You are on page 1of 19

Layunin ng Aralin:

Nakasusulat ng organisado, malikhain,


at kapani-paniwalang 
Sulatin.
Replektibong
Sanaysay
Replektibong Sanaysay
Ang replektibong sanaysay o repleksyong
papel (reflective paper) ay isang pasulat na
presentasyon o kritikal na repleksyon o
pagmumuni-muni tungkol sa isang tiyak na
paksa. Ang repleksyong papel ay maaaring isulat
hinggil sa isang itinakdang babasahin.
Ito ay hindi dayari o dyornal, bagaman ang
mga ito ay maring gamiting paraan ng
pagpoproseso ngmga repleksyon bago isulat
sa repleksyong papel. Ito ay isang impormal
na sanaysay. Naglalaman ito ng introduksyon,
katawan naglalahad ng iyong naiisip o
nararamdaman at konsklusyon.
Ginagamitan ito ng unang panauhang
perspektiba kagaya ng ako, akin, tayo at kami.
At kung gagamit ng ibang karanasan ng ibang
taosikaping banggitin o bigyan sya ng
pagkakakilanlan. Ang repleksyong papel ay
nag anyaya ng self rflection o pagmumuni
muni.
Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
1. Mga iniisip na reaksyon

◦Kailangang maitala ang iyong reaksyon sa binas


o karanasan. Maaring gamitin ang repleksyon papel
upang suriin ang binasa. Maari ding maglahad ng
personal na karanasan na may kaugnayan sa binasa.
2. Buod

◦Hindi simpleng pgbasa ang repleksyong papel,


ito ay malayang dalos ng ideya o iniisip. Ito ay
nakasulat sa isang sanaysany na naglalarawan ng
reaksyon o pagsusuri sa binasa o karanasan. Ito ay
pormal kaya hindi angkop ang impormal na wika at
anyo.
3. Organisasyon

◦Maglaan ng introduksyon kagaya ng paglalaraan


ng iyong inaasahan bago magbasa. Katawan,
naglalaman ng konklusyong nagaa mo, sagotsa mga
katanungang paano at bakit. At maaari itong tapusin
sa pagbubuod ng iyong natamo o aral sa binasa.
Maaring iugnay ang iyong inaasahan, analisasyon
karanasan kaugnay sa damdamin o reaksyon.
Mga Dapat isaalang-
alang sa Pagsulat ng
Replektibong
Sanaysay
1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o
tesis – sikaping magkaroon ng isang malinaw
na tema sa iyong pagsulat.
2. Isulat sa unang panauhan na panghalip-
gamitin ang ako, akin sa pagsulat ng
replektibong sanaysay.
3. Mahalagang magtaglay ito ng patunay o
patotoo- gumamit ng mga ebidensya sa libro
o internet na magpapatunay sa mga naging
reaksyon mo basesa binasa.
4. Gumamit ng pomal na salita- sikaping
gumamit ng magagalang at kaaya-ayang salita
iasan ang mga salitang kalye o pagmumura sa
pagsulat.
5. Gumamit ng tekstong naglalahad sa
pagsulat nito- Marapat din na banggitin ang
teksto na binasa o binigyan ng reaksyon.
6. Sundin ang tamang estruktura- Simulan
ito sa Itroduksyon, katawan, at konklusyon.

7. Gawing lohikal at organisado- magiging


masmalinis at malina ang tekstong isinulat
kung pagsusunod-sunurin ito ayon sa mga
ideya.
Mga Hakbang sa
Pagsulat ng
Replektibong
Sanaysay
Simula
 dapat makapukaw sa atensiyon ng
mambabasa
maaaring gumamit ng quotation, tanong,
anekdota, karanasan, at iba pa
sundan agad ito ng pagpapakilala ng paksa at
layunin ng pagsulat ng sanaysayna
magsisilbing preview ng sanaysay
isulat sa loob lamang ng isang talata
Katawan
 dito inilalahad ang mga pantulong o
kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa o
tesis
maglagay ng obhetibong datos batay sa
naobserbahan o naranasan
gumamit ng mapagkatitiwalaang mga
sanggunian bilang karagdagang datos
isulat dito ang iyong mga napagnilay-
nilayan o mga natutuhan, pati kung paano
umunlad ang iying pagkatao mula sa mga
karanasan o mga gintong aral na napulot
magbigay din ng patotoo kung paano
nakatulong ang mga karanasang ito sa iyo
Wakas o Konklusyon
muling banggitin ang tesis o
angpangunahing paksa ng sanaysay
lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit
kung paano mo magagamit ang iyong mga
natutuhan sa buhay sa hinaharap
magbigay ng hamon sa mga mambabasa na
maging sila manay magnilay sa kanilang
buhay hinggil sa iyong natutuhan o kaya
naman ay mag-iwan ng tanong na maaari
nilang pag-isipan

You might also like