You are on page 1of 37

KABANATA I

RASYONAL AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Maraming kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng mga gamit na dulot ng

makabagong teknolohiya. Isa na dito ang kompyuter bilang sangkap sa paghahanap ng mga datos

na kinakailangan sa eskwelahan at ilang pindot na lamang ay lumalabas na ang mga kataga na

hinahanap ng isang bata. Halos lahat ng kabataan ay mayroong sari-sariling gadyet na dulot ng

makabagong teknolohiya sa ating lipunan ngayon. Kaya naman ay hindi maiwasan na pumindot

dito at pindot doon. Ang teknolohiya narin ang naging kasangga ng bawat isa sa mga tao na

mayroong gadyet na siyang pinagkukunan ng impormasyon na nakakalap mula sa iba’t-ibang

pinanggagalingan na impormasyon. Ang teknolohiya ay naging daan din upang mas mapabilis

ang mga Gawain ng bawat indibidwal kung kaya’t ang mga tao ay bumabase nalamang sa tulong

na hatid ng teknolohiya na sanhi ng pagiging tamad ng isang tao.

Ang internet ay isa sa imbensyon na nagawa ng tao kasabay ng pagpapaganda sa

teknolohiya. Sa internet matatagpuan ang halos kinakailangan ng isang estudyante. Sa panahon

ngayon ay matatagpuan na din dito ang mga modyul na ginagamit sa paaralan at ang mga sagot

na kinakailangan tuwing may mga tanong na hindi nasasagot ng mga estudyante maging ang

mga guro. Dito din nakikita ng mga estudyante ang iba’t-ibang hilig nila. Mapa-laro man o pag-

aaral ay nagagawa ng mga bata ngayon dahil sa modernisasyon na kinakahrap ng ating lipunan

kung kaya’t ang teknolohiya ay maaring tulong sa bawat isa sa atin o ito rin ay sagabal na siyang

nakasisira ng edukasyon ng isang estudyante na naging resulta sa pagkatamad at pagbagsak ng

mga marka sa eskwelahan.

Pahina | 1
Malaki din ang naitulong ng teknolohiya sa lipunan ngayon ngunit narito parin ang mga

salik na nagsasabi kung nakabubuti nga ba ang teknolohiya sa bawat indibwal lalo na sa isang

mag-aaral. Isa sa positibong epekto ng pagkakaroon ng mga makabagong teknolohiya ay

nagkakaroon tayo ng pagkakataon na mabigyan ng daan patungo sa mga bagay na hindi madalas

makita o maabot ng isang kabataan sa pamamagitan ng kaniyang sariling karanasan e.g “Social

Media” ay ang isa sa pinakamadalas na dahilan kung bakit nga ba ang isang kabataan ay

kailangan magkaroon ng “cell phone” o maging ang isang estudyante ay mayroon. Ang iba ay

ginagamit na daan ang “social media” upang makausap ang mga kamag-anak sa malayong lugar.

Isa sa tatlong Pilipino ang gumagamit ng internet, ayon sa ulat ng Internet and Mobile

Marketing Association of the Philippines (IMMAP) (Setyembre 29,2014). Makikita na

napakalaki nga ng dulot ng teknolohiya sa ating mundo ngayon. Hindi na mawawalan ng tao sa

lansangan na animo’y nakatingin sa maliit na bagay, ‘yon pala ay sa gadyet.

Ngunit marami rin namang pabor sa pag-angat ng teknolohiya sa kadahilanang

nagbibigay ito ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga estudyante. Ngunit minsan ay

nasosobrahan na sa paggamit ang mga estudyante na umaabot na sa punto ng pagkahumaling ng

sobra ng isang estudyante sa paggamit ng gadyet. Ang gadyet ang naging susi sa mabilisang

proseso ng mga estudyante upang mahanap ang kinakailangan sa ilang pindutan lamang.

Ngunit hindi ang ito ang maaring epekto ng teknolohiya sa mga kabataan o estudyante.

