You are on page 1of 14

Filipino 12

Filipino – Baitang 12
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Katitikan ng Pulong
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Jemma S. Silva
Editor: Jose Antonio D. Magtibay
Tagasuri: Jennie Rose S. Evangelista
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 12
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto-1
Katitikan ng Pulong
Manunulat: Jemma S. Silva

Tagasuri: Jennie Rose S. Evangelista

Editor: Jose Antonio D. Magtibay


Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang Baitang
12 ng Modyul para sa araling Katitikan ng Pulong !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang Baitang 12 Modyul


ukol sa Katitikan ng Pulong !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang;


A. naiisa-isa ang bawat bahagi ng katitikan ng pulong;
B. napahahalagahan ang katitikan ng pulong bilang isang hanguan
ng impormasyon; at
C. nakabubuo ng sariling kahulugan ng katitikan sa pamamagitan ng
akrostik.

PAUNANG PAGSUBOK

Balikan mo ang mga nadaluhang pagpupulong sa paaralan,


organisasyong nalahukan o ‘di kaya ay pulong sa inyong
komunidad. Pusuan ang mga proseso na nakatutulong sa pagsulat
ng napagpulungan.

______1. Maging tiyak


______2. Gawing komplikado ang pagkakasulat ng napagpulungan.
______3. Ilatag ang mga usapin o agenda.
______4. Itala ang mga mahahalagang mosyon.
______5. Maging maligoy.
______6. Itala lamang ang mga tagapagdaloy at panauhin sa pulong.
______7. Lagumin ang lahat ng mahalagang detalye.
BALIK-ARAL

Bago ka sumuong sa panibagong aralin, nais kong balikan mo muna


ang iyong natutuhan sa nakaraang aralin. Tukuyin mo lamang ang
binabanggit sa bawat pangungusap na hinango sa nakaraang aralin. Isulat
ang sagot sa patlang bago ang bilang.
______________1. Pasalitang paraan ng pagpapahayag ng saloobin, kaisipan
at damdamin sa masining na pamamaraan.
______________2. Layunin nitong makaimpluwensya sa makikinig at para
makumbinsi ang mga makikinig ay nangangailangan ito ng
mga matitibay na paliwanag.
______________3. Nagbibigay kaalaman, naglalarawan, nag-uulat upang
maipabatid ang mahahalagang impormasyon sa mga
tagapakinig.
_______________4. Dito nakapaloob ang layunin ng talumpati.
_______________5. Dito nakapaloob nag pinakamtibay na
katwiran.

ARALIN

KATITIKAN NG PULONG
Kahulugan
Ito’y isang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon
at desisyon na karaniwang sinusulat ng kalihim.
Mga talang napag-usapan sa isang pulong na dapat nairerekord
sa isang log book.
Mga Bahagi ng Katitikan ng Pulong
1. Petsa- Ito’y nagtatakda kung kailan magaganap ang pagpupulong.
2. Oras- Ito’y naglalaman ng oras ng pagsisimula at pagtatapos ng isang
pagpupulong.
3. Pook- Ito’y naglalaman ng lugar kung saan magaganap ang pulong.
4. Kalahok- Ito’ naglalaman ng mga taong dumalo at di-dumalo sa
pagpupulong.
5. Paksa- Nakatala rito ang mga paksang napag-usapan at mga aksyon na
naibigay ng mga dumalo sa pagpupulong.

Tandaan: Kailangan ring pairalin ang talas ng pandinig, bilis ng


pagsulat at linaw ng pag-iisip sa pagsulat ng katitikan
ng pulong.

MGA PAGSASANAY

GAWAIN A.
Lagyan mo ng label ang mga bahagi ng katitkan ng pulong.
Katitikan ng Pulong sa Baranggay
Pangalan ng Organisasayon:
Hulyo 17, 2019 1.
1:00 ng hapon 2.
Silid Pulungan ng Baranggay 3.

4.

1. KGG. Jose Poblacion


2. KGG. Mario Pantaleon
3. KGG. Cris Magdayao
4. KGG. Lennie Macayao
5. KGG. Liezl Manalastas
6. KGG. Robert Rodriguez
7. KGG. Loy Macaspac
5.
Sinimulan ang pulong sa ganap na ika-1:00 ng hapon sa pamamagitan ng
isang panalangin na pinamunuan ni KGG. Loy Macaspac.
Matapos ang panalangin ay binasa ng kalihim na si KGG. Liezl Manalastas
ang napag-usapan sa pulong noong nakaraang buwan.
Pagtalakay sa mga agenda ng pulong sa pamumuno ni KGG. Jose Poblacion.
Napagkasunduan ng mga kagawad na magsasagawa ng Cake Raffle upang
makalikom ng pondo sa Baranggay’s Night. Bawat pamilya ay bibigyan ng tig-
lilimang pirasong tiket na nagkakahalaga ng P5.00. Magtatalaga ng
kaukulang petsa ng pagsusumite ng tiket at bayad upang masigurado na
lahat ay makapagbabahagi sa nasabing FUND RAISING.
Natapos ang pulong sa ganap na ika-2:30 ng hapon. 6.

