You are on page 1of 14

Filipino 12

Filipino – Baitang 12
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Anyo ng Katitikan ng Pulong
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Liezel B. Realingo
Editor: Jose Antonio D. Magtibay
Tagasuri: Jennie Rose S. Evangelista
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 12
Ikalawang Markahan
Modyul 5 para sa Sariling Pagkatuto
Anyo ng Katitikan ng Pulong

Manunulat: Liezel B. Realingo

Tagasuri: Jennie Rose S. Evangelista


Editor: Jose Antonio D. Magtibay
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagsulat sa Filipino sa Piling
Larang (Akademik) Baitang 12 ng Modyul para sa araling Anyo ng Katitikan ng
Pulong !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Baitang 12 Modyul ukol sa Anyo ng Katitikan ng Pulong !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng sesyon, ikaw ay inaasahang:


A. nakikilala ang iba’t ibang anyo ng katitikan ng pulong;
B. nailalahad ang kahalagahan ng anyo ng katitikan ng pulong; at
C. natutukoy ang mahahalagang anyo ng katitikan ng pulong.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Ang sumusunod na mga larawan ay nagpapakita ng iba’t


ibang pagpupulong. Suriin kung anong uri ng pagpupulong ang
makikita rito. Ihanay ito gamit ang pagguhit ng linya.

1. a. Pagpupulong ng mga PTA


https://www.google.com/parent+teacher+meeting
+clipart&tbm=isch&ved
=2ahUKEwin

2. b. One-on-One na pagpupulong
https://wikiclipart.com
/meeting-clipart_20962

3. c. Pagpupulong sa Barangay
https://www.google.com/
=one+on+one
+meeting+clipart&tbm
=isch&ved=2ahUKEwin

4. d. Parent Teacher Conference


https://www.google.com
=parent+teacher+meeting+clipart
&tbm=isch&ved=2ahUKEwin
5. e. Pagpupulong para sa
https://www.google.com/=barangay=meeting&tbm pagsasanay
=isch&ved=2ahUKEwj5kd

BALIK-ARAL

PANUTO: Iranggo ang sumusunod na mga katangian ng


katitikan ng pulong ayon sa pagkakasunod-sunod. Gamitin ang bilang
1-5 at isulat sa patlang.

___ 1. sistematiko
___ 2. organisadosistematiko
___ 3. prima facie evidence
___ 4. Opisyal at legal

___ 5. pormal, obhetibo at komprehensibo

ARALIN

Ang katitikan ay ang opisyal na rekord ng pulong ng isang


organisasyon, korporasyon, o asosasyon. Ito ay tala ng mga pahayag sa isang
pulong. Bagama’t hindi ito verbatim na pagtatala sa mga nangyari o nasabi
sa pulong, ang mga itinatalang aytem ay may sapat na deskripsyon upang
madaling matukoy ang pinagmulan nito at mga naging konsiderasyong
kaakibat ng tala (Sylvester, 2015 $ CGA, 2012).

May tatlong anyo ng pagsulat ng katitikan ng pulong. Ang mga ito ay


ang sumusunod:
- Sa ganitong anyo ng katitikan, ang lahat ng
detalyeg napag-usapan sa pulong ay nakatala.
1. Ulat ng
Maging ang pangalan ng mga taong nagsalita o
Katitikan
tumalakay ng paksa kasama ang pangalan ng mga
taong sumang-ayon sa mosyon isinagawa.

- Isinasalaysay lamang ang mahahalagang detalye


2. Salaysay ng ng pulong. Ang ganitong anyo ng katitikan ay
Katitikan maituturing na isang legal na dokumento.

- Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang


lahat ng isyung napagkasunduan ng
3. Resolusyon samahan. Hindi na itinatala ang pangalan ng
ng Katitikan mga taong tumalakay nito at maging ang mga
sumang-ayon ditto. Kadalasang mababasa ang
mga katagang “Napagkasunduan na …” o “
Napagtibay na …”.

Ang pag-oorganisa at pagsulat ng katitikan ng pulong ay dapat na


maisagawa agad upang hindi makaligtaan.

MGA PAGSASANAY

A. PANUTO: Basahin at unawain. Kilalanin ang anyo ng katitikan ng


pulong sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang T kung ang
pangungusap ay tama, at M kung mali.

____ 1. Hindi lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala.

____ 2. Ang katitikan ay maituturing na isang legal na dokumento.

____ 3. Nakasaad sa katitikan ng pulong ang lahat ng isyung


napagkasunduan ng samahan.

____ 4. Sa resolusyon ng katitikan ng pulong, itinatala ang pangalan ng


mga taong tumalakay at maging ang mga sumang-ayon.
____ 5. Sa salaysay ng katitikan ng pulong bilang anyo, isinasalaysay
lamang ang mahahalagang detalye ng pulong.

B. PANUTO: Suriin ang tinutukoy ng pahayag. Piliin ang sagot sa kahon.

a. Ulat ng Katitikan b. Salaysay ng Katitikan


c. Resolusyon ng Katitikan

____1. Ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala.

____2. “Napagkasunduan na. . .”

____3. Pangalan ng mga taong nagsalita o tumalakay ng paksa, at sumang-


ayon sa mosyong isinagawa.

