You are on page 1of 26

12

Filipino sa Piling Larang


(Akademik)
Unang Markahan- Modyul 1:
Ang Kahulugan at Katuturan ng
Akademikong Pagsulat
Filipino – Baitang 11/12
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Kahulugan at Katuturan ng Akademikong
Pagsulat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Grace C. Ty
Editor: Gilda V. Vilches
Tagasuri: Neirene Rosemae A. Castillon
Tagaguhit:
Tagalapat:
Cover Art Designer: Ian Caesar E. Frondoza
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Rommel G. Flores, CESO V- Schools Division Superintendent
Mario M. Bermudez, CESO VI- Asst. Schools Div. Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – Regional Filipino Supervisor
Juliet F. Lastimosa - CID Chief
Sally A.Palomo - EPS In Charge of LRMS
Gregorio O. Ruales - Division ADM Coordinator
Lelita A. Laguda – Division Filipino Coordinator

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
12

Filipino
Unang Markahan – Modyul 1:

Ang Kahulugan at Katuturan ng


Akademikong Pagsulat
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang _Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Ang Kahulugan at Katuturan Akademikong Pagsulat.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Ang Kahulugan at Katuturan ng Akademikong Pagsulat.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subikin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ano ang napaloob sa Modyul na ito?

Pagbati!

Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Layunin nitong mabigyang


kahulugan at katuturan ng pagsulat na lilinang sa kakayahang magpahayag tungo
sa mabisa , mapanuri , at masinop na pagsusulat sa piniling larangan.

Pagkatapos mong masagot ang mga gawain ay inaasahang matatamo mo


ang pinakamahalagang kasanayan na ito:

Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat. CS_FA11/12PB-0a-c-

Mga tiyak na layunin:

 Nabibigyang-kahulugan ang pagsulat.


 Naiisa-isa ang katangian ng akademikong sulatin.
 Nabibigyang-kahulugan at katuturan ang akademikong pagsulat.

Ano pa ang hinihintay mo? Tayo na at sumulat !

Subukin

Magandang araw sa iyo! Ikaw ay binabati ko dahil magsisimula na naman


tayo sa panibago nating aralin. Handa ka na ba? Sagutin mo muna ang
naihandang pagsusulit sa ibaba. Huwag kang mangamba dahil susubukin lamang
nito ang iyong paunang kaalaman sa aralin.

Tandaan, laging pahalagahan ang bawat natutunan!

I. Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat pangungusap.


______1. Ang pagsulat ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at
nararamdaman na ipinahahayag sa iba’t ibang paraan. Alin ang hindi
kabilang sa pangkat?
a. pasulat b. limbag c. elektroniko d. pasalita
_____ 2. Ano ang anyo ng pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi
at bunga, at pagbibigay ng mga halimbawa?
a. paglalahad b. paglalarawan c. pagsasalaysay d. pangangatwiran

_____3. Ito ay anyo ng pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy


ng mga pangyayaring aktwal na naganap.
a. paglalahad b. paglalarawan c. pagsasalaysay d. pangangatwiran

_____ 4. Ito ay anyo ng pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o


argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang isyung nakahain sa
manunulat.
a. paglalahad b. paglalarawan c. pagsasalaysay d. pangangatwiran

_____5. Ito ay anyo ng pagsulat na na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon,


palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar, o
pangyayari.
a. paglalahad b. paglalarawan c. pagsasalaysay d. pangangatwiran

II. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa akademikong


pagsulat. Isulat ang titik T kung ang pahayag ay tama at titik M kung ang
pahayag ay mali. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang
_____ 6. Ang paggamit ng salitang kolokyal o balbal ay mahalagang bigyang-
pansin sa pormal na pagsulat.
______7. Ang mga guro, manunulat, at mag-aaral lamang ang dapat na matuto ng
propesyunal na pagsulat.
______8. Mahalagang matutuhan ang akademikong pagsulat sapagkat kung
marunong sumulat ng maayos,maituturing na mas nakakaangat siya sa iba
sa larangan ng edukasyon at pagtatrabaho.
_____ 9. Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita ng mga pangyayari
hinggil sa mga paboritong artista sa telebisyon.