Mayroon din itong masasamang epekto. Isa na dito ang pagkahumaling ng sobra ng estudyante

Pahina | 2
na umaabot sa punto ay nagiging adik ang isang bata kung kaya’t minsan ay napapabayaan ang

pag-aaral na siyang nagiging dahilan kung bakit bumabagsak ang isang estudyante. Ang

paggamit ng labis at pagbababad sa kompyuter ang nagiging dahilan kung bakit ang marka ng

isang estudyante ay bumababa at kung hindi naman ay humahantong sa pagkabagsak. Marami sa

mga kabataan ngayon ang may mabababang marka. Hindi ito dahil sa hindi nila maintindihan

ang mga itinuturo sa klase. Talagang napakalayo na ng narating ng teknolohiya sa paggawa ng

mga makabagong kagamitan. Ang mga makabagong kagamitang ito ay ang mga kinalolokohan

ngayon ng marami sa mga mag-aaral. Ito an gaming o ang paglalaro sa kompyuter na

piniling pagtuunan ng pansin sa kadahilanang kapansin-pansin, lalo na sa klase, na imbes libro at

bolpen ang dala ng mga mag-aaral, ang mga dala nila ay “iPad, Tablet, Laptop at Cellphone”.

Tunay nga nga napakaganda at kapaki-pakinabang ang teknolohiya sa mga dulot nito sa

ating lipunan. Ang pagkakaroon ng mga gadyaet at internet ay di hamak na nakabubuti ito sa

bawat indibwal kung kaya’t ang malaking bilang ng mga estudyante ay may sarili na silang

gadyet sa pagtuntong pa lamang ng mataas na paaralan o kung minsa’y elementarya pa lamang

ay mayroon na silang sari-sariling gadyet.

Kasabay ng mabilis na pag-usad ng panahon ang mabilis na pagbabago sa mundo pati na

rin sa saloobin at kaluluwa ng tao. Ang pagkahayok ng bawat isa sa pagbabago ang siyang sanhi

ng pagkasilang ng teknolohiya. Hindi maikakailang lumawak na ang kaalaman tungkol sa mundo

at ito ay dahil sa modernong panahon na kinabibilangan natin ngayon.

Lingid sa ating kaalaman patuloy na yumayabong at lumalaganap ang teknolohiya sa

kasalukuyang panahon. Kasabay ng paglipas ng panahon ang mabilis na pagbabago ng ugali ng

Pahina | 3
mga kabataan sa modernong teknolohiya. Madali na lahat maging ang paggawa ng mga takdang

aralin sa paaralan ay 'instant'. Hindi mo na kailangan bumuklat ng libro at hanapin ang kasagutan

dito bagkus kaunting tayp at click dito ay may 'instant' na kasagutan na sa iyong takda. Kung ang

simpleng pagbuklat ng libro para sa ating mga takda ay hindi natin magawa bagkus kompyuter at

mouse ang ating hawak sapagkat umaasa tayo sa abilidad na hatid ng teknolohiya at

modernisasyon. Ang simpleng pakikipag-usap sa ating pamilya ay hindi na rin natin maisagawa

sanhi ng mga gadyets na mas pinagtutuunan natin ng atensyon at oras.

Normal na senaryo sa ating paaralan ang pagkopya ng mga aralin na itinuturo sa atin ng

ating mga propesor o guro. Ngunit sa halip na ballpen at papel ang ating ilalabas, camera o

cellphone ang ating hahawakan sapagkat mas madali ang pagkuha ng litrato kaysa sa pagsusulat

nito.

Nakadepende palagi sa moderno at makamundong teknolohiya. Hindi naman masama

ang paggamit nito ngunit may mga bagay na dapat nating itinatrabaho at hindi kailangan iasa sa

teknolohiya. 

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan at

bigyang linaw ang mga isyu at pangyayaring tatalakayin sa pag-aaral na ito.

1. Paano ginagamit ng isang estudyante ang mga bagay na ito na dulot ng teknolohiya

kasama ng patuloy na paglago nito?

