You are on page 1of 2

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila

ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na


komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na
mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na
nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.
Bukod dito, ang social media ay may interactive platform na kung saan ang isang indibidwal at
mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang nilalamang binuo
ng gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at malaganap na pagbabago sa
komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga komunidad at mga indibidwal.
Ang pangunahing benepisyo ng social media ay ang kakayahan nito na magbigay ng
pagkakataon sa gumagamit na makipag-ugnayan sa maraming tao malapit man o malayo sa
iyo.Nangangahulugan ito na maaari kang mailantad sa isang mas malayo, mas malawak na
hanay ng mga opinyon. Bilang karagdagan, magagawa mong ibahagi ang iyong opinyon sa
mas maraming mga tao kahit saan mang bahagi ng mundo. Dito ay maaari mo ring limitahan
ang mga tao na mayroong parehong opinyon at paniniwala sa iyo at limitahan ang mga taong
gusto mong makatransaksyon.

Ang social media ay isang mainam na paraan na makatutulong sa iyo na makahanap ng mga
customer. Maaari rin itong makatulong sa iyo na kumonekta sa iba pang mga negosyo at
negosyante. Maaari kang gumawa ng isang profile sa LinkedIn para mas lumawak ang iyong
koneksyon at magkaroon ka ng pagkakataon na makabuo ng malawak na koneksyon na
magbubukas ng maraming oportunidad para sa iyo at ito rin ay nagpapahintulot sa iyo na
kumonekta sa mga negosyo at mga propesyonal doon. Mahalagang isaalang-alang na ang
paggawa ng mga koneksyon ngayon ay magbibigay daan sa iyo na makinabang sa mga hindi
inaasahang paraan, kaya tanggapin ang mga kahilingan mula sa mga kagalang-galang na mga
propesyonal sa mga social media.
Maraming sites sa internet ang kadalasan na naaccess ng mga kabataan. Kabilang dito ang
facebook,twitter,instagram, tumblr, at mga laro tulad ng Dota,Clash of clans at kung ano ano pa.
Sa isang klik lamang ay maaari ka nang mapabilang sa isa o sa lahat ng mga to. Maraming
kabataan na ginagawa abg mga social networking sites na ito bilang libangan. Pero ano nga ba
anf mga epekto ng mga ito sa kabataan sa panahon ngayon? Unang bagay dito ay ang
pagiging tamad ng mga kabataan sa pag aaral dahil sa mga sites na mayroon ay nahahti ang
kanilang atensyon. Mas marami pa silang ginugugol na oras sa pag accss o paglalaro kaysa sa
pag aaral. Mas nagiging interesado sila sa mga bagay na makikita sa sites kesa pagtyagaan
ang mga aralin sa paaralan. Dahil din s mga social networking sites na ito ay nagiging aktibo
ang mga estudyante sa latest na bagay at sa kung anong uso.Nagiging ugali nila ang makiuso
sa mga sikat na nagpapabago sa kanilang mga ugali. Dahil din sa mga social networking sites
marami kabataan ang nalalayo sa tamang landas.Marami sa kanila ang nalululong sa mga
larong kinasisira ng kanilang pag aaral. May pagkakataon pa na hindi sumisipot ang ibang mag-
aaral makapaglaro lamang ng mga Dota o clash of clans o di kaya’y magfacebook lamang.
Marami din kabataan ang naiimpluwensiyahan ng mga laro at napapanuod nila. May nga
naappektuhan ng mga madadahas na pamumuhay. May ibang kaso pa nga na nakakapatay
ang mga kabataan ng kapwa nila dahil lamang sa inis o galit sa mga laro. Nagiging sanhi ito
upang maging brutal sila at malulong sa madaming gawa. Ngunit sa kabila nito ay nasa tao
padin ang limitasyon ng bawa bagay. Kahit ano pa mang ibigay ng buhay na ito ay dapat
marunong tayong magkontrol sa mga ito. Dahil walang ibang magiging responsibilidad sa ating
sarili kundi tayo. Dapat may sapat na gabay ang mga magulang sa kabilang mga anak.

Sa kasalukuyang panahon na kinabibilangan natin ngayon, ang paggamit ng internet ay


talamak sa mga kabataan lalong lalo na sa mga mag-aaral .Ang pagiging uso nito sa mga
kabataan ay may iba't ibang dahilan at nagkaroon ng mga epekto sa pang-araw-araw nilang
pamumuhay.
Ang mga dahilan ng mga mag-aaral kung bakit sila gumagamit ng internet ay para mangalap ng
mga impormasyon, madagdagan ang mga kaalaman na may kinalaman sa paaralan at
maghanap ng mga kasagutan sa mga asignatura. Ayon kay A. Palbacal (2018), sinabi niya na
napakalaki ng naitutulong ng internet sa trabaho lalong lalo na sa edukasyon. Kung noon ay
kinakailangan pang pumunta ng mga mag-aaral sa silid-aklatan para maghanap ng mga
impormasyon sa mga takdang-aralin o nais malaman, mas mabilis ngayon ang proseso gamit
ang internet. Itatype lamang nila ang mga nais nilang hanapin, lalabas na agad ang kanilang
mga hinahanap na kasagutan. Kahit walang libro na mapapaghanapan ng sagot, maaari pa ring
maghanap ang mga mag-aaral sa mga site na pwedeng puntahan para makatulong sa pag-
aaral. Napapagaan nito ang mabibigat na gawain at isa pang benepisyo ay mas nakakatipid ito
sa oras. Sa panahon ngayon, nauuso na rin ang mga internet quiz o test na napakalaking
tulong sa mga mag-aaral kagaya n’ya. Nakakatulong ang mga internet quiz sapagkat
naeehersisyo ang mga utak ng mga mag-aaral. Dahil rin dito, napapalalim pa ang mga
kaalaman sa mga nakakalap na impormasyon na hindi pa lubos nalalaman ng nakararami.

Isa pang dahilan kung bakit gumagamit ng internet ang mga kabatan ngayon ay sa
pagnenegosyo. Sa panahon ngayon, talamak na ang pagbebenta sa mga online shop ng mga
bagay na kailangan sa pang-araw-araw na buhay o mga kagustuhan ng nakararami. Marami na
tayong nakikitang mga nagbebenta sa iba’t ibang Social Media tulad ng Facebook, Instagram,
Twitter at iba pa. Sa pagbebenta nila rito, mas nagiging trend at lumalaki ang popularidad ang
nakukuha nila sa produkto. Ayon kina John Bessant at Joe Tidd (2015), ang negosyo sa
bagong henerasyon ay mas mainam kung ginagamitan ng teknolohiya. Ang paggamit ng
teknolohiya gaya ng internet ay nakakatulong upang mas umangat ang negosyo sa ibang mga
kakompetensya nito. Sinasabi rin sa librong “Innovation and Entrepreneurship” na kailangang
gumamit ng makabagong pamamaraan sa negosyo sa panahon ngayon, isa na nga dito ang
paggamit ng internet. Nagbigay din ang libro ng iba’t ibang paraan para sa mga negosyante,
upang mapatakbo ng maayos ang negosyo. Isa sa mga paraan ay ang sapat na kaalaman sa
paggamit ng internet, dapat pag-aralan din ng mabuti ang takbo ng negosyo sa internet bago ito
pasukin. Sa panahon ngayon, ang teknolohiya ay isang paraan at daan na ginagamit na rin
para sa pag-unlad ng isang negosyo (Boyet et.al, 2010).

You might also like