You are on page 1of 34

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t

Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Iba’t Ibang Uri ng Teksto
Pagbasa at Pagsususuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik – Ikalabing-
isang Baitang Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan-Modyul 2: Iba’t Ibang Uri ng Teksto
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukul ang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may -akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

MGA BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL SA SENIOR HS


Awtor : Sylvia D. Gatus
Ko-Awtor - Editor : Marites M. Ravago
Ko-Awtor - Tagasuri : Marites M. Ravago
Ko-Awtor – Tagaguhit : Mae Laine C. Villaruel
Ko-Awtor - Tagalapat : Aldrine Y. Teleron
Mga Tagapangasiwa:
Punong Guro : Arlene M. Matilde
LRMDS Koordinator : Aldrine Y. Teleron
MGA TAGAPAMAHALA SA DIBISYON NG BATAAN:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Filipino : Mila D. Calma
Education Program Supervisor, Senior HS : Danilo S. Caysido
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

MGA TAGAPAMAHALA SA REHIYON NG GITNANG LUZON:


Regional Director : May B. Eclar, PhD, CESO III
Chief Education Supervisor, CLMD : Librada M. Rubio, PhD
Education Program Supervisor, LRMS : Ma. Editha R. Caparas, EdD
Education Program Supervisor, ADM : Nestor P. Nuesca, EdD
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan
Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Iba’t Ibang Uri ng Teksto
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
makasulat ng isang uri ng teksto. Ang kahirapan mo bilang mag-
aaral sa aralin na ito ay mawawakasan. sa tulong ng modyul na
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang matukoy at


maunawaan ang pagsulat ng iba’t ibang uri ng teksto.

Matapos ang modyul na ito inaasahang;


1. naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa (F11PS-
IIIb-91);
2. nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto (F11PU-IIIb-89).

1
Subukin

Alamin natin ang lalim ng iyong kaalaman sa asignaturang ito sa pamamagitan ng


panimulang pagsusulit.

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong na dapat


sagutin sa modyul na ito. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

Panuto: A. Tukuyin ang tamang uri ng tekstong aakma sa bawat talata sa ibaba.
Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon.

a. Naratibo
b. Prosidyural
c. Deskriptibo
d. Persweysibo
e. Impormatibo
f. Argumentatibo

1. Puno ng pag-aalala ang aking mga mata ng makita kong hindi na naman
nakakuha ng modyul sa paaralan ang magulang ng aking mag-aaral kaya ng
matapos ang oras ng aking pamimigay kaagad akong nag-ayos ng aking mga
gamit at kasabay na binitbit ang mga modyul na dapat makarating sa mga
bata. Ihahatid ko ito sa kanilang tahanan.

2. Sino ang higit na magaling babae ba o lalaki?

3. Sino ang mag-aakala na ang kagandahang mayroon ako ngayon ay hindi


bunga ng isang himala? Isang pahid lamang ng Miracle Buti Cream ay
gaganda ka na. Mura sa presyong abot kaya, magiging kamukha mo pa si
Marian Rivera.

4. Napakaganda ng kanyang malalantik na pilikmata, ang kanyang malarosas


na mga pisngi ay napakakinis at ang kanyang mga manipis na labi ay
mapupula.

5. Hindi mapigilan ni Rebecca ang mapaiyak habang binibigyan ng bulaklak ang


kanyang paboritong guro, Ito ang hiling sa kanya ni Mam Tapia, na sa

2
pagdalaw niya rito ay bigyan niya ito ng puting bulaklak. Ang puting bulaklak
ay inilagay niya sa ibabaw ng kinahihigaan nitong malaking kahon, habang
inaawit ang kantang "Sino Ako?"

6. Ang Rehiyong III ay binubuo ng mga lalawigan ng Aurora, Bataan, Bulacan,


Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales at mga siyudad ng Angeles,
Balanga, Cabanatuan, Gapan, Malolos, Munoz, Olongapo, Palayan, San
Fernando, San Jose, San Jose del Monte at Tarlac.

7. Narito ang paraan sa pagluluto ng sinigang na baboy. Pakuluan ang


sampalok, kapag kumulo na pigain ito, dagdagan ng tubig na sasapat sa asim
ng sampalok, ihulog ang baboy, labanos at gabi, lagyan ng asin, pakuluan,
kapag kumulo na ihulog ang siling berde at kangkong, pakuluang muli
hanggang sa maluto.

8. Ang blog ay isang paraan ng modernong pagsulat. May paraan ang paggawa
nito: una, magsa sign -up ka sa gmail, ikalawa, magtatala ng mag kaukulang
impormasyon mula sa mga tanong sa gmail, panghuli, gumawa ng blog gamit
ang sariling gmail account.

9. Nakabibighani ang kagandahan ng Baranggay Tala sa bayan ng Orani


sapagkat sa kabila ng malamig na klima luntiang damo ang iyong mkikita
para kang nakatapak sa isang Paraiso, makikita mo ang nagtataasang mga
puno na nagbibigay ng iba’t ibang bunga na sa Tala lamang tumutubo tulad
ng mansanas at lansones. Isa pang kinagigiliwang puntahan dito ay ang mga
magagandang pasyalan tulad ng View Deck, Sinag Tala, Vista Tala at ang
Sagrada Pamilya, Ano pa ba ang hihilingin mo sa ganitong kagandang lugar
na likha ng Maykapal.

10. Mga kabayan tikman ang sarap ng manok na walang kaparis, manoks To
GO, mapapaiyak ka sa sarap, Ano pa ang hinihintay nyo bili na, Isang kagat,
buto lahat.

B. Tukuyin ang mensaheng nakapaloob sa bawat talata. Isulat ang titik ng


tamang sagot.'

11. Dahil sa lumalaganap na pandemya na napilitan ang bawat isa na mamalagi


sa tahanan, maraming empleyado ang nagkaroon ng pagkakataon na
makasama ang miyembro ng pamilya sa mahaba-habang panahon. Natutong
magpahalaga ang lahat sa mga pagkaing nasa kanilang hapag-kainan. Ang
dating hindi malinis sa pangangatawan ay natutong pangalagaan ang
kalinisan nito. Ang mga kabataang nagkalat sa lansangan sa dis-oras ng gabi
ay nanatili sa kanilang tahanan. Ang pinakamagandang nangyari ay
nagkaroon ng malaking panahon ang lahat upang magkaroon ng malalim na
ugnayan sa Panginoon. Patunay na hindi lamang mapapangit na pangyayari
ang naranasan natin sa panahon ng pandemya.

