindi ito mangyari, tuwing magdidilim na, pinapasyal niya ang alagang
baboy na kinasanayan nang makita ng mga taga-Kalansanda at tanging hindi mga
tagaroon ang tila nagugulat sa ginagawa niyang pagpasyal sa alagang baboy habang
may tali ito. Naging magandang ehersisyo ito ni Kibuka dahil sa pananakit ng kaniyang
mga kalyo na sa bawat hakbang niya upang masiyahan ang alagang baboy ay
katumbas naman ng labis na sakit ang dulot sa kaniya na halos ikaiyak niya. Sinabi
niya kay Daudi Kulubya na nagmamalasakit sa papilay-pilay niyang lakad na
nasisiyahan naman siya sa ginagawa niya sa alagang baboy. Masaya siyang uuwi at
ibababad ang mga paa sa isang palanggana na mainit na tubig ng isang oras. Hindi
nya iisipin ang pananakit ng kaniyang kalyo.

Gaano pa katagal ang ganitong sitwasyon? May mga pagkakataon na


kinakausap ni Kibuka ang ilang kilala niyang bumibili ng alaga niyang baboy. Ngunit
ang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya hindi niya ito
maipagbibili dahil para na rin itong pagtataksil sa alaga.

Isang araw, habang papunta si Kibuka sa Sagradong Puno at habang


naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di inaasahang
pangyayari ang naganap. Si Kibuka, ang alagang baboy, at ang drayber ng isang
motorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang direksiyon. Nasagasaan sina Kibuka at alagang
baboy ng isang motorsiklo. Nang magkamalay na siya, natuwa siya sapagkat buo pa
rin ang kaniyang katawan maliban sa isang balikat na sumasakit at dugo sa mga
kamay niya. Nakilala niya ang drayber na si Nathaniel Kiggundu na tila hindi naman
gaanong nasaktan. Inalis niya ang mga damong nakatabon sa kaniyang mukha at
makikita ang mahabang punit ng pantalon sa tapat ng isa sa kaniyang tuhod.

Mula sa kung saan, narinig nila ang napakalakas na iyak ng alagang baboy ni
Kibuka at doon nagpunta ang dalawang lalaki. Pagdating nila, ay umiiyak ang baboy
dahil sa pagkakaipit ng leeg nito at namatay na. Totoong nakasama kay Kibuka ang
aksidente na nag-iwan sa kaniya ng kondisyong walang katiyakan. Habang nakaupo
siya sa tabi ng namatay na alagang hayop, iniisip niya ang kasunod na mga
pangyayari.
Marami nang taong nag-uusyoso, titingnan si Kibuka at namatay na alagang
hayop at pagkatapos ang motorsiklo naman ang kanilang titingnan. Dumating si
Musisi, ang Hepe ng Ggogombola. Kinuha ang pahayag ni Kiggundu at pagkatapos
nilapitan si Kibuka at pinipilit na isakay sa kaniyang sasakyan upang iuwi sa bahay
niya.

7
“Sir, mukhang hindi pa maganda ang lagay ninyo, bukas na lang kayo kukunan
ng pahayag. Magpahinga muna kayo.”

“Pero hindi ko maaaring iwanan ang namatay kong alagang baboy.”

“Maaari po nating ilagay sa likod ng aking sasakyan kung ibig po ninyo. Mas
mabuti sana kung puputol-putulin na ito ng matadero dahil hindi na ito maaaring
magtagal sa klase ng klima ngayon.”

Kailanman ay hindi pumasok sa isipan ni Kibuka na kainin ang alagang hayop.


Iniisip niya kung saang bahagi ng shamba ililibing ang alagang hayop. Sinabi niya na
ang pagkain ng isang napamahal na alaga ay isang barbarong gawain. Naiisip niya
na naghuhukay na siya ng paglilibingan ng alaga. Natitiyak niyang hindi siya
tutulungan ng mga taga-kalsada na gawin ito. Sa bandang huli, naisip niya na bakit
hindi magkaroon ng bahagi ang kaniyang mga kapitbahay sa namatay niyang alaga.
Sila naman ang nagpakain sa nasabing alaga.

