You are on page 1of 18

Filipino – Baitang 12 Ikalawang Markahan – Modyul 6: Pagsusuri sa Katitikan ng Pulong Unang

Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman
sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na mayakda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang
pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.


Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Liezel B. Realingo

Editor: Jose Antonio D. Magtibay Tagasuri: Jennie Rose S. Evangelista Tagaguhit:

Tagalapat:

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin

OIC-Schools Division Superintendent

Carolina T. Rivera EdD

OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Victor M. Javeña EdD

Chief, School Governance and Operations Division and OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)

Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)

Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)

Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)

Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)

Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)

Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)

Perlita M. Ignacio PhD (EsP)

Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)

Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon Tanggapan ng mga Paaralan ng
Sangay-Lungsod Pasig
Filipino12

Unang Markahan

Modyul 6 para sa Sariling Pagkatuto


Pagsusuri sa Katitikan ng Pulong

Manunulat: Liezel B. Realingo

Tagasuri: Jennie Rose S. Evangelista

Editor: Jose Antonio D. Magtibay


Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik) Baitang 12 ng


Modyul para sa araling Pagsusuri sa Katitikan ng Pulong !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Tanggapan ng
mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng
Pansangay na

Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng


lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makauugnay sa pamamatnubay at


malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang
modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik) Baitang 12 Modyul ukol sa
Pagsusuri sa Katitikan ng Pulong!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK

Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL

Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa.

ARALIN

Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang pampagkatuto.


MGA PAGSASANAY

Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT

Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong
mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

Sa pagtatapos ng sesyon, ikaw ay inaasahang:

natutukoy ang tamang pagsusuri at pagkikritik ng katitikan ng pulong;


naipamamalas ang kahalagahan ng pagsusuri at pagkikritik ng isang halimbawa ng katitikan ng
pulong; at
nakasusuri at nakapagkikritik ng isang halimbawa ng katitikan ng pulong.

PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na pangugusap. Lagyan ng tsek ( ) kung tama ang
pahayag at ekis ( ) kung mali. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
____ 1. Ang pagpupulong ay sinisimulan sa pamamagitan ng maayos at masiglang pagbati sa lahat.

____ 2. Binabasang muli at nirerebisa ang datin katitikan ng nagdaang pulong.

____ 3. Iwinawasto sa katitikan ng nagdaang pulong ang mga maling baybay ng mga salita,
pangalan, mga pahayag na sinabi, at paglilinaw.

____ 4. Ang maseselang isyu ay binibigyang-solusyon.

____ 5. Mahalaga ang resolusyon sa maseselang isyung binibigyang-aksiyon.

PANUTO: Suriin kung anong anyo ng katitikan ng pulong ang inilalarawan ng pangungusap. Piliin
ang titik ng tamang sagot mula sa kahon.

a. ulat ng katitikan
b. salaysay ng katitikan
c. resolusyon ng katitikan

____ 1. Sa ganitong anyo ng katitikan, lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala.

____ 2. Isinasalaysay lamang ang mahahalagang detalye ng pulong sa ganitong anyo ng katitikan.

____ 3. Nakasaad sa katitikan na ito ang lahat ng isyung napagkasunduan.

____ 4. Ang ganitong uri ng katitikan ay maituturing na isang legal na dokumento.

____ 5. Kadalasang mababasa ang katagang “Napagkasunduan na. . . .”

Ang katitikan ng pulong ay isang mahalagang dokumento sa isang pagpupulong. Isinusulat dito ang
tinatalakay sa pagpupulong ng bahagi ng adyenda.

Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o
pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong inilahad sa isang pagpupulong. Sa wikang Ingles,
tinatawag itong “minutes of meeting”. Hindi kasi kilala sa mga Pilipino ang tawag na “katitikan ng
pulong” dahil nasanay tayong gamitin ang wikang dala ng dayuhan sa mga ganitong bagay-bagay.

Alamin Natin . . . . .

Ang PAGSUSURI at PAGKIKRITIK ng Isang Halimbawa ng Katitikan Pulong

Ano ang

PAGSUSURI?

Ay ang proseso ng paghihimay ng isang paksa upang maging mas maliliit na bahagi; upang
makatanggap ng isang mas mainam na pagkaunawa rito.
Ito ay isang uri ng pagtataya kung saan sinusukat nito ang antas ng kakayahan o kaalaman ng
isang tao ukol sa isang paksa, asignatura o iba pang talakayan. Mahalaga ang pagsusuri
sapagkat nasusukat nito kung naiintindihan ba ng isang tao ang kanyang napag-aralan at kung
epektibo ang paraan ng pagtuturo.
Ang pagsusuri ay ang pag-aanalisa o pag-oobserba upang mapagaralan at mabigyang
kasagutan ang problema. Dito hihimayin ang paksa sa maliliit na bahagi at maunawaang
mainam ang bawat detalyeng nakapaloob dito. Kalimitan itong ginagamit sa siyentipikong
pamamaraan at pang-akademiko.