3
a. Namalagi ang bawat isa sa loob ng tahanan
b. Naging malinis sa pangangatawan ang dating hindi marunong mangalaga
nito.
c. Dahil sa kakapusan ng marami natuto silang magpahalaga sa kanilang
kinakain.
d. Hindi lamang mapapangit na pangyayari ang ating naranasan sa
panahon ng pandemya.

12. Tirik na tirik ang araw sa gitna ng tambakan ng basura kung saan
nagkakalakal si Mang Koy. Hindi nya alintana ang init dahil kailangan niyang
kumita para sa ipanlalaman sa tiyan ng kanyang pamilya. Bitbit ang kanyang
supot nagsimula na siyang maghalukay at ikinabigla niya ang tumambad na
supot ng maraming pera sa isang sisidlan na kanyang nakuha. Mataman niya
itong tiningnan at nakita niya ang isang tarheta, pasaporte at iba pang mga
identipikasyon ng pagkakakilanlan. Dali-dali siyang umalis at pinuntahan ang
tirahan na nakasulat sa tarheta na siya ring nakatala sa mga identipikasyon
ng pagkakakilanlan na nakasama sa isang bungkos na pera.
a. Ibinalik ni Mang Koy ang pera at siya ay ginantimpalaan ng may-ari nito.
b. Si Mang Koy ay isang taong mahirap na gusto ng magbago ang buhay
kaya hindi niya isasauli ang pera.
c. Isang suwerte ang naghihintay kay Mang Koy na magpapabago ng
kaniyang buhay dahil sa pera na nakuha niya.
d. Bagamat mahirap ay hindi nagka-interes si Mang Koy na kuhanin ang
pera na nakita niya sa tambakan ng basura dahil ito ay hindi niya pag-aari.

13. Dahil sa modyular ang paraan ng pagtuturo hindi na inaral at inunawa ni


Rizz ang kaniyang mga aralin bagkus ay kinopya niya na lamang ang mga
kaukulang sagot ng bawat modyul na makikita sa dulong bahagi nito, kaya ng
dumating ang Unang Panahunang Pagsusulit hindi niya nasagot nang tama
ang mga katanungan .
a. Natural lamang ang ginawa niya dahil hindi na niya pinahirapan ang
kaniyang sarili.
b. Dapat inaaral at inuunawa ang aralin dahil ito ang nararapat gawin sa
ikatututo ng mag-aaral.
b. Hindi niya nasagot ang mga tanong dahil hindi siya nakahanap ng
paggagayahan ng kaniyang sagot.
d. Nakatutuwa na hindi na kailangang maghirap ng mga mag-aaral dahil may
pagkukuhanan na ng sagot sa modyul.

4
14. Bilang kabataan paano mo mapauunlad ang panitikang Pilipino sa paggamit
ng iba't ibang uri ng teksto?
a. Sumabay sa pagbabagong nagaganap maging sa paggawa ng teksto.
b. Anumang uri ng sulatin ang iyong ilathala, matutong isaalang-alang ang
damdamin ng mambabasa
c. Gumawa ng iba’t ibang paksa tungkol sa panitikang pilipino gamit ang
iba’t ibang uri ng teksto
d. Sumulat ng teksto nakatutuwa sa mambabasa dahil ito ay makatutugon sa
kanilang kasiyahang pang-intelektuwal.

15. Makatutulong ba ang iba’t ibang uri ng teksto sa pagpapalaganap ng


panitikang Pilipino?
a. Hindi makatutulong sapagkat ang panitikan ay boring na paksa sa teksto.
b. Tayo ay nasa panahon ng modernisasyon gamitin ang teksto sa
pagpapakilala ng pansariling interes sa paksa.
c. Ang pangunahing interes ng paglathala ng teksto ay kumita ng pera hindi
upang palaganapin ang panitikan.
d. Napakainam na gamitin ang iba’t ibang uri ng teksto sa pagpapalaganap
ng panitikan upang mabuhay ang damdaming makabayan.

5
Aralin
Iba’t bang Uri ng Teksto
1
___________________________________________

Kakambal ng pagkatuto ang pagbabasa ng teksto

____________________________________________

Anumang bagay na nakatala o nakalimbag gamit ang mga kataga o simbolo


na mabibigyan ng kahulugan at makakukuha ng kabatiran ay tinatawag na teksto.

Ito ay isang mahalagang kasangkapan upang ganap na makilala ang


saligang kasanayan na naglalayong matukoy ang mga bahagi ng akda na tutugon
upang mapayaman ang kaalaman ng mga mambabasa sa gampanin ng wika at
panitikan.

Ito rin ay magpapalawak ng ating kakayahang komunikatibo upang maging


mas makabuluhan ang sining ng ating pakikipagtalastasan na nangangailangan ng
kakayahang pandamdamin, pangka-isipan at pang-ispirituwal na pananagutan.

Ang teksto rin ang gagabay sa mga mag-aaral na makakilala ng mga


kahulugan ng mga salita, umunawa ng mga mensahe at maging instrumento tungo
sa mas mataas na pag-unlad mga akdang pampanitikan.

6
Tuklasin

Halika! Samahan mo ako na palawakin ang iyong kaalaman sa ating aralin.

Sa pag-aaral at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan, makasusumpong


tayo ng mga kaisipang nagbibigay ng iba’t ibang kahulugan at kaalaman na
magmumula sa tanong ng mga mambabasa ng akda. Ang mga ideya ay mahalaga
upang masagot ang walang katapusang katanungan ng mga tao.

Ang mga tanong na ito ang dahilan kung bakit patuloy na lumilikha ng mga
akdang pampanitikan ang mga manunulat. Gusto nilang makatugon sa mga
kaalaman o ideyang nais makuha ng mga mambabasa, pilit nilang binubuhay ang
panitikan na siyang sagisag ng ating mayamang akda, sining at kultura.

Dahil dito lumutang ang iba’t ibang uri ng teksto na bumubuhay sa ating
mayamang panitikan.

Alam mo Ba?

Mahalagang matukoy ang mga dulog kaalaman na magiging pokus sa


pagtukoy ng iba’t ibang uri ng teksto.

