You are on page 1of 10

Senior High School

FILIPINO SA
PILING LARANG
Quarter 1- S-LAS 2
Nabibigyang kahulugan ang
akademikong pagsulat.

FOR TANDAG CITY DIVISION USE ONLY


LINGGUHANG GAWAING PAMPAGKATUTO
PAGKAKAKILANLAN SA IMPORMASYON

Asignatura: FILIPINO SA PILING LARANG Kwarter: 1ST Quarter

Pangalan ng mag-aaral: ___________________________________________________

Baitang: GRADE – 12

Paaralan: _____________________________________________________________________

DESKRISSYON SA GAWAING PAMPAGKATUTO

Linggo :(Please Specify): October 5-9 ,2020 (Lingo 1)

Most Essential Learning Competencies (MELC):


1.Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat.CS_FA11/12PB-Oa-c-101.
Layunin
Ang mga mag-aaral ay inaasahang :
1. Naiisa-isa ang kahulugan ng akademikong pagsulat.
2. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng akademikong pagsulat
3. Natitiyak ang kaibahan ng personal at sosyal na pagsulat na naiayon sa
sulating akademiko.
4. Napapahalagahan ang kahulugan ng akademikong pagsulat.
5. Nakasusulat ng isang mapanuring halimbawa ng akademikong sulatin.
Kagamitan
 Answer Sheet (Ang sagot ay maaaring isusulat sa isang papel)
 Pluma/Papel

TINGNAN AT MAKIKITA

Gawain 1. Bigyang Salita


Panuto: Magbigay ng tig-isang salita na ukol sa binigay na paksa. Isulat ito sa
kwaderno
1. ______________ 1.____________

2._______________ 2.____________

3._______________ 3.____________
4. _____________ 4. __________
Gawain 2. Nauunawaan Mo! Isulat Mo!
Panuto: Gamitin ang mga salitang binigay sa gawain 1. Gumawa ng isang
mapanuring kahulugan batay sa inyong pag-unawa nito.
‘AKADEMIKO’
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
‘DI-AKADEMIKO’
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Gawain 3. Larawan Ko, Suriin Mo
Panuto: Tukuyin kung AKADEMIKONG SULATIN o DI-AKADEMIKONG
SULATIN ang mga larawan.
1. 2. 3. 4. 5.

6. 7. 8. 9. 10.
1.Paano mo nalaman na ang larawang nasa itaas na napabilang ito sa
akademikong sulatin?
2. Batay sa larawan , paano mo natukoy ang mga ito?

PAGTATALAKAY

Ano nga ba ang akademikong pagsulat?


Ang akademikong pagsulat ay nagbibigay ng makabuluhang kaalaman o
impormasyon sa akademikong pagsusulat na ito ay kailangan nakaayos ang
nilalaman ng iyong pangungusap,talata at kung ano man ang nilalaman nito na
dapat ay mapaliwanag ito at mayroong makahulugang mensahe.Nagkaroon ito ng
mga bahagi ng pag-susulat ng ganitong akademikong sulatin na may nilalaman
na introduksyon, sa gitna ay ang mga paliwanag o katawan at ang pang wakas ay
ang resolusyon, konklusyon at rekomendasyon.
Mahalagang malaman natin ang mga paraan ,layunin at kalikasan tungkol
sa akademikong pagsusulat dahil dito malalaman natin kung paano maigagamit
ng maayos ang pagsulat ng mga talata, pangungusap at iba pa.Dahil dito
malalaman nating kung paano at kelan tayo magsusulat ng isang pangungusap
na dapat alam mo kung paano ginagamit ang ng,nang,mga panghalip , patinig at
katinig.( Ella Canlas )

Kahulugan ng akademikong sulatin


Ang akademikong sulatin ay isang bahagi ng pormal na kasulatan na
karaniwang pinag aaralan at pinagtutuunan ng pansin sa importansya nito sa
ating propesyon. Ang akademikong sulatin ay iba sa malikhaing sulatin, sapagkat
ito ay mas pormal at may mahalagang layunin.

