You are on page 1of 24

Senior High School

Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik
Ikalawang Semestre– Modyul 3
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik:
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Week 13-14
KARAPATANG-SIPI 2021

“RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng MODYUL na ito ang


maaaring sipiin o gamitin nang WALANG nakasulat na pahintulot mula sa MAY-AKDA,
TAGAMASID PANSANGAY AT TAGAPAGLATHALA”

Ang orihinal na bersyon ng modyul na ito ay ginawa ng SANGAY NG HILAGANG SURIGAO


sa pamamagitan ng LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SECTION ng
CURRICULUM IMPLEMENTATION DIVISION. Maaari itong ilimbag muli para sa pag-aaral ng mga
kabataan; baguhin upang mas lalong mapahalagahan ang pagsasaling-wika at upang lubos na
maunawaan; at lumikha ng pinaunlad na bersyon nito alinsunod sa orihinal na gawa ng may-akda at
taga-guhit ngunit mahigpit na itinagubilin ang nararapat na pagkilala. WALA ni isang bahagi ng modyul
na ito ang ililimbag para sa layuning nakatuon sa komersyo at negosyo.

Ang modyul na ito ay pinapahintulutan na maipamahagi sa ON-LINE sa pamamagitan ng


LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM (LRMDS) sa portal nito na
(http://lrmds.deped.gov.ph) at DIVISION NETWORK ACADEMY (https://netacad.depedsdn.com).

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Aimie T. Cuizon


Editor: Mary Grace M. Tadulan
Mga Tagasuri: Salome A. Presilda, Dinahrae P. Valiente, Alicia L. Amalia, Eva Josue
Mga Tagaguhit: Danilo L. Galve, Stephen B. Gorgonio
Mga Tagalapat: Ivan Paul V. Damalerio, Alberto S. Elcullada, Jr.
Tagapamahala: Ma. Teresa M. Real
Leonevee V. Silvosa
Dominico P. Larong, Jr.
Gemma C. Pullos
Manuel L. Limjoco, Jr.

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Schools Division of Surigao del Norte

Office Address: Peñaranda St., Surigao City


Tel. No.: (086) 826-8216
E-mail Address: surigao.delnorte@deped.gov.ph
Senior High School

Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik
Ikalawang Semestre– Modyul 3
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik:
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Week 13-14

i
MODYUL SA FILIPINO

PAUNANG SALITA
PARA SA TAGAPAGDALOY/GURO:
Bago ang lahat, binabati kita munti naming mga mag-aaral sa asignaturang
FILIPINO. Ang MODYUL na ito ay pinagtulungang idisenyo, nilinang at sinuri ng mga
guro mula sa iba’t ibang distrito ng Sangay ng Hilagang Surigao at ng Tagamasid
Pansangay upang gabayan at tulungan ka, gurong tagapagdaloy na makamit ng mga
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 na linangin ang
kakayahang MAKRO ng mga mag-aaral katulad ng PAKIKINIG, PAGSUSULAT,
PAGBABASA, PAGSASALITA at PANOOD kasali na ang pagpapahalaga sa
kakayahan ng mga mag-aaral na harapin ang hamon na pansarili, panlipunan at pang-
ekonomiko.
Inaasahang makagagawa ang mga mag-aaral ng isang malikhaing sariling
gawang sulating akademiko na sinuri at nirebesa sa tulong ng guro at mga kapamilya
upang magsilbing porfolio. Bago at pagkatapos ng bawat modyul ay may
nakahandang pagsusulit upang tayain ang kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral
sa pag-unawa at pagproseso ng mga araling nakapaloob sa bawat modyul.
Ito ay tulong-aral na magpatuloy ang malayang pagkatuto ng mga mag-aaral
sa pamamatnubay ng gurong tagapagdaloy ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mga mag-aaral upang makamit ang
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang pangangailangan
at kalagayan.
Makikita sa kahon sa ibaba ang pinakalaman ng modyul:
Mga Tala para sa Guro

Ito’y naglalaman ng Pauna at Panghuling Pagsubok,


Gawain,Pag-aanalisa, Abstraksyon at Pagtatasa

Bilang tagapagdaloy, mahigpit na itinagubilin na bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mga mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan
ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na
higit pang hikayatin at gabayan ang mga ag-aaral habang isinasagawa ang mga
araling nakapaloob sa modyul.