Makatutulong ang mga salitang gagamitin sa pahayag sa pagtukoy ng uri,


katangian at kalikasan ng teksto.

Kilalanin mo na!

Sa aralin nating ito ganap ang iyong magiging pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng
Teksto dahil sa katangian at kalikasan nito.

Simulan na natin.

7
Suriin

Tulad ng magdaragat na gustong makakuha ng maraming isda sa dagat sa


ating aralin marapat lamang na pilitin mong makalambat ng maraming kaalaman.
Sisimulan natin ito sa pagkilala ng mga teksto.

Ang teksto ay mga sulatin na magpapatingkad ng mga isinulat na akdang


pampanitikang. Ito ay anumang uri ng babasahin na nakalimbag gamit ang
kalipunan ng mga letra o simbolo na makatutulong sa tao upang ibigay ang
kanyang sariling pagpapakahulugan gamit ang kanyang kaalaman at sariling
ebalwasyon mula rito.

Ito ay isa sa pinaka-epektibong paraan upang masaklaw ang mga


koordinasyon ng mga salitang ginamit sa teksto. Makatutugon din ito sa sariling
pangangailangan batay sa kung paano natin iuugnay ang akda sa sarili nating
pananaw, ideya at karanasan.

Dahil din sa iba’t ibang uri ng teksto, nababago nito ang hinuha batay sa
kung paano tayo dinala ng tekstong ating binasa sa ibang daigdig.

Ayon kay Badayos (2000), ang hulwaran o istilo sa pagsulat ay isang sistema
o kaparaanan kung paano binubuo at inilalahad ng awtor ang mga impormasyon o
ideya sa mga teksto o babasahin.

Kaya ang pagbuo ng teksto ay naibabatay sa iba't ibang kaparaanan.

Mayroon tayong anim na uri ng teksto at alamin natin ito batay sa


katangian at kalikasan.

1. Tekstong Impormatibo (Para sa iyong kaalaman)

Ang tekstong impormatibo ay naglalaman ng mga impormasyon batay sa


mga tiyak na datos o tumpak na katotohanan.

Ang mga tekstong impormatibo ay


karaniwang mababasa sa mga sangguniang
hanguan ng mga impormasyon gaya ng mga
aklat, encyclopedia, atlas, at marami pang iba.

Layunin ng mga tekstong ito ang maghatid


ng mga impormasyon na maaaring magamit ng
sinomang nagnanais makabatid ng kinakailangang

8
impormasyon.

Ang mga impormasyong ito ay magagamit sa iba’t ibang paraan ng mga


mambabasa, kaya naman kinakailangang tinitiyak ng sinomang mambabasa
ang katumpakan ng mga impormasyong kanyang pinipili. Sa pagkakataong ito,
higit na kinakailangan ng mambabasa ang lubos na pagsusuri sa mga
impormasyon.

Halimbawang Teksto

Teksto # 1

Update sa Covid-19
Lalawigan ng Bataan- Batay sa huling ulat ng Provincial Health
Organization (PHO) noong ika -10 ng Enero 2021, nasa limampu’t tatlo
(53) na ang bilang ng mga aktibong kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng
Bataan.
Ang kabuuang bilang ng nagpa-test sa Covid-19 ay 41, 890. Ang
kabuuang bilang ng negatibo sa nasabing test ay 38,065.
Mula sa kabuuang bilang ng kaso na nasa 3,708 na nagpositibo, umabot
naman sa 3,575 ang bilang ng naka-recover, walumpu (80) ang
kumpirmadong namatay.
Patunay na hindi tumitigil ang pamunuan ng Bataan sa pagpuksa at
paglaban sa Covid-19.
Hango sa: Real-time data of Covid-19 in Bataan

Ang pangalan ng organisasyon, petsa at mga datos na may


kaugnayan sa Covid-19 ay mga tumpak na datos na nagbibigay ng mga
impormasyon mula sa paksa.

2. Tekstong Naratibo (Ano ang iyong Kuwento?)

Pinakakaraniwan at masasabing pinakagamitin sa pagpapahayag ang


tekstong nagsasalaysay (naratibo), dahil likas sa ating mga Pilipino
ang pagiging mahiligin sa pagsasalaysay.

Ito ay isang paraan ng pagpapahayag na ang


layunin ay magkuwento. Ito rin ay naghahayag ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na
maaaring totoo o likhang isip lamang. Itinuturing
itong pinakamatandang anyo ng pagpapahayag.

Ang Katangian ng Mabuting Tekstong Naratibo ay ang mga sumusunod:

1. Mabuting Pamagat
2. Mahalagang Paksa

9
3. Wastong Pagkakasunod-sunod
4. Mabuting Simula
5. May Mabuting Wakas

Halimbawang teksto:

Teksto # 2
Sigaw ni Ulysses sa Kanilang Kaharian
ni: Sylvia D. Gatus

"Nandyan na sila! Nandyan na sila!"


Nagmamadali ang lahat na tumakbo papalapit sa sasakyang bababaan ng
pinakahihintay ng lahat.

Ang pagbaba nila ang nagpalaki ng ngiti at ng bagong pag asa sa aming
kaharian.

Masaya sa aming bagong kaharian. Marami akong nakilalang bagong


kaibigan, bagong kalaro, bagong bahay, bagong kapatid at bagong tatay.

Si Mang Emon ang nagsasabi sakin na huwag akong masyadong lalayo


kasi masyadong maraming tao sa kaharian. Huwag din daw sisigaw kasi
masyado na ring maingay rito. Huwag daw akong masyadong malikot kasi baka
makasira ako ng gamit ng iba. Ilan lang naman ang gamit na pwedeng masira
rito. Ang mga kasangkapan na naisalba matapos ang malakas na ulan na
sinundan ng malaking pagbaha na naging dahilan kung bakit kami naipon sa
iisang kaharian.

Ang aming kaharian ay magugustuhan ni Japeth Aguilar kasi may


dalawang basketball ring sa magkabilang dulo. Maliwanag. Daig pa ang liwanag
ng buwan na aking ilaw gabi-gabi. May malalaking elektrikpan na hindi
pwedeng hawakan kasi masyadong mataas at malaki kaiba sa elektrikpan ni
Mang Gusting, ito ay maliit lamang tapos ang sungit pa ni Mang Gusting. Ayaw
magbahagi ng hangin mabuti na lamang sa plasa na pinakamalaki kong sala,
libre ang hangin. Makinis din ang ang sahig sa bago naming kaharian. Hindi
tulad sa sahig na aking tinutulugan sa may bangketa. Mayroon din maraming
upuan sa magkabilang gilid ng bago naming kaharian na kayang paupuin ang
libong bisita. May malaki rin kaming orasan na malapit sa ring sa gawing
kaliwa at ang oras ang ganda kasi may ilaw na kulay pula. Ang pinakagusto ko
sa aming kaharian ang dalawang malalaking telebisyon na nakataas din.