Ano ang PAGKIKRITIK?

Ipiniliwanag ni Zieger (2008) ang pagkakaiba ng kritisimo at kritik.

Kritisismo Kritik

Paghihimay sa iba’t ibang elemento at bahagi ng


isang akda upang makuha at maintindihan ang
nais iparating
Ginagawa kapag sinusuri ang isang akdang Nangyayari kapag ang isang akda, lalo na kapag
maituturing nang klasiko o tumanggap na ng nagmula ito sa isang baguhan o hindi pa
mataas na pagtangkilik mula sa mga establisadong manunulat, ay tinataya upang lalong
mambabasa sa paglipas ng panahon. mapabuti.
Naghahanap ng mali at kulang Naghahanap ng estruktura at naghahanap kung
ano ang puwede
Pagbibigay ng angkop na patunay mula sa mga
ito.

MGA PAGSASANAY
A. PANUTO: Alamin kung ang sumusunod na pangungusap ay mga bagay na hindi na kailangan
pang isama sa katitikan ng pulong. Lagyan ng tsek ( ) kung hindi na kailangan pang isama at ekis
( ) kung kailangan pang isama.

____ 1. Ang mosyon na nailatag ngunit hindi sinusugan

____ 2. Ang mosyon para sa pagbabago na sinusugan, ngunit hindi sinang-

ayunan

____ 3. Ang mosyon para sa pagbabago ngunit hindi pinayagan ng opisyal na tagapamahala

____ 4. Ang bilang ng boto ng sumang-ayon sa isang mosyon ____ 5. Ang pamamaraan ng pagboto
ng mga kalahok, maliban kung hihilingin ng isang kalahok na itala ang paraan ng kanyang
pagboto

B. PANUTO: Basahin at unawain. Tukuyin kung anong bahagi ng katitikan ng pulong ang isinasaad
ng pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang na nakalaan sa bawat aytem.

____ 1. Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.

A. heading B. pagtatapos C. lagda D. action items

____ 2. Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at
kung kailan ito isinumite.

A. heading B. pagtatapos C. lagda D. action items

____ 3. Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran.


Makikita rin dito ang petsa, ang lokasyon at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.

A. heading B. pagtatapos C. lagda D. action items

____ 4. Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong gayundin ang pangalan
ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin.

pabalita o patalastas C. pagtatapos


pagbasa at pagpapatibay D. mga kalahok o dumalo

____ 5. Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong.


pabalita o patalastas C. pagtatapos
pagbasa at pagpapatibay D. mga kalahok o dumalo

PANUTO: Suriin kung bago, habang at pagkatapos ng pulong ang sumusunod na gabay sa
pagsulat ng katitikan ng pulong. Piliin ang sagot na nasa kahon.

Bago ang Pulong

Habang Isinasagawa ang Pulong

Pagkatapos ng Pulong

____ 1. Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos.

____ 2. Tiyaking ang gagamitin mong kasangkapan ay nasa maayos na kondisyon.

____ 3. Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.

____ 4. Itala kung anong oras natapos ang pulong.

____ 5. Ipasa ang sipi ng katitikan ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong naguna sa
pagpapdaloy nito.

PANUTO: Basahin at unawain ang halimbawa ng katitikan ng pulong, at pagkatapos suriin.


Pamantasan ng Adamson

Kolehiyo ng Edukasyon at Malalayang Sining

Departamento ng Edukasyon

Katitikan ng Nakaraang Pulong

Disyembre 4, 2015, Tanggapan ng Departamento ng Edukasyon

Mga Dumalo:

Dr. Rosalie Meriles Prof. Imelda Adobo

Dr. Neliza Casela Dr. Lorna Espeso

Dr. Florante Garcia Prof. Manuel Are Prof. Frances Ruth Ibasan
Tinataya ng
Mga Dapat
Mula kay Kinauuk ulan Kalagay an
Bigyangpansin/Isyu Petsa

Pinamunuan niya ang


pulong.
Nagsimula sa ganap na
ika-1 ng hapon hanggang
Dr. Garcia ika-2 ng hapon.

