You are on page 1of 13

Pagbasa at Pagsusuri

ng Iba’t Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik
11

1
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Mga Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Jerwin G. Villa, PhD
Editor: Vida Bianca M. Laus
Tagasuri: Eva J. Ompoc. EdD
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik
11

Ikatlong Markahan
Modyul 2 para sa Sariling Pagkatutuo
Mga Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa
Manunulat: Jerwin G. Villa, PhD
Editor: Vida Bianca M. Laus / Tagasuri: Eva J. Ompoc. EdD

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik (Baitang 11) Modyul 2 para sa araling Mga Kasanayan sa Mapanuring
Pagbasa

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik-Filipino 11 Modyul 2 ukol sa Mga Kasanayan sa
Mapanuring Pagbasa

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibisnuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN
Matapos na maunawaan ang modyul,ikaw ay inaasahang:
A. naisasaalang-alang ang iba’t ibang kasanayan na dapat paunlarin sa
bawat bahagi ng proseso ng pagbabasa;
B. nakikilala ang pagkakaiba ng katotohanan at opinyon; at
C. natutukoy ang layunin, pananaw at damdamin ng teksto.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto:Tukuyin kung Tama o Mali ang isinasaad ng bawat pangungusap.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang synopsis ay maaaring mabuo sa pamamagitan ng paggawa ng isa
higit pang talata na binubuo ng mga pangungusap.
2. Ang maikling buod ay naglalayong makatulong sa mga mambabasa o
may-akda upang lubos na maunawaan ang diwa o tema ng isang
seleksyon o isang akda at maisulat ang pangunahing kaisipan ng
isang akda upang higit na mainitindihan.
3. Isaalang-alang din na dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na
akda sa pagsulat ng maikling buod.
4. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang napanood o napakinggan, ay
dapat na natutukoy ang paksang pangungusap o ang pinaka tema
nito gayundin ang mga susing salita o key words.
5. Ang maikling buod at magkakasunod na pangyayari ay isinasama
rito ang mga di mahahalagang detalye.

BALIK-ARAL

Panuto: Tukuyin kung anong Antas ng pagbasa ang ipinapakita sa


sumusunod na sitwasyon.Isulat ang wastong titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

A. Primarya C. Analitikal
B. Mapagsiyasat D. Sintopikal

6
1. Marami nang nabasang libro si Juan upang makapaghambing,
makapagsuri, makapamuna at makapagpahalaga siya, kaya naman
kahit matrabaho ang pagbasa rito, marami naman siyang
nakukuhang benepisyo.
2. Matalinong hinihinuha ng mga mag-aaral ang mga pahiwatig at
tagong kahulugang matatagpuan sa wika at sa pagitan ng teksto o
linya sa tula.
3. Si Vivo ay may kailangang sagutan habang nagbabasa siya. Ito ay ang
sumusunod: Tungkol saan ang aklat?, Ano-ano ang mga bahagi nito?,
Anong uri ito ng babasahin?
4. Ang pagkilala ni Mary Ann sa aktuwal ng mga salita at ang
pagpapamalay sa kahulugan ang unang konsentrasyon ng kanyang
pagbabasa.
5. Tinatawag ni David ang kanyang pagbabasa na pre-reading o
sistematikong iskiming.

ARALIN

MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA


Ayon sa aklat ng Sicat et al.(2016) ay may iba’t ibang kasanayan na
dapat paunlarin sa bawat bahagi ng proseso ng pagbasa ay mga
sumusunod:

Bago Magbasa. Sinisimulan sa pagsisiyasat ang tekstong babasahin


upang malaman ang tamang estratehiya sa pagbasa batay sa genre ng
teksto.Kinakapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa
pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat, at
pangalawang pamagat sa loob ng aklat.

Habang Nagbabasa. Sabay-sabay na pinagagana ng isang


mambabasa ang iba’t ibang kasanayan upang lubusang maunawaan ang
teksto.May mga prediksiyon bago magbasa ang pinanghahawakan upang
panatilihin ang pokus sa aktibong pang-unawa sa binasa.Kabilang sa mga
pamamaraan upang maging epektibo ang pagbabasa ay ang pagtantiya sa
bilis ng pagbasa, biswalisasyon ng binasa,pagbuo ng koneksyon,
paghihinuha, pagsubaybay sa komprehensiyon, muling pagbasa, at
pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto.

Pagkatapos Magbasa. Sa kasanayang ito maisasagawa ng isang


mambabasa ang pagtatasa ng komprehensiyon, pagbubuod, pagbuo ng
sintesis at ebalwasyon upang maipagpatuloy ang malalim na pag-unawa at
pag-alala sa teksto.