PARA SA MGA MAG-AARAL:


Malugod na pagtanggap ang aming bati sa iyo munti naming gintong mag-
aaral. Sana’y masasabik kang buklatin at pag-aralan nang mabuti ang modyul na ito
upang sa gano’n ay may marami kang matutuhan dahil masusing inihanda ang mga
gawaing nakapaloob dito para sa iyo at inaasahang magiging gabay upang harapin
ang tunay na buhay. Alam kong magagawa mo ito dahil magaling ka.
Ang modyul na ito ay isang kagamitang-pampagtuturo na siyang gagamitin mo
upang magabayan at maitawid ang iyong pag-aaral. Kaakibat nito ang iba’t ibang

ii
gawaing susubok sa iyong kakayahan kasama ang inyong kapamilya at higit sa lahat,
sa tulong na rin ng inyong gurong tagapagdaloy.
Sana ay iingatan mo ito ng buong puso katulad ng pag-iingat mo upang
makamit ang minimithing TAGUMPAY. Panalangin namin na kayo ay patnubayan ng
DAKILANG MAYLIKHA.

PARA SA MAGULANG:
Mahal naming mga magulang isapuso ninyo ang katotohanang ito. Kayo ay
mahalagang TULAY o KONEKSYON sa pagitan ng bahay at paaralan, bilang mga
magulang mahalaga ang papel na inyong gagampanan tungo sa pagtupad ng
kanilang mga pangarap. Kayo ay mahalagang kaakibat sa edukasyon at pag-aaral ng
inyong mga anak. Malaki ang inyong maitutulong upang patuloy na maibahagi ang
kaalaman sa inyong mga anak. Napakalaki ng inyong impluwensiya upang
maisakatuparan ang adhikaing ito. Inaasahan ang makatotohanang kolaborasyon ng
mga magulang at ng mga guro na naglalayong tulungan ang mga mag-aaral na
magkaroon ng makabuluhang edukasyon upang makamit nila ang tagupay at
magandang bukas.
Higit sa lahat, aming panalangin na magkakaroon ng positibong saloobin
kayong mga mahal naming mga magulang upang maging bahagi sa napakagandang
oportunidad na ito na kasali sa pagpapaunlad ng karunungan ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng paggabay ng kanilang pag-aaral gamit ang modyul na ito.

Ito ay may mga bahagi na dapat mong maunawaan.

*Gawain : Malalaman mo dito ang dapat mong matutuhan at


pagbibigay ng Paunang Pagsubok

*Pag-aanalisa : Paglalapat sa mga araling nakapaloob sa modyul

*Abstraksyon : Pagbibigay ng pantulong na Mungkahing


Pagsasanay upang matiyak ang Kaalamang taglay
ng mga mag-aaral mula sa modyul na binigyang-
pansin

*Pagtatasa : Pagtatasa sa angking kaalaman mula sa ibinigay


na modyul at pagbibigay ng Huling Pagsubok.

iii
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik:
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Nakasusunod sa pamantayan ng
pagsulat ng masinop na pananaliksik

PAMANTAYAN SA PAGGANAP Nakabubuo ng isang maikling


pananaliksik na napapanahon ang
paksa

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

PU - Pagsulat

MELC/LAYUNIN Naiisa-isa ang mga paraan at tamang


proseso ng pagsulat ng isang
pananaliksik sa Filipino batay sa
layunin, gamit, metodo, at etika ng
pananaliksik. F11PU-IVef-91

1
GAWAIN/Activity/ Unang Araw

Tungkol saan ang Modyul na ito?

Bago ang lahat ay binabati kita ng maligayang pagdating sa Senior High


School. Nasa huling dalawang taon ka na ng buhay high school mo kaya mag-enjoy
ka at bumuo ka pa ng maraming alaala bilang high school student.

Ang modyul na ito ay isang kagamitang-pampagtuturo na gagamitin ng mga


mag-aaral ng Grade 11. Ito ay tungkol sa Filipino 11 na may deskripsiyon na Pagbasa
at Pagsusuri ng Iba’t Ibang teksto Tungo sa Pananaliksik. Naglalaman ang modyul na
ito ng mga aralin na iyong pag-aaralan sa ikalawang kwarter lamang ng taong
panuruan na ito, kaakibat nito ang iba’t iabng gawaing susubok sa iyong kakayahan.
Layon ng modyul na ito na hasain ka ng buo upang maging handa ka sa anumang
susubok sa iyong kakayahan bilang isang mag-aaral.

Ang mga araling lalakbayin sa modyul na ito ay kaiba na sa mga araling iyong
natutunan noong nasa elementarya at sa junior high ka pa kaya dito papaunlarin ng
modyul na ito ang iyong makrong kasanayan – ang pagbasa, pagsulat, pagsasalita,
at pakikinig.

