You are on page 1of 10

Pamantasan ng Cabuyao

Laguna, Philippines 4025


College of Engineering
“Ang Paggamit ng Makabagong Teknolohiya sa Susunod na

Henerasyon sa Pamantasan ng Cabuyao”

Isang Pagsasaliksik na Iniharap kay

Gng. Nenita Carasus

Pamantasan

Ng Cabuyao

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng

Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat

Tungo sa Pananaliksik

Nina

De Guzman, Mark Bryan

Dones, Kyle

Fiedacan, Garry

Montana, Marvin

Pican, Dan Nicole

Panimula:
Pamantasan ng Cabuyao
Laguna, Philippines 4025
College of Engineering
Patuloy na ang paglaganap ng makabagong teknolohiya sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas

at maging sa buong mundo. Sa pagbabagong ito halos lahat ay naapektuhan maging sa pang-

araw-araw nilang gawain, mas lalo nitong napapadali ang mga gawain ng bawat tao. Sa pag-

unlad makabagong teknolohiya malaki ang nagagawang tulong nito sa pag-aaral. Ang mga

pagbabagong ito ay hindi natin mapipigilan kaya’t ang karamihan ay sumasabay nalang sa pag-

unlad nito. Ang mga teknolohiya rin ay dahilan kung bakit ang buhay naten ay unti-unting

napapadali. Ang mga pagbabagong ito ay nagiging rason kung bakit ang karamihan sa mga tao

ay hindi na nagsisikap. Napapatuyan lang ng mga sinaryong ito na ang ugali ng mga tao ay

nagbabago kasabay ng pag-unlad at paglago ng teknolohiya. Ngunit bakit patuloy nating sisilipin

ang mga masasamang bagay na maidudulot ng teknolohiya kung ito ay nagdudulot din ng

kabutihan sa ating mga tao lalong-lalo na sa mga estudyante. Napapadali ng mga teknolohiyang

ito ang pag-aaral at pagsusuri ng mga mag-aaral. Nahihikayat din ng mga ito ang mga mag-aaral

na patuloy na makadiskubre ng mga kaalam ang hindi naituturo sa paaralan. Halos lahat ng mga

pangangailangan ng mga mag aaral ay nakukuha dito katulad ng paggawa ng mga asignatura,

proyekto at iba pang pangangailangan. Makabagong teknolohiya na makakatulong pa sa atin sa

pagunlad ng buhay ng bawat tao at matutugunan lahat ng pangangailangan ng bawat isa.

Samakatuwid kinakailangan pa nating mas paunladin ang teknolohiya at hikayatin ang lahat sa

paggamit nito nang sa ganun mas lalo pang makilala ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang

mayroong makabagong teknolohiya. Dito magsisimula ang pag-unlad ng Pilipinas at kaakibat

nito ang pag-unlad ng buhay ng bawat Pilipino.


Pamantasan ng Cabuyao
Laguna, Philippines 4025
College of Engineering
Ang teknolohiya ay may malaking impluwensya sa ating lipunan ngunit ang

impluwensya nito ay hindi lamang puro positibo, may mga negatibo rin itong epekto. Ang

teknolohiya ay maraming naitutulong sa mga tao lalo na sa mga mag-aaral. Kung dati ay inaabot

tayo ng madaling araw para sa mga takdang aralin na kelangan ng mga pagsasaliksik ngunit sa

panahon ngayon madali na lamang ang pagsasaliksik dahil sa mga teknolohiyang nakapaligid

satin. Ngunit ng dahil din sa mga teknolohiyang ito ay may mga mag-aaral na umaabuso sa

teknolohiya at nalululong dito. May mga mag-aaral din na hindi na pumapasok para lamang

maglaro ng mga internet games at sa halip na mapaayos ang pag-aaral ng mga estudyante ay lalo

lamang itong nasisira. May mga Paaralan din na nais puksain ang masamang gawain ng mga

mag-aaral na huwag pumasok at maglaro na lamang ng mga internet games at bilang aksyon sa

mga maling gawain ng mga mag-aaral, ang ibang paaralan ay nagbibigay ng mas malalim na

kahulugan kung paano gagamitin ang teknolohiya para sa pag-aaral. At isa sa mga paaralng

nagnanais na mababuti ang paggamit ng teknolohiya ay ang Pamantasan ng Cabuyao.


