You are on page 1of 16

Pagbasa at Pagsusuri sa

Iba’t Ibang Teksto Tungo


sa Pananaliksik
Ikalawang Semestre
Sariling Linangan Kit 6:
Mga Katangian ng Maayos na
Teksto
Filipino – Ikaapat na Baitang
Unang Markahan – Modyul 6: Mga Katangian ng Maayos na Teksto
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Bumubuo sa Pagsusulat ng Sariling Linangan Kit

Manunulat: Leilani C. Avila


Editor: -
Tagasuri: Rene P. Sultan/ Phelma O. Camacho
Tagaguhit: Hareld Candari
Tagalapat: -
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Jinky B. Firman
Marilyn V. Deduyo
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Rene P. Sultan
May Ann M. Jumuad

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Davao City


Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Ave., Davao City
Telefax: 224-3274
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph
Pagbasa at Pagsusuri sa
Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Ikalawang Semestre
Sariling Linangan Kit 6:
Mga Katangian ng Maayos na
Teksto
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang Sariling Linangan Kit
na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa SLK.
Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangin Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
Sariling Linangan Kit:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring
sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.
Kung mayroon kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang
gawain, huwag mag-atubiling sumangguni sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga
kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Isang paniniwala na sisira sa pagkakataong makasulat ng isang


magandang teksto ay ang paniniwalang ang pagsulat ay likas na biyaya at
hindi natutunan lamang (Bernales, et al., 2012).
Sapagkat ang katotohanan ay ito, ang pagsulat ay isang kasanayan na
maihahalintulad sa pagmamaneho, pagtuturo, pagluluro at marami pang
ibang gawaing natutuhanan. Maraming mga taong nahihirapan sa matindi at
mabilisang pag-iisip na hinihingi ng pagsulat.
Ang pagsulat ay mahalaga sa pakikipag-ugnayan. Ano man ang iyong
katayuan sa buhay. Isa itong mahalagang kasanayan kaya nga hindi
mapasusubalian ang halaga nito sa paaralan at hindi ito isang opsyon
lamang.
Binigyang diin nina Bernales, et al. (2012) na sa pagsulat naipapasa ng
isang tao ang kaniyang ideya at mga pananaw sa mga pahayag na kaniyang
binubuo habang nagsusulat.
Sa SLK na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

1. Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag:


a. Kalinawan
b. Kaugnayan
c. Bisa
sa reaksyong papel na isinulat. F11PU – IIIfg – 90

Subukin Natin
Panimulang Pagtataya: Tukuyin kung ang pahayag ay tama o mali. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang kaayusan ng mga ideya ay kinakailangan upang madaling


maunawaan ang isang teksto.
2. Hindi lamang iisa ang pokus ng buong nilalaman ng teksto.
3. Bukod sa pagkakaugnay ng mga ideya, kinakailangan din na
magkaroon ang kaugnayan ang mga pangungusap sa isang teksto.
4. Nanatiling may bisa ang teksto kahit isinasantabi ang kabuluhan nito.
5. Masasabing may kalinawan ang isang teksto kung nauunawaan ng
mga mambabasa ang nais na ipahayag ng isang manunulat.

1
Aralin Natin

Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumigil na rin siya sa pag-
iisip. Ito ay isang mapapanigang pananaw sa pag-unlad ng isang tao, hindi
lamang upang matugunan ang mga pangangailangang personal kung hindi
higit lalo na sa propesyunal na larangan. Sapagkat, dahil sa pagsulat
nagagawa ng tao na maitala ang lahat ng karunungan at kaalaman, batay
sa kaniyang mga karanasan at maging sa kaniyang mga kaalamang pang-
edukasyon (Bernales, et al., 2009).
Subalit, hindi madali ang pagsulat. Ito ay hindi basta-bastang
natutunan ng tao, dagdag nina Bernales, et al. (2009). Kinakailangan
dumaan ang sinomang nagtatangkang sumulat sa pagsasanay sa pagpili
ng paksa, organisasyon ng diwa, gramatika at lohika ng presentasyon ng
anomang paksang nais niyang talakayin hanggang humantong siya sa
ganap na pagkatuto at may kabihasaan sa gawain ng pagsulat. Binanggit
nina Atanacio, et al. (2016) na ang pagsulat ay nangangailangan ng tiyaga
dahil sa ito ay tila walang katapusang proseso sa layuning makalikha ng
maayos na sulatin.
Ayon kay Atanacio, et al. (2016) ilan sa dapat na mabatid ng isang
manunulat ay kung paano makapagsulat ng isang maayos na teksto upang
tapat na maipahayag nito ang anomang nasa kanyang isipan alinsunod sa
layuning makasulat at makalikha ng mainam na papel, o isang sulating
nagtataglay ng kaisahan, kaugnayan, kalinawan at bisa na tumutukoy sa
mga katangian ng maayos na teksto.