____4. Maituturing na isang legal na dokumento.

____5. Isinasalaysay ang mahahalagang detalye ng pulong.

C. PANUTO: Kilalanin ang anyo ng katitikan ng pulong na inilalarawan


sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Anyo ito ng katitikan ng pulong, na hindi itinatala ang pangalan ng mga


taong tumalakay at maging ang mga sumang-ayon __________.
2. Ito ay nagsasalaysay ng mahahalagang detalye ng pulong. __________ .
3. Ang anyong ito ng katitikan ng pulong ay nagsisilbing isang legal na
dokumento. __________ .
4. Sa anyong ito ng katitikan ng pulong, nakatala ang lahat ng detalyeng
napag-usapan sa pulong. __________ .
5. Anyo ito ng katitikan ng pulong, na kadalasang mababasa ang “Napagtibay
na . . .” __________.

PAGLALAHAT

PANUTO: Mula sa salitang ANYO sa ibaba. Punan ang mga


patlang ng pansariling kasagutan kaugnay ng natutuhan sa aralin.
Sagutin ayon sa iyong kaalaman.
king natutuhan sa aralin . . . . . . . . . . . . . .

atuklasan kong . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

aman ng kaalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . .

ang bserbasyon ko . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

PAGPAPAHALAGA

Pagsulat ng Journal
Bakit mahalagang malaman ang iba’t ibang anyo ng katitikan
ng pulong? Paano makatutulong ang kasanayan at kaalaman sa
pagsulat ng katitikan ng pulong?

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag at


tukuyin kung Tama o Mali ang bawat isa. Titik T o M na lamang ang isulat
sa patlang.
____ 1. Ang pagpupulong ay kailangang daluhan ng dalawa o higit pang
indibidwal.
____ 2. May mga pagpupulong na pribado, ngunit mayroon din naming
publiko.
____ 3. Mahalagang isama sa katitikan ng pulong ang mga tinalakay na
paksa, ngunit maaari nang hindi isama ang mga napagpasyahan dahil
makapagpapahaba lamang ito sa katitikan.
____ 4. Epektibo ang isang pulong na maraming paksang tatalakayin, kung
kaya mainam na maraming aytem.
____ 5. Sa pagpupulong, inilalahad pa rin ang katitikan ng nagdaang pulong
nang sa ganoon ay opisyal na maaprubahan ito ng lupon.
____ 6. Sa pagsulat ng katitikan, mas mainam na ang presiding officer ang
gumawa nito, sapagkat siya ang higit na nakakaalam sa mga nangyari sa
pagpupulong.
____ 7. Maaaring isabay ang pagsulat ng adyenda sa katitikan ng pulong.
____ 8. Ang katitikan ng pulong ay dapat maglaman ng mga paksang
mahalaga sa bawat miyembro ng grupo.
____ 9. Sa pagsulat ng katitikan ng pulong, magkaparehong isinasama ang
mga datostulad ng sino ang dadalo, saan gaganapin ang pulong at kailan
gaganapin.
____ 10. Ang katitikan ay kailangang lagdaan ng kalihim o sino mang
indibidwal na naghanda nito.
PAUNANG
BALIK-ARAL
PAGSUBOK
1. 5
1. d 2. 4
2. e 3. 3
3. b 4. 2
4. a 5. 1
5. c
PANAPOS na PAGSUSULIT
1. T 6. M
2. T 7. M
3. M 8. T
4. M 9. T
5. T 10. T
MGA PAGSASANAY
A B C
1. M 1. A 1. Resolusyon ng katitikan
2. T 2. C 2. Salaysay ng katitikan
3. T 3. A 3. Salaysay ng katitikan
4. M 4. B 4. Ulat ng katitikan
5. T 5. B 5. Resolusyon ng katitikan
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Aklat:
Ailene Baisa-Julian at Nestor S. Lontoc. Filipino sa Piling Larang (Akademik).
Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc. 2017.

Florante C. Garcia, Phd. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik).


Quezon City: SIBS Publishing House, Inc. 2017.

Website:
Slideshare. “Akademikong Pagsulat”., 2017
https://www.slideshare.net/sjbians/akademikong-pagsulat- 78308089
Slideshare. “Filipino sa Piling Larang Akademik: Patnubay ng Guro”., 2018
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/12259
Slideshare. “Akademikong Pagsulat”
https://www.couresehero.com/file/39180654/p11docx/
Slideshare. “Akademikong Pagsulat”
https://prezi.com./p/jqd6wlsrm7lg/agenda-at-katitikan-ng-pulong/

Slideshare. “Akademikong Pagsulat”


https://www.academia.edu/38736853/Linggo_5_Pagsulat_ng
_Adgenda_at_Katitikan _ng_Pulong

Google.Wikipedia. https://en.wikipedia.org/wiki/Social_networking_service

Aplikasyon:
Bitmoji. https://www.istockphoto.com./illustrations/parent-teacher-
conference

You might also like