2. Nakalimot na nga ba ang mga mag-aaral na gumamit ng silid-aklatan?

Pahina | 4
3. Gaano karaming oras/minuto ang inilalaan ng isang estudyante sa paggamit ng gadyet sa

loob ng isang araw?

4. Ano na nga ba ang mga naging epekto ng teknolohiya sa mga mag-aaral kasabay ng

patuloy na pagtaas ng kalidad pagdating sa larangan ng mga gadyets?

5. Gaano na kalawak ang impluwensiya ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral?

HAYPOTESIS

Maapektuhan ng Patuloy na Paglago ng Teknolohiya ang mga estudyante sa mga

sumusunod na larangan:

i. Pag-aaral

Isa sa nagiging salik ng pagbagsak ng isang estudyante ay ang labis na paggamit

ng gadyet kung kaya’t ang mga takda ay hindi nahaharap, kadalasan ay nakakalimutan.

ii. Pananaliksik

Mas nakadepende na ang mga bata ngayon sa internet kaysa silid aklatan at

magbasa ng libro.

iii. Lifestyle

maging ang kanilang paraan ng pagkilos ay naaapektuhan. Kadalasan ay nagiging

tamad ang isang indibidwal pagdating sa mga gawain.

Pahina | 5
LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng papanaliksik na ito ay malaman ang epekto ng teknolohiya sa mga mag-

aaral patungkol sa kung paano ito napapaknabangan sa pag-aaral. Ito ay nakatuon para maabot

ang mga sumusunod na layunin.

Ang pananaliksik na ito ay inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga sumusunod

na tao:

A. Estudyante na nanaliksik gamit ang silid aklatan.

Ang pananaliksik na ito ang makakatulong upang malaman ang bilang ng estudyante na

hanggang ngayon ay naka-depende pa rin sa mga libro at mas pinipili na manaliksik sa silid

aklatan sa paaralan man o sa labas.

B. Estudyante na nanaliksik gamit ang makabagong teknolohiya.

Isa sa itinuturo ngayon ay ang pagggamit ng mga makabagong gadyet na siyang

tumutulong sa bawat indibidwal sa pamumuhay maging sa trabaho man o sa pag-aaral. Kasama

din sa pananaliksik na ito na malaman ang bilang ng mga estudyante na gumagamit ng internet

sa pananaliksik sa paggawa ng mga aktibidad o takdang-aralin.

Pahina | 6
C. Guro

Ang modernisasyon ng teknolohiya lalung-lalo na ang patuloy na pagtaas ng kalidad ng

mga gadyets na nakatutulong din sa mga guro maging ang internet. Mas nagiging epektibo ito sa

paghahanap ng mga midyum na ginagamit sa pagtuturo.

D. Mga tagapangasiwa ng paaralan

Ang resulta nito ay maaaring makatulong sa mga nangangasiwa sa paaralan na mas

lalong gumawa ng mga programa na makatutulong sa mga mag-aaral na maintindihan at mas

mapalalim pa ang nalalaman patungkol sa paggamit ng makabagong teknnolohiya

E. Mga taong nagtatrabaho na gumagamit ng gadyet.

Isa rin sa layunin ng pag-aaral na ito na hindi lamang estudyante ang nakikinabang

pagdating sa paggamit ng teknolohiya na siya rin na nagbibigay ng mga positibong epekto sa

kanila.

F. Mga mambabasa

Magkakaroon ng mas malawak na ideya ang nakararami patungkol sa patuloy na

paglaganap at paglaki ng teknolohiya. Maliliwanan din ang karamihan na ang teknolohiya ay

may nakapalaking parte na ginagalawan sa ating lipunan lalung-lalo na sa larangan ng edukasyon

sa panahon ngayon.

Pahina | 7
REBYU NG KAUGNAY SA LITERATURA

LOKAL NA LITERATURA

“DIOSDADO BANATAO”

The tech world has him to thank for two things that can be found in every personal

computer (PC) you see today: the PC chip set and the Windows Graphics accelerator chip for

PCs. But the man who would design what we see in every single PC did not start the way you

would imagine.