_____ 10. Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat, partikular sa pag-


uulat ng mga pananaliksik na ginawa ng iba’t ibang mga iskolar hinggil sa
iba’t ibang mga disiplina.
______11. Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na natutuhan mula elementarya
hanggang hayskul ay maituturing na bahagi ng akademikong pagsulat.

______12. Ang sanaysay, maikling kwento, awit, at dula ay hindi kabilang o


maituturing na isang akademikong sulatin.

______13. Mahalagang isaalang-alang ang wika,paksa, at layunin sa anumang uri


ng pagsulat.

______14.Ang malikhaing pagsulat at teknikal na pagsulat ay kapwa maituturing


na akademikong pagsulat.

______15. Sistematiko ang isang mananaliksik na nagbabanggit hinggil sa


limitasyon ng kaniyang ginagawang pag-aaral.
Aralin
ANG KAHULUGAN AT KATUTURAN NG

1 AKADEMIKONG PAGSULAT

Balikan

Anong alam mo?

Mahalagang maunawaan mo kung ano ang nakaraang pinag-aralan.


Kailangang maintindihan mo bago ka magpatuloy sa susunod na pagsubok.

1. Bakit mahalaga ang pagsulat?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano-ano nang mga sulatin ang inyong naranasang isulat na (tula, blog,
diary, atbp.)

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

3. Sapat na ba ang kaalaman mo sa pagsusulat ng mga sulatin? Oo/hindi at


bakit?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Isang pagpupugay sa iyong kagalingan.


Tuklasin

Handa ka na ba sa bagong aralin? Hangad ko ang iyong pagkatuto matapos


mong maisagawa ang mga gawin sa modyul na ito. Simulan na natin ang araling ito
sa pagsagot sa panimulang tanong at pagbasasa ng isang blog na “Bakit ako
Nagsusulat?

A. Basahin mo!
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan bago basahin ang blog

1. Bakit nga ba tayo nagsusulat?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Ano- ano ang pakinabang nito sa ating pang-araw araw na buhay?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Bakit Ako Nagsusulat?


Ang pagsusulat ay hindi dapat minamadali, dapat pinaglalaanan ng oras,
momento, sapat na kaalaman, at syempre damdamin. Ang damdamin ay ang
nagsisilbing buhay ng isang artikulo o sulatin kung kaya’t naaayon sa damdamin
ng manunulat ang buong kahulugan ng kanyang sulat.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay gusto kong magsulat. Sa katunayan,
halos sa lahat ng pagkakataon ay ayoko. Pero sadyang darating talaga ang mga
momentong napakaraming mga salita ang maglalaro sa aking isipan maging ako
man ay nasa labas, naglalakad, tumatakbo, sumasakay ng jeep at sa maging ako
lamang ay nakatayo.
BAKIT AKO NAGSUSULAT?
Mariin ko ring pinag-isipan ang tanong na ito. Bakit nga ba ako nagsusulat?
Kung sasagutin ko ito basi sa ginawa kong sulat ngayon, isa lang naman ang rason
kung bakit ako’y nagsusulat ngayon at yun ay ang makakomplay sa pinagawang
takdang aralin at nang sa gayo’y maka graduate! Pero nais kung sagutin ang
tanong na ito sa kabuuan.
Ang pagsusulat ay isang nakakapanabik na gawain. Kumbaga’y ito ay
nakakapag artikuleyt ng isip at maging ng damdamin. Ako ay isang taong matipid
magsalita kung kaya’t sa pamamaraang ito, nadiskubre ko na mas nailalahad ko
ang mga bagay-bagay at damdamin na hindi ko kayang ipalabas gamit ang aking
bibig. Mas napagtanto ko na mas napaparating ko ng maayos ang aking saloobin
patungo sa isang tao sa pamamagitan nito.
Ako’y nagsusulat hindi para makarinig ng isang puri kundi nagsusulat ako
dahil gusto kong hindi nasasayang ang aking mga naiisip na salita at mga
damdamin na aking nararamdaman sa isang pangyayari, masaya man o hindi.
Nais ko na sa paglipas ng panahon ay mananatili ang diwa ng mga salita sa
aking puso’t isipan kapag ito’y mababasa kong muli dahil mas nagiging malalim
para sa akin ang kahulugan ng isang salita kapag ito’y mananatiling nakasulat sa
isang papel sa mahabang panahon.
Bakit ako nagsusulat?
Ako’y nagsusulat para sa aking kasaysayan (kasaysayan ng aking damdamin at
isipan)
Mula sa https://staricecream16.wordpress.com/2018/01/25/bakit-ako-
nagsusulat

Pag-unawa:
A. Subukin nating sagutin ang ilang tanong sa binasang blog. Isulat ang sagot
sa kahon na nakalaan sa bawat bilang.