Sana’y masasabik kang buklatin at pag-aralan nang mabuti ang modyul na ito
nang sa gayun ay marami kang matutunan dahil ang ibang gawaing inihanda sa’yo ay
isang paglalapat sa tunay na buhay, alam kong magagwa mo lahat dahil magaling ka.

Muli, maligayang pagdating sa Senior High School at ako’y nasasabik na


makahubog ng isang mag-aaral na tulad mo.

ALAMIN (Panimula)
Pagkatapos ng modyul na ito ay inaasahang: Naiisa-isa ang mga paraan at
tamang proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit,
metodo, at etika ng pananaliksik.

2
SUBUKIN (PAGSASAGAWA NG PAUNANG PAGSUBOK PRE-TEST)

Pangalan:____________________ Strand:__________ Petsa:______ Puntos:___

Panuto:Tukuyin at basahing mabuti ang inilalarawan sa mga sumusunod na


pangungusap. Bilugan lamang ang titik ng iyong sagot.
1. Sa paggawa ng pananaliksik, ito ang nagbibigay ng katiyakan.
A. Pagbabahagi ng Pananaliksik C. Pagsusuri ng Datos
B. Pagdidisenyo ng Pananaliksik D. Pangangalap ng Datos

2. Sa antas na ito handa na ang mananaliksik na iakda ang Metodolohiya at


Pamamaraan sa Pananaliksik.
A. Pagbabahagi ng Pananaliksik C. Pagsusuri ng Datos
B. Pagdidisenyo ng Pananaliksik D. Pangangalap ng Datos

3. Dito nangyayari ang ang pagsusuri at interpretasyon ng mga datos na


nakalap.
A. Pagbabahagi ng Pananaliksik C. Pagsusuri ng Datos
B. Pagdidisenyo ng Pananaliksik D. Pangangalap ng Datos

4. Ito ay maaari, sa pamamagitan ng paglalathala sa iba’t ibang publikasyon.


A. Pagbabahagi ng Pananaliksik
B. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
C. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
D. Pangangalap ng Datos

5. Sinisimulan sa pagpili at paglimita ng paksa sa pananaliksik.


A. Pagbabahagi ng Pananaliksik
B. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
C. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
D. Pangangalap ng Datos

6. Nagsisilbing introduksiyon at nagbibigay na rin ng layunin ng pananaliksik.


A. Kongklusyon at Rekomendasyon
B. Metodolohiya
C. Rasyonal at Kaligiran ng Paksa
D. Resulta at Diskusyon

7. Ipinaliliwanang ang disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.


A. Kongklusyon at Rekomendasyon
B. Metodolohiya
C. Rasyonal at Kaligiran ng Paksa
D. Resulta at Diskusyon

3
8. Naglalaman ng mga tampok na bahagi ng presentasyon.
A. Kongklusyon at Rekomendasyon
B. Metodolohiya
C. Rasyonal at Kaligiran ng Paksa
D. Resulta at Diskusyon

9. Ibinabatay ang haba nito sa format na hinihingi ng particular na journal.


A. Kongklusyon at Rekomendasyon
B. Metodolohiya
C. Rasyonal at Kaligiran ng Paksa
D. Resulta at Diskusyon

10. Pagmamasid sa kilos, pag-uugali, at interaksyon ng mga kalahok sa isang


likas na kapaligiran.
A. Dokumentaryong Pagsusuri C. Pakikipanayam
B. Obserbasyon D. Sarbey

11. Ginagamitan ito ng payak na questionnairena hinahayaan sagutan ng mga


kalahok.
A. Dokumentaryong Pagsusuri C. Pakikipanayam
B. Obserbasyon D. Sarbey

12. Kadalasang ginagamitan ng estadistikal na pagsusuri.


A. Dokumentaryong Pagsusuri C. Pakikipanayam
B. Obserbasyon D. Sarbey

13. Ang ilan sa mga uri nito ay pagsusuring semyotiko at pagsusuri sa


nilalaman.
A. Dokumentaryong Pagsusuri C. Pakikipanayam
B. Obserbasyon D. Sarbey

14. Madalas na ginagamit sa field study gaya ng etnograpiya.


A. Dokumentaryong Pagsusuri C. Pakikipanayam
B. Obserbasyon D. Sarbey

15. Nakikisalamuha at nakikisali sa karaniwang mga proseso o pamumuhay ng


mga tao sa isang komunidad ang mananaliksik.
A. Dokumentaryong Pagsusuri C. Pakikipanayam
B. Obserbasyon D. Sarbey

4
BALIKAN (Pagbalik-aralan Mo)

Sa pagsasagawa ng pananaliksik kinakailangan na maging masinop at


sistematiko sa buong proseso. Malaki ang ambag kung makabuo siya ng plano sa
tatakbuhin ng buong pag-aaral tungo sa pagsagot ng tanong sa pananaliksik.