Ang gulo ng lahat. May sumisigaw na tinatawag ang anak, may


nanghihingi ng rasyon ng pagkain. May nag-aagawan sa pwesto ng tulugan.
May nagtutungayaw pa dahil siguro sa istres dala ng bagong karanasan.
Hay…samu't saring emosyon, may malungkot, galit, takot at laylay ang balikat .
May ilan din namang mababakas pa rin ang kapirasong ngiti sa labi tanda
marahil ng pasasalamat at nanatiling buhay sa kabila ng matinding unos.
Hay….. ang ingay talaga. Sobrang ingay sa aming kaharian.

10
Ang ingay ng lahat ay nahinto ng binuksan ang malaking telebisyon.

Ang maliit na ngiti ay nawala. Unti-unting tumulo ang luha sa mata ng


mga tao sa kaharian habang ipinakikita sa balita ang nasirang mga bahay.
Habang ipinakikita ang mga punong nakakalat sa daan. Habang ipinakikita
ang bagong hitsura ng lansangan. Habang ipinakikita na halos wala ng natira
sa kanilang pinaghirapan.

"Nandyan na Sila! Nandyan na Sila!” sigaw ko.

Gusto ko ulit silang makitang tumatakbo palapit sa sasakyan na may


dalang supot ng pagkain, damit at gamot. Gusto ko ulit silang marinig
magsigawan. Gusto ko ulit silang makitang magulo. Gusto ko silang makitang
nakangiti. Gusto ko silang makitang sumaya.

Kinuha ko ang megaphone ni Manong Guard. Sa pagkakataong ito hindi


“Nandyan na sila” ang kanilang narinig kung hindi isang awitin na bumasag
sa katahimikan ng lahat. Isang awitin na nagmula sa isang limang taong
gulang na batang katulad ko. Ang awitin ni KC Tandingan na," Huwag Ka Nang
Umiyak."

Sabay tayong aahon.


Kung wala ka nang maintindihan
Kung wala ka nang makapitan
Kapit ka sa akin, kapit ka sa akin, hindi kita bibitawan.

Ang lahat ay napalingon sa akin. Pinunasan ang luhang pumatak sa


mata. Gumuhit ang ngiti sa gilid ng labi. Nagkaroon ng kinang ang
malulungkot na mga mata. Muling kumilos ang lahat. Si Mang Emon, naman
kinarga ako. Sabi niya, siya na raw ang bago kong tatay.

"Nandyan na sila! Nandyan na sila!" Ang mga taong patuloy na tutulong


at patuloy na magbibigay ng bagong pag-asa sa mga taong katulad namin na
biktima ng sakuna.

Ito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari na binubuo ng mga elemento ng


isang kwento tulad ng tauhan, tagpuan, saglit na kasiglahan, tungalian,
kakalasan, kasukdulan at wakas.

3. Tekstong Deskriptibo (Ilarawan Mo)

Ito ay tekstong naglalarawan at nagbibigay ng katangian sa isang tao, bagay,


pook o pangyayari. Ang isang tekstong naglalarawan ay gumagamit ng iba ’t
ibang pandama. Taglay din nito ang pagkakaroon ng tono o
damdaming nangingibabaw sa isang akda. Sa pagkuha ng
atensiyon ng mambabasa napakalaking bagay ng
paglalarawan na gigising sa diwa at imahinasyon
ng mga bumabasa ng akda. Mga pang-uri at pang-
abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat.

11
Ang tekstong deskriptibo ay napakabisang itambal sa lahat ng
uri ng teksto.

Halimbawang teksto:

Teksto # 3
Kulay ng Pagmamahal
Ni: Sylvia D. Gatus

Pula ang magandang bulaklak na ibinigay ni Itay

Nang malakas na ibalita ni Inay ang pumipintig na buhay

Dali-daling inayusan ang malinis na bahay

Pulang kurtina ang dito’y bumagay

Pula ang masarap na prutas na paboritong kainin ni Inay

Pula rin ang maliit na rosaryo na lagi naming gabay

Pula ang mahabang dyip na sinasakyan niyang panay

Kapag dadalaw kay doktora upang alamin ang aking lagay

Pula ang maliit na tabletang sa kaniya’y nagpalumbay

Nang sabihin ni doktorang pag- ingatan ako ni Inay

Pula rin ang umagos sa pagitan ng kanyang mapuputing hita

Tanda ng sa loob ng malaking tiyan niya ako’y nanghihina

Muli mga pulang magagandang bulaklak ang hawak ni Itay

Sa pagkakatong ito hindi para kay Inay


Nanikluhod sa Ama, umiyak nang malakas, humingi ng awa

Huwag lamang akong kunin sa kanila’y mawala

Tila naman isang napakalaking himala

Dahil ang munting anghel na muntik nang mawala

Ngayo’y humahataw nang malakas na uha!

Ang tekstong iyong binasa ay gumamit ng mga paglalarawan, ibinigay nito


ang mga katangian ng mga tao, bagay o pangyayaring mas higit na nagpatingkad
sa akda.

4.Tekstong Argumentatibo (Kung may katwiran, Ipaglaban mo)

12
Likas na sa tao ang mangatuwiran sa anopamang usapin
na gusto niyang patotohanan, sa maraming pagkakataon ang
bawat tao ay humahabi ng sarili niyang katuwiran batay sa
ideya, karanasan at konsepto niya hinggil sa paksang
pinag-uusapan.

Obhetibo ang tono ng tekstong argumentatibo


sapagkat kumukumbinsi ito ayon sa mga patunay o datos ng
impormasyon na inilalatag sa isang usapin.

Dahil sa kagustuhang maging matibay ang mga binibitiwang argumento ng


iba naglalatag sila ng mga ebidensya o impormasyon na detalyado at tumpak na
makatutulong sa kanila sa pagbibigay ng mahusay na argumento.

