You are on page 1of 5

Learning Area Filipino sa Piling Larang – Akademik Grade Level 12

W3 Quarter Una Date

I. LESSON TITLE Pagbubuod at Pagbabalangkas


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,
COMPETENCIES (MELCs) kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko
• Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik
kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t
ibang anyo ng sulating akademiko.
III. CONTENT/CORE CONTENT • Mga Hakbang sa Pagbubuod at Pagbabalangkas

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning
Timeframe
Activities
A. Introduction 30 minutes Magandang araw sa iyo! Marahil ay nakahanda ka na sa
Panimula iyong ikatlong linggo ng iyong pag-aaral.
Ang modyul na ito ay maingat na isinaayos at inihanda nang
naaayon sa iyong kakayahan at kahusayan.
Katangian ng propesyonal na pagsulat ang
pagpapasimple ng mga komplikadong pahayag. Kinakailangan
ang mainam na pagsasala at paggamit ng mga salita, nang sa
gayon ay hindi magkaroon ng maling pag-unawa sa babasa ng
teksto. Ang estilo ng manunulat ay kinakailangang objektiv,
direkta, maikli, at malinaw, partikular sa mga nais niyang sabihin.
Kaiba halimbawa sa pagsusulat ng mga kuwento o tula na kung
saan may mga pagkakataong kailangang palalimin at
pabulaklakin pa ang mga pahayag, ang propesyonal na
pagsulat ay nangangailangan ng malinaw na direksiyon at
pagpapaliwanag, sa isang hindi emosyonal na paraan.

Pagbabalangkas
Bakit mahalaga ang isang gabay para sa mga arkitekto,
inhinyero, pintor, manunulat, at iba pa?
“Ano-ano ang mga maaaring kahinatnan kung sila ay hindi
susunod sa mga gabay na kanilang inihanda? Ano kaya ang epekto
nito sa kanilang mga proyektong ginagawa?”

“Paano iniuugnay ang pagbuo ng gabay, partikular ang


pagbabalangkas sa proseso ng akademikong pagsulat?

Narito ang mga kahalagahan ng pagbuo ng balangkas:


1) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas mapag-iisipan mong
1
mabuti kung paano mo sisimulan o tatapusin ang iyong sanaysay.
2) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mapipili mo ang mga
ideya o konsepto na nais mong isama sa sanaysay. Dapat lahat ng
ito ay magkakaugnay.
3) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas magiging madali sa
iyong ayusin ang mga ideya sa iyong sanaysay. Mapipili mo kung
ano ang mga ideyang nais mong ilagay sa panimula, katawan at
katapusan ng iyong sanaysay.
4) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong
mawala sa pokus habang nagsusulat ng sanaysay dahil para itong
mindmap. Gagabayan ka nito para maisulat ng malinaw ang iyong
mga ideya.
5) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong maging
paulit-ulit ang mga ideya sa iyong sanaysay, dahil sa simula pa lang
ay nakaplano na kung ano ang mga ideyang isasama mo at hindi.

Tingnan natin ang pormat ng balangkas sa ibaba.


I. Paksa 1 III. Paksa 3
A. Paksa 1.1 A. Paksa 3.1
1. ideya 1. ideya
2. ideya 2. ideya
B. Paksa 1.2 B. Paksa 3.2
1. ideya 1. ideya
2. ideya 2. ideya
II. Paksa 2
A. Paksa 2.1
1. ideya
2. ideya
B. Paksa 2.2
1. ideya
2. ideya

Pagbubuod
“Kapag pinakukwento sa inyo ang paborito ninyong pelikula,
hindi ba mas maikli na lamang ito? Sa ganitong konsepto rin umiikot
ang pagbubuod. Ngunit, paano ba ginagamit ang pagbubuod sa
akademikong pagsulat?”
“Bakit kaya ito...”
1) nagpapahusay ng kasanayan sa pagbabasa? – pagtiyak sa
mga pangunahing ideya sa binabasang teksto.
2) nagpapaunlad ng kritikal na pag-isip? – paghatol o pagpapasya
sa mahahalagang ideya ng teksto na isasama sa buod.
3) nagpapahusay ng kasanayan sa pagsulat? – dumaraan sa
masusing pagpili ng sariling mga salita at pagbuo ng mga
pangungusap ang isang pagbuod.