It sounds cliché, but Diosdado “Dado” Banatao had the humblest of beginnings that lead him to

where he is now. Born and raised in Iguig, Cagayan Valley, he grew up not having access to

what people usually take for granted: electricity, internet, and paved roads.

He often felt like he was inferior, which instilled a desire to work harder than everyone else. He

eventually graduated with a degree in Electrical Engineering from the Mapua Institute of

Technology, but he did not get his start in tech until much later.

Dado always wanted to be a pilot as a kid, so when Philippine Airlines said “We’re looking for

pilot trainees,” he jumped at the chance. One year into his pilot training, he was offered a job at

Boeing as a part of the team working on the 747.

At Boeing, he was part of the team that finalized the design and control surfaces (to name a few)

of the Boeing 747. While he was excited during the launch of the 747, he wasn’t “happy” with

his job at Boeing, prompting him to attend graduate school.

Pahina | 8
It was only after he completed his Master’s Degree in Electrical Engineering and Computer

Science at Stanford University that he started his path towards Silicon Valley.

After spending time at Silicon Valley in the 70s (when it wasn’t called Silicon Valley yet), he had

his first breakthrough with Commodore International after he developed the first single-chip,

16-bit microprocessor-based calculator.

After Commodore, he then developed what would be his claim to fame: the world’s first system

logic chip set for IBM’s PC-XT and PC-AT. He would later on develop the first Windows

Graphics accelerator chip for personal computers, which would forever cement his name in the

world of PCs.

He would later be involved in three start-ups, two of which would be forces to be reckoned with

in the early 90s: Mostron, S3 (most profitable company in the world in 1993), and Chips &

Technologies (sold to Intel in 1996).

Today, Dado Banatao is the managing partner of Tallwood Venture Capital, a venture firm

focused on semiconductor technology solutions for computing, communication, and consumer

platforms. He’s also the Chairman of the Board of Directors for Inphi, a company that

specializes in advanced semiconductor and Silicon photonics solutions.

Seeing what education has done for him, he founded the Philippine Development Foundation

(PhilDev), a nonprofit organization that looks to eradicate poverty through education,

innovation, and entrepreneurship.

Pahina | 9
He also runs the Dado Banatao Educational Foundation, a foundation that awards scholarship

grants to five Filipino students who show potential in the fields of engineering and technology.

LOKAL NA PAG-AARAL

Ayong kay Bai-Rhema S. Marmay, isang malaking bahagi ng teknolohiya upang mas

maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami nang mga

naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na siglo. Halimbawa na lamang nito ay

ang unang praktikal na teleskopyo noong ika-17 na siglo. Ito ay nagsilbing mahalagang

instrumento sa mga mag-aaral ng astronomiya. Sunod dito ay ang makinalya na nagbigay daan

para sa hustong pagbabago ng sistema ng pagtuturo kung saan mas napabilis at epiktibo ang

pagbuo ng mga basahin. Sa loob lamang ng ilang dekada, ang kompyuter naman ay naing

pangunahing kagamitan para sa pagtuturo sa ika-21 na siglo.

Makikita sa ating lipunan ngayon ang napakalaking epekto ng modernisasyon ng

teknolohiya sa napapanahon na isyu. Isa na dito ang naging malakihang epekto sa paggamit sa

mga gadyets sa siyang kinaadikan ng bawa’t-isa hanggang ngayon.

Sa pag-aaral na ginagawa ni Professor Jerry L. Hangland  napag-alaman niya na ang

paggamit ng Power Point at Microsoft Word sa pagtuturo ay nakakatulong sapagkuha ng

atensyon at interest ng mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay sabik athanda sa pagpasok, sinabi

rin ng mga mag-aaral na ang paggamit ng Power Point at Microsoft Word ay nakatulong sa

pagbuti ng kanilang pag-aaral. Dagdag pa nito ay angtulong nito sa pagpapabuti ng kanilang mga

marka.

