You are on page 1of 12

Aralin Istilo at Teknikal na

1 Pangangailangan ng Talumpati

Ano ang kahalagahan sa iyo ng kaalaman sa pagsulat ng talumpati? Sa araling


ito, matututuhan mo ang kahulugan, uri at klasipikasyon ng Talumpati.
Inaasahan
Sa kursong iyong kinukuha, higit mong kakailanganin ang kasanayan sa
akademikong pagsulat partikular sa pagsulat ng Talumpati.
Pagkatapos sa modyul na ito ang mag-aaral ay inaasahang:
Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng pagsulat ng
talumpati

Unang Pagsubok
Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat sa iyong
kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Kadalasang binibigkas ito sa mga salo-salo at pagtitipong sosyal. Layunin nitong


magpatawa kaya naman kailangang samahan ito ng mga birong nakatatawa kaugnay sa
paksang tinatalakay.
A. Talumpati ng Papuri C. Talumpating Panghihikayat
B. Talumpating Panliban D. Talumpating Pagpaparangal
2. Layunin ng talumpating ito na magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig. Ito ay isinulat
upang makapukaw at makapagpasigla sa damdamin at isipan ng mga tao.
A. Talumpating Pampasigla C. Talumpating Panghihikayat
B. Talumpati ng Panlibang D. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon
3. Layunin ng talumpating ito na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa
pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at mga patunay.
A. Talumpati ng Papuri C. Talumpati ng Panghihikayat
B. Talumpating Panlibang D. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon
4. Layunin ng talumpating ito na tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon.
A. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon C. Talumpating Panlibang
B. Talumpating Pagbibigay-galang D. Talumpati ng Papuri
5. Layunin ng talumpating ito na ipabatid sa mga tagapakinig ang tungkol sa isang paksa,
isyu o pangyayari.
A. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon C. Talumpating Panlibang
B. Talumpati ng Panghihikayat D. Talumpati ng Papuri

Maikling Pagpapakilala sa Aralin

Ang Talumpati ay isang sining na pagpapahayag ng isang kaisipan hinggil sa


isang paksa. Ito ay isinasagawa sa paraang pasalita sa harap ng mga tagapakinig.

Ito ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na ipinababatid sa


pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa madla. Layunin nitong humikayat,
tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng
isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa
isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
1
Uri ng Talumpati
 Talumpating Panlibang. Kadalasang binibigkas ito sa mga salo-salo at
pagtitipong sosyal. Nagpapatawa ang nagtatalumpati kaya naman kailangang
samahan ito ng mga birong nakatatawa kaugnay sa paksang tinatalakay.
 Talumpating Panghikayat. Ilan sa mga halimbawa nito ay tulad ng sa
simbahan, sa kongreso, sa kampanya ng mga politiko gayundin ang talumpati
ng abogado sa panahon ng paglilitis sa hukuman. Hinihikayat nito ang mga
tagapakinig na paniwalaan ang mananalumpati sa pamamagitan ng
pangangatwiran at pagpapakita ng mga ebidensya.
 Talumpating Pagpaparangal. Hinahanda ito upang bigyang parangal ang
isang tao o di kaya ay magbigay-puri sa mga kabutihang nagawa nito.
 Talumpating Pagbibigay-galang. Matatawag din itong talumpati ng pagbati,
pagtugon o pagtanggap. Ito ay ginagamit sa pagbibigay-galang bilang
pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa isang bagong kasapi ng
samahan o kasamahang mawawalay.
 Talumpating Pampasigla. Karaniwang binibigkas ito sa araw ng pagtatapos
sa mga eskwelahan at pagdiriwang ng mga anibersaryo ng isang samahan. Ito
ay pumupukaw sa damdamin at nakapagbibigay ng insiprasyon sa mga
tagapakinig.
 Talumpating Pangkabatiran. Ginagamit ito sa mga kumbensyon, panayam,
at pagtitipong pansiyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga
dalubhasa. Kalimitang makikita sa mga talumpating ito ang mga kagamitang
pantulong upang maliwanagan at ganap na maunawaan ang paksang
tinatalakay.