1. Ano-ano ang dahilan ng sumulat ng blog bakit siya nagsusulat?

2. Madali lang ba para sa kanya ang pagsusulat? Bakit oo at bakit hindi?

3. Isa-isahin ang kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaring makuha sa


pagsusulat.

4. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makapagsulat, anong paksa ang


gusto mong uri ng sulatin? Bakit?

Nasagot mo ba ang lahat ng kasagutan? Binabati Kita!


Suriin

Sa bahaging ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin


nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. .
Basahin ang mga sumusunod upang lubusan mong maunawaan ang mga ito.

Ating Alamin:
Ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga
mag-aaral. Ang pagsulat ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at
nararamdaman na ipinahahayag sa paraang pasulat, limbag at elektroniko (sa
kompyuter). Ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at
damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng
paghahatid ng mensahe, ang wika.

Narito ang ilang batayang kaalaman ng Pagsulat mula sa iba’t ibang awtor.
Bumuo ng kahulugan ng pagsulat batay sa mga depinisyon at ideya ng iba’t ibang
manunulat.

Ayon kina Xing at Jin: “ang Sinabi ni Badayos: “ang


pagsulat ay isang kakayahan sa pagsulat nang
komprehensibong kakayahan na mabisa ay isang bagay na
naglalaman ng wastong gamit, totoong mailap para sa
talasalitaan, pagbubuo ng nakararami sa atin maging
kaisipan, retorika at iba pang ito'y pagsulat sa unang wika o
mga elemento.” pangalawang wika man.”

Ayon kay Donald Murray: “Writing is rewriting”. Paglalarawan ni Murray sa


mabuting manunulat – “A good writer is wasteful”. Metapora ni Murray: He
saws and shapes and cuts away, discarding wood… The writer cannot build
a good strong piece of writing unless he has gathered an abundance of fine
raw materials. Ayon kay Donald Murray: “ang pagsulat ay isang
eksplorasyonpagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa porma at ang
manunulat ay gumagwa nang pabalik- balik nagtutuon sa isa sa mga
batayang kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan kung
ano ang kanyang isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag nang
mahusay.”

Ang paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa pagsulat: “Ang


pasulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa
kanyang pakikinig,pagsasalita at pagbabasa.”
Iba’t Ibang Uri ng Pagsulat
1. Pormal. Ito ay mga sulating may malinaw na daloy at ugnayan ng pangunahing
paksa at detalyadong pagtalakay ng balangkas ng paksa. May sinusunod na
proseso ang pagsulat at laging gingamit dito ang ikatlong panauhan sa pagsulat ng
teksto. Karaniwang mga halimbawa nito ang akademikong pagsulat ng sanaysay,
pamanahunang papel, at tesis. Piling–pili ang mga salitang ginagamit sa pagsulat
ng mga sulating pormal.
2. Di-Pormal. Ito ay mga sulatin na malaya ang pagtalakay sa paksa, magaan ang
pananalita, masaya at may pagkapersonal na parang nakikipag-usap lamang sa
mga mambabasa. Ang ilang halimbawa nito ay di-pormal na sanaysay, talaarawan,
kwento at iba pa.
3. Kumbinasyon. Malayo na rin ang narating ng malikhain at akademikong
pagsulat sa bansa lalo na sa hanay ng mga kabataang manunulat na nagsasagawa
ng eksperimento ng estilo, nilalaman at pormat ng pagsulat. May mga iskolarling
papel na gumagamit ng tala o istilo ng pagsulat ng jornal, liham at iba pang
personal na sulatin kaya posibleng magkaroon ng kumbinasyon ng pormal at di-
pormal na uri ng pagsulat.
Anyo ng pagsulat ayon sa layunin
1. Paglalahad.Tinatawag din itong pagpapaliwanag na nakasentro sa pagbibigay-
linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at magkakaugnay na mga ideya at
pagbibigay ng mga halimbawa.
Halimbawa: PAGLULUTO NG BOLA-BOLA
Mga Sangkap:

1 tasang tinadtad o dinurog na anumang 1 itlog ng manok o pato


klase ng karne o mga tirang ulam na 3 kutsarang mantika 4 na
manok o iba pangkarne na maaaring kamatis na tinadtad
paghaluhaluinupang mahusto ang 2 butil na bawang
dami.Ang lahatng klase ng mga isdang 1 sibuyas na tinadtad
natira aymaaari ring gawing bola-bola 3 kutsarang harina
oalmondigas. Kahit iba’t iba ang
pagkalutong mga ito, kailangan ding
pagsama-samahin at duruginupang
mabuo.

Paraan ng Pagluluto
Batihing mabuti ang isang itlog at ihalo rito ang karneng dinurog.Timplahan
ng asin, budburan ng kaunting paminta at ihalo ang harina.Gumawa ng
katamtamang laki ng bola-bola at kapag nabilog na ay iprito sa mahina-hinang
apoy hanggang sa pumula ito.Ilagay sa mantika ang pinitpit na bawang at kapag
mamula-mula na ito ay igisa rin dito ang sibuyas at kamatis.Sabawan ng mga
anim na kutsarang tubig ang kawali hanggang sa maging parang sarsa ang
sabaw.Ihalo ang mga ginawang bola-bola at pabayaang kumulo.Pagkaraan ng
limang minuto, hanguin ang nilutong bola-bola at ihain ito nang mainit.
- Mula sa Masarap na Luto Natin

nina Maria Salud Paz at Martha E. Jacobo


2. Pagsasalaysay.Nakapokus ito sa kronolohikal o pagkakasunud-sunod na daloy
ng pangyayaring aktwal na naganap.Isa pa ring pokus ang lohikal na
pagsulat.Nakasalalay sa may-akda ng maikling kwento o nobela ang mahahalaga
at kapana-panabik na bahagi ng salaysay.Gumagamit ng iba’t ibang istilo o
istruktura ng pagbuo ng kwento ang mga manunulat ng panitikang nasa anyong
tuluyan.
Halimbawa:
Sang-ayon kay Giovanni Careri, isang manlalakbay na Italyano na nakasapit
sa ating bansa noong 1696, ang mga unang Tagalog na naninirahan sa baybayin
ng dagat at mga ilog ay sumasamba sa mga puno ng Balite.Siya ay naglibot sa mga
paligid sa Lawa ng Bai na ngayon ay tinatawag na Lawa ng Laguna at mataman
niyang pinag-aralan ang mga naninirahan dito. Nadama niya na lubha nilang
pinag-iingatang huwag masugatan o maputol ang anumang bahagi ng
panungkahoy na ito.Sila’y naniniwala na ang mga kaluluwa ng mga nagsipanaw ay
naninirahan sa mga ito lalo na ang sa Nuno.
- Halaw sa “Ang mga Alamat ng Bayan,”
Angono Rizal: Art Capital ng Pilipinas
Ni Ligaya G. Tiamson Rubin

