You are on page 1of 24

PAGSULAT

NG
TALUMPATI
INAASAHANG PAGGANAP
• Bilang isa sa mga lider ng inyong
paaralan, ikaw ay napiling sumulat ng
talumpating ilalathala sa isang magasing
itatampok para sa nalalapit na youth
congress sa inyong rehiyon. Binigyan ka
ng pagkakataong gawin ito upang mas
maging responsable sa pagpapahayag o
paggamit ng social media at mga
makabagong teknolohiya.
PAMANTAYAN SA PAGSULAT AT
PAGBIGKAS
PAMANTAYAN
NG TALUMPATI PUNTOS
1. Nilalaman/kaugnayan sa paksa. 30%
2. Naisasagawa ng mataman ang mga 20%
hakbang sa pagsulat ng talumpati.
3. Nakasusulat ng organisado, malikhain 25%
at kapani-paniwalang talumpati.
4. Kasanayan sa pagsasalita (bigkas, 15%
tinig, tindig, kumpas at kilos)
5. Pagkakatanghal (dating sa 10%
manonood)
KABUOANG PUNTOS 100%
Ang pagtatalumpati ay isang proseso o
paraan ng pagpapahayag ng ideya o
kaisipan sa paraang pasalitang
tumatalakay sa isang partikular na
paksa.

Ito ay karaniwang isinusulat upang


bigkasin sa harap ng mga tagapakinikig.
APAT NA URI
NG
TALUMPATI
1. BIGLAANG TALUMPATI
(Impromptu)

• Ang talumpating ito ay ibinibigay


nang biglaan o walang paghahanda.
2. MALUWAG(Extemporaneous)
• Ang talumpating ito ay nagbibigay ng
ilang minuto para sa pagbuo ng
ipinahahayag na kaisipan batay sa
paksang ibinigay bago ito ipahayag.
3. MANUSKRITO
• Ang talumpating ito ay ginagamit sa
mga kumbensiyon, seminar o
programa sa pagsasaliksik kaya pinag-
aaralan itong mabuti at dapat na
nakasulat.
4. ISINAULONG TALUMPATI

• May oportunidad na magkaroon ng


pakikipag-ugnayan sa tagapakinig
sapagkat hindi binabasa ang ginawang
manuskrito kundi sinasaulo at
binibigkas ng tagapagsalita .
MGA URI NG
TALUMPATI
AYON SA
LAYUNIN
1. Talumpating Nagbibigay ng
Impormasyon o Kabatiran
- Ang layunin nito ay ipabatid sa
mga nakikinig ang tungkol sa
isang paksa, isyu, o pangyayari.
2. Talumpating Panlibang
- Layunin ng talumpating ito na
magbigay ng kasiyahan sa mga
nakikinig.
3. Talumpating Pampasigla
- Layunin ng talumpating ito na
magbigay ng inspirasyon sa mga
nakikinig.
4. Talumpating Panghikayat
- Pangunahing layunin ng talumpating
ito na hikayatin ang mga tagapikinig
na tanggapin ang paniniwala ng
mananalumpati sa pamamagitan ng
pagbibigay-katwiran at mga patunay.
5. Talumpati ng Pagbibigay-galang
- Layunin ng talumpating ito na
tanggapin ang bagong kasapi ng
samahan o organisasyon.
6. Talumpati ng Papuri
- Layunin ng talumpating ito na
magbigay ng pagkilala o
pagpupugay sa isang tao o samahan.
MGA DAPAT
ISAALANG-ALANG
SA
PAGSULAT NG
TALUMPATI
A. Uri ng mga Tagapakinig
- Ayon kay Lorenzo (2002)

1. Ang edad o gulang ng mga makikinig


2. Ang bilang ng mga makikinig
3. Kasarian
4. Edukasyon
5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga
nakikinig
B. Tema o Paksang Tatalakayin
- Ayon Kina Casanova at Rubin (2001),
upang higit na maging kawili-wili ang
talumpati, dapat makitaan na may sapat
na kaalaman ang mananalumpati
hinggil sa paksa.
Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati

1. Pananaliksik ng datos at
mga kaugnay na babasahin
2. Pagbuo ng tesis
3. Pagtukoy sa mga Pangunahing
Kaisipan o Punto
C. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati
- Ayon Kina Casanova at Rubin
(2001)

1. Kronolohikal na Hulwaran
2. Topikal na Hulwaran
3. Hulwarang Problema-Solusyon
D. Kasanayan sa Paghabi ng mga
Bahagi ng Talumpati
- Ayon kay Alcmitser P. Tumangan

1. Introduksiyon
a. Mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig.
b. Makuha ang kanilang interes at atensiyon.
c. Maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping
pagtalakay sa paksa.
d. Maipaliwanag ang paksa.
e. Mailahad ang balangkas ng paksang tatalakayin
f. Maihanda ang kanilang puso at isipan sa mensahe.
2. Diskusyon o Katawan
- Katangiang dapat taglayin:
a. Kawastuhan
b. Kalinawan
c. Kaakit-akit
3. Katapusan o Kongklusyon
- Dito nakasaad ang pinakakongklusyon
ng talumpati.

4. Haba ng Talumpati
- Ang haba ng talumpati ay nakasalalay
kung ilang minuto o oras ang inilaan
para sa pagbigkas o presentasyon nito.

You might also like