You are on page 1of 2

Department of Education

Region VI-Western Visayas


Schools Division of Iloilo
BUGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Buga, Leon, Iloilo

FILIPINO SA PILING LARANG

DESKRIPSYON NG PRODUKTO

Pagpapakilala at pagbibigay katangian sa isang produkto o serbisyo bago ito tangkilikin ng isang
mamimili. Ayon kay Gerchev (2014) sa artikulo niyang is Your Product’s Documentation Good Enough?
Na may pormula upang maging matagumpay ang isang produkto. Ganito ang kanyang pormula: Great
Product+Great Documentation+Great Support+ Great Success.
Ang deskripsyon ng isang produkto ay maikling sulatin sa label o kalakip na leaflet nito na
nagpapaliwanag sa katangian, component o gamit ng produkto. Batay sa uri ng produktong binibigyang-
dskripsyon, ibinibigay nito ang pinakamahalagang impormasyon na kinakailangan ng mamimili o
kokonsumo nito.
Maliban sa layuning magbigay-impormsyon, nakapanghihikayat din ang mismong deskripsyon
ng produkto upang ibenta ito sa mga target na kostumer. Dahil ditto, mahalagang maging epektibo ang
pamamaraan sa paglalarawan sa produkto o serbisyong ibibigay sa publiko. Upang makamit ito,
mahalagang isaalang-alang ang ilang mahalgang mungkahi ni McDonald (2013) sa pagbuo ng
deskripsiyon ng produkto o serbisyo:

1. Pagtuunan ang inaasahang mamimili


Mahalagang malinaw sa isipan ng sino mang sumusulat ng isang deskripsiyon ng produkto kung
para kanino ang sulating ito. Ibig sabihin, kailangang kilalanin ang target na mamimili ng
produkto o serbisyo.

2. Manghikayat sa pamamagitan ng benepisyo


Ilahad ang mga benepisyong makukuha sa produkto at i-highlight ang kaibahan nito sa iba.
3. Buhayin ang imahinasyon ng mambabsa
Sa pagbuo ng deskripsiyon, mahusay kung makagagamit ng mga biswal na salita upang buhayin
ang mga imahinasyon ng nagbabasa. Tandaang kailangang ilahad ang deskripsiyon sa paraang
kaakit-akit sa mambabasa.

4. Manghikayat sa pamamagitan ng katibayan.


Isang mabisang paraan ng pabnghihikayat ang pagsasaad ng mga testimonya ng mga taong
gumamit ng produkto o ng syentipikong katibayan sa bias nito.

5. Tiyaking madaling basahin ang deskripsyon


Panatilihing simple at direkta ang deskripsyon. Iwasan ang mahahaba at maliligoy na pananalita
upang mas madali ang pagbasa nito.

Samantala, ilan sa itinagubilin sa artikulong 7 Simple Steps to Writing Product Descriptions


That Sell ang mga sumusunod:

1. I-define ang persona ng iyong mamimili. Tiyakin ang iyong target audience, higit pa sa
malabong deskripsiyon ng demographics.
2.
2. Gumawa ng komprehensibong tala ng features at benepisyo. Ilista ang features and specs ng
produkto, matapos ay isalin ang mga iyon sa benefits. Ang feature ay isang katotohanan tungkol sa
produkto, samatlang ang benepisyo ay isang eksplanasyon ng nagagawa ng feature sa konsumer. Ang
benepisyo ay maaaring ilahad sa paraang positibo (halimbawa, pinabubuti ang produktibi) o bilang isang
problemang sinosolusyunan (halimbawa, binabawasan ang stress).

3. Piliin ang tono ng iyong tinig. Ipakita ang tono sa pagsulat kung sino ka at kung paano mo
pakikitunguhan ang iyong kliyente. Samakatuwid, sa pagpili ng tono sa pagsulat, mahalaga ang wastong
pagpili ng mga salita.

Pansinin at suriin ang kasunod na halimbawa ng deskripsiyon ng isang brand ng plantsa:

ARABASHI
Kalidad na Walang Kapantay
Model No. BC 373
 Episyente sa Enerhiya
 Episyente ang Halaga
 Walang Kapantay ang
Kalidad

Ang Arabashi flat iron ay garantisadong matibay. Mayroon itong 6- level regulator para maiakma sa iba’t
ibang uri ng tela ayon sa inyong pangangailangan. Hindi tulad ng ibang plantsa, mayroon itong spray
outlet upang mas kumbinyente ang paggamit. Makatitipid ang kuryente sa paggamit nito sapagkat energy
efficient din ito. Sa katunayan, 75 wats lamang ang konsumo nito kada oras. Mahigit kalahati ang tipid
ninyo sa paggamit nito kaysa iba pang brand ng plantsa.
Sa Japan, 80% ng mga tahanan ang gumagamit ng Arabashi flat iron.

You might also like