Klasipikasyon ng Talumpati
 Biglaan (Impromptu). Ito ay binibigkas na walang ganap na paghahanda.
Nalalaman lamang ang paksang tatalakayin sa oras ng pagtatalumpati.
 Daglian o Maluwag (Extemporaneous). Binibigkas ito na may maikling
panahong paghahanda. Ang mananalumpati ay nakapaghanda lamang ng
balangkas upang maging patnubay sa kanyang pagtatalumpati.
 Manuskrito. Kinakailangan ng matagal na panahon ng paghahanda at pag-
aaral sa ganitong paraan ng pagtatalumpati sapagkat ito ay ginagamit sa mga
kumbensyon, seminar at programang pagsasaliksik. Binabasa lamang ang
manuskrito kaya’t nawawala ang pakikipagugnayan ng tagapagsalita sa mga
tagapakinig.
 Handa o Isinaulo (Prepared o Memorized). Talumpating binibigkas na may
mahabang panahon ng pagsulat, organisasyon at deliberasyon. Ngunit isa sa
mga kahinaan nito ay ang pagkalimot sa nilalaman ng talumpating ginawa.

2
Mga Bahagi/Elemento ng Talumpati
 Introduksyon. Sa bahaging ito pinupukaw ang atensyon ng mga tagapakinig
upang ipabatid sa kanila ang mensahe ng talumpati. Maaaring sumipi ng mga
anekdota, pahayag, kasabihan, awitin at mga nakatatawag pansing pangyayari
na maiuugnay sa pangunahing ideya ng talumpati. Sa bahagi rin ito ay
kinakailangang maipadama sa mga tagapakinig ang kahalagahan ng paksa ng
mannalumpati.
 Pangunahing Ideya. Sa bahaging ito ay binibigyang malinaw ang direksyon
ng talumpati. Ipinakikita nito ang paninindigan ng tagapagsalita kaugnay sa
paksa.
 Katawan o Paglalahad. Sa bahaging ito ang isyu o diwa sa paksang
tinatalakay. Kinapapalooban nito ng mga pangunaing punto ng talumpati.
Maaari itong isaayos sa paraang Spatial (isinasaayos ang detalye ayon sa
lokasyon), Kronolohikal (pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari) at Sanhi at
Epekto (inilalarawan ang sanhi at ipinakikilala ang epekto o bunga nito).
 Paghahambing at Pagtutulad. Sa bahaging ito ipinakikilala ang pagkakaiba
at pagkakatulad ng mga ideyang inilalahad.
 Suliranin. Sa bahaging ito sinusuri ang mga suliiranin at matapos ay
isinasaalang- alang ang mga solusyon nito.
 Paninindigan. Sa bahaging ito ipinahahayag ang katwiran hinggil sa isyu.
Layunin niyo ng hikayatin o mapaniwala ang mga nakikinig. Nakapaloob ito
sa katawan ng talumpati.
 Konklusyon. Sa bahaging ito inilalahad ang lagom sa mensahe o pagganyak
sa mga tagapakinig na gumawa ng aksyon. Maaaring muling banggitin ang
mga pangunahing puntos upang maliwanagan ang mga tagapakinig sa paksang
tinatalakay.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati


 Paksa o Tema. Mahalagang matiyak ng isang mananalumpati ang tema o
paksa ng pagdiriwang bilang gabay sa pagbuo ng talumpati. Ayon kay
Casanova at Rubin (2001) sa kanilang aklat na Retorikang Pangkolehiyo,
upang higit na maging kawili-wili ang talumpati, kinakailangang may sapat
na kaalaman ang mananalumpati sa paksa. Samakatuwid, kinakailangang
paghandaan, pagplanuhan at pagaralang mabuti ang talumpati. Maaaring
magsaliksik sa pamamagitan ng pangangalap ng mga datos sa aklat,
pahayagan, dyornal, magasin at iba pang babasahing makatutulong. Mahalaga
ring matukoy ang pangunahing ideya ng paksang tatalakayin sapagkat ito ang
magiging batayan ng isang mahusay na talumpati.
 Tagapakinig. Ayon kay Lorenzo et al. (2002) sa kanilang aklat ng Sining ng
Pakikipatalastasang Panlipunan, dapat mabatid ng mananalumpati ang edad at
kasarian ng mga tagapakakinig sapagkat kailangang magkaroon ng kabatiran
ang isang mananalumpati sa interes ng mga tagapakinig. Kung sila ba ay mga

3
bata o matatanda, grupo ng kababaihan o kalalakihan. Isinasaalang-alang din
ang edukasyon o antas sa lipunan upang maging akma ang wikang gagamitin
sa pangkat. At kailangan din malaman ng mananalumpati ang bilang ng mga
makikinig sa gayon ay mapaghandaan ng nang husto ang talumpati gayundin
ang saloobin ng mga nakikinig.
 Hulwaran o Balangkas. Ayon kina Casanova at Rubin (2001) may tatlong
hulwarang maaaring gamitin sa pagbuo ng talumpati. Una, ang Kronolohikal–
maisasagawa ang paghahanay mula sa unang panngyayari, sumunod at
panghuling pangyayari. Ikalawa, ang Topikal- nakabatay ang pagkakaayos ng
talumpati batay sa pangunahing paksa at mga pantulong na detalye. Ikatlo,
ang ProblemaSolusyon na karaniwang ginagamit sa mga talumpating
nanghihikayat o nagpapakilos.

GAWAIN 1
Panuto: Batay sa iyong mga karanasan sa pakikinig sa iba-ibang talumpati
sa inyong komunidad, pumili ng tatlong (3) Uri ng Talumpati na higit mong
nagustuhan. Isulat sa bawat kahon ang sa palagay mong kahalagahan at
kaugnayan nito sa kursong pipiliin mo sa kolehiyo. Isulat sa kwaderno ang
sagot.

GAWAIN 2

Panuto: Pumili ng isang paksa sa ibaba at sumulat ng isang talumpating nais


na isulat ayon sa paksang napili. Maaari kang magsaliksik gamit ang ilang
babasahing makatutulong sa pagpapatibay o pagpapaliwanag ng iyong
talumpati.

Mga Paksang Pamimilian:


 Edukasyon
 Kalusugan
 Kabataan
 Kalikasan
4
Rubrik sa Pagmamarka

20 15 10 5
Organisado, maingat na Hindi gaanong Ang nabuong balangkas Ang nabuong balangkas
naisulat, wasto, at angkop organisado, ang naisulat ay hindi organisado, ay hindi gaanong
ang wikang ginamit. na balangkas, subalit naisulat nang may sunodsunod, maraming
wasto, at angkop ang bahagyang kaingatan, salita ang hindi wasto, at
wikang ginamit. may kawastuhan, at may hindi angkop na nagamit.
kaangkupan ang wikang
ginamit.

Tandaan

Ang talumpati ay isa sa mga akademikong pagslat na nililinang ng isang mag-


aaral upang siya ay maging mahusay sa pakikipag-ugnayan sa mga tao sa
pamamagitan ng pakikipagtalastasan.
Iba’t ibang uri ng talumpati ang maaaari mong gamitin ayon sa hinihingi ng
sitwasyon o pagkakataon. Pangunahing ideya lamang nito ay mabigyang linaw at
mapukaw ang atensyon ng mga takapakinig upang ipabatid ang mensahe ng isang
pahayag.

