You are on page 1of 6

1

Kabanata 1

Panimula:

“Ang Internet ang pinaka-epektibong instrumento na mayroon

tayo upang magkaroon ng globalisasyon.”

-Milton Friedman

Talagang napakalayo na ang narating ng teknolohiya sa

paggawa ng makabagong kagamitan. Upang mapabilis ang mga

gawain at magbigay aliw sa tao lalo na sa mga kabataan pati

narin sa mga matatanda. Ang mga makabagong kagamitan ay

kinalolokohan na ngayon ng mga kabataan isa na rito ang

kompyuter na madalas ginagamit upang mag-internet na kilala

sa buong mundo. Ito ay nagbibigay ng mabilis na

impormasyon, lawak ng komunikasyon at aliw.

Ang internet ay sinusubaybayan at halos ginagamit na

ngayon ng maraming mag-aaral sa Pilipinas. Ito ang aming

piniling pagtuonan ng pansin sa kadahilanang kapansin-

pansin, lalo na sa mga mag-aaral. (Jimenez, et. al, 2014).

Ang kabataan at mag-aaral sa panahon ngayon ay may bagong

uri ng pamumuhay gamit ang makabagong teknolohiya. Ang

bagong henerasyon ngayon ay gusto ng pagbabago, gaya ng

pagbabago sa paraan ng pamumuhay nila sa panahon ngayon,


2

mas gusto nila ang madali at komportable na walang anumang

iniisip na problema. Para sa kanila ang pinaka magandang

pagbabago ngayon ay ang makabagong teknolohiya. (S. Kumar &

S. Raghav, 2007). Ang patuloy na pag-unlad ng makabagong

teknolohiya ay may pakinabang para sa mga kabataan lalo na

sa mga mag-aaral. Malaki ang naidudulot nito para sa

pagpapadali ng pag-aaral at maging isang epektibong

mamamayan ang mga estudyante. Ayon kay Henry Thoreau

(d.1862) sinasabi niya na ang patuloy na paglawak ng

teknolohiya ay walang katapusan. (M. Underwood, 2009).

Ang kompyuter ay isang teknolohiyang nagbibigay sa

atin ng maraming impormasyon. Halimbawa na lamang, kapag

tayo ay mayroong mga projects o kaya ay takdang aralin sa

paaralan, mas napapadali tayong maghanap ng mga kasagutan.

Hindi na tayo mahihirapan maghanap sa mga libro, ang

kompyuter na mismo ang magbibigay sa atin ng sagot.

Pangalawa, tumutulong din ang kompyuter para magkaroon tayo

ng komunikasyon sa mga mahal natin sa buhay sa ibang bansa.

Nakakatulong din ng malaki ang kompyuter sa mga negosyo

gamit ang internet. (Cordova, 2015).

Ang kabataan ay palaging aktibo sa Facebook, Twitter,

Instagram at iba pang social media. Nakakatulong ito upang

makalakap ng impormasyon at makausap ang mga kaibigan at


3

pamilya. Dulot ng internet mas napapadali ang ating buhay.

Nakakatulong din ang internet upang tayo ay malibang. Sa

pag-lalaro ng Dota 2, LOL, ROS at iba pa. Ito rin ay

nakakatulong upang makabalita kung ano ang nangyayari sa

loob at labas ng bansa.

Kahalagahan ng Pag-aaral:

Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod:

 Mag-aaral. Ito ay makakatulong upang maimulat ang

kanilang kakayahan at mga saloobin ng studyante sa

pamamagitan ng internet na papadalu ang mga takdang

aralin.Mas nakakahanap sila ng karagdagang kaalaman

tungkol sa topic.

 Magulang. Ito ay makatutulong sa kanila na mababawasan

ang pangamba kung maayos ba ang kanilang anak.

 Guro. Makakatulong ang pag-aaaral na ito upang mas

lumawak ang kaalaman ng mga guro upang maibahagi sa

kanilang studyante upang magabayan sila sa kanilang

pag-aaral.

 Milenyal. Nakakatulong ito upang magkaroon ng bagong

kaalaman at impormasyon sa nangyayari sa paligid sa

loob at labas ng bansa.


4

Saklaw at Limitasyon:

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng

benipisyo ng internet sa akademikong pagganap ng mga

estudyante ng 11-ICT ng Saint Rose Lima Catholic School.

Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa mga studyante ng

Saint Rose Lima Catholic School. Hinahagad din ang pag

aaral na ito na suriin ang mga pananaw at wastong paggamit

ng studyante sa internet. Sa huli, bibigyan ng mga

mananaliksik ng mga mga mungkahing solusyon upang maiwasan

ang sobrang pagkahumaling sa paggamit ng internet ng mga

studyante.

Depinisyon ng Terminolohiya:

Internet- Ito ay isang pandaigdigang sistema ng mga

computer networks. Ang network na ito ay nakapagbibigay

access sa mga gumagamit ng kompyuter, kung may pahintulot,

na kumuha ng mga impormasyon at datos sa ibang gumagamit ng

kompyuter.

Social Media- ay ang pakikihalubilo sa lipunan ng mga

tao sa buong mundo sa pamamagitan ng mga elektronikong

gamit na pwedeng ibahagi ang iyong mga ginagawa, mga

larawan at marami pang iba. Ito rin ang dahilan kaya’t

madali tayo magkaroon ng komunikasyon sa ating pamilya.


5

Konseptwal na Balangkas:

Paggamit ng Internet sa mga sumusunod:

Social Media

Online Games

Napapadali ang mga sumusunod:

 Proyekto
 Takdang Aralin
 Pananaliksik
 Pagkuha ng impormasyon
 Komunikasyon

Makakamit ang mga sumusunod:

 Makakapagtapos ng pag-aaral.
 Makakuha ng magandang trabaho.
 Magkakaroon ng madaling pamumuhay.
 Magiging updated sa lahat ng impormasyon sa
loob at labas ng bansa.
6

Paglalahad ng Suliranin:

1. Paano nakakatulong ang internet sa mga sumusunod:

1.1 Sa pagkamit ng pangarap;

1.2 Sa pag-aaral;

1.3 Sa pagdedesisyon;

1.4 Sa pagkuha ng kurso;

1.5 Sa pagdagdag ng kaalaman;

1.6 Sa pang araw-araw na pamumuhay;

2. Paano nakakaapekto ang pag gamit ng internet sa mga

kabataan o mag aaral?

3. Bakit maraming mga kabataan ang nahuhumaling sa pag-

gamit ng internet?

4. Ano ang kahalagahan ng internet sa mga kabataan?

5. Ano ang maidudulot nito hanggang sa pagtanda natin?

You might also like