TUKLASIN (Pag-aralan Mo)

Magtala ng dalawang plano o nais marating sa iyong buhay limang taon mula
ngayon. Sa tapat ay isulat kung paano at ano ang mga gagawin mo upang marating
ito.
Mga Plano Mga Paraan Upang makamit ang mga Plano

SURIIN (Pagtatalakay)
Makakatulong ito sa iyo upang mapalawak pa ang iyong kaalaman tungkol sa
mga bahagi at proseso ng pananaliksik.

Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik

1. Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik


• Pamimili at paglilimita ng paksa
• Pagbuo ng tanong ng pananaliksik
• Pagbuo ng Haypotesis
2. Pagdidisenyo ng Pananaliksik

• Pamimili ng disenyo at pamamaraan ng pananaliksik


• Pagbuo ng konseptuwal at teoretikal na balangkas
• Pagpaplano ng mga proseso ng pananaliksik
3. Pangangalap ng Datos

• Pagbuo ng kasangkapan na gagamitin sa pangngalap ng datos at aktuwal na


paggamit dito
• Pagkuha ng datos mula sa mga kalahok
• Pagsasaayos ng mga datos para sa presentasyon

5
4. Pagsusuri ng Datos

• Presentasyon ng Datos
• Pagsusuri at interpretasyon ng datos
• Pagbuo ng lagom, konklusyon at mga rekomendasyon
5. Pagbabahagi ng Pananaliksik

• Pamimili ng journal kung saan ilalathala


• Rebisyon ng format at nilalaman
• Presentasyon sa mga kumperansya o ibang paraan ng pagbabahagi

Mga Bahagi ng Papel-Pananaliksik

Kabanata I. Ang Suliranin at Sanligan Nito

Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral, Paglalahad ng Suliranin, Layunin at


Kahalagahan ng Pag-aaral , Rebyu ng Kaugnay na Literatura ,Teoritikal na Gabay at
Konseptuwal na Balangkas, Sakop at Delimtasyon ng pag-aaral, Daloy ng Pag-aaral,
Rasyonal at Kaligiran ng Paksa – nagsisilbing introduksyon, nagpapakilala ng halaga
ng akda batay sa konteksto o kaligiran nito. Nagbibigay ng mga layunin ng
pananaliksik.

Kabanata II. Metodolohiya at Pamamaraan

Disenyo at Pamamaraan, Lokal at Populasyon, Kasangkapan sa Paglikom ng


Datos, Paraan sa Paglikom ng Datos at Paraan sa Pagsusuri ng Datos.

Metodolohiya – ipinaliliwanag ang disenyo,pamamaraan at ang instrumentong


ginagamit sa pangangalap ng datos. Inilalarawan ang populasyon at lokal ng
pananaliksik.

Kabanata III. Resulta at Diskusyon

Bahagi ng presentasyon at pagsusuri ng datos

Kabanata IV. Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon

Lagom ng pangkalahatan at mahahalagang natuklasan ng pananaliksik. Ang


rekomendasyon ay batay sa mga natukoy na kongklusyon ng pag-aaral.

6
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang disenyo sa pananaliksik ay ang pangkalahatang estratehiya na pinipili ng


mananaliksik upang pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng
pananaliksik sa maayos at lohikal na paraan. Ayon sa Business Dictionary (2011), ang
disenyo ng pananaliksik ang detalyadong balangkas kung paano isasagawa ang
imbestigasyon. Ang suliranin ng pananaliksik ang nagtatakda sa uri ng disenyong
gagamitin ng mananaliksik. Kailangang tiyakin na ang kabuuang disenyo ay lohikal na
sasagot sa mahalagang tanong ng pananaliksik. Ayon kay David de Vaus (2011),
kung mailalatag nang maayos ng isang mananaliksik ang Sistema at disenyo ng
pananaliksik, tiyak na makakamit nito ang sumusunod:

• Matutukoy nang malinaw ang suliranin ng pananaliksik at mapangangatuwiran


ang pagkakpili nito
• Madaling makabubuo ng rebuy at sintesis ng mga naunang pag-aaral na may
kinalaman sa paksa at suliranin ng ginagawang pananaliksik
• Malinaw at tiyak na matutukoy ang mga haypotesis na pinakasentral sa pag-
aaral
• Epektibong nakikilala at mailalarawan ang datos na kailangan sa pagsubok ng
mga haypotesis at maipaliliwanag kung paanong makakalap ang mga datos na
ito
• Mailalarawang ang mga pamamaraan ng pagsusuri na gagamitin upang alamin
kung tama o mali ang haypotesis
Kwantitatibong Pananaliksik- tumutukoy sa sistematiko at empirical na
imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng
matematikal, estadistikal, at mga teknik na pamamaraan na gumagamit ng
komputasyon. Kadalasang ginagamitan din ito ng mga nasusukat at nakabalangkas
na pamamaraan sa pananaliksik gaya ng sarbey, eksperimentasyon, at pagsususring
estadistikal.