Aralin
Pagsulat ng Talumpati
2

Inaasahan

Ang modyul na ito ay isinulat upang matulungan ka na magtamo ng mga tiyak


na kasanayang kaugnay sa pagsulat ng talumpati.

Pagkatapos sa modyul na ito ikaw ay inaasahang:


 Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa.

Maikling pagpapakilala ng Aralin

Sa bahagi ng araling ito, ikaw ay magiging mahusay na mananalumpati.


Iyong bibigyang pansin ang mga kasangkapan at katangian sa mahusay na
pagtatalumpati sa pamamagitan ng pasulat at pasalitang paraan. Iyo ring mababasa
ang isang halimbawa ng talumpating isinulat na tumatalakay sa globalisasyon.

Mga Kasangkapan sa Mahusay na Pagtatalumpati

 Tinig. Kung maganda ang tinig ng tagapagsalita ay agad nitong mahihikayat


ang mga tagapakinig na maunawaan ang nilalaman ng isang talumpati.
Kinakailangang isaalang-alang sa bahaging ito ang bilis at hinahon ng
5
pananalita, tono ng pananalita, paglakas at paghina ng tinig at ang pagbibigay-
diin sa mahahalagang bahagi o mensahe ng isang talumpati.
 Tindig. Tumindig nang maayos at iwasan ang tindig militar na parang
naninigas ang katawan. Sikaping maging magaan ang katawan at nakarelaks.
Mahalaga na magmukhang kapita-pitagan para makuha agad ang atensyon ng
mga tagapakinig. Ang ganitonng uri ng anyo ay nakapagpapahiwatig na
handang-handa ang tagapagsalita.
 Galaw. Ang galaw ay tumutukoy sa anumang pagkilos na ginagawa ng tao na
may kaugnayan sa pagsasalita o pagpapahayag ng kaisipan o anumang
damdamin sa madla o mga tagapakinig. Nasasaklaw ng galaw ang mata,
ekspresyon ng mukha, tindig, galaw ng ulo at katawan. Lahat ng ito ay
nakatutulong sa paghahatid ng mensahe.
 Kumpas ng mga kamay. Ginagamit ang kumpas ng mga kamay sa
pagbibigaydiin sa sinasabi. Halimbawa, karaniwang itinataas ang hintuturo o
braso kung ipinapahayag ang mahalagang opinyon o puntos ng talumati o
pananalita. Ginagamit din ang mga kumpas ng kamay para bigyan ng
pagtutumbas ang ideya. Halimbawa, kung binabanggit ang dalawang
magkaibang katuwiran ay maaaring itaas ang kanan at kaliwang kamay sa
kumpas sa pagpapatuloy ng diwa, imbis na “umm, saka, bale” ang lumalabas
sa ating bibig sa tuwing may kailangang alalahanin sa pananalita, ginagamit
ang galaw ng kamay bilang di-berbal na komunikasyon. Kailangang tumpak,
tiyak, at maayos ang kumpas ng mga kamay. Subalit, ginagamit lamang ito
bilang pantulong sa pananalita. Hindi dapat makaagaw ng pansin ang sobrang
pagkumpas ng kamay habang nagsasalita.