Sa pagbibigay ng argumento lumalabas ang paninindigan at prinsipyo ng


nakikipagpalitan ng pahayag.

Halimbawang Teksto:

Teksto # 4

I Don’t Care, Who Cares


Ni: Sylvia D. Gatus

“I Don’t Care, eeh…eeh…ee…eeh!” Sino nga ba ang makalilimot sa


katagang bumulabog sa isipan ng mga nakarinig at nakasaksi ng bidyong
nagpapakita ng pagkamatay ng mag-ina? Nakagugulantang dahil hindi mo
inaasahan na ang simpleng hindi pagkakaunawaan ay hahantong sa
kamatayan. Simpleng alitan na nadugtungan at ng lumaon ay humantong sa
isang malagim na wakas.
“I Don’t Care!” Kapag nga naman anak mo ang nasa bingit ng alanganin
at balag ng kapahamakan.
“Who Cares!” Lahat naman siguro ng ina handang isakripisyo ang
sariling buhay maprotektahan lamang ang anak. Lahat halos ng tao ay hindi
napigilang magkomento. Ayon sa karamihan, ibalik na ang parusang
kamatayan. Ito ang nararapat sa mga taong walang habag at pakundangang
manakit ng iba. Kung hindi ibabalik ang parusang kamatayan, kailan titigil ang
kampon ng kasamaan. Kung hindi lalagyan ng pangil ang batas, marami pang
masasamang elemento ng mundo ang mananagpang ng mga inosenteng
nilalang.
Para sa iyo, dapat nga ba o hindi dapat ibalik ang parusang
kamatayan sa ating bansa?

Ang teksto ay nagpapakita ng argumento na


nanghihikayat at naglalahad ng mga datos na
magagamit sa pagbibigay ng sariling opinyon o
pananaw tungkol sa anumang paksa.

13
5. Tekstong Persweysibo (Hihikayatin Kita)

Ito ay isang uri ng tekstong mapanghikayat na gumagamit ng mga


mapangumbinsing salita upang mapukaw ang emosyon at damdamin ng
mambabasa.

Ang tekstong ito ay subhetibo sapagkat malayang nailalahad ng manunulat


ang kanyang opinyon at paniniwala sa akda.

Ang tekstong ito ay ginagamit sa paggawa ng patalastas, propaganda sa


eleksyon, pagkuha ng mga miyembro sa sanga-sangang bilang ng miyembro sa
antas ng pagnenegosyo o pamumuhunan at mga artikulo na nanghihikayat.

Halimbawang Teksto:

Teksto # 5
Gandara Soap
Ni: Sylvia D. Gatus

Ang Gandara Soap ay sabon ng mga artista. Mabibili sa napakamurang


halaga. Ito ang sabon na nakapuputi at nakagaganda ng iyong kutis. Isang
kiskis ng sabong kulay mais, garantisadong ikaw ay lubhang kikinis.

Ito ay tekstong nanghihikayat gamit ang matatamis na salita na aakit sa


damdamin o emosyon ng mga mambabasa.

6.Tekstong Prosidyural (Isa-isahin ang mga Proseso)

Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng


teksto na inilalahad ang mga hakbang o proseso sa
pagbuo ng isang gawain upang matamo ang
inaasahan.

Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa ang isang


bagay. Layunin din nitong maipabatid ang wastong hakbang na dapat isagawa.

Kailangan lamang sundin ang direksyon o tamang patnubay sa paggawa ng


isang tekstong prosidyural upang maiwasan ang kumplikasyon sa pagbibiga y ng
impormasyon at instruksyon.

Halimbawang Teksto:

Teksto # 6

Ganito ang tamang paraan para makapagbukas ng Account sa Facebook.

14
Una, magpunta sa Facebook Site.

Ikalawa, i-click ang Log in.

Ikatlo, i-type ang iyong Account.

Ikaapat, isunod na i-type ang Username.

Ikalima, puwede nang i-open ang iyong Account at pumili ng mga


gustong buksan.

Nagpakita ang teksto ng mga paraan o hakbang sa pagsasagawa ng isang


gawain. Ang mga proseso na ilalahad sa teksto ay nabibilang sa tekstong
Prosidyural.

Batay sa mga iba’t ibang halimbawa ng teksto nakita mo ang mga


pagkakaiba ng akda batay sa mga tiyak na katangian at kalikasan ng mga
halimbawa na iyong binasa.

Pagyamanin

15
Malugod akong natutuwa sa dahil inaral mong mabuti ang iyong aralin, ngayon
naman ay aalamin natin ang lebel ng natamo mong kaalaman batay sa pagsagot sa
mga tanong sa ibaba.

Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga katanungang inilaan
para rito. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Gawain 1

Teksto # 1

Orange, Panlaban sa Sakit


Ni Armando T. Javier
(Liwayway Magasin, 2004)

Malimit nating marinig ang kasabihang “An apple a day keeps doctor
away”. At marami ng nasulat na artikulo ukol sa katotohanan ng mga nutrient
na nakukuha mula sa mansanas. Ngunit may isa ring prutas na simbisa ng
mansanas sa panlaban sa mga sakit—ang kahel o orange.

Mayaman sa mga phytochemicals, at antioxidant, sinasabing ang orange


ay makapipigil sa mga tinatawag na chronic illness tulad ng sakit sa puso at
ilang uri ng kanser.

Ayon sa mga pag-aaral sa Australia, ang pagkain ng orange kada araw


bilang pandagdag sa pagkain ng lima pang prutas at gulay ay maaaring pumigil
sa pagkakaroon ng kanser sa lalamunan, bituka at larynx. Ang pagkain ng
orange ay makapipigil sa banta ng mga nabanggit na uri ng kanser hanggang
sa limampung porsiyento. Sinasabi ng mga researcher na ang benepisyong ito
ay nagmumula sa 170 phytochemicals at 60 flavonoids ng orange na
nagtataglay naman ng mga katangiang anti-blood clot, anti-inflammatory at anti-
tumor.

Sa pag-aaral nman ng Cleveland Clinic sa Ohio, napatunayan nilang


nakapagpapababa ng presyon ng dugo ang pag-inom ng dalawang eight ounces
na baso ng orange juice araw-araw. Bumababa di umano ang systolic blood
pressure ng halos 7 porsiyento habang ang diastolic blood pressure naman ay
4.6 porsiyento. Dahilan daw ito sa potassium na matatagpuan sa orange juice.