Mga Katangian ng Maayos na Teksto

Kaisahan. Ito ang katangian ng teksto na tumutukoy sa taglay nitong iisang


tuon lamang sa buong nilalaman ng teksto. Nangangahulugan itong lahat
ng pantulong na kaisipan ay nakatuon lamang sa pangunahing kaisipan ng
talata o tesis ng isang teksto.

Kaugnayan. Tumutukoy ito sa pagkakaugnay ng lahat ng kaisipang


nailahad sa isang teksto. Ito ay tumutulong sa mga mambabasa na mabatid
ang koneksiyon ng mga kaisipan na inihahayag na nagbubunga sa
madaling pagkaunawa sa nilalaman ng teksto. Ang kaugnayan ay ang
pagkakaroon ng maayos na pagkasunod-sunod ng bawat kaisipan.
Kabilang dito ang kaayusan na humahantong sa madaling pag-unawa ng
mga kaisipan kung ito ay binalangkas.

2
Maliban sa pagkakaugnay ng mga kaisipan, lubhang mahalaga rin na ang
mga pangungusap sa teksto ay magkakaugnay sa pamamagitan ng
paggamit ng mga pananda. Ang mga panandang ito ay nakakatulong upang
maging mas mabilis ang pagbabasa ng teksto dahil sa maayos na
transisyon kung saan nagiging mas madali nang maintindihan ang
pagkakaugnay ng bawat kaisipang ipinahayag sa pangungusap.

Kalinawan. Mababatid ito kapag naunawaan ng mga mambabasa ang nais


ipahayag ng manunulat. Nagagawa ito sa pamamagitan ng mga pantulong
na kaisipan na nagbibigay diin sa paksa at tunguhin ng nagsulat.

Bisa. Ang bisa ng isang teksto ay nakasalalay sa malinaw na paglalahad ng


layunin sa panimula. Nasusukat dito ang kabuluhan ng bawat kaisipan,
ang epekto na nagagawa ng teksto at iba pa.

Gawin Natin
Tukuyin kung anong katangian ng maayos na teksto ang ililalahad sa
pahayag. Isulat ang titik ng napiling sagot sa iyong sagutang papel.
a. Kaisahan
b. Kaugnayan
c. Kalinawan
d. Bisa
e. Wala sa nabanggit

1. Ang katangiang ito ng teksto ay naisasagawa sa pamamagitan ng mga


pantulong na kaisipan.
2. Bagaman at taglay ng isang tekto ang maraming pantulong na
kaisipan, ang teksto ay dapat na manatiling may tuon sa paksa at
layunin sa buong sulatin.
3. Kapag nauunawaan ng mga mambabasa ang nais ipahayag ng
manunulat, taglay ng teksto ang katangiang ito.
4. Kailangang maging malinaw ang paghahayag ng layunin sa panimula
upang taglayin ng teksto ang katangian ito.
5. Ito ay kailangang makita sa pagsasaayos ng mga pangungusap upang
madaling maunawaan kung ito ay binalangkas.

3
Sanayin Natin
Basahin ang teksto sa ibaba. Ilahad ang iyong pananaw sa kalinawaan,
kaugnayan, kaisahan at bisa ng teksto.

Maghugas ng Iyong mga Kamay

Dahil ang COVID-19 ay hindi pa kailanman nakita sa mga tao noon,


wala pang kasalukuyang bakuna o mga gamot upang maiwasan o gamutin
ang COVID-19 na inaprubahan ng Administrasyon ng Pagkain at Gamot ng
Estados Unidos. Ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang sakit
ay iwasan ang pagkalantad (o paglantad sa iba) sa virus na ito.