Katangian ng Mahusay na Tagapagsalita

 Kahandaan. Malalaman agad ng mga tagapakinig kung pinaghandaang


mabuti ang pagtatalumpati sa panimula o introduksyong binibigkas ng
tagapagsalita. Kung maganda ang panimula, makukuha agad ang atensyon ng
mga tagapakinig. May dalawang mahahalagang salik para sa panimula ng
pananalita: (a) kilalanin ang tagapakinig at (b) isaalang-alang ang okasyon
kung pormal o di-pormal. Layunin ng dalawang ito na makapukaw ng
atensyon ng tagapakinig. Kung alam ng tagapakinig kung sino-sino ang
kanyang tagapakinig, mailulugar niya ang pagpapatawa, pagtatanong at iba
pang teknik o estratehiya para makuha ang atensyon nila.
 Kaalaman sa Paksa. Ang sapat na kaaalaman sa paksa ng tagapagsalita ay
masasalamin sa paraan ng pagbigkas o pagtalakay na ginagawa niya.
Makikita ang kanyang kahusayan sa paksang tinatalakay sa paraan ng
pagpapaliwanag, pagbibigay ng interpretasyon, paglalapat, paghahambing,
pag-uulit ng padron at ang pagbibigay ng problema at solusyon. Madaling
matuklasan kung kulang sa kaalaman ang tagapagsalita dahil mararamdaman
ito sa kanyang tinig at ikinikilo
 Kahusayan sa pagsasalita. Madaling maganyak na makinig ang publiko
kung matatas at mahusay magsalita ang mananalumpati/tagapagsalita.
Ibinibigay ng tagapagsalita ang kanyang tinig sa nilalaman ng kanyang
talumpati. Dito rin makikita ang kasanayan sa wika ng tagapagsalita gaya ng
paggamit ng angkop na salita, wastong gramatika at wastong pagbigkas ng
mga salita. Mahalagang maunawaan ng tagapakinig ang mensahe kaya
nararapat na ibigay ang lenggwaheng gagamitin sa uri ng tagapakinig.
6

Gawain 1

Panuto: Mula sa iyong natutuhang aralin, sa iyong palagay ano ang maitutulong ng
pagsulat ng talumpati sa kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa partikular sa
kumakalat na pandemyang COVID-19? Isulat sa papel ang iyong sagot.

Rubrik sa Pagmamarka

20 15 10 5
Makabuluhan ang Makabuluhan ang Bahagya ang Kapos sa kabuluhan
pananaw, pananaw, ngunit kabuluhan ng ang pananaw, at sa
makatotohanan ang kapos sa katotohanan pananaw, at katotohanan ang mga
mga binanggit na ang mga binanggit na katotohanan ng mga binanggit na ideya
ideya kaugnay ng ideya kaugnay ng binanggit na ideya kaugnay ng aralin at
aralin at sitwasyon sa aralin at sitwasyon sa kaugnay ng aralin at sitwasyon sa bansa.
bansa. bansa. sitwasyon sa bansa

Tandaan

Higit na magiging malinaw, maayos at kapaki-pakinabang ang daloy


ng pagbigkas ng talumpati kung hahati-hatiin ang mga parirala at/o
pangungusap. Makatutulong ito sa pagpapadulas ng pagbigkas, bukod sa
maiiwasan ang maling pag-antala o paghinto sa ideyang ipinahahayag.

Aralin Pagsulat ng Replektibong


3 Sanaysay

Maikling pagpapakilala sa Aralin


Ayon sa UP Diksyonaryong ilipino (Binagong Edisyon, 2010), ang paglalahad
ay isang detalyado at komprehensibong pagpapaliwanag ng isang bagay, pook, o
ideya. Ayon naman kay Jose Arrogante sa kanyang aklat na Filipino Pangkolehiyo:
Kasiningan, kakayahan, at Kasanayan sa Komunikasyon, “Ingles, ang paglalahad ay
tinatawag na expository writing.

Upang maging mabisa o epektibo ang paglalahad, ayon sa kalat na Sining ng


Pakikipagtalastasan na ginawa ng Kagawaran ng Filipino (TUP, Manila), ito ay
dapat na magtaglay ng mga sumusunod na mga sangkap o element:

1. Sapat na kaalaman o impormasyon sa paksang tinatalakay


2. Ganap na pagpapaliwanag sa buong kahulugan
7
3. Malinaw at maayos na pagpapahayag
4. Paggamit ng larawan, balangkas, at iba pang pantulong upang madali ang pag-
unawa sa ipinaliliwanag
5. Walang pagkiling na pagpapaliwanag ng anumang bagay na nasasaklaw ng
tao.