Kuwalitatibong Pananaliksik – kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang


layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan
na gumagabay rito.

Deskriptibo- ang pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan at kalagayan ang pinag-


aaralan sa mga palarawang pananaliksik.

7
Action Research- ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya, at
iba pa sa layuning palitan ito ng mas epektibong pamamaraan na inilalarawan at
tinatasa ng isang mananaliksik. Kailangan din ang mga serye ng ebalwasyon kung
nakakamit o hindi ang ideya na awtput.

Historikal- upang makabuo ng mga kongklusyon hinggil sa nakaraan ay gumagamit


ng iba’t ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos.

Case Study- ang isang partikular na kaso ay naglalayong malalimang unawain kaysa
magbigay ng pangkalahatang kongklusyon sa iba’t ibang paksa ng pag-aaral.

Komparatibo - Madalas na gamitin sa mga cross-national na pag-aaral ang ganitong


uri ng disenyo upang mailatag ang mga pagkakatulad sa pagitan ng mga lipunan,
kultura at institusyon.

Normative Study - naglalayon itong maglarawan ng anumang paksa at kadalasan


inihahambing sa deskriptibong uri ng pananaliksik . Gayunpaman naiiba ang
disenyong ito; hindi lamang simpleng deskripsyon ang layunin nito, kundi nagbibigay-
diin sa pagpapabuti ng populasyong pinag-aaralan.

Etnograpikong Pag-aaral- nag-iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay at gawi ng


isang komunidad sa pamamagitan ng pakikisalamuha rito.

Eksploratori- isinasagawa ang disenyong ito kung wala pa gaanong pag-aaral na


naisagawa tungkol sa isang paksa o suliranin.

Metodolohiya ng Pananaliksik - sistematikong kalipunan ng mga metodo o


pamamaraan at proseso ng imbestigasyon na ginagamit sa pangangalap ng datos sa
isang pananaliksik.

1. Disenyo at Pamamaraang Pananaliksik. Ang disenyo ng pananaliksik ay tumutukoy


sa kabuuang balangkas at pagkakaayos ng pananaliksik, samantalang ang
pamamaraan ay kung paanong mabibigayang katuparan ang disenyo. Narito ang
iba’t ibang pamamaraan na ginagamit sa pananaliksik.

a. Sarbey- isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sistematikong


pamamaraan sa isang tiyak na populasyon. Ang tagumpay nito ay batay sa husay
ng pagpili ng representatib ng buong populasyon.

8
b. Pakikipanayam o Interbyu- pagkuha ng impormasyon sa isang kalahok na may
awtoridad o di kaya ay may personal na pagkaunawa sa paksa ng pananaliksik.
May tatlong uri ng pakikipanayam ang structured,semi-structured at unstructured.

c. Dokumentaryong Pagsusuri- ito ay isang pamamaraan sa pananaliksik na


ginagamit upang kumalap ng impormasyon na susuporta at magpapatibay sa mga
datos ng pananaliksik sa pamamagitan ng analitikal na pagbasa.

d. Nakabalangkas at Pakikisalamuhang Obserbasyon- ginagamit ito sa mga uri ng


pananaliksik na nangangailangan ng field study gaya ng etnograpiya. Ang
nakabalangkas ay pagmamasid ng mananaliksik sa mga kalahok na pokus ng pag-
aaral habang sistematikong itinatala ang kanilang pagkilos, interaksyon at pag-
uugali sa pamamagitan ng gabay sa obserbasyon. Ang pakikisalamuha ay pag-
aaral sa kilos, pag-uugali at interaksyon ng mga kalahok sa isang likas na
kapaligiran.

2. Lokal na Populasyon ng Pananaliksik- nakasaad ang mga batayang


impormasyon tungkol sa kalahok ng pananaliksik.

3. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos- ilalahad ang uri ng kasangkapan o


instrumentong gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik.

4. Paraan ng Paglikom ng Datos- ito ang hakbang-hakbang na plano at proseso sa


pagkuha ng datos.