Sa Arizona Cancer Center sa Tucson, natuklasang mabuti ring panlaban


sa pinsala sa balat ang katas ng orange. Ang sangkap nitong perillyl alcohol ay
sinasabing pumipigil sa cancerous lesion na lumalaki sa pag-aalis ng mga
kanser causing chemicals sa balat. Ipinapahid sa balat ang katas ng orange
upang makamtan ang bisa nito. Inaasahan ng mga eksperto na makadedebelop
ng mga sunscreen products na nagtataglay ng orange extracts sa hinaharap.

16
Kaya sa susunod na pagkain natin ng orange o pag-inom ng orange juice,
alalahanin nating hindi lamang ito isang masarap na prutas o malamig na
inumin kundi isang ring panlaban sa sakit.

Sa pamamagitan ng mga salitang nakasulat sa Graphic Organizer sa ibaba,


Tukuyin kung anong uri ng teksto ang ginamit sa akda. Mga salitang ginamit rito
na magpapakilala sa uri ng teksto at ang katangian na magpapatunay sa uri ng
tekstong kinabibilangan.
Uri ng Teksto
____________

Katangian ng Teksto
_____________

Mga Salitang Mga Salitang Mga Salitang Mga Salitang Mga Salitang
Ginamit sa Teksto Ginamit sa Teksto Ginamit sa Teksto Ginamit sa Teksto Ginamit sa Teksto
__________ __________ __________ __________ __________

Gawain 2

Teksto # 2
Abakadang Agahan
ni: Sylvia D. Gatus

ABA napasarap gumising ng may malaking ngiti sa umaga

KADA titilaok ang matikas na tandang ako’y sumisigla

E GAhanip man ang higaan katabi ko naman si Ina

HAI'y masarap na gulay dagdag pampagana

LAMAng ang mainit na gatas sa mataas na tasa,

NANANG tara halika ng kumain sa mahabang mesa

Oh napakasarap ng pagkaing inihain niya

PARA SA bawat miyembro ng ating pamilya

TAU'y masasarapan sa kakaibang timpla

W Ala ng makatatalo sa husay ng mapagmahal naming Ina

YAkap at matunog na halik dagdag sa agahang masagana.

17
Anong uri ng teksto ang iyong binasa? Patunayan ang sagot sa
pamamagitan ng mga patunay na magpapakita ng katangian ng teksto maging ang
mga halimbawang salita na ginamit sa akda. Gamitin ang mga salitang nakasulat
sa Graphic Organizer sa pagtatala ng iyong sagot.

Uri ng Teksto
___________

Mga Salitang Mga Salitang Mga Salitang Mga Salitang Mga Salitang
Ginamit sa Teksto Ginamit sa Teksto Ginamit sa Teksto Ginamit sa Teksto Ginamit sa Teksto
__________ __________ __________ __________ __________

Katangiang magpapatunay sa
Teksto

Gawain 3

Teksto # 3

Ma. Fe at Apollo, sa Bayan ng Orani


ni: Sylvia D. Gatus

Sa Bayan ng Orani naninirahan ang magkasintahang sina Ma. Fe at


Apollo. Si Ma. Fe ay anak ng matapobreng sina Donya Calero at Don Tenejero,
Si Apollo naman ay ulila na sa magulang tanging si Tandang Tapulao at Inang
Puksuan na lamang ang nag-aaruga sa kanya.
Si Ma. Fe ay mula sa angkan ng mayayaman samantalang si Apollo ay
isang hamak na magba-Balot at enkargado sa palengke . Pacarga ng pinamili
kahit gaano kabigat ay kanyang papasanin pandagdag sa maliit niyang
kinikita, ngunit hindi ito naging hadlang upang mahalin siya ni Ma. Fe
Sa baybayin ng Pantalan Luma unang nagkakilala ang magkasintahan
na ngayon ay kilala na sa tawag na Pantalang Bago dahil sa mabilis na pag-
unlad ng nasabing lugar. Naging Centro 1 at Centro 2 ng buhay nila ang isa’t
isa. Ang malawak na Kaparangan at maningning na kislap ng Tala ang tanging
saksi sa kanilang lihim na pag-iibigan dahil sa matinding takot ni Ma. Fe na
malaman ito ng kanyang mga magulang.

18
Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag, ang lahat ng tamis ng
kanilang pagmamahalan ay naglaho ng ang Palihan ng tauhan ng ama ni Ma.
Fe ay bumaon sa matipunong katawan ni Apollo. Parang... Parang katapusan
na ng mundo sa kanya, bumagsak ang lahat ng kanilang pangarap. Ang
mataas na Tugatog ng kanilang relasyon ay unti-unting kinaKabalutan ng
matinding pag-aalala. Puso ang nasugatan kay Apollo, ramdam niya kung
paano siya kinaWawa ng magulang ng kanyang kasintahan, Magkagayunman
hindi nawalan ng Pag-asa ang binata.
Lumayo siya at naging Talimundoc o taong itinali ang sarili sa bundok.
Dito siya nagtanim ng mga bungang kahoy kaya naging Masantol, mamangga,
marambutan at malansones ang lupang kaniyang pinagyayaman. Ngunit ang
matandang puno ng Mulawin ang nakapagpabago sa buhay niya, dahil ng
itumba ito ng isang malakas na hangin ay tumambad kay Apollo ang maraming
ginto na nasa ilalim ng mga ugat nito.
Sibul ng Pag-asa ang bumuhay sa pagkatao ni Apollo. Unti-unting
nagbago ang antas ng kanyang pamumuhay, Ang tugatog ng Tagumpay ay
hindi naging mailap sa kanya.
Ngunit hindi kayamanan ang nais niya sa buhay kundi si Ma. Fe,
binalikan niya ang dalaga na patuloy na naghihintay at nagmamahal sa kanya.
Malaking pagsisisi naman ang naramdaman ng mga magulang ng dalaga, alam
nila ngayon na sa piling ni Apollo isang maliwanag na Silahis ang salubungin
ng kanilang anak sa bawat araw na darating na hindi nila nakita rito ng
mawala si Apollo.
Isang Bagong Paraiso naman ang muling pagsasaluhan nina Ma. Fe at
Apollo.