Dinala sa Ggogombola Headquarters ang nasabing alaga ni Kibuka at


ipahahati-hati ito sa askaris na naroon. Sinuman ang may gustong kumain ng baboy
ay pumunta roon bago mag-ikapito ng gabi, ayon kay Musisi na siya nang nag-asikaso
sa namatay na baboy.

Sa pagbalik ni Kibuka sa kaniyang tahanan, ginamot niya ang kaniyang balikat


ng gamot na karaniwang ginagamit niya sa anumang sakit na nararanasan niya.
Umupo sandali habang umiinom ng tsaa. Maaga siyang natulog at nagising sa
magandang sikat ng araw. Nasabi niya sa kaniyang sarili na ito ang pinakamaganda
niyang pagtulog at nasiyahan siya pagkatapos ng maraming buwan na nagdaan.
Dumating si Musisi habang papaalis na si Kibuka upang tingnan kung ang pata ng
alaga niyang baboy ay nadala kay Yosefu at Miriamu.

“Hindi pa, Sir, ngayon ko pa lamang dadalhin doon, ibig ba ninyong sumabay
na sa akin pagpunta roon?”

Pumayag si Kibuka na makisabay. Tinanggihan naman niya ang laman ng


baboy na dinala sa kaniya ni Musisi.

“Sa iyo na iyon, anak, hindi ako mahilig kumain ng baboy.”

Kinuha ni Miriamu ang pata ng baboy at ang interes naman ni Yosefu ay ang
mga detalye ng aksidenteng naranasan ni Kibuka. Pinilit ni Yosefu at Miriamu na
mananghalian sa kanila ang dalawa. Ngunit kailangang dumalo sa isang pulong ni
Musisi sa Mmengo, kaya si Kibuka na lamang ang iniwan. Maraming napag-usapan
sina Kibuka at Yosefu. Matagal silang hindi nagkita kaya magiging masarap ang
pagkain nila ng pananghalian.

“Talagang napakahusay mong magluto, Miriamu,” wika ni Kibuka habang

8
naglalagay ng maraming pagkain sa kaniyang pinggan.”

“Napakalambot ng karne ng baboy na iyon na parang isang manok at


napakasarap pa,” pahayag naman ni Miriamu.

May ilang sandali na nalulungkot siya sapagkat alam niya na karne ito ng mahal
niyang alaga at masaya niyang kinakain ito. Ngunit sandali lamang ito at patuloy pa
rin niyang nilalagyan ng karne ang kaniyang pinggan. Natatawa siya sa sarili at alam
niya na hindi na siya maglalakad tuwing hapon at sa halip makakatulog na siya nang
maayos.
(Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral – Unang Edisyon 2015)

SURIIN (PAGTATALAKAY)

Maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga


pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa
isip ng mga mambabasa.

Mga Elemento:
• Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin
kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
• Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin.
• Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
• Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa
lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
• Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian
ng kanyang ipinaglalaban.
• Kakalasan- Tulay sa wakas.
• Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
• Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga
insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
• Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kuwento.
• Kaisipan- mensahe ng kuwento.
• Banghay- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento

Uri ng Maikling Kuwento:

Sa kuwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng


mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng
isang mambabasa.

Sa kuwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga


pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa
nasabing pook.

Sa kuwentong bayan nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa


kuwento ng pag-ibig kasalukuyan ng buong bayan.

9
Sa kuwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi
kapanipaniwala.

Naglalaman ang kuwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-


sindak.

Sa kuwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at


mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

Sa kuwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin


ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling
kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.

Sa kuwento ng pakikipagsapalaran nasa balangkas ng pangyayari ang


interes ng kuwento.

Sa kuwento ng katatawanan nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa


mambabasa.

Sa kuwento ng pag-ibig tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao..

Mga Bahagi at Sangkap ng Isang Maikling Kuwento:

Simula

At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin


ng pangunahing tauhan. Napapasama rin dito ang pagpapakilala ng ilan sa mga
tauhan at ng Tagpuan.

Gitna

Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit


na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng
pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning
kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang
kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing
tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Wakas

Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging


nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging
resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa


pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan,
hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang

10
mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring
kahinatnan ng kuwento.

