Professional Documents
Culture Documents
1
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Kahulugan,Katangian at Kalikasan ng Iba’t
Ibang Teksto
Unang Edisyon, 2020
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
2
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik
11
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatutuo
Kahulugan, Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang
Teksto
Manunulat: Jerwin G. Villa, PhD
Editor: Vida Bianca M. Laus / Tagasuri: Eva J. Ompoc. EdD
3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik (Baitang 11) Modyul 3 para sa araling Kahulugan,Katangian at
Kalikasan ng Iba’t Ibang Teksto
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
4
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
5
MGA INAASAHAN
Matapos na maunawaan ang modyul, ikaw ay inaasahang:
A. nakikilala ang kahulugan,katangian at kalikasan ng iba’t ibang teksto;
B. natutukoy ang mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng
teksto; at
C. napahahalagahan ang mga susing salita sa pagsusuri ng iba’t ibang uri
ng teksto;
PAUNANG PAGSUBOK
Hanay A Hanay B
1.Impormatibo A. Pagkakasunud-sunod na direksiyon
at impormasyon.
2.Deskriptibo B. Pangongolekta at ebalwasyon ng mga
ebidensiya.
3.Persuweysib C. Pagpapaliwanag at pagbibigay ng ng
mga impormasyon.
4.Naratibo D. Paglalarawan ng isang bagay, tao,
karanasan, sitwasyon at iba pa.
5.Argumentatibo E. Pangungumbinsi sa mga mambabasa
na sumang-ayon sa manunulat hinggil
sa isang isyu.
6.Prosidyural F. Pagsasalaysay o pagkukuwento sa isang
tiyak na pangyayari, totoo man o hindi.
BALIK-ARAL
Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga katangian sa mga kasanayan
sa mapanuring pagbasa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
6
3. Pagkatapos magbasa, malalim na inuunawa at inaalala sa teksto ang
pagbuo ng sintesis at ebalwasyon.
4. Sinisimulan ang pagsisiyasat ng tekstong babasahin pagkatapos
magbasa.
5. Habang nagbabasa at nagkakaroon ng pagsusuri nang panlabas na
katangian ng teksto ay mahalaga upang malaman ang estratehiya sa
pagbasa batay sa uri ng genre ng teksto o kung kinakailangan ba ito
ayon sa itinakdang layunin ng pagbasa
ARALIN
Kahulugan, Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Teksto
Ayon sa aklat nina Sicat et.al (2016), sa pagsusuri, may mga iba’t
ibang uri ng teksto na dapat nating kilalanin. Ito ay mga sumusunod:
Halimbawa:
1. Dahil sa kagandahan ng Pilipinas, lumilitaw ang pag-usbong ng turismo
sa bansa. Dumarami ang mga turistang bumibisita sa rito.
2. Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang
saligan upang mabago ang takbo ng buhay ng isang tao bilang bahagi ng
7
lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas
na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na
natutuhan sa paaralan.
Halimbawa:
1. Kumakatawan sa Mutya ng Pasig ang mga kababaihan, ang idealismo ng
pagkaperpekto sa lahat ng aspeto na ehemplo ng katapatan, tapat na
kalooban at kagandahan ng Lungsod ng Pasig.
2. Ang katawan ng tubig ng Ilog Pasig sa magkabilang panig ng babae ay
mungkahi na nagkokonekta sa dalawang anyong tubig, Lawa ng
Laguna at Manila Bay na magkaparehong inilalarawan sa pamamagitan
ng alon.
Argumentatibo ay isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol
ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang
mga ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literatura
at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na
pananaliksik.
Nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ng masusing
imbestigasyon kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga
ebidensiya. Mula rito ay paninindigan ang isang posisyon na isusulat sa
maikli ngunit malaman na paraan. Sa pamamagitan ng detalyadong pag-
aaral sa paksa o isyu, mas nauunawaan ang iba’t ibang pananaw o punto
de bista at nakapipili ang mananaliksik ng posisyong may matibay na
ebidensiya.
Halimbawa:
1. Dahil sa kagandahan ng Pilipinas, lumilitaw ang pag-usbong ng turismo
sa bansa. Dumarami ang mga turistang bumibisita sa rito.
2. Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang
saligan upang mabago ang takbo ng buhay ng isang tao bilang bahagi ng
8
lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas
na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na
natutunan sa paaralan.
Halimbawa:
Pagsasaing
1. Magtakal ng bigas at ilagay sa kaldero ayon sa tamang dami.
2. Hugasan ang bigas ng dalawang ulit.
3. Isalang sa kalan ang kaldero at hintaying maluto.
4. Ihain habang mainit.
Halimbawa:
Ang mga tekstong pinamagatang “Talambuhay ni Rizal” at “Ang Alamat
ng Lanzones”
9
Persuweysib. Ito ay isang uri ng di-piksiyon na pasulat upang
kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil
sa isang isyu. Ang manunulat ay naglalahad ng iba’t ibang impormasyon at
katotohanan upang suportahan ang isang opinyon gamit ang
argumentatibong estilo ng pagsulat.
Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat magpahayag ng mga personal na
at walang batayang opinyon ang isang manunulat. Sa halip ay gumagamit
ang manunulat ng mga patunay mula sa batayang ito upang mapaniwala
ang mga mambabasa sa talas at katumpakan ng panghihikayat ng
manunulat.
Halimbawa:
1. Patalastas sa radyo at telebisyon
2. Talumpati ng mga kandidato tuwing nangangampanya bago ang
eleksyon.
PAGSASANAY
10
B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga salitang kukumpleto sa
sumusunod na pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.
A. angkop B. magpaliwanag C. pag-unawa
D. imbestigasyon E. ebidensiya
11
PAGLALAHAT
Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang mga kaisipan. Isaalang-alang
ang mga pamantayan sa ibaba at isulat ang sagot sa sagutang papel.
PAGPAPAHALAGA
Panuto: Punan ang sumusunod na patlang upang mabuo ang kaisipan.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Sa pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto, mahalaga na _________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Sapagkat sa araling ito, nadama ko na ____________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Napagtanto ko na magagamit ko ito sa aking pang-araw-araw na pagbabasa
dahil______________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
12
Pamantayan Puntos Iskor
1. Malinaw ang mga kaisipan 30%
2. Masining ang pagkakabuo ng talata 20%
3. Makatotohan at mapanghamong kaisipan 30%
4. Mahusay ang paggamit ng wika at angkop ang 20%
tono ng pananalita
Kabuuan 100%
PANAPOS NA PAGSUSULIT
I. Panuto: Punan ang mga patlang upang mabuo ang diwa nito. Piliin sa
kahon ang mga sagot at isulat ang titik sa sagutang papel.
A. magpaliwanag B. manlibang
C. imbestigasyon D. eksposisyon
E. personal F. Persweysib
G. Prosidyural H. Argumentatibo
I. Impormatibo J. Deskriptibo
13
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Aklat:
Sicat-De Laza C., Batnag A.,2016 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
tungo sa Pananaliksik Quezon City: Rex Printing Company, Inc.
Hanguang Elektroniko:
https://gade.wordpress.com/tag/maikling-sanaysay/
14