(Ang mga salitang ginamit sa akda ay hango sa 29 na barangay ng bayan ng


Orani, Bataan)

Tukuyin kung anong uri ito ng teksto? Patunayan sa pamamagitan ng


mga halimbawang salita na ginamit sa akda at pagbibigay katangian o
kahalagahan ng tekstong iyong binasa. Gamitin ang Graphic Organizer at
isulat mo ang iyong sagot hinggil sa mga salitang nakasulat dito.

Katangian ng Teksto
___________

19
Gawain 4

Teksto # 4

“Paano maka-Move-0ut, Move-On at Move-Up sa Achy Breaky Heart”


ni:Sylvia D. Gatus

Bawat tao ay dumaranas ng pagkabigo dahil hindi lahat ng mga


kagustuhan natin ay nangyayari. May mga pagkakataon na nasasaktan tayo at
ang mga sakit na iyon ang mga pangunahing dahilan kung bakit tayo
nawawalan ng pag-asa. Ang pinakamasakit na pwedeng mangyari sa tao ay ang
pagkawalay sa taong ginagawa mong kahati ng buhay mo, Paano nga ba
kumawala at muling bumangon buhat sa sirang relasyon? Narito ang mga
hakbang na makatutulong sa iyo.

1. Kumawala sa ala-ala ng kahapon


Gumising ka, Huwag kang mabuhay sa alaala kailangan mong tanggapin
na hindi na kayo para sa isa’t isa. Isipin mo ang mga dahilan na
nagbigay sa iyo ng sakit sa panahong naging kayo upang makalimutan
mo siya. Move-Out.

2. Huwag padala sa problema.


Lagi mong tandaan na hindi lang ikaw ang nasaktan. Actually
napakarami. Kung sila nga nakayanan ang sakit ikaw pa kaya. Hello….
Mayroon kang kaibigan at pamilya na nagmamahal sayo. At maraming
puwedeng ipalit sa mga walang kuwentang tao na humiwa ng damdamin
mo. Bigyan ng pagkakataon ang sarili na maglibang. Magpatuloy ka.
Move On

3. Maging positibo sa buhay


Lahat ng sugat ay naghihilom. Huwag kang padala sa sarili mong
emosyon. Gamitin ang sakit na naramdaman upang mas lalong tumibay
sa katok ng mga problema. Maging bukas ang isip at puso dahil walang
ibang makatutulong sayo kundi ang sarili mo. Ikaw ang master ng buhay
mo ang sakit ay nasa isip lang huwag padaig dito. Iangat ang sarili
gamitin ang pagkabigo sa pag-ibig upang makapagpokus sa ibang bagay
na maghahatid ng pag-unlad sa iyo. Move Up.

20
Sa Anong uri ng teksto nabibilang ang teksto # 4? Patunayan sa
pamamagitan ng kahalagahan o katangian ng uri ng teksto. Itala ang mga salitang
ginamit sa teksto na magpapakilala sa uri nito. Ibigay ang sagot gamit ang mga
salitang nakatala sa format.

Uri ng Teksto

Katangian ng Teksto

Mga halimbawang salita na ginamit sa Teksto

Mga halimbawang salita na ginamit sa Teksto

Mga halimbawang salita na ginamit sa Teksto

Teksto # 5
Bayabano Tea
Ni: Sylvia D. Gatus
Tsaa na walang kaparis Bayabano Tea sigurado ikaw ay masisiyahan dahil
napakalakas makaginhawa ng pakiramdam. Ito ay nakatutulong din upang
tunawin ang ibang kolesterol sa katawan dulot ng matatabang pagkain. Ano
pa ang hinihintay mo. Tikman ang sarap na dulot ng tsaa na ito.
Nakagaganda na, nakase -seksi pa.

Gawain 5

21
Tukuyin ang uri ng tekstong ginamit sa pahayag at ibigay ang mga
halimbawang salita na magpapakilala rito maging ang pagpapatunay ng
katangiang o kahalagahang taglay ng teksto. Gamit ang mga salitang nakasul at sa
Graphic Organizer, Ibigay ang iyong kasagutan.

Mga halimabawang
salita na ginamit sa
Uri ng Teksto Katangian ng Teksto Teksto

_____________ _____________ _____________

_____________

_____________

Gawain 6

Teksto # 6

Walang uri ng pamahalaan ang hindi binabatikos at wala rin naming


uri ng pamahalaan ang tinatangkilik ng lahat. Ngunit sa pagkakataon ito,
sana’y yakapin natin ang pagsulong sa konsepto ng Federalismo sa ating
bansa. Marami itong kahinaan subalit higit na marami itong kabutihang
maidudulot upang ang sambayanang Pilipino ay umunlad. Baguhin natin ang
bulok na sistema. Sa kabilang banda, walang sistemang mababago kung ang
mismong mamamayan ay hindi yayakapin ang tunay na pagbabago. Lagi nating
isaisip ang pahayag ng dating pangulo ng Amerika na si John F. Kennedy,
“Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para saiyo bagkus
kung ano ang nagawa mo para sa bansa mo.” Ikaw, ano nga ba ang magiging
papel mo sa inihahaing Federalismo”
Katha ni: Pablo Albino, isang guro sa DepEd

Sa pamamagitan ng mga salitang nakasulat sa Graphic Organizer sa ibaba,


Tukuyin kung anong uri ng teksto ang ginamit sa akda. Mga salitang ginamit dito
na magpapakilala sa uri ng teksto at ang katangian o kahalagahan na
magpapatunay sa uri ng teksto.

Mga
halimabawang
salita na
Katangian ng ginamit sa
Uri ng Teksto
Teksto Teksto
_____________
_____________ _____________

_____________

_____________

22
Isaisip

Binabati kita at natapos mo ang iyong mga gawain, ngayon naman ay


dadako tayo sa bahaging susukat ng mga kaalamang nakuha mo mula sa ating
aralin.

Panuto: Punan ang sumusunod gamit ang Know, What to Know at Learn
(KWL) na tsart para malaman ang inyong alam, nais malaman at natutunan sa
Iba’t ibang Uri ng Teksto. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Iba’t ibang uri ng Teksto

Alam Nais Malaman Natutuhan

B. Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag.

Mahalagang matutuhan ang tamang paraan ng paggawa iba’t ibang uri ng teksto
dahil_____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

23
Isagawa

Ganap na ang iyong kahusayan sa aralin ngayon naman ay aalamin natin ang
iyong kahusayan bilang manunulat ng isang akda.