MUNGKAHING PAGSASANAY

A - Panuto: Bilugan ang titik ng iyong tamang sagot.


1. Sa_______nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kuwento ng pag-
ibig sa kasalakuyang ng buong bayan.
A. Kuwentong bayan C. Kuwentong sikolohikal
B. Kuwentong kababalaghan D. Kuwento ng tauhan

2. Kuwento tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.


A. Kuwentong bayan C. Kuwento ng pag-ibig
B. Kuwentong kababalaghan D. Kuwento ng tauhan

3. Inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang


nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang
mambabasa.
A. Kuwento ng tauhan C. Kuwentong sikolohikal
B. Kuwentong kababalaghan D. Kuwento ng tauhan

4. Pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.


A. Kuwentong bayan C. Kuwento ng pag-ibig
B. Kuwentong kababalaghan D. Kuwento ng tauhan

5. Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.


A. Kuwento ng pakikipagsapalaran
B. Kuwentong katatawanan
C. Kuwento ng pag-ibig
D. Kuwento ng sikolohikal

B - Panuto: Punan ang patlang ng salitang nararapat sa bawat pangungusap. Piliin


sa loob ng kahon ang iyong sagot
A. banghay F. Maikling Kuwento
B. kasukdulan G. kaisipan
C. kakalasan H. tagpuan
D. tunggalian I. wakas
E. suliranin J. gitna

1. Ang___________ pinakamadulang bahagi ng maikling kuwento kung saan


F. F. Kuwentong Sikolohiko
makakamtan ng pangunahing tauhan ang katapusan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.

11
2. Ang ___________ay tumutukoy sa paglalaban ng pangunahing tauhan at
sumasalungat sa kanya.
3. _______________ang tulay sa wakas
4. Tinatawag na ____________ang problemang kakaharapin ng tauhan sa
kuwento.
5. Ang ______________ay isang anyo ng panitikan na may layuning
magsalaysay ng mga pangyayati sa buhay ng pangunahing tauhan.
6. Ang____________ay pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
7. Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban ito ay tinatawag na ____________.
8. ___________ang tawag sa lugar na pinangyayarihan ng kuwento.
9. Ang pinakamensahi ng kuwento ay tinatawang na ______________.
10. Ang _____________ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.

PAG – AANALISA (ANALYSIS)

Gabay na mga tanong tungkol sa aralin

1. Ano ang kaibahan ng maikling kuwento sa iba pang akdang pampanitikan?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang maikling kuwento bilang


akdang pampanitikan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

ISAISIP MO

Mga Salitang Naglalahad ng Opinyon

Bahagi ng pang araw- araw na buhay ang pagbibigay ng opinyon sa mga


pangyayaring nagaganap sa ating paligid. Sa pagbibigay ng opinyon, makakabuti
kung may sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusapan upang maging katanggap-
tanggap at mapagtimbang-timbang ang ating mga opinyon.

Alam mo ba na…

Ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon ay mahalagang maunawaan


natin?
Nais nitong ipahiwatig ang ipinahahayag ng ating kausap o ng mambabasa.

12
Narito ang mga salitang nagpapakilala ng pagsasaad ng opinyon:
sa palagay ko…
ipinahihiwatig sa kaniyang sinabi…
batay sa aking paniniwala…
sa tingin ko…
maaaring…
baka…
siguro…

Halimbawa:

Para sa akin, Si Hanna ang pinakamaganda sa lahat.


Sa aking palagay, mas payapa ang pamumuhay ng isang tao na may takot sa
Diyos.

MUNGKAHING PAGSASANAY

Panuto: Lagyan ng tsek ang patlang bago ang bilang ng pahayag na may kaugnay
sa maikling kuwento at ekis kung walang kaugnayan. (2 puntos bawat aytem)

____1. naglalahad ng mahahalagang kaisipan


____2. maaaring pormal at di-pormal
____1. banghay
____2. wakas
____5. simula
____4. suliranin
____5. tunggalian
____6. may mga kabanata
____7. kasukdulan
____8. mga tauhan

ABSTRAKSYON (ABSTRACTION)

Pagbubuod ng Aralin

Ang maikling kuwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang


pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang. Si Edgar Allan Poe ang tinuturiang "Ama ng Maikling Kuwento."

Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento.


Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang
maikling kuwento upang maikintal sa isipan nga mga mambabasa.

Maaaring maging tema ang mga sumusunod: palagay sa mga naganap na


pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao,
paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig

13
sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda. Ang mensahe
naman ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa.

Mahalaga ring maunawaan ang salita o pahayag na anglalahad ng opinyon. Sa


pagbibigay ng opinyon, makakabuti kung may sapat na kaalaman sa paksang pinag-
uusapan upang maging katanggap-tanggap at mapagtimbang-timbang ang ating mga
opinyon.

PAGYAMANIN ( PAGSANAYAN MO)

Ang patalastas ay maaaring pasalita o pasulat. Ang pagsasahimpapawid ay


ginagamit sa pagbibigay ng patalastas sa paraang pasalita tulad ng ginagawa sa radio
at telebisyon. Ipinakikita rito ang mga produktong maaaring magustuhan ng mga tao
o kaya’y mga paligsahang ipinababatid sa publiko.

Sa paraang pasulat ay maaaring ipakita o ilathala sa billboards, pahayagan,


magasin at poster. Nakalimbag dito ang nais ianunsyong mga gawain o hanapbuhay
na kailangan ng isag tao o kompanya; mga larawan o hitsura’t katangian ng produkto
o kaya’y panawagan para sa mga nagnanais lumahok sa paligsahan.

MUNGKAHING PAGSASANAY

PAGSASANAY 1. Panuto: Dugtungan ang mga sumusunod upang makabuo ng


isang malinaw na pahayag. (2 puntos bawat aytem)

1. Batay sa___________________________________________________.
2. Ayon kay___________________________________________________.
3. Kumbinsido akong___________________________________________.
4. Sa palagay ko_______________________________________________.
5. Baka______________________________________________________

PAGSASANAY 2 . Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na pang-ugnay. Isulat


sa patlang ang titik ng inyong tamang sagot.

A. batay sa D. sa tingin ko
B. kung E. Sa totoo lang
C. baka G. Maaring

1. _____ ako ang tatanungin, dapat lang na igalang at mamahalin natin ang ating
mga magulang.
2. ______mas masarap ang mamuhay mag-isa kaysa magkaroon ng maingay na
kasama.

14
3. ______tala ng DOH palaki ng palaki ang bilang ng mga nahahawaan sa
tinatawag na Covid19 Virus.
4. Ang susunod na mananalo ay ____kayo na!
5. _______, si Ana ay nagsisinungaling.

APLIKASYON (APPLICATION)

MUNGKAHING PAGSASANAY

Panuto: Kumuha ng isang pirasong papel. Bumuo ng maikling kuwento batay sa


inyong napapanood, nababasa o sariling karanasan. Gumamit ng mga salitang
nagpapakilala ng pagsasaad ng opinyon. Lagyan ng pamagat at aral na mapupulot.
Ang iyong gawa ay tatayain batay sa sumusunod na pamantayan. (50 Puntos)
Nangangailangan
Napakahusay Mahusay
Pamantayan ng Pag-unlad
(50 puntos) (35 puntos)
(20 puntos)
Paksang-diwa Makabuluhan at Makabuluhan, Naging
maayos- 3 talata ngunit hindi napakakaraniwan
mistulang orihinal ang paksa
2 talata 1 talata
Simula Maayos ang Di-gaanong Magulo at nakalilito
(Tauhan, pagkakabalangkas maayos ang ang pagkasunod-
Tagpuan, pagkakabalangkas sunod ng mga
Suliranin) pangyayari
Gitna Napukaw ang Hindi gaanong Hindi nakaantig sa
(saglit na kaisipan at nakaantig sa damdamin ng
kasiglahan, damdamin damdamin ng mambabasa
tunggalian, mambabasa.
kasukdulan,)
Wakas Naging kaakit-akit Naipahiwatig ang Hindi naging kawili-
(kakalasan, ang simula at suliranin ng wili ang simula at
katapusan) wakas ng kuwento kuwento ngunit wakas ng kuwento
hindi kawili-wili

15
PAGSASAGAWA NG PANGHULING PAGSUBOK (POST-TEST)

Pangalan: _____________________________ Pangkat: _______ Puntos: ______

Panuto: Bilugan ang titik ng iyong tamang sagot.

