You are on page 1of 6

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Inilahad sa kabanatang ito ang mga kaugnay na pag-aaral at literatura na

umuugnay sa pamanahong papel ng mga mananaliksik. Ang mga impormasyong

nakalap ng mga mananaliksik ay nakatulong sa pagbibigay linaw at pagpapalawak ng

pag-aaral.

Mga Kaugnay na Literatura

Ang Teknolohiya ay isa sa pinakaimportanteng mapag-kukuhaan ng impormasyon

ng mga tao sa panahon ngayon.Ito din ay isa sa mga paraan na ginagamit sa larangan

ng pakikipagkumunikasyon at pagtratrabaho. At sa kabuuan ay ang teknolohiya ay

nagging bahagi na ng araw araw na pamumuhay ng bawat isa sa mundo.

Ayon sa librong see 'How images are transferred to a mobile', diagram on page 12,

ang mga cellphone ay mayroon nang nakalagay na camera upang makapag record ng

video at makapagdownload sa internet. Ang paggamit ng gadgets sa panahon ngayon

ay napakalaking tulong sa mga estudyante upang makapag hanap ng mga

impormasyon at para na din makapaggawa ng mga aktibidades lalo na at Online

Distance Learning ngayon ang mga estudyante.

Ayon kay Chris Borgan, sa librong Social Media and Social Networking Starting

Points (2010), For you, it’s mostly a question of whether you have the community in

place and are looking for a targeted place within our platform to offer then tools and

resources to connect and cross-communicate.


Ayon din kay Lemuel Dagadan (2012), Mayroong ding negatibong epekto ang

cellphones sa mga estudyante. Isa narito ay ang pagkalulong o ang labis na paggamit

ng mga kabataan na siyang nagdudulot ng masamang epekto lalong-lalo na sa ating

katawan. Dahil dito hindi sila nakakapokus sa sa kanilang pag aaral.

Ayon kay Madison Anderson (2014), Sa henerasyon ngayon marami ng mga gadget

ang ginagamit sa loob ng paaralankatulad ng laptop, tablet, cellphone at maraming

pang iba. Mas napapadali na ng mga estudyante ang paggawa ng mga asignatura o

proyekto dahil sa tulong ngmga teknolohiya ito.

Ayon kay Dr. Mark Reysio-Cruz (2017) "As the doctor mentioned, wala naman

talagang direct evidence. Although, there are seizures na nati-trigger ng sa ilaw, iyong

blinking lights. These gadgets emit din radiation, so di pa natin talagang naaaral iyang

mga ganyan, but certainly, we have to be vigilant”.

Ayon kay Bertillo (2011), Sa kasaysayan ng edukasyon ay malaki ang naiambag ng

teknolohiya. Sa katunayan, ito ay isa sa mga pangunahng paraan kung bakit ang pag-

aaral ay nagiging madali at mabisa kung kaya naman napakaraming mag-aaral ang

sumangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral.

Ayon rin kina Kanaabi at Wandawa (2010), Ang mga cellular phone ay

nakakaapekto sa pagganap ng akademiko ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay

nagpapahiwatig na ang cellular phone ay isang malaking kaguluhan sa pansin ng isang

estudyante lalo na sa oras ng pag-aaral. Nagdudulot ito ng pagkasindak at pagkalito sa

mga mag-aaral sapagkat nakakakuha sila ng pagkakaiba-iba ng impormasyon mula sa


iba’t ibang mga mapagkukunan at sa maraming mga okasyon, nakatuon sa pagrepaso

sa maling paraan.

Ayon kay Murai (2015), Ang sobrang paggamit o pagbababad sa mobile phones o

smartphones ay nagdudulot ng pagbabago sa nakaugaliang pagtulog ng mga

estudyante. Ang kakulangan sa tulog ay nagdudulot ng pagbabago sa ipinakitang

performance ng mga estudyante sa eskwelahan. At agdudulot ng epekto sa pokus ng

mag-aaral pati narin sa abilidad nitong mag-aral.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Pinagbatayan ng mga mananaliksik ang ilan sa mga natapos na pag-aaral na may

kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Sapagkat ito ay tumutukoy sa realidad na

kaganapang ating ginagawa sa paaralan.

Ayon sa pag-aaral ni Dr, Tian Ng, Ang mga batang palaging nakatutok sa gadgets

ay hindi na nakakausap at minsan pa raw ang pagpunta ng banyo ay hindi na rin nila

magawa. Dagdag ni Dr, Tian Ng “Nagkaroon na siya ng habit na sanay siya at gusto,

hinahanap niya yung oras ng pagko-computer. Kapag umabot sa ganun kasi medyo

may alarm bells na tayo.”