Panuto: Sa pagkakataong ito, mas higit nating palalawakin ang iyong kaisipan sa
pamamagitan ng pagsulat ng isang uri ng tekstong iyong mapipili.

Gamit ang kaalamang iyong natutunan, magsaliksik hinggil sa problemang


kinakaharap ng ating bansa, Matapos makapagsaliksik, pumili ng isang uri ng
teksto sa ibaba na iyong isusulat.

a. Naratibo
b. Prosidyural
c. Deskriptibo
d. Persweysibo
e. Impormatibo
f. Argumentatibo

Narito ang mga pamantayan sa Pagmamarka

10 8 6 4

Ang
Nilalaman ng Mahusay na Mahusay- Medyo
katangian at
teksto naipakita ang husay na mahusay na
kalikasan ng
katangian at naipakita ang naipakita ang
teksto ay
kalikasan ng katangian at katangian at
napakahusay
teksto. kalikasan ng kalikasan ng
na naipakita.
teksto. teksto.

Pagkamalikh Napakamalik Malikhain at Medyo Kinakitaan


ain hain at kaiga- maayos ang malikhain ng konting
igaya ang pagkakasulat ang pagiging
pagkakasulat ng akda pagkakasulat malikhain sa
ng akda ng akda. pagsulat ng
akda.

24
Kaangkupan May May Medyo may May malaki-
napalaking malaking kaugnayan sa laking
kaugnayan sa kaugnayan sa paksa at kaugnayan sa
paksa at paksa at katangian paksa at
katangian katangian nito. katangian
nito nito. nito.

Kalinisan Malinis na Malinis ang Malinis-linis Medyo


malinis ang pagkakabuo ang malinis ang
pagkakabuo at pagkakabuo pagkakabuo
pagkakasulat pagkakasulat at at
pagkakasulat pagkakasulat
.

Tayahin

Napakahusay ng iyong ginawang sulatin, ngayon naman ay dadako tayo sa isang


maikling pagsusulit mula sa mga araling ating pinag-aralan.

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa hiwalay na papel.

a. Naratibo d. Persweysibo
b. Prosidyural e. Impormatino
c. Deskriptibo f. Argumentatibo

1. Isang uri ng tekstong naglalarawan


2 Isang uri ng tekstong hindi piksyon
3. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon
4. Nakahihikayat dahil sa merito ng mga ebidensya.
5.. Layunin nitong manghikayat sa babasa ng teksto.
6. Isang uri ng tekstong nagsasalaysay ng mga pangyayari.
7. Layunin nitong ihatid ang wastong hakbang ng paggawa.
8. Layuning makapagbigay ng saya na inilalahad ng pasalaysay.
9. Inilalahad ang mga se rye o mga hakbang sa pagbuo ng gawain.
10. Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat.

25
11. Ang mga tiyak na halimbawa ay maikling kuwento, nobela, alamat at
mitolohiya.
12. Nakahihikayat sa pamamagitan ng pagpukaw ng emosyon ng mga mambabasa
tulad ng patalastas.
13. Tekstong maihahalintulad sa larawang ipininta o iginuhit na mailalarawan din
gamit ang mga salita.
14. Ito ay hindi nakabase sa mga opinyon kundi sa katotohanan na
sinosoportahan ng mga tiyak na datos.
15. Obhetibo ang tono ng ganitong teksto upang makapagbigay ng kat uwiran,
argumento at ebidensiya

Karagdagang Gawain

Lubhang napakahusay mo na sa pagkilala ng iba't ibang uri


ng teksto, higit pa natin palalimin ang iyong kaalaman sa
pagsagot sa Gawaing nasa ibaba.

Panuto : Balikan ang bahaging Suriin na nasa ika-pitong pahina ng modyul na ito.
Balikan ang mga halimbawang teksto mula Teksto #1 hanggang teksto # 6 upang
masagot ang talahanayan sa ibaba. Lagyan ng angkop na kasagutan ang
talahanayan. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Pamagat ng Teksto Uri ng Teksto Mga Patunay Paliwanag

1.Update ng Covid-19

2. Facebook Account

3.Kulay ng
Pagmamahal

4. “I don’t Care, Who


Cares”

5. Kangkunis Soap

B. Bilang mag-aaral, Paano makatutulong ang paglikha ng iba’t ibang uri ng teksto
sa mataas na pagkilala sa ating mga akdang pampanitikan?

26
__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

C. Sa mga tekstong nabasa mo sa kabuuan ng modyul na ito, Ano ang


pinakanaibigan mo? Bakit?

__________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

Susi sa Pagwawasto

27
sa mag-aaral.
Ang sagot ay batay

Gawain:
Karagdagang
Pagyamanin:

Gawain 1: 15. f
14. f
a. Impormatibo batay sa mag-aaral
d 15. 13. c
a/b/c Ang sagot ay
c 14. b/c Ang sagot ay 12. d
b 13. batay sa mag-aaral. Gawain 6 11. a
d 12. 10. c
d 11. Gawain 2: batay sa mag-aaral 9. b
b/c Ang sagot ay 8. a
d 10.
a. Deskriptibo 7. b
c 9. a. Persweysibo 6. a
b 8. b/c Ang sagot ay
5. d
b 7. batay sa mag-aaral. Gawain 5
e 6. 4. f
a 5. Gawain 3: batay sa mag-aaral 3. e
c 4. b/c Ang sagot ay 2. e
a. Naratibo 1. a
d 3.
a.Prosidyural
f 2. b/c Ang sagot ay
a 1. batay sa mag-aaral Gawain 4
Tayahin:
Subukin: Pagyamanin:

Isaisip:

Ang sagot ay batay sa mag-


aaral

Isagawa:

Ang sagot ay batay sa mag-


aaral

Sanggunian

Alcaraz, C. V., Jocson, M. O., at Villafuerte, P. V., (2005) Filipino 2 Pagbasa at


Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: LORIMAR Publishing Co., Inc.

28
DepEd (2016). K to 12 Curriculum Guide. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa PAnanaliksik

De Laza, C. S., (2016) Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik. Caloocan City: REX Book Store.

Javier, A. T., (2004) Orange, Panlaban sa Sakit. Liwayway Magasin.

REAL-TIME DATA OF COVID-19 IN BATAAN, Provincial Government of Bataan, Na-


access 24 January 2020, https://datastudio.google.com/s/vsS5vdEmMoM

29
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like