1. Ito ay bahagi ng maikling kuwento na binubuo ng saglit na kasiglahan,


tunggalian, at kasukdulan.
A. Gitna C. Tema
B. Simula D. Wakas
2. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng
kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.
A. Gitna C. Tema
B. Simula D. Wakas
3. Ito ang mensahe ng kuwento.
A. Kaisipan C. Suliranin
B. Simula D. Tunggalian

4. Sino ang ama ng maikling kuwento?


A. Edgar Allan Poe C. Mario Apolinario
B. Eduardo de Vera D. Mar Lopez

5. Ang maikling kuwento ay may layuning __________________________.


A. sundin ang nakasulat sa Bibliya
B. ihambing ang pangyayari sa totoong buhay
C. pagtabihin ang dalawang bagay upang pagtularin

6. Ang pinakakaluluwa ng maikling kuwento.


A. Banghay C. Paksang-diwa
B. Kaisipan D. Panimula

7. Ito ay bahagi ng maikling kuwento kung saan napapasama rin dito ang
pagpapakilala ng ilan sa mga tauhan at ng Tagpuan.
A. Gitna C. Tema
B. Simula D. Wakas

8. Isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa


buhay ng pangunahing tauhan.
A. Anekdota C. Maikling kuwento
B. Epiko D. Sanaysay

9. Ito ay mga elemento ng maikling kuwento maliban sa


A. Gitna C. Suliranin
B. Panimula D. Tunggalian

16
10. Ang problemang kakaharapin ng tauhan sa kuwento.
A. Suliranin C. Kasukdulan
B. Tunggalian D. Kakalasan

11. Ang maikling kuwento ay may layuning __________________________.


A. Sundin ang nakasulat sa Bibliya
B. Ihambing ang pangyayari sa totoong buhay
C. Pagtabihin ang dalawang bagay upang pagtularin
D. Magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan

12. Ang maikling kuwento ay isa itong masining na anyo ng panitikan.


A. Tama C. Di-tiyak
B. Mali D. Wala sa nabanggit

13. Ang paksa ang pinakamensahe ng kuwento.


A. Tama C. Di tiyak
B. Mali D. Wala sa nabanggit

14. Bilang mag-aaral, bakit mahalaga ang pagbabasa ng maikling kuwento?


A. Upang maging malawak ang ating imahinasyon at kakayanan bilang tao.
B. Upang makakuha ng magagandang aral na maaaring gamitin sa totoong
buhay.
C. Upang magkaroon ng kaalaman ng kultura ng bansang pinagmulan ng
akdang iyon.
D. Lahat ng nabanggit

15. Bakit mahalagang unawain at pahalagahan ang mga maikling kuwento?


A. Marami tayong mapupulot na aral at kaalaman sa pagbabasa nito.
B. Maaaring makapagturo sa atin ng mga bagay na magagamit natin sa ating
buhay.
C. Ang pag-unawa sa parabula binasa ay pag-unawa din sa kultura ng
bansang pinagmulan ng akdang iyon.
D. Lahat ng nabanggit

17
SANGGUNIAN

Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral – Unang Edisyon 2015


Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat
(DepEd – IMCS)

K to 12 Curriculum

Mga Mahahalagang Kasanayang Pampagkatuto

EASE
CURRICULUM IMPLEMENTATION AND LEARNING MANAGEMENT
MATRIX (K TO 12 CORE SUBJECTS

https://www.pinoyedition.com/maikling-kwento

https://www.google.com/search?q=rubriks+sa+pagsulat+ng+maiklingkwento

Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral – Unang Edisyon 2015

https://www.coursehero.com/file/55765133/Aralin-3pptx/

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Surigao del Norte


Peñaranda St., Surigao City
Surigao del Norte, Philippines 8400
Tel. No: (086) 826-8216
Email Address: surigao.delnorte@deped.gov.ph

19

You might also like