7
Pagkilala sa Opinyon o Katotohanan
Ayon sa aklat ni Sicat et.al(2016),ang pagtukoy sa opinyon o
katotohanan ng isang pahayag ay mahalagang kasanayan ng isang
mambabasa. Ang katotohanan ay mga pahayag na maaaring mapatunayan
o mapasubalian sa pamamagitan ng mga emperikal na
karanasan,pananaliksik o pangkalahatang kaalaman o impormasyon.
Halimbawa: Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan labis ang pagtaas ng
kaso ng COVID-19 dahil sa mga nakabinbin o huling pagdating ng resulta
nito.
Samantalang ang opinyon naman ay mga pahayag na nagpapakita ng
preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao.
Ginagamitan ito ng mga panandang diskurso tulad ng “sa opinyon ko”,
“para sa akin”, “gusto ko” o “sa tingin ko”.
Halimbawa: Sa tingin ko, malalampasan natin ang pandemya kung
magkakaroon ng pansariling disiplina ang bawat Pilipino.

Pagtukoy sa Layunin, Pananaw, at Damdamin ng Teksto


Ayon kay Sicat et.al (2016) ang layunin ay tumutukoy sa nais
iparating at motibo ng manunulat sa teksto. Mahihinuha ito sa
pamamagitan ng uri ng diskursong ginamit sa pagpapahayag.
Halimbawa, naglalarawan ba ito o kaya ay nagkukuwento lang ng
isang tiyak na karanasan o sitwasyon? Maaari ding nangangatuwiran ito o
kaya naman ay hinihikayat ang mambabasa na pumanig sa opinyon o
paninindigan niya. Sa layunin, tinutukoy rin ang suliranin o pangunahing
tanong ng akda na nais solusyonan ng may-akda.
Samantalang ang pananaw naman ay ang pagtukoy kung ano ang
preperensiya ng manunulat sa teksto. Ibig sabihin, natutukoy rito kung ano
ang distansiya niya sa tiyak na paksang tinatalakay. Nasa unang panauhan
ba ito na maaaring magpakita na personal ang perspektiba niya sa
paglalahad, o kaya naman ay nasa ikatlong panauhan na nagbibigay ng
obhetibong pananaw at paglalahad sa paksa? Mula sa mahusay na
pagtukoy ng pananaw, mahihinuha rin ng mambabasa kung ano ang
kahihinatnan ng isang teksto.
Halimbawa, ito ba ay tumutukoy sa punto de vistang ginamit ng awtor sa
teksto? May mga uri ba ng panauhan sa pananaw nito? Halimbawa ng unang
panauhan ay ako, tayo, ko o natin.
Binanggit din ng nasabing may-akda na ang damdamin naman ay
ang ipinahihiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto. Maaaring
nagpapahayag ito ng kaligayahan, tuwa, galit, tampo, o kaya naman ay
matibay na paniniwala at paninindigan tungkol sa isang pangyayari o
paksa. Gayundin sa damdamin na ipinahahayag ng teksto, hindi naiiwasan
na ito ang nagiging pakiramdam ng mambabasa sa pagbasa nito. Sa
katapusan ng pagbasa, maaari ding tasahin ng isang mambabasa kung
nagtagumpay ba ang manunulat na iparamdam ang layunin ng teksto.
Halimbawa ng damdamin sa teksto ay kung tumutukoy ba ito sa
saloobing nalilikha ng mambabasa sa teksto? Ito ay maaaring tuwa, lungkot,
galit, poot, takot, panghanga, pag-ibig o humaling, pagnanais, pagkagulat,
pagtataka, pag-asa, kawalang pag-asa, katapangan, pangamba, pagkainis,
pagkayamot at iba pang emosyon o damdamin.

8
MGA PAGSASANAY

A. Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na kasanayan ay


ginagawa Bago,Habang o Pagkatapos magbasa. Piliin sa kahon ang
wastong sagot sa bawat aytem at isulat ang titik sa sagutang papel.

A. Bago Magbasa B. Habang Nagbabasa C. Pagkatapos Magbasa

1. Pagbuo ng mga biswal na imahen.


2. Previewing ng teksto o mabilis na pagsusuri sa genre at halaga nito sa
layunin ng pagbasa.
3. Pagbuo ng organisasyon sa mga impormasyong nakuha sa teksto.
4. Muling pagbasa sa mga hindi naunawaang bahagi.
5. Ebalwasyon sa katumpakan at kaangkupan ng aklat.
6. Pagsulat ng rebyu ng isang aklat.
7. Pagtukoy sa kahulugan ng mga salitang hindi maunawaan sa
pamamagitan ng pag-uugnay sa iba pang impormasyong ibinigay sa
teksto.
8. Pagbuod o paggawa ng sintesis ng isang akda.
9. Paghihinuha.
10. Pagtantiya sa bilis ng pagbasa.

B. Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang sumusunod na mga


pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Sinisimulan sa pagsisisyasat ang tekstong babasahin upang malaman
ang tamang estratehiya sa pagbasa batay sa genre ng teksto.
2. Bago magbasa maisasagawa ng isang mambabasa ang pagtatasa ng
komprehensiyon, pagbubuod, pagbuo ng sintesis at ebalwasyon upang
maipagpatuloy ang malalim na pang-unawa at pag-alala sa teksto.
3. Kabilang sa mga pamamaraan upang maging epektibo ang pagbabasa ay
ang pagtantiya sa bilis ng pagbasa,biswalisasyon ng binasa, pagbuo ng
koneksyon, paghihinuha, pagsubaybay sa komprehensiyon, muling
pagbasa at pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto.
4. Ang katotohanan naman ay mga pahayag na nagpapakita ng
preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang
tao samantalang ang opinyon ay mga pahayag na maaaring
mapatunayan.
5. Ang damdamin sa teksto ay kung tumutukoy ba ito sa saloobing nalilikha
ng mambabasa sa teksto.

9
C. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga salitang kukumpleto sa
sumusunod na pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

A. pananaw B. emperikal C. damdamin


D. unang panauhan E. layunin

1. Ang _______ ay tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat


sa teksto.
2. Nasa __________ ito na maaaring magpakita na personal ang
perspektiba niya sa paglalahad.
3. Ang _________ naman ay ang ipinahihiwatig na pakiramdam ng
manunulat sa teksto. Maaaring nagpapahayag ito ng kaligayahan,
tuwa, galit, tampo, o kaya naman ay matibay na paniniwala at
paninindigan tungkol sa isang pangyayari o paksa.
4. Ang katotohanan ay mga pahayag na maaaring mapatunayan o
mapasubalian sa pamamagitan ng mga ______ na karanasan,
pananaliksik o pangkalahatang kaalaman o impormasyon.
5. Mula sa mahusay na pagtukoy ng _______, nahihinuha rin ng
mambabasa kung ano ang kahihinatnan ng isang teksto.

PAGLALAHAT

Panuto:Bumuo ng mga kaisipan mula sa sumusunod na salita sa loob ng puso.


Isulat ang sagot sa sagutang papel at sundin ang sumusunod na pamantayan.

Pamantayan Bahagdan Iskor


1. Maliwanag na naibigay ang konsepto ng 30%
bago,habang at pagkatapos magbasa.
2. Maliwanag na naibigay ang konsepto ng 30%
layunin, pananaw at damdamin ng teksto.
3. Maliwanag na naibigay ang konsepto ng 20%
opinyon at katotohanan.
4. Kalinisan at kaayusan ng pagkakagawa, 20%
kombinasyon ng kulay at nakasunod sa
mekaniks.
Kabuoan 100%

10
Bago Magbasa Opinyon
Habang Magbasa Katotohanan
Pagkatapos magbasa

Layunin
Pananaw
Damdamin

Ipaliwanag

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Kumpletuhin ang sumusunod na mga kaisipan. Isulat ang sagot sa


sagutang papel.

Sa pagbabasa ko ng teksto, mahalagang malaman na ang


katangian ay______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Sapagkat ang opinyon at katotohanan_____________________________________
___________________________________________________________________________
Dahil sa pananaw,saloobin at layunin ay___________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________.

11
Pamantayan Puntos Iskor
1. Malinaw ang mga kaisipan. 30%
2. Malinis at mahusay ang pagkakagawa. 20%
3. Makatotohan at mapanghamong kaisipan. 30%
4. Mahusay ang paggamit ng wika at angkop ang 20%
tono ng pananalita.
Kabuoan 100%

PANAPOS NA PAGSUSULIT
I. Panuto: Isulat ang K kung katotohanan ang pahayag at O naman kung
ito ay opinyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Batay sa tala ng Kagawaran ng Edukasyon, unti-unti nang
nababawasan ang mga out-of-school youth sa ating bansa.
2. Balita ko na ang anak ni Aling Rosa ay nagdadalantao.
3. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista
na unti-unting bumabagsak na ang turismo sa ating bansa.
4. Sabi ng lola ko ang ilog daw na iyan ay may nananahanang sirena.
5. Ang pangulo ng Pilipinas ngayon ay si Rodrigo R. Duterte.

II. Pagtapat-tapatin: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy na pahayag sa


Hanay A. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B
1.Ito ay tumutukoy sa motibo ng teksto. A. Pananaw
2. Ito ang naging saloobin ng manunulat sa B. Opinyon
isang teksto. C. Bago Magbasa
3.Kinakapalooban ito ng previewing o surveying D. Katotohanan
ng isang teksto. E. Layunin
4.Natutukoy dito kung ano ang distansiya niya F. Damdamin
sa tiyak na paksang tinatalakay.
5.Ito ay mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya
o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip
ng isang tao.

12
SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian
Aklat:

Sicat-De Laza C., Batnag A.,2016 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
tungo sa Pananaliksik Quezon City: Rex Printing Company, Inc.

Hanguang Elektroniko:

https://gade.wordpress.com/tag/maikling-sanaysay/

13

You might also like