You are on page 1of 7

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO SA PILING LARANG (Akademik)

SENIOR HIGH SCHOOL (SMILE 1)

Pangalan : ___________________________ Baitang/Pangkat: ____________

Guro: _______________________________ Petsa ng Pagpasa: ___________

I. SUSING KONSEPTO

Ang AKADEMIKONG PAGSULAT, ayon kay Karen Gocsik (2004), ay isang


uri ng pagsulat na ginagawa ng mga iskolar para sa mga iskolar. Madalas na ito
ay nakalaan sa mga paksa at tanong na pinag-uusapan at intertesante sa
akademikong komunidad at naglalahad ng mga importanteng argumento. Ito ay
isang masinop na at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan
na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa
ikatataguyod ng lipunan.

Karaniwang ang mga uri ng pagsulat ay nagkakaiba-iba sa paksa, anyo o


estruktura, layunin at maging sa antas ng kaalamang nais ipabatid sa target na
mambabasa. Natatangi sa mga ito ang akademikong pagsulat. Ang akademikong
pagsulat ay naglalayong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga
mambabasa.

Mga Katangian:

1. pormal at piling-piling paggamit ng pananalita,


2. pagiging obhetibo
3. may paninidigan
4. may pananagutan, at
5. may kalinawan

Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat (gaya ng maikling kuwento, tula,


dula at nobela) ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas
mahigpit na na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Layunin nitong magbigay ng
makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang. Layunin din nitong:

RO_ FPL: Akademik _Linggo 1

1
⮚ manghikayat sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga posibleng sagot o
dahilan at ebidensiyang maaari mong paniwalaan;

⮚ mag-analisa sa pamamagitan ng paliwanag at ebalwasyon gayundin


ng mga baryabol at ang kaugnayan nito, at panghuli;

⮚ magbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng pagpapalawak at


pagpapalalim sa kaalaman ng mambabasa.

Narito ang mga paraan kung paano ipinahahayag ang mga ideya sa akademikong
pagsulat:

1) Paglalahad (ekpositori) – kung ang teksto ay nagbibigay-linaw/nagpapaliwanag


hinggil sa proseso, isyu, konsepto, o anumang paksa na nararapat na alisan
ng pag- aalinlangan.

2) Paglalarawan (deskriptiv) – kung ang teksto ay bumubuo ng isang imahe sa


pamamagitan ng paglalantad ng mga katangian nito.

3) Pagsasalaysay (narativ) – kung ang teksto ay nagkukwento ng mga


magkakaugnay na pangyayari.

4) Pangangatwiran (argumentativ) – kung ang teksto ay may layuning manghikayat


at manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
patunay at ebidensiya.

II.KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

✔ Nabibigyan ko ng kahulugan ang akademikong pagsulat.

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


Gawain 1 - Akademik o Di- Akademik
Panuto: Basahin at unawain ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang kung
ito ay tumutugon sa mga katangiang taglay ng akademikong pagsulat at
kung hindi. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

1. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay-impormasyon, mag-


analisa at manghikayat.

2. Sa pagsulat ng akademikong sulatin hindi maaaring gumamit ng higit sa


RO_ FPL: Akademik _Linggo 1

2
Isa o kombinasyon ng mga paraan ng pagpapahayag sa iisang teksto.

3. Ang wikang ginagamit sa akademikong pagsulat ay karaniwang di-pormal


pagkat ito ay angkop na angkop sa mga mambabasa sa akademikong
institusyon.

4. Masusi ang proseso ng akademikong pagsulat pagkat ito ay nanganga-


ilangan ng pananaliksik ng mga paktuwal na datos na magagamit sa
paglalahad ng mga impormasyon at pag-aanalisa.

5. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksang interesante at


pinag-uusapan ng lahat ng tao sa kahit na anong antas at estado ng
lipunan.

Gawain 2 – Compare at Contrast

Panuto: Gamit ang Compare at Contrast, ipaliwanag/ ilarawan ang pares ng salita
sa ibaba. Maaring magsaliksik ng karagdagang kaalaman para sa ikalilinaw ng
paliwanag.

Gawain 3 - Katangian Ko, Suriin Mo!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sipi ng akademikong sulatin na makikita


sa kasunod na pahina. Sa tulong ng talahanayan, suriin ito batay sa mga taglay
nitong katangian.
RO_ FPL: Akademik _Linggo 1

3
RO_ FPL: Akademik _Linggo 1

4
Pamagat ng Teksto: KATANGIAN

Paksa

Layunin

Nilalaman

Kahalagahan sa
Mambabasa

Ginamit na Paraan ng
Pagpapahayag

IV. RUBRIC SA PAGPUPUNTOS

Gagamitin sa Gawain 2, at 3

Organisasyon ng ideya 5 puntos

Wastong estruktura ng wika 5 puntos

Linaw ng paliwanag 5 puntos

Kabuoang puntos 15 puntos

Leyenda:

5- MAHUSAY 3- KATAMTAMAN 1- DI- MAHUSAY

V. REPLEKSIYON

Gamit ang Learners Response Journal, buoin ang di-tapos na pahayag


bilang sariling pagninilay.

RO_ FPL: Akademik _Linggo 1

5
VI. SANGGUNIAN

⮚ Rodriguez, Rommel.“Ika-80 Kaarawan ni Dr. Bienvenido Lumbera, Guro at Artista


⮚ Ng Bayan, Ipagdiriwang.” Pinoy Weekly. 13 Abril 2012.Web.Inakses noong 5
⮚ Pebrero 2016.http://pinoyweekly.org/new/2012/04/ika-80-kaarawan-ni-dr-
⮚ bienvenido-lumbera-guro-at-artista-ng-bayan-ipagdiriwang/
⮚ Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Senior High School Applied Subject- Filipino sa
⮚ Piling Larang -Akademik (Curriculum Guide). Disyembre 2013.
⮚ Santos, Corazon L. at Concepcion, Gerald P. Filipino sa Piling Larang- Akademik
⮚ (Kagamitan ng Mag-aaral). Kagawaran ng Edukasyon, Unang Limbag 2016.
⮚ Santos, Corazon L at Concepcion, Gerald P. Filipino sa Piling Lang- Akademik
⮚ (Patnubay ng Guro). Kagawaran Ng Edukasyon. Unang Limbag 2016.
⮚ https://www.academia.edu/5641061/PAGSULAT.

RO_ FPL: Akademik _Linggo 1

6
VII. SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3

1. Gagamit ng Rubric Gagamit ng Rubric

2.

3.

4.

5.

Inihanda ni:

ROSEMARIE M. NOCEDO
Amtic NHS, Sangay ng Lungsod Ligao

Tiniyak ang kalidad ni:

LEOPOLDO C. BRIZUELA, JR.


Pandibisyong Superbisor sa Filipino

RO_ FPL: Akademik _Linggo 1

You might also like