3. Pangangatwiran. Ipinapahayag dito ang katwiran, opinyon o argumentong


pumapanig o sumasalungat sa isang isyu na nakahain sa manunulat.
Halimbawa:
Masyadong maikli ang panahon para sa preparasyon ng mga guro. Kaya ba
ng llimang araw na pagsasanay na ibigay ang karampatang kaalaman sa pagtuturo
sa mga klaseng remedial para sa buong taunang na karanasan ang mga gurong
magtuturo ng tatlong nabanggit na asignatura, iba pa rin ang katangian at
oryentasyon ng klaseng remedial. Ang mga estudyanteng nakapaloob dito ay
malamang na mabagal umintindi kaya kailangang maging mapanlikha sa paraan
ng pagtuturo at magkaroon ng maraming gawain. Hindi kasya ang limang araw
para makapagtakda ng pamantayan sa pagtuturo ng tatlong asignatura.
Subalit ang kakulangan sa preparasyon ay isa lang sa maraming usapin.
Dapat ding suriin ang esensya ng Bridge Program na ito. Paano maipapaliwanag
ang sitwasyong 34 nakapasa sa Grade VI ang isang estudyante pero hindi pa siya
handa para maintindihan ang kurikulum sa haiskul? Hindi ba’t ang pagtatapos sa
elementarya ay sapat nang dahilan para dumeretso sa susunod na antas? Kung
mayroon mang hindihanda sa haiskul, hindi ba’t bumagsak na sila’t nakatakdang
umulit ng Grade VI sa susunod na taunang pampaaralan? Malinaw na ang mga
estudyanteng mapapaloob sa Bridge Program ay mapag-iiwanan ng mga dati nilang
kaklase sa Grade VI na pinalad makapasok sa haiskul. May epekto ito sa personal
na disposisyon ng mga estudyante, lalo na ang pagsusuri ng kanilang kakayahan.
Para sa mga magulang ng mga estudyanteng kukuha ng Bridge Program, ito ay
dagdag bayarin dahil sa halip na apat na taon lang nilang pag-aaralin ang kanilang
anak, magkakaroon ng dagdag na isa pang taon. Sa hirap ng buhay ngayon,
mahirap para sa mga magulang na magpaaral kahit sa pampublikong paaralan
dahil hindi naman sagot ng estado ang baon ng mga estudyante at ang iba pang
pangangailangan sa eskwelahan.
Sa huling pagsusuri, hindi maiiwasang isiping ito ay paraan ng DepEd para
bawasan ang pumapasok sa mga pampublikong haiskul. Sa papaliit na badyet sa
edukasyon, nasa interes ng pamahalaang bawasan ang enrolment sa mga
pampublikong eskwelahan para mas makatipid.
- Halaw mula sa “High School Readiness Test:

Dagdag pasanin ng mga Estudyante, Guro at

Magulang.“Konteksto ni Danila Arana Araw.

4. Paglalarawan.Isinasaad sa panulat na ito ang obserbasyon, uri, kondisyon,


palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar at
kapaligiran.
Halimbawa:
“Dumating ang may-ari ng litsunan, sa ayos niya’y mukhang siya pa ang
dapat tuhugin ng kawayan at ihawin sa nagbabagang uling.Bilog na bilog ang
kanyang katawan. Wala na siyang leeg. Nakasaklay na ang kanyang balikat sa
magkabilang tainga. Makipot ang nagma-mantika niyang labi na ibinaon naman ng
pumuputok niyang pisngi. Biik lamang ang kanyang tangkad.Kung maglakad
siya’s parang nakawalang bulog. Sumenyas siya.Pinapupunta kami sa loob ng
kanyang kural, este opisina.”
- Halaw sa “May Baboy na Di-Matuhod sa Litsunan,”

Barriotic Punk, mga Kwento sa Baryo at Kanto ni Mes De Guzman

Alam mo ba na maraming uri ng pagsulat? Ang ilan dito ay hindi lamang


natin namalayan na nagagawa na natin. Ating alamin ngayon ang iba’t ibang uri
ng pagsulat.

Mga Uri ng Pagsulat

1. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)


- Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at
makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Maibibilang sa uri ng
pagsulat na ito ang maikling kwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin
ang mga komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula, at iba pa.
2. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)
- Ang uring ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya
naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasinang isang
problema o suliranin. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang Feasibility Study.
3. Propesyunal na Pagsulat ( Professional Writing)
- Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa mga sulating may kinalaman sa
isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Binibigyang-
pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling
propesyon o bokasyon ng isang tao.
4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalism Writing)
- Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag.
Kasama na rito ang pagsulat ng balita, editoryal, lathalain, artikulo, at iba pa.
5. Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)
- Layunin ng sulating ito na bigyang- pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o
impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis at disertasyon.Layunin ng
pagsulat na ito na irekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring
mapagkunan ng mayamang kaalaman higgil sa isang tiyak na paksa.
6. Akademikong Pagsulat (Academic Writing)
- Ang akademikong pagsulat ay isang intelektuwal na pagsulat. Ang gawaing ito
ay nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang
larangan.
- May sinusunod na partikular na kumbensyon tulad ng pagbibigay suporta sa
mga ideya. Layunin nitong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng ginawang
pananaliksik. Lubos ding pinatataas ng uri ng pagsulat na ito ang kaalaman ng
mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan bunga ng masusing pag-aaral sa
pamamagitan ng pagsisiyasat at pananaliksik.
Pagtuunan natin ngayon ng pansin ang isa sa mga uri ng pagsulat, ang
Akademikong Pagsulat.
Ang Akademikong Pagsulat
 Lilinangin, sasanayin, at huhubugin ang kasanayan at kaalaman ng mga
mag-aaral sa pagsulat gamit ang akademikong Filipino.
 Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na naranasan ng mga mag-aaral mula
sa elementarya, sekundarya, kolehiyo at maging graduate school ay
maituturing na bahagi ng akademikong pagsulat.
 Mahalagang matutuhan ang akademikong pagsulat sapagkat kung
marunong sumulat ng maayos,maituturing na mas nakakaangat siya sa iba
sa larangan ng edukasyon at pagtatrabaho.
 Sa larangan ng edukasyon, ang pagsagot ng maayos ng mga mag-aaral sa
mga pagsusulit, makabuo ng organisadong ulat, makapagtala ng mga
resulta ng pagsusuri at eksperimentasyon at makalikha ng mga papel
pananaliksik ay mahalaga. Sa mundo naman ng trabaho, kailangang ang
marunong sumulat ng liham aplikasyon, may kakayahang gumawa ng
project proposal, gumawa ng anunsyo at marami pang iba.
Pagyamanin

Ngayong alam na natin ang mga layunin ng akademikong pagsulat, ano


kayang mga kahulugan ang maaari mong mabuo na hango o batay sa mga
layuning napag-usapan natin? Isang matapat na pagsubok sa iyong kaalaman.
Handa ka na ba
Gawain 1
Panuto: Bumuo ng kahulugan ng pagsulat batay sa mga depinisyon at ideya ng
iba’t ibang manunulat.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Gawain 2: Isa-isahin ang mgakatangiang taglay ng Akademikong Pagsulat
gamit ang concept map sa ibaba.

AKADEMIKONG
PAGSULAT

Gawain 3. Panuto: Bigyang kahulugan ang akademikong pagsulat mula sa


acronym na AKADEMIK kung ano ang pagkaunawa mo sa salitang ito.

A _________________________________________________________________________
K _________________________________________________________________________
A _________________________________________________________________________
D _________________________________________________________________________
E _________________________________________________________________________
M _________________________________________________________________________
I _________________________________________________________________________
K _________________________________________________________________________
Isaisip

Malapit na tayong matapos ngunit bago pa man tayo umabot sa dulo ay nais
ko munang malaman kung ang paksa ba natin ay iyong natutunan o may mga
tanong ka na sa mga paksang hindi malinaw sa iyo. Isagawa ang susunod na
gawain sa ibaba.
Ito ay isang kasanayan na iyong pakikinabangan.
Panuto: Bilang paglalahat o sintesis sa paksang tinalakay, ibigay ang hinihingi ng
bawat kahon. Isulat sa loob ng kahon ang inyong mga sagot.

321
3- bagay na natutunan sa aralin

2- bagay o kaisipan na pumukaw sa iyong damdamin o kaisipan

1- tanong na nais mong hanapan ng kasagutan

Isagawa

Kumusta ka? Nahirapan ka ba sa pagsasagawa sa mga gawain?


Huwag kang mag-alala dahil ang mga iyon ay ginawa upang maunawaan mong
mabuti ang kahulugan at katuturan ng akademikong sulatin. Ngayon ay
dumako naman tayo sa praktikal na aplikasyon ng iyong natutuhan. Ito ay may
kasamang rubrik para sa sariling pagtataya
Simulan mo na ang susunod na gawain. Kaya mo iyan!
Panuto: Sumulat paraang magpapaalala lalo na sa kapwa mo mag-aaral kung
paano magiging responsable at makapagbibigay ng inspirasyon sa ating mga