Gawain B.
Mula sa iyong malikhaing pag-iisip, gawan ng sariling kahulugan ang
KATITIKAN sa pamamagitan ng akrostik.
K-
A-
T-
I-
T-
I-
K-
A-
N-
Gawain C.
Mangalap ka ng isang halimbawa ng katitikan ng pulong sa internet. Isulat
mo rin ang mga impormasyong hinihingi sa ibaba.
Simula ng Pulong:
Kalahok:
Adyenda:
Aksyon:
Iba pang usapin:
Pagtatapos ng Pulong:

PAGLALAHAT

Ayusin mo ang mga ginulong salita upang mabuo ang konsepto ng


katitikan ng pulong.

Komunikasyong
na tala
naglalaman teknikal

isang ng mahahalgang pulong

sa
nagpag-usapan ng
isang

Isulat sa loob ng grapik organayser ang konseptong iyong nabuo ukol sa


katitikan ng pulong.
PAGPAPAHALAGA

Bilang isang kabataan, paano mo hihikayatin ang iyong kapwa


kabataan na laging maghanda ng katitikan ng pulong maging sa isang
simpleng pagpupulong na naisagawa. Isulat ang iyong mga hakbang sa loob
ng POST-IT NOTE.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Alam kong marami ka ng nakalap na impormasyon sa modyul na ito,


kung kaya naniniwala ako na handa ka ng sumagot sa panapos na
pagsusulit. Binabati kita!
A. Ayusin ang mga ginulong titik upang mabuo ang mga sagot sa bawat
bilang. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
r a s o _____________1. Nagtatakda ng simula at pagtatapos ng pulong.
e s t a p ____________2. Nagsasabi kung kailan magaganap ang pulong.
a k p s a ____________3. Ang pinag-uusapan sa pulong.
u g a r l ___________________4. Dito dinaraos ang pulong.
a k t t i i k n a ______________5. Inihahanda ng kalihim sa pulong.
l a k a h k o_________________6. Mga taong dadalo sa pulong.
B. Piliin sa loob ng kahon ang salita na angkop sa bawat bilang. Isulat sa
patlang ang sagot.

pandinig pagsulat pag-iisip aksyon opinyon

7. Dapat pairalin ang talas ng ______________upang walang makalimutan sa


pagtatala ng mga napag-usapan.
8. Ang linaw ng ______________ay mahalaga sa pagtatala ng katitikan upang
maging tiyak at maayos ang pagkakasulat ng mga paksa at mosyon.
9. Dapat lang na nahasa na ng kalihim ang bilis ng kanyang ______________
upang masigurong naitatala ang lahat ng detalye ng pulong.
10. Mahalaga rin na naitatala ang lahat ng ___________ na naibibigay ng lahat
sa pulong.
I. Paunang Pagsubok
1. 3. 4. 7.
II. Balik-Aral (B)
1. Talumpati K-ailangan K-alakip
2. Nanghihikayat A- ng A- ang mga
3. Nagpapaliwanag T- alang N-apagkasunduang
aksyon
4. Pamagat I-to upang
5. Katapusan T-agapagpaalala ng mga
III. Pagsasanay (A) I- deya at
1. Petsa
2. Oras ng Pagsisimula (C)
3. Lugar Ang sagot ay ayon sa mahahanap na
4. Mga Nagsidalo na halimbawa ng katitikan ng pulong.
5. Mga Paksang pinag-usapan
6. Oras ng Pagtatapos
IV. Pagpapahalaga
Isang komunikasyong teknikal na naglalaman ng mahahalagang tala ng napag-
usapan sa isang pulong.
V: Panapos na Pagsusulit
1. oras 2. Petsa 3. Paksa 4. Lugar 5. Katitikan
6. kalahok 7. Pandinig 8. Pag-iisip 9.pagsulat 10. aksyon
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Francisco, George at Gonzales, Mary Grace. Filipino sa Piling Larang (Tech


Voch): Unang Edisyon. Lungsod ng Maynila: Rex Book Store, 2017.

Catacataca, Pineda, Rivera, et al. Manwal sa Korespondesya Opisyal, Unang


Edisyon. Linangan ng mga Wika sa Pilipinas: National Bookstore,
1990.

You might also like