5. Paraan ng Pagsusuri ng Datos- nakapaloob sa bahaging ito kung paano


gagawing sistematiko ang presentasyon ng datos para sa mas madaling
interpretasyon at pagsusuri.

Kumusta ang ating


paglalakbay? Nasa
kalagitnaan pa tayo. Alam
kong nauunawaan mo ang
iyong binasa kasi isa kang
magaling na mag-aaral.
Sagutan ang Mungkahing
Pagsasanay.

9
Mungkahing Pagsasanay

Pangalan:____________________ Strand:__________ Petsa:______ Puntos:___

Panuto: Tukuyin kung sa anong bahagi ng proseso ng pananaliksik nakapaloob ang


sumusunod na hakbang. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang.
A. Pagbabahagi ng Pananaliksik
B. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
C. Pagsusuri ng Datos
D. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
E. Pangangalap ng Datos

____1. Presentasyon at interpretasyon ng datos.


____2. Paglalathala ng pananaliksik sa isang publikasyon.
____3.Presentasyon ng pananaliksik sa isang pambansa o pandaigdigan.
____4. Pagbuo ng tanong ng pananaliksik.
____5. Pagtatakda ng disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.
____6. Paglalatag ng mga haypotesis ng pag-aaral.
____7. Pagbabasa ng mga kaugnay na pag-aaral at literature.
____8. Paglilimita ng paksa.
____9. Pamimili ng lokal at populasyon ng pananaliksik.
____10. Pagbuo ng instrumento sa pananaliksik.
____11. Pakikipanayam sa mga kalahok ng pananaliksik.
____12. Paglulunsad ng sarbey.
____13. Pagsasaayos ng datos para sa presentasyon.
____14. Pagpapaikli ng nabuong pananaliksik.
____15. Rebisyon ng pananaliksik.

Naging madali ba sa iyo ang gawain? Aba! Kapuri-puri. Kung nahirapan ka sa


bahaging ito maari kang humingi ng tulong sa mga mas nakatatanda sa iyo upang
magabayan ka sa pagsagot sa bahaging ito.

10
PAG-AANALISA/Analysis/ Ikalawang Araw

Gabay na mga Tanong tungkol sa Aralin


1. Ano ang mga katangian ng isang mananaliksik?
• Ang pagiging masinop at sistematiko sa buong proseso ng
pagsasagawa ng pananaliksik.
2. Ano ang pangkalahatang estratehiya na pinipili ng mananaliksik upang
pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik sa maayos
at lohikal na paraan?
• Disenyo sa pananaliksik

ISAISIP MO
Mungkahing Pagsasanay
Pangalan:____________________ Strand:__________ Petsa:______ Puntos:___

Panuto: Mula sa naunawaan mo sa nakaraang aralin, tukuyin ang pagkakaiba ng


kuwantitatibo at kuwalitatibong pananaliksik ayon sa mga batayang nakatala sa unang
kolum ng talahanayan sa ibaba.

Kuwantitatibong Kuwalitatibong
Pananaliksik Pananaliksik

Layunin ng Pag-aaral

Populasyon ng Pag-aaral

Paraan ng Pangangalap
ng Datos

Pagsusuri ng Datos

Kongklusyon

11
ABSTRAKSIYON/Abstraction/ Ikatlong Araw

Pagbubuod ng Aralin
Ang disenyo ng pananaliksik ay ang pangkalahatang estratehiya na pinipili ng
mananaliksik upang pagsama-samhain ang lahat ng bahagi ng proseso ng
pananaliksik sa maayos at lohikal na paraan.

Pagyamanin-Pagsanayan Mo
Maligayang araw sa iyo mag-aaral ko. Nasa ikatlong araw na tayo. Ngayon,
sagutin natin ang Mungkahing Pagsasanay.

Mungkahing Pagsasanay
Pangalan:____________________ Strand:__________ Petsa:______ Puntos:___

Panuto: Tama o Mali. Basahing mabuti ang mga pahayag kung ito ba ay naglalahad
ng totoo o mali. Isulat ang sa Tama kung tama ang pahayag at Mali naman kung mali
ito. Isulat ang sagot bago ang bilang. 2 puntos bawat bilang

