You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon V
SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO SA PAGSULAT SA
FILIPINO SA PILING LARANGAN: AKADEMIK
Bilang 2 Kuwarter 3

Pangalan ng Mag-aaral__________________________________________________________
Baitang/Seksiyon: _____________________________________Petsa:___________________

I. PANIMULANG KONSEPTO

Ang akademikong sulatin ay nagpapakita ng obhetibong impormasyon hinggil


sa paksang pinag-uusapan. Mahusay na nailalahad ang mga nilalaman sapagkat
may pinagbatayan at dumaan sa patinding pangangalap ng datos na maaaring
gamitin sa pagbuo rin ng isang sulatin. Katangian ito ng akademikong sulatin.
Maisasakatuparan ang pagtukoy nito sa pamamagitan ng pagtuklas ng kaligiran
ng akademikong sulatin gaya ng katangian, layunin, gamit, at anyo nito.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin, (b)
Gamit, (c) Katangian, (d) Anyo. CS_FA11/12PN-0a-c-90

PAGBALIK-ARALAN MO
Iyo nang natutuhan ang kahulugan ng pagsulat at akademikong sulatin batay sa
natutuhan natin noong nakaraang mga pagsasanay. Isulat ang SANA ALL kung ang
pahayag ay tungkol sa akademikong sulatin at GANERN kung ang pahayag ay taliwas
sa akademikong sulatin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

________1. Isang uri ng sulatin kung saan nakapaloob dito ang mga di-
makatotohanang detalye na kinulekta o nilikom ng isang manunulat.
_______2. Ito ay naglalaman ng mga layunin na naglalayon na mahasa ang ating
kaisipan at mapaunlad ang ating mga kaalaman.
_______3. Angkop na layunin dito nakasaad ang mithiin ng manunulat, gabay na
balangkas na gumagabay para maorganisa ang mga ideya,
_______4. Ilan sa mga halimbawa nito ang abstrak, bionote, panukalang proyekto,
talumpati, sintesis, at repleksibong sanaysay.
_______5. Ang akademikong sulatin ay nakaugnay sa akademikong disiplina na
hindi pinaghihiwalay ang kognisyon at pagsulat at makikilala mo ang
isang sulatin kung akademiko ito o hindi dahil ang akademikong sulatin
ay makikilala sa layunin,katangian, at anyo nito

PAG-ARALAN MO
Ang bawat akademikong sulatin ay nagtatagalay ng mga layunin: magpabatid
o magbigay impormasyon, mang-aliw, at manghikayat.

1
➢ Ang impormatibong sulatin ay nagbibigay ng kaalaman at paliwanag. Hal:
balita, encyclopedia, sulatin pangkasaysayan, tesis, at iba pa.
➢ Ang sulating nanghihikayat naman ay may layuning kumbinsihin o
impluwensiyahan ang mambabasa na pumanig sa isang paniniwala, opinyon,
o katuwiran. Halimbawa ang konseptong papel, mungkahing saliksik,
posisyong papel, editorial, talumpati, at iba pa.
➢ Ang layunin ng sulating nang-aaliw ay ang magbigay ng kasiyahan sa
kanyang tagapakinig. Kaugnay nito, malaking responsibilidad sa tagapagsalita
na mapatawa ang kanyang mga tagapakinig gamit ang kanyang malikhaing
pamamaraan. Halimbawa nito ay ang mga tagapagtanghal sa comedy bar,
konsiyerto, at iba pa.

Mga Gamit sa Akademikong Sulatin


Iba’t ibang gamit o hulwarang ginagamit upang maging malinaw ang daloy
ng mga ideya. Kabilang dito ang sumusunod:

➢ Depinisyon- pagbibigay-kahulugan sa konsepto o proseso.


➢ Enumerasyon- pag-iisa-isa sa mga halimbawang nabibilang sa isang uri o
klasipikasyon.
➢ Order- pagsusunod-sunod ng mga pangyayari o proseso.
➢ Paghahambing o Pagtatambis- pagtatanghal ng pagkakatulad o pagkakaiba
ng mga tao, lugar, pangyayari, konsepto, at iba pa.
➢ Sanhi at Bunga- paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari o bagay ng mga
posibleng epekto nito.
➢ Problema at Solusyon– paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga
posibleng lunas sa mga ito.
➢ Kalakasan at Kahinaan- paglalahad ng positibo at negatibong katangian ng
isa o higit pang bagay, sitwasyon, o pangyayari.

