You are on page 1of 22

FILIPINOSAPILING LARANG

- AKADEMIKS
LESSON 2
POSISYONG PAPEL
(Katuturan, Layunin at
Kahalagahan ng
Pagsulat)
Gawain : ISYU MO,ISYU KO!

ISYU: Pagbabawal sa paggamit


ng :TIKTOK “SA MGA KABATAAN

Sang-ayon Di sang-ayon

Pagpapaliwanag Pagpapaliwanag
Posisyong Papel
Ang posisyong papel ay isang akademikong sulatin na
naglalahad ng mga matitibay na katwiran ukol sa pinapanigang
isyu. Kagaya ng isang debate, naghihikayat itong maipaglaban
ang pinapaniwalaang tama. Ang pangangatwiran ang isang uri
ng panghihikayat na naglalayong pumanig sa opinyon
manunulat. Sa bawat argumento ginagamitan ito ng mga
matitibay na ebidensya mula sa pinagkakatiwaang datos.
Mahirap paniwalaan ang isang isyu kung walang
pinagbabatayang ebidensya. Ang mga ebidensya ay maaaring
kunin sa obserbasyon, mga pahayag mula sa awtoridad (pulis,
abogado, dalubhasa, doctor o propesor, atbp) upang maipakita
na makakatohanan ng ipinaglalabang isyu.
Sa bawat paglalahad ng argumento
mahalagang madepensahan ito upang
mapatunayang mali o di kapanipaniwala
ang mga binabatong isyu. Mas
makatotohan ang pinapanigang isyu kung
may tatlo o higit pang matitibay na
ebidensya na magpapatunay.
Nauuri sa dalawa ang mga ebidensyang magagamit sa
pangangatwiran ayon kina Constantino at Zafra, (1997)
sinipi mula sa aklat nina Baisan-Julian at Lontoc, (2016).
1. Mga katunayan (facts) - nakabatay ito sa
makakatotohanang ideya mula sa mga nakita, narinig,
naamoy, nalasahan at nadama. Maaarin gumamit ng
mga taong nakasaksi o mga nakaranas ng pangyayari
ngunit siguruduhin ang mga testimonya ay
mapagkakatiwalaan. Ang mga datos ay hindi ibig sabihin
pangmatagalan na ebidensya maari itong magbago
depende sa mga bagong tukas na datos.
2.Mga opinyon- nakabatay sa mga ideyang
pinaniwalaang totoo o sariling pananaw. Hindi ito
makatotohan sapagkat nakabatay lamang ito sa sariling
pagsusuri o judgement. Maaaring gamiting itong
ebidensya pero kinakailangan ang mga opinyon ay
nanggaling sa mga taong may awtoridad o mga kilalang
tao sa lipunan kagaya ng mga iskolar, propesyunal,
politiko at siyentipiko.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong
Papel
Sa pagsulat ng posisyong papel, mahalagang pag-ukulang
pansin ang ibabahaging paksa sa pamamagitan ng
pagsunod sa mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel
upang matulungan na makumbinsi ang mambabasa ng
panigan ang nasabing isyu.
Narito ang mga hakbang dapat taglayin sa pagsulat ng
posisyong papel mula sa aklat nina Baisan-Julian at
Lontoc, (2016).
1. Pumili ng paksa na malapit sa iyong puso.
2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling
paksa.
3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis.
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis
o posisyon.
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing
ebidensya.
6. Buoing ang balangkas ng posisyong papel.
Balangkas sa Pagsulat ng Posisyong Papel
Sa pagbuo ng balangkas kailangan masunod ang pormat sa
pagsulat ng posisyong papel.
Panimula

 Sa pagsulat pa lamang ng simula kailangan mailahad na ng


maayos ang paksa at ang katwiran ukol sa pinapanigang
isyu upang makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig
sa nasabing posisyon. Kapag sa simula ay maipakita ang
kahinaan ng argumento mas madali makukumbinsi ang
mambabasa na paniwalaan ang posisyon.
Katawan
 (Lohikal pagkakasunod-sunod ng mga argumento at mga
ebidensya) – Sa pagsulat ng katawan mahalaga ang lohikal na
pagkakasunod-sunod ng mga argumento at mga ebidensya. Sa
bawat argumento, mahalagang mapatunayan na mali o walang
katotohanan ang binabato o mga argumentong tumutol sa
iyong tesis. Sa bawat paglalahad ng pangangatwiran bigyan ito
ng mga matitibay na mga batayan mula sa mga
pinagkakatiwalaang datos upang maipakita na makatotohanan
ang iyong posiyong pinaglalaban. Mas higit na kapanipaniwala
kapag may tatlo o higit pang matitibay na mga ebidensya na
gagamitin para madepensahan ang pinapanigang posisyon.
Kongklusyon
 Sa kongklusyon, ilahad muli ang argumento at ang talakayin
ang magiging implikasyon nito.
 Bawat isa ay may mga kanya-kanyang opinyon sa bawat isyu. May mga
sang-ayon at may mga di-sang-ayon sa isyu. Ang posisyon ng bawat
indibidwal ay makakatulong upang magkaroon ng kamalayan sa pangyayari
sa ating lipunan. Nariyan ang isyu ng pagtanggal ng Filipino sa mga
Kolehiyo at Unibersidad. Anong Paninindigan mo tungkol sa nasabing isyu?
Sang-ayon ka ba o di ka sangayon?Kapag nagsusulat ng posisyong papel,
sa umpisa pa lamang ay inilalahad na nag malinaw na komposisyon ng
pagtututol. Dapat isa- isahin ang malilinaw na batayan sa simpleng paraan
at maiintindihan ng karaniwang tao. Dapat isaalangalang ang kultura ng
bayang sinilangan sa pagsulat ng posisyon. Isa sa layunin ng Posisyong
papel ay manghikayat.
PERFORMANCE TASK 1:
Panuto: Gumawa o lumikha ng isang editorial na
larawan na nagpapakita ng isyu na maaaring
makita sa ating lipunan ngayon. Tiyaking
napapanahon ito at makahulugan.
PAMATAYAN SA PAGGAWA
Pamantayan Indikador Puntos

Nilalaman Naipakita at naipaliwanag nang maayos ang 21-25


ugnayan ng lahat ng konsepto sa paggawa ng
editoryalna larawan
Kaangkupan Maliwanag at angkop angmensahe sa 16-20
ngkonsepto paglalarawan ngkonsepto
Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya sa paggawa ngposter 11-15
(Originality)
Kabuuang Malinis at Maayos ang kabuuangpresentasyon 6-10
Presentasyon
Pagkamalikhain Gumamit ng tamang kombinasynng kulay upang 1-5
(Creativity) maipahayag angnilalaman, knsepto, at
mensahe
PERFORMANCE TASK 2!
Panuto: Magsaliksik ng mainit na isyu sa ating
kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng
internet ,panonood sa telebisyon o pakikinig sa
radio. Isulat sa talahanayan sa unang hanay.
Pagkatapos maghanap ng lima na
makakapanayam na iyung kapamliya para kunin
ang kanilang sagot kung pabor ba sila o di-pabor
sa isyu at ano ang dahilan.
ISYU MGA SAGOT DAHILAN
PABOR DI - PABOR
1.

2.

3.

4.

5.

You might also like