You are on page 1of 7

Pananaliksik sa epekto

ng pagamit ng gadgets sa
online class
Makabagong Pagsubok sa Pag-aaral: Epekto ng Blended Learning sa
mga Ika- na Baitang Mag-aaral ng University Laboratory School-
University of Southern Mindanao

Collado, Kurt
Adren B. Camanto,
Arifeh Osama C.

Isang Papel Pampananaliksik na Iniharap sa Kaguruan ng Senior


High School sa University Laboratory School-University of Southern
Mindanao Bilang Bahagyang Pagpapatupad sa mga
Pangangailangan ng Asignaturang Pagsulat sa Filipino sa Piling
Larangan
Nobyembre 2020
Panimula
Ang online ay isang plataporma ng pag-aaral kung saan ay
idinadaos sa pamamagitan ng paggamit sa internet, at ang
estudyante ay di na kinakailangang lumabas pa ng bahay upang
magtungo nang personal sa klase at makaharap ang guro at mga
kamag-aral.
Nang magkaroon ng lockdown sa mga bansang apektado ng
COVID19 Crisis, nakapagpatuloy pa rin ang mga estudyante mula
elementarya hanggang kolehiyo sa kanilang pag-aaral gamit ang
computer o smart phones.
Bagama’t iba parin ang pakiramdam ng isang silid-aralan na kung
saan ay may personal na interaksyon sa pagitan ng mga guro at
mga estudyante. Mas napapadali ang pagkatuto ng mga estudyante
sa loob ng silid-aralan dahil merong gurong at merong gumagabay
kung ang isang estudyante ay nahihirapan sa isang paksa. Hindi
katulad ng online class, modular learning at blended learning ay
hindi gaano nabibigyan ng pansin ang mga kahirapan sa pagintindi
ng mga itinuturo ng mga guro o ang mga nababasa sa mga module.
Maganda ang hakbang na pagpaptupad ng online, modular, at
blended learning. Subalit, kung tutuusin, maraming mag-aaral ang
nahihirapan sa ganiton istilo ng pagkatuto. Isa sa mga nagiging
problema ngayon ay ang mahinang internet connection. Ang
internet ay isang importanteng bagay sa online class dahil ito ang
kailangan upang makapasa ng mga aktibidad at mga takdang aralin,
makasali sa online class ng iyong guro, makapag-download ng mga
instruksyunal na mga kagamitan o video, etc..

Saklaw at Delimitasyon
Sinaklaw ng pag-aaral na ito ang pagtukoy ng mga epekto ng
blended learning na isa sa mga bagong porma ng edukasyon sa mga
mag-aaral ng University Laboratory School-University of Southern
Mindanao.
Ang pag-aaral na ito ay limitado lamang sa mga ika-12 na baitang
mag-aaral nga University Laboratory School-University of Southern
Mindanao.
Teoritikal na Balangkas
Ang pananaliksik na ito ay konektado at nakabatay sa
teoryang:
Online learning through technology.Ang teoryang Online learning
through technology ay binubuo ng konseptotungkol sa interaksyon
ng mga mag aaral pagdating sa pamamaraan ngmakabagong
edukasyon sa ngayo. Nakapaloob dto ang isang site na kung
saanmay interaksyon ang guro pati na rin a ng estudayante.
Ang teoryang online learning through technology ni Redmond M. De
Vera, Suzanne Ann Rosales, at Jeremiah Villanue&a ay tungkol sa
modernong paggamit ng teknolohiya sa edukasyon. Ang teoryang
ito ay nagpapaliwanagkung paano ang teknolohiya naapektuhan
ang edukasyon.

Depinisyon ng mga Terminolohiya


Para sa maliwanag na pagkakaunawa sa pag-aaral na ito, ang
mga sumusunod na salita ay binigyang kahulugan.