1. Mahalagang tukuyin muna ang disenyo bago ang layunin ng pag-aaral.


2. Upang sagutin ang suliranin ng pananaliksik; isang disenyo lamang ang
maaaring piliin ng mananaliksik.
3. Ang isang etnograpikal na pag-aaral ay nangangailangan ng field study.
4. Madalas na gamitin sa mga kros-nasyunal na pag-aaral ang komparatibong
pag-aaral upang mailatag ang mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan
ng mga lipunan, kultura at institusyon.
5. May pagkakatulad at pagkakaiba ang disenyong deskriptibo at eksploratori.
6. Ang kuwantitatibong pananaliksik ay pinapatnubayan ng paniniwalang ang
pag-uugali ng tao ay laging nakabatay sa sa mas malawak na kontekstong
pinangyayarihan nito at mga panlipunang reyalidad gaya ng kultura,
institusyon, at ugnayang pantao na hindi maaaring mabilang o masukat.
7. Kung malinaw ang disenyo ng pananaliksik, tiyak na madaling makita ang
mga haypotesis na pinakasentral sa pag-aaral.
8. Tinitiyak ng mananaliksik na lohikal na masasagot ang mahahalagang
tanong ng pananaliksik.
9. Angkop ang pamamaraan ang sarbey sa deskriptibong pananaliksik na
naglalayong magpakita at magpaliwanag ng pangkalahatang pardon mula
sa malakihang populasyon.
10. Kadalasang ginagamitan ng mga nasusukat at nakabalangkas na
pamamaraan sa pananaliksik gaya ng sarbey, eksperimentasyon, at
pagsusuring estadistikal ang kuwalitatibong pananaliksik.

12
APLIKASYON/Application/ Ikaapat na Araw

Isagawa-Subukan Mo
Maligayang araw sa iyo mag-aaral ko. Nasa ikaapat na araw na tayo. Ngayon,
susubukan ang galing mo sa paglapat ng iyong kaalaman. Sagutin ang Mungkahing
Pagsasanay.

Mungkahing Pagsasanay
Pangalan:____________________ Strand:__________ Petsa:______ Puntos:___

Panuto: Tukuyin kung anong pamamaraan sa pananaliksik ang tinutukoy sa


sumusunod na aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot.
A. Dokumentaryong Pagsusuri
B. Obserbasyon
C. Pakikipanayam
D. Sarbey

1.Pagmamasid sa kilos, pag-uugali, at interaksyon ng mga kalahok sa isang


likas na kapaligiran.
2. Ang tagumpay ay batay sa husay ng sampling ng isang tiyak na populasyon.
3. Madalas na ginagamit sa mga deskriptibong pananaliksik na bumuo ng mga
pangkalahatang kongklusyon mula sa malakihang populasyon.
4. Kadalasang ginagamitan ng estadistikal na pagsusuri.
5. Naglalayong kumuha ng malawak na impormasyon mula sa isang taong may
personal na pagkaunawa sa paksa.
6. Mahalaga rito ang husay sa pagbuo ng mga kasunod at kaugnay na tanong
(follow-up question).
7. Ilan sa mga uri ay ang pagsusuring semyotiko at pagsusuri sa nilalaman.
8. Maaring maging batis ng datos ang iba’t ibang uri ng media, pampublikong
tala, biyograpiya, panitikan at katitikan ng mga pulong.
9. Ginagamit sa field study gaya ng etnograpiya.
10. Nakikisalamuha at nakikisali sa karaniwang mga proseso o pamumuhay ng
mga tao sa isang komunidad ang mananaliksik.

13
TAYAHIN-Pagtataya/Assessment/ Ikalimang Araw

Maligayang araw sa iyo mag-aaral ko. Nasa ikalimang araw na tayo. Ngayon,
susukatin natin ang kaalamang naimbak mo sa loob ng isang linggo. Sagutin ang
Panghuling Pagsubok.

PAGSASAGAWA NG PANGHULING PAGSUBOK- POST-TEST

Pangalan:____________________ Strand:__________ Petsa:______ Puntos:___

Panuto: Tukuyin at basahing mabuti ang inilalarawan sa mga sumusunod na


pangungusap. Isulat lamang ang titik ng iyong sagot bago ang bilang.

1. Ito ay maaari sa paglalathala sa iba’t ibang publikasyon.


A. Pagbabahagi ng Pananaliksik
B. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
C. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
D. Pangangalap ng Datos

2. Dito nangyayari an gang pagsusuri at interpretasyon ng mga datos na


nakalap.
A. Pagbabahagi ng Pananaliksik C. Pagsusuri ng Datos
B. Pagdidisenyo ng Pananaliksik D. Pangangalap ng Datos

3. Sa antas na ito handa na ang mananaliksik na iakda ang Metodolohiya at


Pamamaraan sa Pananaliksik.
A. Pagbabahagi ng Pananaliksik C. Pagsusuri ng Datos
B. Pagdidisenyo ng Pananaliksik D. Pangangalap ng Datos