Una, sanayin ang sarili na panatilihin ang kalinisan. Maghugas ng


iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig sa loob ng 20 segundo - lalo na
pagkatapos kung ikaw ay gumamit ng banyo, bago kumain, at
pagkatapos ng pag-ubo, pagbahing, o pagsinga. Alamin kung
paano maghugas ng iyong mga kamay upang maiwasan ang pagkalat ng
Corona Virus at iba pang mga karamdaman.

Kung walang sabon at tubig na magagamit, inirerekomenda


ng Centers for Disease Control and Prevention na gumamit ang sanitizer na
nakabatay sa alkohol na naglalaman ng hindi bababa sa 60% bahagdan na
ethanol (kilala rin bilang ethyl alkohol).

Patuloy na binabalaan ng FDA ang mga mamimili tungkol sa mga


hand sanitizer na naglalaman ng methanol, na tinatawag ding kahoy na
alkohol. Ang Methanol ay lubhang nakakalason at hindi dapat gamitin sa
hand sanitizer. Kung nasisipsip ng balat o nalulon, ang methanol ay
maaaring maging sanhi ng malubhang mga problema sa kalusugan, tulad
ng mga seizure at pagkabulag, o kaya naman ay pagkamatay

Bago ka bumili o gumamit ng hand sanitizer suriin ang listahang


ito upang makita kung ang hand sanitizer ay may posibilidad na mayroong
methanol. Karamihan sa mga hand sanitizer na natagpuan sa mga
pamilihan na naglalaman ng methanol ay hindi nakalista bilang isang
sangkap sa label (dahil hindi ito isang katanggap-tanggap na sangkap sa
produkto), kaya mahalagang suriin ang listahan ng FDA upang makita
kung kasama ang kumpanya o produkto.

4
Pinalawak din ng FDA ang listahan upang isama ang mga hand
sanitizer na naglalaman ng iba pang mga kontaminado at mga produkto na
may mas mababa sa kinakailangang halaga ng aktibong sangkap
upang maging epektibong gamitin sa paglaban sa virus.

Halaw mula sa sanaysay na


Tumulong Upang Mapahinto ang
Pagkalat ng Coronavirus at
Protektahan ang Iyong Pamilya

Kaisahan Kaugnayan Kalinawan Bisa

Tandaan Natin

Ang pagsulat ay hindi basta-bastang gawain (Bernales, et al., 2009)


sapagkat ito ay itinuturing na isang paulit-ulit na proseso na tila walang
katapusan (Atanacio, et al.,2016). Ito ay mahalaga sapagkat sa pamamagitan
ng pagsulat ay nagagawang maitatala ang lahat ng kaalaman at karungan
mula sa pinagdaanang karanasan at mga kaalamang pang-edukasyon.
Samantala, dumadaan naman sa pagsasanay ang isang tao upang mahasa
ang kasanayan nito sa gawaing pagsulat. May apat na katangian ang maayos
na teksto ayon kina Atanacio, et al (2016). Ito ang kaisahan, kaugnayan,
kalinawan at bisa.

5
Suriin Natin
A. Tukuyin kung ang pahayag ay tama o mali. Isulat ang iyong sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Masasabing may kalinawan ang isang teksto kung nauunawaan ng


mga mambabasa ang nais na ipahayag ng isang manunulat.
2. Ang kaayusan ng mga ideya ay kinakailangan upang madaling
maunawaan and isang teksto.
3. Nanatiling may bisa ang teksto kahit isinasantabi ang kabuluhan nito.
4. Bukod sa pagkakaugnay ng mga ideya, kinakailangan din na
magkaroon ang kaugnayan ang mga pangungusap sa isang teksto.
5. Hindi lamang iisa ang pokus ng buong nilalaman ng teksto.