Ang akademikong sulatin ay isa sa mga makrong kasanayang dapat


mahubog sa mga mag-aaral. Ito ay kasanayang naglulundo ng kaisipan at
damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng
paghahatid ng mensahe, ang wika. Sapagkat, pambihirang gawaing pisikal at
mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niya ipahayag
sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang
maaaring pagsulatan. Samakatuwid, ang pagpapahayag ng kaalamang kailanman
ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring
mapagsalin-salin sa bawat panahon.
(Cecilia) Austera (et al. 2009)
may-akda ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino na nagsasabing ang
pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais
ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe,
ang wika
Mabilin (2012)
ayon sa kanya, ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang
kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito
ay maaaring mapagsalin-salin sa bawat panahon
- maaaring mawala ang alasla ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay
mananatiling kaalaman
Bakit nga ba ang akademikong pagsulat ay itinuturing na isang intelektwal
na pagsulat?
Ito ay itinuturing na intelektwal na pagsulat Pagsusulat dahil ang layunin ay
pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ,kasanayan ng mga estudyante sa
paaralan.
Uri ng Akademikong Sulatin

1. Abstrak 7. Posisyong Papel


2. Sintesis/buod 8. Replektibong Sanaysay
3. Bionote 9. Pictorial Essay
4. Panukalang Proyekto 10. Lakbay-sanaysay
5. Talumpati 11. Agenda
6. Katitikan ng pulong

Istandard na dapat taglayin ng sulatin:


1. Panimula o Introduksyon
-Itinuturing na mukha ng sulatin ang bahaging ito. Ito ang magsisilbing batayan
ng mambabasa kung itutuloy o hindi ang pagbasa.
2. Katawan o Gitna
-Pinakamahabang bahagi ng sulatin ang katawan. Sa bahaging ito ipinaliliwanag
o inilalahad ng manunulat ang kahulugan ng pahayag na inilahad sa simula.
3. Katapusan
-Tinatawag din itong kakalasan. Sa bahaging ito nagaganap ang kakintalan.

Mga dapat iwasan sa pagsulat

1. Kaisahan
2. Koherens
3. Kalinawan
4. Kasapatan
5. Empasis/Diin
6. Kagandahan

Sa mga akademikong sulatain ay may mga dapat isaalang alang sa pagsulat


tunghayan ang mga sumusunod:

1.Wika - midyum ng pakikipagtalastasan maaaring pasalita o pasulat man.


2.Paksa – kinakailangan mainam,maingat sa pagpili ng paksa.
3. Layunin- bawat Gawain may tinataglay na layunin.
4. Pamamaraan ng pagsulat-Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan
lamang. Ang isang mabuting papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad
mula sa mga di-formal na tala tungo sa unang burador, hanggang sa paynal na
papel
5. Kasanayang pampag-iisip-ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan,
pagpapahalaga at talino upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon
sa buhay – akademiko at maging sa mga gawaing di di akademiko
6.Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat-ang pagsulat ay isang
komprehensib na kakayahang naglalaman ng wastong
gamit,talasalitaan,pagbubuo ng kaisipan,retorika at iba pang mga elemento.”
7.Kasanayan sa paghabi ng buong sulatin-ang layunin ng pagsusulat ay
naipapahayag ang damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam
Ano-ano ang mga benepisyong makukuha sa pag-aaral ng Akademikong
Sulatin?

1.Maaring masanay ang iyong kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at


maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan.
2. Malilinang ang iyong mga kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na iyong
kakailanganin sa isasagawang pananaliksik.
3. Maaari ding mahubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa
pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay
sa mga naipong impormasyon.
4. Mapapaunlad ang kakayahan ng mga mag aaral sa matalinong paggamit ng
aklatan sa paghahanap ng materyales at mahahalagang impormasyon na
kakailanganin sa pagsulat.
5. Magdudulot ito ng pagkakaroon ng pagkakataon na makapag-ambag ng
kaalaman sa lipunan.Gayundin ay magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng
mga bagong kaalaman.
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang
pag-aaral at akademikong pagsisikap.
7. Malinang ang kanilang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula
sa ibat ibang uri ng kaalaman para sa akademikong pagssulat.

Gawain 4. Isalita Ko, Ihambing Mo

Panuto: Tiyakin ang kaibahan ng Personal na Pagsulat sa Sosyal na


Pagsulat na naiayon sa sulating akademiko. Bigyan ng isang malikhaing
pagkakaiba batay sa inyong sariling pahayag.