Sa araling ito, isang uri ng paglalahad ang ating bibigyang-pansin. Ito ay ang
pagsulat ng replektibong sanaysay. Ngunit bago natin pag-usapan ang ibig sabihin ng
replektibong sanaysay ay bigyang-kahulugan muna natin ang saliltang sanaysay at
kung kalian ito nagsimula. Ang salitang sanayay ay hango sa alitang Pransesn na
essaye na ang ibig sabihin ay “sumubok” o “tangkilikin”.

Ayon kay Francis Bacon, ang sanaysay ay isang kasangkapan upang isatinig
ang maikling pagbubulay-bulay at komentaryo sa buhay. Ayon naman kay Paquito
Badayos, naglalahad ang sanaysay ng matalinong kuro at makatwirang paghahanay
ng kaisipan. Naglalaha5d din ng mga personal at pansariling pananaw ng manunulat
tungkol sa isang paksa.

Ayon kay Alejandro Abadilla, ang salitang sanaysay ay nangangahulgang


naksulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Ito’y isang akdang
pampanitikang nasa anyong paglalahad.

Sa pangkalahatan may dalawang uri ng sanaysay:

1. Pormal – Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos at mariin at


bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga
kaisipan. Kung minsa’y tinatawag din itong impersonal o siyentipiko spagkat
ito’y binabasa upang makakuha ng impormasyon.
2. Impormal – Tinatawag din itong pamilyar o personal. Karaniwang itong may
himig na parang nakikipag-usap o nais magpakilala ng isang panuntunan sa
buhay. Ito’y naglalarawan ng pagpapakahuluugan ng may-akda sa isang
pangyayari sa buhay, naglalahad ng kanyang kuro-kuro o pala-palagay.

May labindalawang natatanging uri ng sanaysay:


1. Nagsasalaysay
2. Naglalarawan
3. Mapag-isip o di praktikal
4. Kritikal o mapanuri
5. Didaktiko o nangangaral
6. Nagpapaalala
7. Editoryal
8. Makasiyentipiko
9. Sosyo-politikal
10.Sanaysay na pangkalikasan
11.Sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan
12.Mapagdili-dili o replektibo
8
Replektibong Sanaysay

Ang replektibong sanaysay, ayon kay Michael Stratford, isang guro at


manunulat, ay isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa
introspeksiyon na pagsasanay. Kinapapalooban ito ng mga bagay na naiisip,
nararamdaman, pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito
nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito. Maihahalintulad ito sa pagsulat ng
journal. Maiuugnay rin tio sa pagsulat ng academic portfolio kung saan nagkaroon
ng malalim na pagsususri ang may-akda siya umunlad bilang tao kaugnay ng paksa o
pangyayaring binibigyang pansin sa pagsulat. Ang replektibong sanaysay ay
kadalasang nakabatay sa karanasan kaya mula sa nilalaman nito ay masasalamin ang
pagkatao ng sumusulat.

Ayon kay Kori Morgan, isang guro ang replektibong sanaysay ay


nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalgang karanasan
o pangyayari. Ibinabahagi nito sa mga mambabasa ang kalaksan at kahinaan ng
sumulat batay sa mga karanasang natutunan o nakuha.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong SAnaysay

1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng


sanaysay.
2. Isulat ito gamit ang unang panahan ng panghalip. Tanggap nang gamitin ang
mga panghalip na ako, ko, at akin sapagkat ito ay kadalasang nakasalig sa
personal na karanasan.
3. Tandaan na bagama’t nakabatay sa personal na karanasan, mahalagang
magtataglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong naobserbahan o
katotohanang nabasa hinggil sa paksa upang higit na maging mabisa at
epektibo ang pagkakasulat nito.
4. Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito. Tandaang ito ay kabilang
sa akademikong sulatin.
5. Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito. Gawing malinaw at
madaling maunawaan ang gagawing pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan
upang mapabatid ang mensahe sa mga babasa.
6. Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay:
introduksiyon, katawan, at kongklusyon.
7. Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