B. Ipaliwanag ang kahalagahan ng maayos na paghahabi ng mga kaisipan


sa pagsulat ng isang teksto.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Payabungin Natin
Basahin ang teksto sa ibaba. Gamitin ang mga gabay na tanong upang
makasulat ng isang reaksiyong papel tungkol sa iyong binasa. Bigyang pansin
ang kaisahan, kaugnayan, kalinawan at bisa ng teksto. Isulat ito sa isang
malinis na papel.

1. Naging kawili-wili ba para sa akin ang sanaysay?


2. Ano-anong katanungan ang lumitaw dahil sa aking binasa?
3. Anong kaisipan o damdamin ang napukaw sa akin habang binabasa ko
ang sanaysay?
4. Paano ko maiuugnay sa aking sarili ang mga kaisipan o damdaming
ito?
5. Sumasang-ayon o nahikayat ba ako sa layunin ng binasang sanaysay?
6. May pagkakatulad o pagkakaiba ba ito sa iba ko ng nabasa, napanood,
napakinggan o naranasan?
7. Sinasalamin ba nito ang paksa o tema ng lipunan at mga kasalukuyang
pangyayari?

6
8. Masasabi ko bang taglay ng tekto ang mga katangian ng isang maayos
na teksto?

Aral ng COVID-19: Ang Kalusugan ay Kayamanan

May kasabihan na “Health is Wealth,” ang kalusugan ay isang


kayamanan paulit-ulit na natin itong naririnig. Hindi mo ma-e-enjoy ang
iyong kayamanan kung may problema ka sa kalusugan. Kung malusog ka,
kahit karaniwan lamang ang iyong kinikita ay para kang may napakalaking

ipon na kayamanan. Kahit mayaman ka, kung may malubha kang sakit,
maaaring maubos ang lahat ng iyong kayamanan sa pagpapagamot.

Ang isang aral na naituro sa atin ng pagkalat ng Corona Virus ay ang


kaugnayan ng kalusugan sa kayamanan o ekonomiya ng isang bansa. Dahil
sa Corona Virus, bagsak ang lahat ng ekonomiya sa buong daigdig, na
kahalintulad, kundi man mas malala pa, sa nangyaring pandaigdigang
krisis sa ekonomiya noong 2008. Ngayon ay bagsak ang turismo, ang stock
market, kakaunti ang tao sa mga malls, maraming bakante sa mga hotel,
kanselado ang maraming biyahe ng mga eroplano sa iba’t ibang bansa.

Dito sa atin, ibinaba na ng NEDA ang forecast nito sa paglago ng ating


ekonomiya, maraming negosyo ang pinangangambahang magsara, libo-
libong manggagawa ang tinatayang mawawalan ng trabaho, at sinasabing
maging ang remittances ng ating mga OFWs ay maaapektuhan. Lubhang
nakatatakot isipin ang maaaring ibungang kahirapan ng makabagong sakit
na ito.

Ang mga senador ay nananawagan na para sa mga ekstraordinaryong


hakbang upang mapigilan ang pagbagsak ng ating ekonomiya. Bukod sa
Corona Virus, kakaharapin din natin ang posibleng masamang ibubunga ng
pagkansela ni Presidente Duterte sa Visiting Forces Agreement, ang
pinsalang bunga ng African Swine Fever at ng pagsabog ng bulkang Taal,
at maging ang epekto ng Corporate Income Tax and Incentives
Rationalization Act (CITIRA).

Ngayon, laging binibigyang-pansin ang kahalagahan ng pagiging


malakas upang hindi kaagad maibagsak ng sakit at ang madalas na
paghuhugas ng kamay upang mapatay ang mga mikrobyo. Mahalaga ang
kalusugan. Mas mahalaga pa kaysa kayamanan. Kaya nakapagtataka na
may mga taong “pinapatay” ang katawan kumita lamang ng
pera. Naghahanapbuhay tayo para mabuhay at hindi para mamatay.

Pinatunayan ng COVID-19 na ang materyalismo ay hindi destinasyon


ng buhay. Hindi ito ang layunin ng buhay. Mas maraming mahalaga kaysa
kayamanan, tulad ng kalusugan. Napakaganda ng sinabi ni Hesus sa Lucas

7
12:15, “Sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang
kayamanan.”