isinusulat o i-pino-post sa ating social media account.Isulat ang mga nabuong


paraan sa kahon.
Hindi maikakaila na laganap na sa kasalukuyan ang pagpapahayag ng
saloobin sa Facebook, Twitter o iba pang social media na naging sanhi upang
mapahamak ang iba. Kamailan lamang habang ang ating bansa ay humaharap sa
pandenya dulot ng COVID-19 ay marami ang nahuli dahil sa pagpapakalat ng fake
news at pagpapahayag ng hindi kanais-nais laban sa kinauukulan. Ang mga i-
pino-post sa social media ay nagagamit na ebidensya laban sa mga ito.
Bilang isang mag-aaral na nag-aaral ngayon ng Akademikong Pagsulat ay
magbigay ka ng mga paraang magpapaalala lalo na sa kapwa mo mag-aaral kung
paano magiging responsable at makapagbibigay ng inspirasyon sa ating mga
isinusulat o i-pino-post sa ating social media account. Ang rubric na ginawa ay
magsisilbing gabay para sa gagawing paalala.

Pamantayan Puntos

Nakasulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang 5


paraang magpaalala kung paano maging responsable

Makatotohanan at katanggap-tanggap ang mga paalalang 5


ginawa.

Nakasulat ng paalala batay sa maingat, wasto, at angkop na 10


paggamit ng wika.

Kabuoang Puntos 20
Tayahin

Magaling! dahil narito ka na sa bahaging ito ng modyul! Batid kong


naisagawa mo na ang ilan sa mga pagsasanay. Binabati kita dahil natapos mo ang
lahat ng mga iyon. Ngayon naman, nais kong matiyak kung naintindihan mo ba
nang lubusan ang ating aralin. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Ito ay gawain na
naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Simulan mo na!
A. Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat pangungusap.
______1. Ang pagsulat ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at
nararamdaman na ipinahahayag sa iba’t ibang paraan. Alin ang hindi
kabilang sa pangkat?
a. pasalita b. limbag c. elektroniko d. pasulat
_____ 2. Anyo ng pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga,
at pagbibigay ng mga halimbawa.
a. paglalahad b. paglalarawan c. pagsasalaysay d. pangangatwiran
______3. Anyo ng Pagsulat na na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon,
palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar, o
pangyayari.
a. paglalahad b. paglalarawan c. pagsasalaysay d. pangangatwiran
______4. Anyo ng pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga
pangyayaring aktwal na naganap.
a. paglalahad b. paglalarawan c. pagsasalaysay d. pangangatwiran
______5. Anyo ng pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o argumentong
pumapanig o sumasalungat sa isang isyung nakahain sa manunulat.
a. paglalahad b. paglalarawan c. pagsasalaysay d. pangangatwiran

II. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa akademikong


pagsulat. Isulat ang titik T kung ang pahayag ay tama at titik M kung ang
pahayag ay mali. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang
______6. Ang sanaysay, maikling kwento, awit, at dula ay hindi kabilang o
maituturing na isang akademikong sulatin.

______7. Mahalagang isaalang-alang ang wika,paksa, at layunin sa anumang uri


ng pagsulat.

______8.Ang malikhaing pagsulat at teknikal na pagsulat ay kapwa maituturing


na akademikong pagsulat.

_____9. Sistematiko ang isang mananaliksik na nagbabanggit hinggil sa limitasyon


ng kaniyang ginagawang pag-aaral.
_____ 10. Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat, partikular sa pag-
uulat ng mga pananaliksik na ginawa ng iba’t ibang mga iskolar hinggil sa
iba’t ibang mga disiplina.
______11. Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na natutuhan mula elementarya
hanggang hayskul ay maituturing na bahagi ng akademikong pagsulat.
_____ 12. Ang paggamit ng salitang kolokyal o balbal ay mahalagang bigyang-
pansin sa pormal na pagsulat.
______13. Ang mga guro, manunulat, at mag-aaral lamang ang dapat na matuto ng
propesyunal na pagsulat.
______14. Mahalagang matutuhan ang akademikong pagsulat sapagkat kung
marunong sumulat ng maayos,maituturing na mas nakakaangat siya sa iba
sa larangan ng edukasyon at pagtatrabaho.
_____ 15. Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita ng mga pangyayari
hinggil sa mga paboritong artista sa telebisyon.