Sa pagsulat ng simula, maaaring mag-umpisa sapagsagot sa sumusunod na


mga tanong: ano ang aking nararamdaman o pananaw sa paksa? Paano ito
nakakaapekto sa aking buhay? Bakit hindi ito makakaapekto sa aking pagkatao?
Matapos masagot ang mga tanong lagumin ang iyong sagot sa loob ng isang
pangungusap. Ito na ang iyong magsisilbing tesis o pangunahing kaisipan na siyang
magiging gabay sapagsulat ng iyong replektibong sanaysay.

9
Sa pagsisimula tandaan ding dapat makapukaw sa atensiyon ng mga
mambabasa. Maaaring gumamit ng mga kilalang pahayag mula sa isang tao o
quotation, tanong, anekdota, karanasan, at iba pa. Sundan agad ito ng
pagpapakilala ng paksa at layunin ng pagsulat ng sanaysay na siyang magsisilbing
preview ng kabuoan. Isulat ito sa loob ng isang talata.

Sa pagsulat naman ng katawan, dito inilalahad ang mga pantulong na mga


kaisipan tungkol sa paksa o tesis na inilahad sa panimula. Maglalagay sa bahaging
ito ng mga obhetibong datos batay sa iyong naobserbahan o naransan upang higit na
mapagtibay ang kaisipang iyong ipinaliliwanag. Sa bahgaing ring makikita o
isususlat ang iyong napagnilay-nilayan o mga natutuhan. Gayundin, kung paano
umunlad ang iyong pagkatao mula sa mga karanasan o mga gintong aral na napulot.

Sa pagsulat ng wakas o kongklusyon, muling banggitin ang tesis o ang


pangunahing paksa ng sanaysay. Maaaring magbigay ng hamon sa mga mambabsa
na sila man ay magnilay sa kanilang buhay hinggil sa mga natutuhan o kaya naman
ay mag-iwan ng tanong na maaari nilang pag-isipan.

Tunghayan ang isang halimbawa ng replektibong sanaysay tungkol s isang


seminar na dinaluhan ng isang guro.

Replektibong Sanaysay patungkol sa dinaluhang seminar hinggil sa paksang


“Paghahanda at Paghubog sa mga Mag-aaral ng Ika-21 Siglo”

“We need to prepare our shildren for a competitive future and the future is
now.” Ito ang katagang namutawi sa bibig ni Sec. Jesli Lapuz, ang dating kalihim ng
kagawaran ng Edukasyon. Ang masalimuot na bukas na binabanggit dito ay ang mga
pagbabagong nararanasan sa buhay ng mga mag-aaral ng ika-21 siglo dulot ng
pagsibol ng modernisasyon at pagsulpot ng makabagong imbensyon t teknolohoya.
Mahalagang maunawaan natin ang katangian ng mga kabataang mag-aaral sa
kasalukiyan at kung paano sila huhubugin upang maging handa sa pagharap sa
totoong buhay.

Ayon sa seminar na aking dinaluhan, ang 21st century skills na dapat mahubog
sa mga mag-aaral na Pilipino sa kasalukuyang panahon ay ang kakayahang
panteknolohiya (technological influency), komunikasyon(communication), pakikiisa
(teamwork), pamumuno (leadership), at paglutas sa problema (problem solving).
Kung ang mga ito ay maituturo sa mga mag-aaral, maihahanda sila sa pagharap sa
totoong buhay lalo na larangan ng pagtatrabaho. Tulad na lang halimbawa ng datos
na inilabas ng Department of labor and Employment o DOLE, ayon sa kanilang tala,
17.7% ng 49.1% ng walang trabaho sa bansa noong taong 2006 ay mga kabataan.
Ang pangunahing dahilan kung bakit hindi sila matanggap sa trabaho ay dulot ng
kakulangan nila ng sapat na kasanayan sa komunikasyon o pakikipagtalastasan. Sa
kaing personal na karanasan, ang suliraning ito ay nag-uugat sa kakulangan ng mga
gawain sa pagtuturo at pagkatuto sa paaralan na humuhubog sa kakayahan ng mga
mag-aaral na magsalita nang mahusa- ito man ay pasulat o pasalita. Akin ding