Ang dami ng kayamanan ang karaniwang ginagawa nating sukatan


ng tagumpay ng isang tao. Ang kaunlarang pang-ekonomiya ang siya ring
karaniwang sukatan ng kaunlaran ng isang bansa. Pero ang sabi nga ni
Hesus, ang buhay ay wala sa dami ng kayamanan. Ang Corona Virus ay
nagsimula sa China na may higanteng eknomiya, sumunod sa Japan,
pagkatapos sa South Korea, pawang mayayamang mga bansa. Ngayon, ang
coronavirus ay nasa lahat na ng kontinente ng daigdig.

Napapanahon na pagtuunan ng tao at ng mga gobyerno ang


kalusugan bilang pangunahing pangangailangan ng buhay. Ang kalusugan
ang dapat maging numero unong sukatan ng tagumpay ng isang bansa.
Wika ni Mahatma Gandhi, “Ang kalusugan ang tunay na kayamanan, at
hindi piraso ng mga ginto at pilak.”

Kaya’t kung tutuusin, ang Department of Health ang dapat


tumanggap ng pinakamalaking pondo sa lahat ng ahensiya ng gobyerno, sa
halip na ang Department of Education at Department of Public Works and
Highways. Anong kuwenta ng diploma at tulay kung tayo’y mahina’t may
sakit?

Halaw mula sa USAP TAYO ni Pastor Joey Umali


(Pang-masa) March 14, 2020

Pamantayan ng Pagmamarka sa Pagsulat ng Reaksiyong Papel

Pamantayan Puntos Natamong


Puntos
Nailahad ng buong linaw ang mga puna
sa nabasang teksto. 5
Nagtataglay ng kaisahan at kaayusan ang
pahahahanay ng mga kaisipang 10
naglalaman ng mga puna sa teksto.
Nagpagtagni-tagni ang lahat ng kaisipan
o mga puna sa binasa ayon sa kaugnayan 5
nito sa isa’t isa.
Nakapagbigay ng makabuluhang
5
reaksiyon tungkol sa binasang teksto.
Kabuoan 25 pts.

Pagnilayan Natin

8
Alalahanin ang natalakay hinggil sa mga katangian ng maayos na teksto.
Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa pagbabakuna upang maging
ligtas sa COVID 19. Bigyang halaga ang kaisahan, kaugnayan, kalinawan at
bisa sa paghahabi ng mga kaisipan sa pagsulat ng sanaysay.

Pamantayan ng Pagmamarka sa Pagsulat ng Sanaysay

Pamantayan Puntos Natamong


Puntos
Kaisahan 5
Kaugnayan 5
Kalinawan 5
Bisa 5
Kabuoan 20 pts.

9
10
Suriin Gawin Natin Panimulang
1. c Pagtataya
1. Tama 2. a
2. Tama 3. c 1. Tama
3. Mali 4. d 2. Mali
4. Tama 5. b 3. Tama
5. Mali 4. Mali
5. Tama
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Bernales, Rolando A., et al, Maunawang Pagbasa at Akademikong


Pagsulat: Introduksyon sa Pananaliksik, 2009 Mutya Publishing House
Inc. 105 Engineering Road, Araneta University Village, Potrero,
Malabon City.

Bernales, Rolando A., et al, Pagbasa, at Pagsulat at Introduksyon sa


Pananaliksik. Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino 2, 2012 Mutya
Publishing House Inc. 105 Engineering Road, Araneta University
Village, Potrero, Malabon City.

Atanacio, Heidi C., et. al, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik, 2016 C & E Publishing, Inc. 839 EDSA South Triangle,
Quezon City.

Tumulong Upang Mapahinto ang Pagkalat ng Coronavirus at Protektahan ang


Iyong Pamilya, hinango noong Enero 4, 2021 mula sa
https://www.fda.gov/consumers/consumer-updates/tumulong-
upang-mapahinto-ang-pagkalat-ng-coronavirus-protektahan-ang-
iyong-pamilya

Umali, Joey Usap tayo (pangmasa) 2020, hinango noong Enero 4, 2021
mula sa https://www.philstar.com/pang-
masa/puntomo/2020/03/14/2000791/aral-ng-covid-19-ang-
kalusugan-aykayamanan
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like