Pamantasan ng Cabuyao
Laguna, Philippines 4025
College of Engineering

Paglalahad ng suliranin:

Ang isang proyektong katulad nito ay nangangailangan ng masusing pagsasaliksik upang

masigurado ang kalagayan ng mga mag-aaral at para rin sa mga mga-aaral sa susunod na

henerasyon ng Pamantasan ng Cabuyao.

1. Anu-ano ang mga salik na haharapin ng proyektong ito?

2. Anu-ano ang mga mabuting maidudulot kung ang proyektong itong ay maisusulong?

3. Sang-ayon ba ang Board of Reagents lalong lalo na si Mayor Jun Hemedez JR. para

maisulong ang proyektong ito?

4. Ano ang magiging reaksyon ng mga mag-aaral sa malaking pagbabagong ito?


Pamantasan ng Cabuyao
Laguna, Philippines 4025
College of Engineering
Kahalagahan ng Pag-aaral:

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong ng malaki sa mga mag-aaral lalo na sa pag-aaral

nila. Ang pagsasaliksik na ito ay naglalayon na mapabuti ang susunod na henerasyon ng

Pamantasan ng Cabuyao. Ang Pamantasan ng Cabuyao ay naglalayon na mapaganda pa ang

kanilang pagtuturo sa mga mag-aaral upang mahubog ang mga mag-aaral para sa kanilang pag-

aaral. Isa sa mga layunin ng pagsasaliksik na ito ay upang matulungan ang Pamantasan ng

Cabuyao na hubugin ng ayos ang mga kabataan, ang pag-asa ng bayan. Ang pagsasaliksik na ito

ay makakatulong din upang mailahad ng mga mag-aaral ng Pamantsan ng Cabuyao ang kanilang

mga hinaing sa proyektong ito. Naglalayon din kami na alamin ang mga tuksong naidududulot

ng teknolohiya sa mga mag-aaral at kung ano ang dahilan at natutukso silang abusuhin ang

teknolohiya. Maaaring imposible pa ang bagay na ito sa ngayon ngunit itong pagsasaliksik na ito

ay naglalayon na makabuo ng isang pundasyon para sa hinahirap ng kapwa ko kabataan na

naghahangad ng magandang kinabukasan. Ang aming pagsasaliksik ay nagnanais na mabagtibay

pa ang pundasyon na naibibigay ng aming paaralan. Ang pananaliksik na ito ay nagnanais rin na

makatulong din sa ibang unibersidad na may katulad ding suliranin na hinaharap ng Pamantasan

ng Cabuyao. Hindi namin ninaais na pilitin ang mga mag-aaral na sumabay sa mga pagbabagong

ito sa sistema ng pag-aaral, ang nais ng aming pagsasaliksik ay mapabuti ang mga kabataan at

maiwasan ang masasamang dulot ng pag-abuso sa teknolohiya. Hinihiling naming na ang

pagsasaliksik na ito ay mapunta lang sa wala at maglaho nalang na parang bula. Ang pundasyon

na ito ay nais naming pagyabungin gaya ng nais naming na hubugin ang mga mag-aaral sa

tamang paggamit ng teknolohiya. Ang pagsasaliksik na ito ay naglalayon din na alamin ang mga

tukso na nararansan ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng Cabuyao at tulungan sila na


Pamantasan ng Cabuyao
Laguna, Philippines 4025
College of Engineering
mapaglalim pa ang kaalaman nila sa teknolohiya gaya ng cellphone, tablet, kompyuter, laptop

atbp. Ayon kay Ginoong Louie Peliño, “Wag nating hayaan na kontrolin tayo ng teknolohiya

bagkus pilitin natin na gamitin ang teknolohiya para sa ikabubuti natin.” (2015). Ang katagang

ito ay tumatak sa isip sa aming mga mananaliksik dahil sa magandang mensaheng hatid nito at

napapanahon din ito sapagkat karamihan sa mga mag-aaral ngayon ay kinokontrol na ng

teknolohiya. Isa sa mga layunin namin ay maisakatuparan ang pangarap ni Ginoong Louie Peliño

na mapalaganap ang mabubuting epekto ng mga teknolohiya para sa ikabubuti ng ating

kinabukasan at ang Pamantasan ng Cabuyao ang isa sa mga nagnanais na mapabuti ang mga

mag-aaral sa hinaharap kaya isinasagawa namin ang pagsasaliksik na ito.