Pinasimulan ang pulong sa


pamamagitan ng isang
panalangin.

mga kagurua n
ng Departa
Kailan itatakda ang mento
Dr. Rosalie pagrerebisa sa mga OBE Feb. 8-9, 2106 A#
silabus? ng

Edukasy on

Itinalagang OBE mga kagurua n


ng Departa
coordinator upang siyang mento ng
Dr. Neliza Casela Feb. 8-9, 2106 A#
maging tagapagpadaloy
ng gawain Edukasy on

mga kagurua n
ng Departa
Prof. Frances Ruth Itinalaga para sa lugar na mento ng Feb. 8-9, 2106 A#
Ibasan pagdarausan ng gawain
Edukasy on

Disyembr e 16-
20,
2015
Binigyang kabatiran sa I
lahat ng kaguruan na ang
midterm exam ay Mga kagurua
magaganap sa ika16 ng
hanggang ika-20 ng n at
Dr. Florante Garcia Disyembre 2015.
mag-

aaral
Ang pag-e-encode naman
ng grades ay Enero 2-

5, 2016
I

sa ika-2 hanggang ika-5


ng Enero, 2016.

Naisumite na sa CHED
ang lahat ng requirements
para sa aplikasyon ng
ating programa para sa
Center for
Excellence/ Center for
Development. Hihintayin Disyembr e 18,
Dr. Florante Garcia na lamang ang resulta ng Mga kagurua n A#
aplikasyon. 2015

Nawa’y makapasa tayo sa


alinman sa nabanggit.
Katapusan ng Marso 2016
malalaman ang resulta ng
aplikasyon.

Iba pang

Bagay na

Binigyang

Pansin

A – Bigyan ng aksiyon N – Naisagawa na I – Pagbibigay


impormasyon

Suriin Mo Na . . .

1.
1. Kailan kadalasang nagsasagawa ng isang pagpupulong? Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng
isang pulong?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

1. Saan ginagamit ang katitiukan ng pulong? Sino ang dapat gumawa nito?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

1. Paano isinusulat ang katitikan ng pulong?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

1. Ano-ano ang mga simbolong ginamit sa halimbawang katitikan ng pulong? Mahalaga baa ng
mga ito? Bigyang-katwiran.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

1. Anong kahalagahan ng katitikan ng pulong sa pagsasagawa ng pulong? Paano makatutulong sa


iyo ang kaalaman hinggil sa mga ito?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Isabuhay Mo Na . . .

Magtala ka ng limang pamantayan na sa iyong palagay ay dapat sa pagsasagawa ng isang pulong


at pagsulat ng katitikan ng pulong. Ipaliwanag ang kahalagahan ng mga ito.
PANUTO: Suriin kung anong bahagi ito ng katitikan ng pulong. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng
tamang sagot mula sa kahon.

c. Pagbasa at pagpaptibay d. action items o


b. mga kalahok o
a. heading ng nagdaang katitikan ng usaping
dumalo
pulong napagkasunduan

f. iskedyul ng susunod
e. pabalita o na
g. pagtatapos h. lagda
patalastas
pulong

____ 1. Sa bahaging ito makikita rito ang petsa, lokasyon at maging oras ng pagsisimula ng pulong.

____ 2. Sa baahging ito malalaman ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong.

____ 3. Sa bahaging ito makikita ang pangalan ng mga liban o hindi nakadalo sa pulong.

____ 4. Kasama sa bahaging ito ang mga hindi pa tapos o nagawang proyektong bahagi ng
nagdaang pulong.

____ 5. Sa bahaging ito mababasa kung saan at kailan gaganapin ang pulong. ____ 6. Sa bahaging
ito inilalagay ang oras na nagwakas ang pulong.

____ 7. Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may mga
pagbabgong isinagawa.

____ 8. Mga suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito.

____ 9. Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong.

____ 10. Mahalagang ilagay sa bahaging ito kung kailan naisumite ang katitikan ng pulong.
Sanggunian

Aklat:

Ailene Baisa-Julian at Nestor S. Lontoc. Filipino sa Piling Larang (Akademik). Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc. 2017.

Florante C. Garcia, Phd. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik). Quezon City: SIBS
Publishing House, Inc. 2017.

Website:

Slideshare. “Filipino sa Piling Larang Akademik: Patnubay ng Guro”., 2018


https://lrmds.deped.gov.ph/detail/12259

Slideshare. “Akademikong Pagsulat”

https://www.couresehero.com/file/39180654/p11docx/

Slideshare. “Akademikong Pagsulat”

https://prezi.com./p/jqd6wlsrm7lg/agenda-at-katitikan-ng-pulong/

Slideshare. “Akademikong Pagsulat”

https://www.academia.edu/38736853/Linggo_5_Pagsulat_ng

_Adgenda_at_Katitikan _ng_Pulong

Google.Wikipedia. https://en.wikipedia.org/wiki/Social_networking_service
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Pagsusuri

Aplikasyon:

Bitmoji. https://apps.apple.com/app/apple-store/id868077558
Filipino 12
Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala at estratehiyang magagamit sa paggabay
sa mag-aaral.

MGA INAASAHAN
PAUNANG PAGSUBOK
BALIK-ARAL
ARALIN
PAGLALAHAT
PAGPAPAHALAGA
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Ateneo babe 😘

You might also like