You are on page 1of 4

KAALAMAN SA PAGGAMIT NG KOMPYUTER NG MGA MAG-AARAL SA

AKADEMIKONG PAG-AARAL NG MGA IKA-11 BAITANG NG UNIVERSITY OF

NORTHERN PHILIPPINES

_______________________________

GAMEZ, PHILIP

ANDALLO, JOHN MAYNARD A.

ASUNCION, SLYVESTER

ESGUERRA, CARLOS NOEL


Pambungad

Sa pag-aaral at pagkaturo ng isang mag-aaral sa makabagong panahon ay

sadyang hindi biro. Sa kasalukuyan marami na rin ang nagsagawa ng pag-aaral

patungkol sa makabagong teknolohiya na madalas gamitin sa makabagong paraan ng

pagtuturo isa na rin ang kompyuter. Ayon kay Abante (2018), dahil din sa makabagong

teknolohiya, naging mas madali ang pagtuklas sa mga kaugnay na impormarsyon sa

anumang oras at kahit saan. Ito ay naging posible dahil sa mga makabagong

teknolohiya tulad ng broadband internet.

Sa makabagong panahon dinesenyo ang kompyuter upang mas mapagaan ang

pag-aaral ng mga mag-aaral, mas napapadali ang ginagawang pag-aaral at

pananaliksik.. Sa pamamagitan ng rin nito mas nagiging kapanabiknabik at masaya ang

talakayan sa loob ng silid aralan. Makikita rin sa mga mag-aaral na madalas gumamit

ng kompyuter na mas ka-aya aya ang kanilang mga proyekto kesa sa mga gumagamit

ng tradisyunal na pag-aaral.

Sa mabilis na pagbabago dulot ng makabagong teknolohiya, ang mga guro ay

magkakaroon ng kaalaman at kakayahang panteknolohiya upang makaagapay sa

panahonng digital. Sa larangan ng edukasyon sa makabagong panahon may mga

indibidwal na nagtataglay ng kagalingan at kakayahan sa pagtuturo gamitang

impormasyon sa komunikasyong panteknolohiya.


Ayon kay Mohd et al. (2007), na ang mga mag-aaral na may iba't ibang mga

background at attitudes patungkol sa kompyuter ay nakakaimpluwensiya sa kanilang

mga antas sa kasanayan sa computer, kung kaya’t karamihan sa mga mag-aaral ay

mas nagkakaroon ng hilig sa kompyuter.

Sa pag-aaral ni Mcdowall et al (2006), ang persepsyon ng mga mag-aaral sa

pagiging kapaki-pakinabang ng mga marunong sa kompyuter sa pag-aaral ng mga

konsepto ng accountingsa mga tuntunin ng impluwensiya sa akademikong pagganap.

Madaming mag-aaral ang gumagamit nag makabagong teknolohiya sapangka’t

nakakakuha sila ng panibagong kaalaman sa paggamit ng kompyuter dahil dito

mapapadali ang kanilang gawain sa pag gamit ng makabagong teknolihiya

Layunin ng mga mananaliksik na maipakita ang kontribusyon ng pagiging bihasa

sa kompyuter ng mga mag-aaral sa ika-11 baitang sa kanilang akademikong pag-aaral.

Nais ding ipakita ng mananaliksik ang importansya at gamit ng kompyuter sa ilalim ng

K-12 kurikulum.
REFERENCES
Roque, P. (2015) Ang kahalagahan ng kompyuter sa Edukasyon
https://www.pressreader.com/philippines/sunstar-
pampanga/20150110/28165107348405
Pinili, C. (2015) Pag-aaral Tungkol sa Importansya ng Kompyuter sa mga Estudyante
https://www.scribd.com/doc/299214944/Pag-aaral-Tungkol-sa-Importansya-ng-
Kompyuter-sa-mga-Estudyante
https://www.academia.edu/32239819/ANG_KAHALAGAHAN_NG_PAG_GAMIT_NG_K
OMPYUTER_SA_MGA_MAG_AARAL_NG_BACHELOR_OF_SCIENCE_AND_INFOR
MATION_TECHNOLOGY_SA
Nunag, R. (2008) Mabuti at masamang epekto ng komyuter
https://gabaysapagpilingcourse.blogspot.com/2008/10/mabuti-at-masamang-epekto-ng-
kompyuter.htm

You might also like