Personal na Pagsulat Sosyal na Pagsulat

1._______________ 1. ________________
2._______________ 2._________________
3. ______________ 3. ________________
4. ______________ 4. ________________

PAGTATAYA

GAWAIN 1. MULTIPLE CHOICES


Panuto: Piliin ang tamang sagot.
1. Ito ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag
ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika.
A. Pagsulat C. Akademikong sulatin
B. Pagbasa D. Di- akademikong sulatin
2. ___________ ang pagpapahalaga at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang
pag-aaral at akademikong pagsisikap.
A. Maiwasto C.mahuhubog
B. Malinaw D.mainam
3. Ayon sa kanya, ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang
kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat
ito ay maaaring mapagsalin-salin sa bawat panahon.
A. Mabilin 2012 C. Abueg 2009
B. Villafuerte 2009 D. Pat 2008
4. Ang halimbawa ng akademikong sulatin ay ______________.
A. Abstrak C. dyaryo
B. Komiks D. magasin
5. Alin sa sumusunod ang uri ng akademikong sulatin?
A. Bionote C. Talumpati
B. Nobela D. Tula

GAWAIN 6. Tama, Mali


Panuto: Isulat ang TNSHS kung ang pahayag ay Tama ,isulat ang SHS kung
ang pahayag ay Mali .
______6. Ang akademikong pagsulat ay itinuring din na Intelektwal na
Pagsusulat dahil layunin nito na pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman
ng mga estudyante sa paaralan
__________ 7. Malilinang ang iyong mga kasanayan sa pagsusuri ng mga datos
na iyong kakailanganin sa isasagawang pagsulat.
__________ 8. Malinang ang kanilang kasanayan sa pangangalap ng mga
impormasyon mula sa ibat ibang uri ng kaalaman para sa di- akademikong
pagsusulat.
__________9. Ang akademikong pagsulat ay isang uri ng pagbasa.
__________10.Isa sa dapat isaalang-alang sa pagsulat ng akademikong sualtin
ay ang kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat.

GAWAIN 7. IDENTIFICATION
Panuto: Isulat ang tamang sagot.
__________11. Ang Bionote ay isang uri ng akademikong _________.
__________12.Ayon kina (Cecilia) Austera (et al. 2009) ang may-akda ng
Komunikasyon sa Akademikong Filipino na nagsasabing ang pagsusulat ay
isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng
tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng ______ , ang wika.
__________13.Ang __________ isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman
ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay
maaaring mapagsalin-salin sa bawat panahon
__________ 14. Isa sa halimbawa ng akademikong sulatin ay _______.
__________ 15. Isa sa halimbawa ng di-akademikong sulatin ay____________.

GAWAIN 8.Ipaliwanag Mo
Panuto: Ipaliwanag sa sariling pahayag sa pamamagitan ng dayagram na
nasa ibaba.

Ano ang magandang dulot ng akademikong sulatin sa


sangkatauhan?

KARAGDAGANG GAWAIN
GAWAIN 9. Repleksyon Ko
Panuto: Gumawa ng isang REPLEKSYONG PAPEL patungkol sa COVID19 na
nararanasan natin sa mundong ginagalawan.

PAANO KO MAIIWASAN ANG PAGKALAT NG COVID19?


___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_______.
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
PAGNINILAY

Natutunan sa aralin :
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

Nais malaman sa araling ito :


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

SANGGUNIAN

Ailene Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan


(Akademik )Phoenix Publishing 2016

Pamela C.Constantino et.el Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Rex Book


Store 2016 Edition

Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc.
2016
Corazon L. Santos ,PhD et.al Filipino sa Piling Larang (Akademik)Kagamitan
ng Magaaral Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL
Manunulat: Jackielyn A. Lim –Tandag National Science High School
Editor: Ma. Rossana C. Meniano
Tagasuri : Jeaneth R. Isidro , Gemma B. Espadero ,
Pinky Rosarie E. Laurente , Marvelous B. Estal
Tagaguhit/ Tagalapat: Julien Espinoza
Tagapamahala: Imelda N. Sabornido , Ph. D
Segundino A. Madjos , Jr.
Jeaneth R. Isidro, Ed.D
Gemma B. Espadero
Ma. Rossana A. Meniano

For inquiries or feedback ,please write or call:

Department of Education – Division of Tandag City


LEARNING RESOURCE MANAGEMENT SECTION (LRMS)
Purok Narra, Balilahan, Mabua, Tandag City

Telephone : 211-5548
Email Adress: tandag .lrms@deped.gov.ph

You might also like