10
napagtanto na mahalagang mataya ang kasanayan ng mga mag-aaral hindil lamang
sa antas na pasasaulo ng mga datos o mahahalagang impormasyn sa halip kailangng
magamit nila sa totoong buhay ang kanilang mga natutuhan.

Bigyang-pansin din sa seminar na suportahan ang isinusulong na pagbabago


ng pamahalaan sa edukasyon- ang paglunsad ng K to 12 Education Program.
Pangitin at layunin ng programang ito na ang bawat magtatapos na mag-aaral sa
Senior High School ay magtataglay ng sapat na kakayahang panteknolohiya
(technology skills). Kasanayangpampagkatuto at paglunsad ng pagabbago (learning
and innovation skills), Kahusayan sa pakikipagtalastasan (effective communication),
at kahandaan sa pagkakaroon ng maayos na uhay at propesyon o trabaho (life and
career skills). Bilang isang guro ng makabagong panahon, mahalagang yakapin ko
ang mga pagbabagong inilulunsad ng ating pamahalaan. Magkaroon ng paradigm
shift sa aking pananaw na ang uri ng mag-aaral sa kasalukuyan ay may lamalaki
nang kaibahan sa mga mag-aaral sa mga nakalipas na taon. Napakahalaga n
amgkaroon ako ng pagbabago sa paraan ng aking pagtutur upang makamit ang
layuning ito ng ating gobyerno. Maging guro na huhubog sa mga kabataang
magiging handa sa pagharap sa masalimuot na buhay sa mundo.

Tunay na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Sila ang isa sa mga
bumubuo sa malaking bahagdan ng ating populasyon. Higit sa kahat, sila ang
susunod na lider ng ating bansa at magtataguyod sa kaunlaran ng ating Inang Bayan.
Taglay ang 21st century skills ng mga kabataang ito, tulungan at hubugin natin sila.
Tayong mga guro, magulang, at nakakatanda ang magsisislbing gabay sa paghubog
sa kanilang pagkatao. Ihianda natin sila sa pagharap sa totoong buhay.

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Isulat ang letrang T kung tama ang pahayag at M naman kung hindi wasto
ng pahayag. Isulat ang inyong sagot sa kwaderno.

1. Ang paglalahad ay isang detalyado at komprehensibong pagpapaliwanag ng


isang bagay, pook, o ideya.
2. Ang paglalahad ay tinatawag na expository writing sa Ingles.
3. Ang pangunahing layunin nito ay magpaliwanag nang obhetibo at walang
pagkakampi.
4. Ito ay nagpapahayag ng isang paninindigan.
5. Ito ay nagsasalaysay ng isang kwento. Ito ay naglalarawan ng isang bagay.
6. Madalas na paggamitan ng paglalahad ang pagbibigay-kahulugan, pagsunod
sa panuto, pangulung tudling, suriing-basa, ulat, balita, at sanaysay.
7. Ang replektibong sanaysay ay kadalasang nakabatay sa karanasan kaya mula
sa nilalaman nito ay nasasalamin ang pagkatao ng sumulat.

11
8. Bahagi ng sanaysay na ito ang mga bagay na naisip, nararamdaman, at
pananaw hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa
taong sumusulat nito.
9. Ito ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang
mahalagang karanasan o pangyayri.
10. Madalas itong gamitin upang mailarawan ang tiyak na bagay, kaisipan, at
pangyayaring nakita o basaksihan.

12

You might also like