Ayon din sa pag-aaral nina Gecilla Regondola (2016) sa murang edad na 8 taong

gulang karamihan ay nagamit na ng gadgets ayon sa statistik ng taong 2007. At kung

bibilangin ang mga estudyanteng 13-17 taong gulang at ipagsasagot ng serbey ay

pwedeng lumaki pa ang persyento nito, at habang patagal ng patagal ang taon pabata

ng pabata ang nagamit ng gadgets.


Ayon naman sa pahayag ni Justin B. Cruise, sa tulong ng tekolohiya, ang pag-aaral

ay gumamit ng iba’t-ibang basehan at hanguan tulad ng mga artikulo na makikita sa

internet at upang mapagtibay ang pananaliksik ukol sa Benepisyo ng makabagong

teknolohiya sa mga estudyante.

Ayon sa osau.com ang maaring maging epekto ng sobrang paggamit ng gadgets sa

kalusugan ay ang pagkakaroon ng problema sa mata. Dahil ang mata ang isa sa

pinakagamit na parte ng ating katawan lalo na kapag gumagamit tayo ng gadget. Ang

pagbababad masyado sa gadget ay nagiging sanhi ng komplikasyon sa mata dahil ito

ay sensitibo.

Ayon din sa mn.ph problema sa pagtulog ang isa sa mga epekto ng sobrang

paggamit ng gadgets sa ating kalusugan. Ang Blue light na nakukuha sa mga gadgets

ay dahilan kung bakit mabagal ang produksyon ng sleeping hormone natin.

Ayon sa mga nakausap ng doktor ng GMA NEWS ang “Seizures” ay abnormal

electrical disturbance sa utak, sinabing ang “focal seizures” ay nangyayari kapag ang

electrical activity ay limitado sa kanyang anak upang makatulong daw sa iba.

Ayon sa pagsusuri ni Muduli (2014) ang modenisasyon ng mga gadgets sa

panahon ngayon ay kumukuha sa atensyon ng global na populasyon. Ang ibat-ibang

kagamitang naiimbento ng mga information technology o IT ay nakakapangalap ng

atensyon ng mga nasa kasalukuyang henerasyon at ang kabataan bilang

pinakamalaking bilang ng mga gumagamit ay nagreresulta sa kanilang pagkawili o

kadalasang paggamit. Dagdag pa rito, ayon rin sa pagsusuri ay lumabas ang iba't-ibang

positibo at negatibong epekto nito sa mental na kalusugan. Tinalakay din ang


kaugnayan ng sobrang paggamit ng gadgets sa lifestyle, na siya namang nagiging

dahilan ng direkta o hindi direktang epekto nito sa kalusugan ng mga estudyante.

Ayon naman sa pag-aaral nina Kumar at Sherkhane (2018) ang gadget addiction sa

mga kabataan ay mas kritikal na suliraning napapanahon at madalas nakikita sa

kasulukuyan, kagaya ng mga batang henerasyon na nahihilig sa iba't-ibang electronic

gadgets na siyang nakakakitaan ng banta sa hinaharap. Dagdag pa rito, ay nabanggit

din sa pag-aaral ang mga iba't-ibang epekto nito sa physiological, psychological, social,

at emotional na kalagayan ng mga estudyante, pati na rin ang mga hakbang na

kinakailangan upang maiwasan ang paglago ng pagkawili sa gadget ng mga kabataan.

Ayon naman sa pananaliksik na Impluwensya ng Makabagong Gadget sa

Academic Performance ng Mag-aaral ng Bachelor of Science in Industrial Engineering

sa Paaralan ng Polytechnic University of the Philippines Santa Rosa Campus Taong

Pampaaralan 2014-2011, ang cellphone ay isang uri ng gadget na kung saan ay

mabisang paraan sa pakikipag komunikasyon saan ka man naroroon. Malaking tulong

ang nagagawa ng paggamit ng gadgets sa kadahilanang madali na ang pakikipag

komunikasyon ngayon kung ikukumpara noon. Dito masasabi ang malaking pagsulong

ng teknolohiya na dati ay sa sulat at telegrama na matagal ang pagdating, ngayon ay sa

pamamagitan na ng internet o sa pag sagap ng internet ay makakausap mo na ang

mga tao malapit o malayo man sila sayo.

Sintesis

You might also like