Pamantasan ng Cabuyao
Laguna, Philippines 4025
College of Engineering
Saklaw at Lawak ng Pag-aaral

Ang pagsasaliksik na ito ay nakatuon sa mga pagbabago sa sistema ng pagtuturo sa

pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa Pamantasan ng Cabuyao. Nakatuon

din ito sa mga dahilan ng pagkahumaling ng mga mag-aaral sa pag-abuso nila sa paggamit ng

teknolohiya na nakakasira sa pag-aaral ng mga kabataan. Nakapokus rin ang pagsasaliksik na ito

sa mga mabuting naidudulot ng teknolohiya sa pag-aaral ng mga kabataan at kung paano nito

mahuhubog ang mga mag-aaral.


Pamantasan ng Cabuyao
Laguna, Philippines 4025
College of Engineering
Terminolohiya:

Ikaw ba 'to?

ni Raymart Anthony Santos

“Kasabay ng paglipas ng panahon ang mabilis mong pagbabago.” Hindi na ikaw ang

dating palatawa at mapaglarong kabataang nagbibigay-buhay sa mga lansangan at bumabasag sa

nakabibinging katahimikan ng kapaligiran. Malaon nang naglaho ang ngiti sa iyong mga labing

nagdudulot ng sigla sa sinumang makakita; hindi na maaninag sa iyong mga mata ang dating

maamong kislap na kababanaagan ng saya at kakuntentuhan sa buhay; at nawala na sa iyong

himig ang lambing na dulot (at nagdudulot) ng inspirasyon sa iyong mga mahal sa buhay.

Ngayon, nakakulong ka na lamang sa silid kaharap ang kahong hindi maiwan kahit saglit

ng iyong paningin – isang kahong ginagamit mo upang magtungo sa pangarap mong pook, kung

saan ang karahasan at kalaswaan ay hindi ipinagbabawal. Ang mukha mo ay larawan ng poot

habang ang mga daliri ay nanggagalaiting pinapatay ang mga kapwa kabataan sa isang laro kung

saan kayo ay nabubuhay sa katauhan ng mga diyablo. Digmaan, pagdanak ng dugo, at

kamatayan ang nagdudulot sa iyo ng kagalakan.

Makapal na ang alikabok ng mga libro mo at natutuyo ang tinta ng pluma, sapagkat ang

tanging kilala mo na lamang ay ang mga kagamitang umiilaw, pinipindot, tumutunog, may

gumagalaw na mga larawan, o ang mga maaaring gamitin upang makipag-usap sa ibang tao sa

isang iglap, gaano man sila kalayo.


Pamantasan ng Cabuyao
Laguna, Philippines 4025
College of Engineering
“Kasabay ng paglipas ng panahon ang mabilis mong pagbabago”, ngunit

nangangahulugan ba itong ang paglipas ng panahon ang dapat sisihin sa iyong pagbabago?

Panahon na ng modernisasyon kung saan ang teknolohiya ay patuloy na yumayabong at

lumalaganap. Ito ay patunay na malayo na ang nararating ng mga mapanaliksik na isip ng mga

tao. Madali na ang lahat. Ang mga mahusay at halos perpektong nagagawa ng mga hi-tech na

gamit ay may napakalaking tulong at kontribusyon sa pagpapaunlad ng lipunan. Ngunit bakit

ganyan ang epekto nito sa iyong pagkatao?

Ang lahat ng sobra ay nakasasama. Dapat mong alalahanin na maganda ang daigdig –

ang totoong daigdig at hindi ang katha ng iyong isip – kung bubuksan mong muli ang iyong

paningin sa kapaligiran mong puno ng kulay; masaya ang buhay – ang tunay na buhay at hindi

ang iyong pantasya – kung susubukin mong muling maglaan ng oras sa mga taong

nagpapahalaga sa iyo; at higit sa lahat, masarap mabuhay sa sarili mong katauhan – at hindi sa

katauhan ng anumang walang pakiramdam, pang-unawa, at kaluluwa – kung matututunan mong

tanggapin na ang ikaw na kilala mo, ay ang ikaw na pinili ng Diyos upang maging anak Niya,

gaano man karami ang iyong pagkukulang.


Pamantasan ng Cabuyao
Laguna, Philippines 4025
College of Engineering

Kabanata II:

You might also like