“Bago sumulat ng isang buod para sa nasabing artikulo, tandaang


dapat ay maging 1/4 o 1/3 lang ito sa kabuuang haba ng orihinal
na artikulo.”
2
Suggested
IV. LEARNING PHASES
Timeframe
B. Development 60 minutes Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat ang TAMA kung wasto ang
Pagpapaunl ipinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi naman, isulat ang
ad
MALI. (2 puntos bawat isa)
_____ 1. Nagsisilbing giya o padron ng isusulat na pag-aaral ang
balangkas.
_____ 2. Kadalasan,1/4 hanggang 1/3 ng kabuuang teksto ang
buod nito.
_____ 3. Sa pagbabalangkas, mas mainam ang pasaklaw
(deductive) na pag-
aayos ng mga ideya
_____ 4. Sa pagbabalangkas, maaaring gumamit ng mga parirala
o
pangungusap bilang paksa ng bawat aytem.
_____ 5. Sa pagbabalangkas, kinakailangan ng mga suportang
ideya ang
bawat pangunahing paksa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Paano natin maiuugnay ang paggawa ng balangkas sa pagsulat
ng isang buod? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Lebel PAMANTAYAN: Kategorya ng Puntos


komposisyon
Napakahusa Buo ang kaisipan, konsistent,
kompleto ang detalye
y Malinaw ang intensiyon at nilalaman
ng teksto
Gumamit ng wastong bantas
Mahusay May kaisahan at may sapat na
detalye nakabatay sa tunay na
pangyayari
May malinaw na intensiyon sa
pagpapahayag
Gumamit ng wastong bantas
Katamtaman Konsistent, may kaisahan, kulang sa
detalye
Di-gaanong malinaw ang intensiyon
Gumamit ng wastong bantas
Mahina Hindi ganap ang paglalahad ng mga
detalye
Di-malinaw ang intensiyon
Hindi wasto ang bantas na ginamit

3
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning
Timeframe
Activities
C. Engagement 30 minutes Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin ang maikling teksto at
Pakikipagpalih gumawa ng buod batay dito.
an

Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na


maaaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa
mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome
(MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV). Ang
bagong coronavirus (nCoV) ay isang bagong uri na hindi pa nakilala
sa mga tao. Maraming mga coronavirus ang natural na
nakakahawa sa mga hayop, ngunit ang ilan ay maaari ring
makahawa sa mga tao. Ang mga coronavirus ay naisip na kumalat
sa hangin sa pag-ubo/pagbahin at malapit na personal na
pakikipag-ugnay, o sa paghawak ng mga kontaminadong bagay at
pagkatapos ay sa paghawak ng bibig, ilong, o mata.

Nagkaroon ng pagsiklab ng isang bagong coronavirus na


tinatawag na SARS-CoV-2, na unang lumitaw noong Disyembre
2019. Ang virus ay kumalat sa karamihan ng mga bansa sa mundo,
kabilang ang United States.

Dahil bago pa itong coronavirus, ang mga awtoridad ng kalusugan


ay natututo pa tungkol sa virus at kung paano ito kumakalat. Mabilis
na nagbabago ang sitwasyon at ang US Sentro para sa Pag-iwas at
Pagkontrol sa Sakit (CDC) ay nagbibigay ng na-update na
impormasyon kapag magagamit: www.cdc.gov/ncov

Ang COVID-19 ay ang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Severe


Acute Respiratory Syndrome Coronavirus 2 (SARS-CoV-2) ay
tumutukoy sa virus, habang ang Coronavirus Disease-19 (COVID-19)
ay tumutukoy sa sakit sanhi ng virus. Wala pang bakuna para sa
bagong coronavirus at walang tiyak na paggamot o pagalingin
para sa COVID-19. Gayunpaman, maaaring gamutin ang marami
sa mga sintomas. Ang mga pasyente ng COVID-19 ay dapat
magpahinga ng lubusan, uminom ng maraming likido, kumain ng
malusog na pagkain, at bawasan ang stress.

Dapat gamitin ang Acetaminophen upang mabawasan ang


lagnat at pananakit at sakit. Para sa mga malubhang kaso, ang
pangangalagang medikal ay maaaring kailanganin upang
mapawi ang mga sintomas at suportahan ang mga
mahahalagang pag-andar ng organo hanggang sa gumaling ang
pasyente.
https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-
tl.aspx

4
D. Assimilation 60 minutes Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gumawa ng balangkas tungkol sa
Paglalapat mga pangarap mo sa buhay. Gamitin ang ibinigay na pormat sa
itaas sa pamamagitan ng paglilista mula sa pinakamahalaga
hanggang sa hindi masyadong mahalagang pangarap para sa iyo.

V. ASSESSMENT 30 minutes Isa-isahin ang mga kahalagahan ng pagbubuod at


pagbabalangkas.

Kahalagahan
Pagbabalangkas

Pagbubuod

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning
Timeframe
Activities
VI. REFLECTION 30 minutes Pagsulat ng Journal
Isulat sa iyong journal notebook ang inyong mga nagging
pagninilay tungkol sa ating tinalakay na aralin.

Naunawaan ko na ______________________
Nabatid ko na _________________________
Kailangan ko pang matutunan na
____________

Prepared by: VELLEN M. MANIMTIM – Punta Integrated School Checked by: LINO T. SANCHEZ

You might also like