Online learning. Ito ay gumagamit ng teknolohiya na mag-uugnay


at maghaharap sa dalawa sa pagsasalin ng karunungan at
kasanayan, at sa tagisan at palitan ng kuro-kuro.
(archive.journal.com/editorial/opinion/online-learning-sa- new-
normal-ng-edukasyon) Blended Learning. Ang blended learning
approach ay kahit anong education strategy na pinaghahalo ang
mga digital at traditional na paraan ng pagtuturo. Ibig sabihin,
magkahalo ang mga online activities, webinars, at modules para
turuan ang mga mag-
aaral.( smartparenting.com/parenting/preschooler/mas- maganda-
nga-ba-ano-ang-blended-learning-approach-at-paano-ito-gawin-
a00307- 20200920)
Kabanata II KAUGNAY NA PAG-AARAL AT
LITERATURA
Naglalaman ang kabanatang ito ng mga kaugnay na literatura at
pag-aaral upang mailahad ang pagkakatulad ng mga ito sa
gagawing pag- aaral. Sa layuning
Busaidi, 2012). Binigyang konklusyon ni Al-Busaidi (2012) na ang
higit pang karanasan ng mga mag-aaral sa teknolohiya ang
makatulong upang maging madali ang paggamit ng IT sa edukasyon.
Sa madaling salita, ang pangmatagalang paggamit ng IT ay
nakakaapekto sa pang-unawa upang mapatunayang ito ay kapaki-
pakinabang (Al- Busaidi, 2012).
E-learning at ang katangiang sosyal Bilang karagdagan, ang
impluwensiya ng tagapagturo ay ipinahayag bilang isang
makabuluhang tagapagpahiwatig ng E-learning sa pagtanggap ng
mag-aaral (Al- Busaidi, 2012; Selim, 2007; Sun et al, 2008.). Higit
pa rito, ang saloobin ng tagapagturo at ang kanilang pagkontrol sa
LMS ay posibleng dahilan ng hindi paggamit ng ng estudyante nito.
(Al-Busaidi, 2012; Sun et al, 2008). Ayon kina Sun et al. (2008),
ang tagapagturo na hindi masigasig o mayroong negatibong
pagtingin sa E-learning ang malamang na dahilan sa kabawasan
ang kasiyahan at motibasyon ng mag-aaral. Ito ay nagmumungkahi
sa institusyong pang-edukasyon na kailangan matiyak na ang
tagapagturo ay ganap na ang kaalaman sa paggamit ng LMS (Al-
Busaidi, 2012). Isa pang kadahilanan na nabanggit sa kaugnay na
literatura ay ang impluwensiya mula sa mga kamag-aaral (Al-
Busaidi, 2012).
Ang mga katangian ng Learning Management System Karagdagan
sa katangian ng mag-aaral at mga impluwensyang panlipunan, ang
kalidad ng sistema at impormasyon ay may natatanging epekto sa
pagkahilig ng mga
mag-aaral sa LMS (Al-Busaidi, 2012; Eom, 2012). Ang kalidad ng
sistema ay mga katangian na maaaring masukat, tumutugon sa
panahon, mapagkakatiwalaan, flexible, madaling gamitin, madaling
ma-access, organisado ang disenyo at naaangkop sa personalidad
ng gumagamit. (Al-Busaidi, 2012; Ozkan & Koseler, 2009; Selim,
2007). Ang information quality o kalidad ng impormasyon ay
nangangahulugang nahuhinuha ng mga mag-aaral ang kalalabasang
produkto ng sistema. (Al-Busaidi, 2012). Ang kalidad ng
impromasyon ay kinabibilangan ng time table ng paaralan,
kagamitang pampagtuturo, at talakayan sa forum, kung saan ang
lahat ng ito ay kailangang isinaayos nang mabuti upang matiyak
ang kasiyahan ng mag-aaral. (Sun et al., 2008).
Ayon kay Ozkan at Koseler (2009), nais ng mga mag-aaral na ang
nilalaman ay napapanahon, organisado, malinaw ang presentasyon,
interaktibo at mapakikinabangan. Halimbawa, ang mga natatanging
anunsyo na isinagawa sa takdang panahon ay nagdudulot ang
kasiyahan at kaginhawahan sa mga mag-aaral at hahantong sa mas
mataas na proporsyon ng kasiyahang-loob (Ozkan & Koseler, 2009).
Kaugnay sa mga mungkahi ng ibang pananaliksik, ang pagtanggap
sa E-learning ng mga mag-aaral ay makabuluhan (Al-Busaidi, 2012;
Selim, 2007). Kaugnay nito, minungkahi ni Al-Busaidi (2012) ang
mahusay na pagsasanay sa mga mag-aaral sa paggamit ng LMS ay
kritikal, upang maunawaang mabuti ang sistema.
Ang argumento ni Garcia-Peñalvo et al. (2011) na ang learning
management systems ay malimit na bigo sa paglikha ng inaasahang
resulta ay nag-uugat sa maling pagkakagamit ng LMS, at madalas
na ito ay nakatuon sa pangangailangan ng institusyon at ng kurso