4. Ginagamitan ito ng payak na questionnaire na hinahayaan sagutan ng mga


kalahok.
A. Pagbabahagi ng Pananaliksik C. Pagsusuri ng Datos
B. Pagdidisenyo ng Pananaliksik D. Pangangalap ng Datos

5. Sinisimulan sa pagpili at paglimita ng paksa sa pananaliksik.


A. Pagbabahagi ng Pananaliksik
B. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
C. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
D. Pangangalap ng Datos

14
6. Nagsisilbing introduksiyon at nagbibigay na rin ng layunin ng pananaliksik.
A. Kongklusyon at Rekomendasyon
B. Metodolohiya
C. Rasyonal at Kaligiran ng Paksa
D. Resulta at Diskusyon

7. Ipinaliliwanang ang disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.


A. Kongklusyon at Rekomendasyon
B. Metodolohiya
C. Rasyonal at Kaligiran ng Paksa
D. Resulta at Diskusyon

8. Naglalaman ng mga tampok na bahagi ng presentasyon.


A. Kongklusyon at Rekomendasyon
B. Metodolohiya
C. Rasyonal at Kaligiran ng Paksa
D. Resulta at Diskusyon

9. Ibinabatay ang haba nito sa format na hinihingi ng particular na journal.


A. Kongklusyon at Rekomendasyon
B. Metodolohiya
C. Rasyonal at Kaligiran ng Paksa
D. Resulta at Diskusyon

10. Pagmamasid sa kilos, pag-uugali, at interaksyon ng mga kalahok sa isang


likas na kapaligiran.
A. Dokumentaryong Pagsusuri C. Pakikipanayam
B. Obserbasyon D. Sarbey

11. Ang tagumpay ay batay sa husay ng sampling ng isang tiyak na


populasyon.
A. Dokumentaryong Pagsusuri C. Pakikipanayam
B. Obserbasyon D. Sarbey

12. Nakikisalamuha sa karaniwang mga proseso o pamumuhay ng mga tao sa


isang komunidad ang mananaliksik.
A. Dokumentaryong Pagsusuri C. Pakikipanayam
B. Obserbasyon D. Sarbey

13. Ang ilan sa mga uri nito ay pagsusuring semyotiko at pagsusuri sa


nilalaman.
A. Dokumentaryong Pagsusuri C. Pakikipanayam
B. Obserbasyon D. Sarbey

15
14. Madalas na ginagamit sa field study gaya ng etnograpiya.
A. Dokumentaryong Pagsusuri C. Pakikipanayam
B. Obserbasyon D. Sarbey

15. Kadalasang ginagamitan ng estadistikal na pagsusuri.


A. Dokumentaryong Pagsusuri C. Pakikipanayam
B. Obserbasyon D. Sarbey

16
SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagsubok
1. B 2. D 3. C 4. A 5. C
6. C 7. B 8. D 9. A 10. B
11. D 12. D 13. A 14. B 15. B

Mungkahing Pagsasanay
1. C 2. A 3. A 4. D 5. B
6. D 7. D 8. D 9. B 10. E

11. E 12. A 13. E 14. E 15. A

Mungkahing Pagsasanay - Abstraksiyon


Tama 2. 3. Tama 4. Tama 5.
6. Mali 7. Tama 8. Tama 9. Mali 10. Mali

Mungkahing Pagsasanay - Aplikasyon


1. B 2. D 3. B 4. D 5. B
6. C 7. A 8. A 9. B 10. B

Panghuling Pagsubok
1. A 2. C 3. D 4. B 5. C
6. C 7. B 8. D 9. A 10. B
11. D 12. B 13. A 14. B 15. D

17
SANGGUNIAN

K1-12 Most Essential Learning Competencies


Disyembre 2013. Curriculum Guide 2013

Website

• https://www.slideshare.net/mushthart/mga-bahagi-at-proseso-ng-pananaliksik
• https://www.pinoynewbie.com/mga-bahagi-at-proseso-ng-pananaliksik/
• https://www.slideshare.net/mushthart/disenyo-at-pamamaraan-ng-
pananaliksik
• https://www.coursehero.com/file/52959064/Disenyo-at-Pamamaraanpptx/
• https://joanamaevaldez.blogspot.com/2019/01/disenyo-at-pamamaraan-ng-
pananliksik.html

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Surigao del Norte


Peñaranda St., Surigao City
Surigao del Norte, Philippines 8400
Tel. No: (086) 826-8216
Email Address: surigao.delnorte@deped.gov.ph

19

You might also like