Ilang puntos ang nakuha mo? May susunod pang mga gawain.

Karagdagang Gawain

Ngayon nauunawaan na natin ang kahulugan at katuturan ng pagsulat at


ng akademikong pagsulat. Paano natatangi ang pagsulat sa mga akademikong
artikulo? Ano ano ang mga katangian nito bilang pang-akademiko? Paano sila
naghahanda bago sumulat? Isulat sa pamamagitan ng sanaysay ang inyong mga
sagot gamit ang rubric sa ibaba.

Gabay sa Pagmamarka ng Pagsulat


Pangalan ng mag-aaral: ____________________________________________
Gawain sa Pagsulat:________________________________________________

Katangian 10 6 3 1

Pokus at May isang May isang May isang Hindi


Detalye malinaw at malinaw at paksa. Hindi malinaw ang
tiyak na paksa, tiyak na gaanong paksa at ang
na paksa, ngunit malinaw ang mga
sinusuportahan hindi mga argumento.
ng mga detalyado ang suportang
detalyadong mga impormasyon
impormasyon o suportang o argumento.
argumento. impormasyon
o argumento.

Organisasyon Kawili-wili ang May May Hindi


introduksyon; introduksyon, introduksyon, malinaw ang
naipakilala mahusay na pagtalakay, introduksyon,
nang mahusay pagtalakay, at at pagtatapos pagtalakay sa
ang paksa. may o paksa, at ang
Mahalaga at karampatang kongklusyon. pagtatapos o
nauukol sa pagtatapos o kongklusyon.
paksa ang mga kongklusyon.
impormasyon
na ibinahagi sa
isang maayos
na paraan.
Mahusay ang
pagtatapos o
kongklusyon.

Tinig ng Malinaw ang May May kaunting Hindi


Manunulat intensyon at intensyon at kalinawan sa malinaw ang
layunin ng layunin ang intensyon at inten-syon at
manunulat. manunulat. layunin ng layunin ng
Kapansinpansin May manunulat. manunu-lat.
ang kahusayan kaalaman ang Limitado ang
ng manunulat manunulat sa kaniyang
sa paksa. paksa. kaalaman sa
paksa.

Pagpili ng Malinaw ang Malinaw ang Nasasabi ng Limita-do ang


mga angkop paggamit ng paggamit ng manunulat pagga-mit sa
na salita mga salita; mga salita, ang nais mga salita.
Angkop at bagaman sa sabihin,
natural at hindi ilang bagaman
pilit. pagkakataon walang
ay hindi baryasyon sa
angkop at paggamit sa
natural. mga salita.

Estruktura, Mahusay ang Mainam ang Nakagagawa Hindi maayos


Gramatika, pagkakaayos ng pagkakaayos ng mga ang mga
Bantas, mga salita at ng mga salita pangungusap pangungusap
Pagbabaybay pangugusap. at na may at hindi
Walang pangungusap. saysay. mauna-waan.
pagkakamali sa May kaunting Maraming Lubhang
gramatika, pagkakamali mga mara-ming
bantas, at sa gramatika, pagkakamali pagka-kamali
baybay. bantas, at sa gramatika, sa grama-
baybay. bantas, at tika, bantas,
baybay. at baybay.

Mga Komento
at Mungkahi
Tayahin Subukin
1. A 1. D
2. A 2. A
3. D 3. C
4. C 4. A
5. A 5. D
6. T 6. T
7. T 7. M
8. M 8. T
9. T 9. M
10.T 10.T
11.T 11.T
12.T 12.T
13.M 13.M
14.T 14.T
15.M
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Santos,C. L at Concepcion G.P.Filipino sa Piling Larang Akademik. (Batayang


Aklat;Kagawaran ng Edukasyon- Bureau of Learning Resources).Pasig City.
2016.

Santos,C. L at Concepcion G.P.Filipino sa Piling Larang Akademik. (Gabay ng Guro


;Kagawaran ng Edukasyon- Bureau of Learning Resources).Pasig City.
2016.

https://staricecream16.wordpress.com/2018/01/25/bakit-ako-nagsusulat
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa
bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming
hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like