sa halip na sa mga mag-aaral. Minumungkahi ng pananaliksik na
ito na upang maisaaayos ang bahagi ng masalimuot na suliranin,
ang learning
Ang pag-aaral ng mga kabataan sa New Normal Sa artikulo na
“Online Class, ang bagong normal na pag-aaral ng mga kabataan” ni
Dittz Centeno-De Jesus (2020), Ang ONLINE CLASS ay isang
plataporma ng pag- aaral kung saan ay idinadaos sa pamamagitan
ng paggamit sa internet, at ang estudyante ay di na kinakailangang
lumabas pa ng bahay upang magtungo nang personal sa klase at
makaharap ang guro at mga kamag-aral. Nang magkaroon ng
lockdown sa mga bansang apektado ng COVID19 Crisis,
nakapagpatuloy pa rin ang mga estudyante mula elementarya
hanggang kolehiyo sa kanilang pag-aaral gamit ang computer.
Sa Italya, sa kabila ng lockdown noon, ay nakapagdaos ng klase ang
mga guro sa itinakda nilang araw at oras, at nakatulong ang mga
magulang dahil sila man ay nasa bahay lang noon at di
nakapagtrabaho o kaya naman ay work-at-home din kaya may
panahong sapat para gabayan ang kanilang mga anak.
Nang magkaroon ng lockdown sa mga bansang apektado ng
COVID19 Crisis, nakapagpatuloy pa rin ang mga estudyante mula
elementarya hanggang kolehiyo sa kanilang pag-aaral gamit ang
computer.
Sa Italya, sa kabila ng lockdown noon, ay nakapagdaos ng klase ang
mga guro sa itinakda nilang araw at oras, at nakatulong ang mga
magulang dahil sila man ay nasa bahay lang noon at di
nakapagtrabaho o kaya naman ay work-at-home din kaya may
panahong sapat para gabayan ang kanilang mga anak.
Ayon naman kay Grace Ramos, ang dalawa nilang anak na si
Charles and JD na nasa Superiore at Liceo noong panahon ng
lockdown, ay sanay na sa paglalaan ng sapat na oras sa kanilang
pag-aaral. Gumigising sila nang maaga upang ihanda ang sarili sa
pagre-review para sa verifica at interrogazione. Di rin naman sila
stressed na mag-asawa dahil parehong may inisyatiba ang kanilang
mga anak. Kaya naman di nila iniistorbo ang mga ito kapag nasa
study area ng kanilang kuwarto. Para kay Grace na dating guro sa
Pilipinas, di gaanong epektibo ang online class lalo at may mga
pagkakataon na humihina ang internet connection. At iba pa rin ang
personal na interaksiyon sa pagitan ng guro at mga mag-aaral at
ang pagkakaroon ng aktibidad na magkakasama ang magkakaklase.
Ayon naman kay Alyzza Guevarra, estudyante ng Linguistico ng
Liceo , sa Roma, naglaan siya ng apat na oras sa pag-aaral sa online
mula Lunes hanggang Biyernes at dalawang oras naman sa araw ng
Sabado. Bagama’t nakatulong ang online class, nahirapan din
naman siya sa dami ng ibinigay na homework ng kanilang guro.
Kailangan lang talaga ng pokus upang hindi siya mainip at maitutok
ang konsentrasyon sa mga aralin.
Bagama’t ang paaralan ay isang plataporma kung saan ang mga
bata ay napapaunlad ang mga kasanayan hindi lamang sa
akademiko kundi pati sa pakikisalamuha at pagsasagawa ng mga
extra-curricular activities, ang pag-aaral sa pamamagitan ng online
class ay dapat mapalalim pa sa pamamagitan ng mga research at
pagbabasa ng iba pang reference books or e-books. Dapat ding
isaalang-alang ang isang tahimik na puwesto sa tahanan upang
magkaroon ng motibasyon at
Instrumentong Pananaliksik Maraming uri ng deskriptibong
pananaliksik, ngunit ang napili ng mananliksik na gamitin ang
Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanungan
(survey questionnaire) para makalikon ng mga datos upang
malaman ang epekto ng Blended Learning sa mga Ika-12 baitang na
estudyante sa paaralan ng University Laboratory School- University
of Southern Mindanao sa taong 2019-2020. Tritment ng mga
datos Dahil ang ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay
ang pansariling gawang palatanungang papel (self-made
questionnaire) sa pagsasagawa ng pag-aaral ay walang ginawang
pagsusuri sa mga datos sa pamamagitan ng komplikado at matataas
na istatistika. Tanging pagtally at pagkuha ng porsyento lamang
ang kinailangan ng mga mananaliksik.

You might also like