Mga Katangian ng Akademikong Sulatin

• Pormal ang tono


• Sumusunod sa tamang pagbabantas, grammar, at baybay.
• Organisado at lohikal
• Hindi maligoy ang paksa
• Pinapahalagahan ang kawastuhan ng impormasyon
• Gumagamit ng simpleng salita para maunawaan ng mambabasa
• Hitik sa impormasyon
• Bunga ng masinop na pananaliksik

Anyo ng Akademikong Sulatin


• Manwal
• Ulat
• Sanaysay
• Balita
• Editoryal
• Encyclopedia
• Tesis
• Disertasyon
• Papel-pananaliksik
• Pagsasalin
• Artikulo sa journal
• Liham
• Memoir
• Konseptong papel
• Mungkahing saliksik

2
PAGSANAYAN MO

A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat salita o pahayag. Tukuyin kung ito ay
nagbibigay impormasyon, nang-aaliw, o nanghihikayat. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

a. Nagbibigay impormasyon b. Nang-aaliw c. Nanghihikayat

____ 1. Sanaysay tungkol sa Kulturang Bikolnon.


____ 2. Mungkahing saliksik
____ 3. Comedy skit
____ 4. State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.
____ 5. Pagtatanghal ng balagtasan.

B. Pagtapat-tapin ang hinihinging salita na makikita sa HANAY B. Isulat lamang


ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

HANAY A HANAY B
_____ 1. Proseso sa pagluto ng sinigang.
_____ 2. Mas tinatangkilik ng kabataan ngayon ang a. Depinisyon
mga banyagang palabas kaysa sa pelikulang Pilipino. b. Enumerasyon
_____ 3. Pag-iisa-isa sa mga lugar sa Pilipinas na may c. Paghahambing
pinakamaraming bilang ng kaso ng COVID 19. d. Order
_____ 4. Pagpapaliwanag sa katuturan ng “panitikan”. e. Sanhi at Bunga
_____ 5. Dahil sa kakulangan sa pagkain, nagpumilit ang
mga Tao na lumabas sa kabila ng tumataas na kaso
ng Covid 19.

TANDAAN MO!

• Ang akademikong sulatin ay pormal, simple ang pagkakasulat, organisado,


hindi maligoy, at bunga ng masinop na pananaliksik.
• Kapag malinaw ang pangunahing dahilan ng pagsulat, matutukoy ang mga
estratehiyang magagamit sa pagtugon sa layunin ng akda.

PAGTATAYA

Bigyang-kasagutan ang sumusunod na tanong. Isulat ito sa iyong sagutang


papel.
1. Bukod sa mga nabanggit, ano pa ang maaaring maging layunin ng
Akademikong Sulatin?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
2. Bilang mag-aaral, bakit kinakailangang malaman ang layunin ng akdang
sinusulat o binabasa natin?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

3
3. Magbigay ng tatlong sitwasyong ginagamit ang sulating nanghihikayat.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
4. Kung ikaw ay magsusulat, anong anyo ng Akademikong Sulatin? Ibigay ang
layunin ng akdang iyong isusulat.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
5. Nararapat ba na ang lahat ng Akademikong Sulatin ay humuhumog sa
malalim at kritikal na pag-iisip? Patunayan.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

SUSI SA PAGWAWASTO

Pagbalik-aralan Mo
1. GANERN
2. SANA ALL
3. SANA ALL
4. SANA ALL
5. SANA ALL
Pagsasanay A
1. A 2. C 3. B 4. A 5. C
Pagsasanay B
1. D 2. C 3. B 4. A 5. E
Pagtataya
(Nasa guro ang pagpapasya sa pagmamarka)

SANGGUNIAN

Dela Cruz, MA. (2016) Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan:


Akademik. Lungsod ng Makati. Diwa Learning Systems Inc.

Abrazado, SML.et al. (2020) Orgulyo:Sanayang-Aklat sa Filipino SHS.


Lungsod ng Naga.

Inihanda ni:

MICHAEL S. DATO- Guro 1


Pambansang Mataas na Paaralan ng Bula
Bula, Camarines Sur

Tiniyak ang kalidad ni:

LORENZ C. ALMENDRAS
Pambansang Mataas na Paaralan ng Nabua
Nabua East District

You might also like