Pahina | 10
Sa konsepstong ito, makikita natin na ang teknolohiya ay nagiging kapaki-pakinabang sa

iba’t-ibang paraan katulad na lamang ng pagpasa ng mga proyekto sa pamamagitan ng eMail,

paggawa ng mga aktibidad sa pamamagitan ng Microsoft Offices na siyang nakatutulong sa mga

estudyante na mas mapadali ang mga gawain.

BANYAGANG LITERATURA

Iba’t-ibang gadyets na ang nauuso ngayon. Andiyaan ang cellphone, tablets, laptops,

computers, atbp. Ang mga ito ay nagkaroon ng iba’t-ibang malalaking pagganap bilang kasama

natin sa pamumuhay ng bawat indibidwal lalung-lalo na ang mga estudyante at guro.

Ayon kay Almira C. Estillore, “We are all glued in modern gadgets like: Smart phones,

Notebooks, Ipods, Television, PSP's, etc.” Sa pahayag na ito, kitang-kita kung gaano

nakadepende ang isang kabataan sa mga kagamitan na imbensyon at bunga ng modernasisasyon

sa ating teknolohiya na ang bawat gawain ngayon ay palaging may kahalong teknolohiya. Hindi

maiiwasan ang paggamit ngunit hindi rin maiiwasan ang mga pagkakamali lalo na pagdating sa

mga taong hindi bihasa o walang sapat na karanasan sa larangan ng teknolohiya.

Pahina | 11
TEORETIKAL NA GABAY AT KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

 
INPUT PROGRESO OUTPUT

Mga mag-aaral ng Paggawa ng Epekto ng


Pambansang Talatanungan Modernisasyong
Mataas na ng Teknolohiya sa
Paaralan ng mga mag-aaral
Mangatarem

Pagsagot ng mga
tagatugon sa mga
tanong na Epekto ng
STEM VII-X nilalaman ng Modernisasyong
talatanungan ng Teknolohiya sa
pag-aaral

Epekto ng
Modernisasyong
ng Teknolohiya sa
pananaliksik

Epekto ng
Modernisasyong
ng Teknolohiya sa
lifestyle

Pahina | 12
BALANGKAS NA TEORETIKAL

Ang pananaliksik na ito ay nakabatay sa ilang mga teorya o ideya na naging batayan ng

kabuuang pag-aaral.

Cultivation Theory

Ayon sa teorya na ginawa ni George Gerbner, habang tumatagal, mas lalong

nahuhumaling ang isang bata sa paglalaro ng mga laro sa kompyuter, panonood ng telebisyon o

sa kung ano pa man na may kinalaman sa mga ganitong bagay, “Heavy TV viewing creates an

exaggerated belief in a “mean and scary world” ani Gerbner.

Kasama sa teoryang ito ang pahayag na binitawan ni Gerbner “elderly, children, Latinos,

African-Americans, women, and the less educated are most often the victims of TV violence”

kung saan, binigyang linaw na ang mga taong halos walang sapat na karanasan sa paggamit ng

bagay na ito ay ang madalas na nagiging biktima ng mga di magandang epekto ng teknolohiya at

lalo na sa patuloy na pagtaas na kalidad ng mga kagamitan.

Social Action Theory

Ayon sa pananaliksik na ginawa nina Anderson at Meyer, napakalaki ng epekto ng mga

nakikita ng isang indibidwal sa mga gadyet sa nagiging paraan ng pamumuhay ng isang tao.

“Audiences are not hapless nor passive”. Sa teoryang ito, nasasaad na ang isang tao na

nakaharap sa isang gadyet ay hindi lamang nakatutok kundi, ang manonood ay nagkakaroon ng

interpretasyon na maaari din na makaapekto sa kung paano ito namumuhay sa araw-araw.

Media Dependency Theory

Ayon kay Sandra Ball-Rokeach at Melvin Defleur, ang tao ay mas lalo na kumakapit sa

mga sebisyo na ibinigay ng midya. Kasabay ng pagtutok ng isang indibidwal sa midya upang

Pahina | 13
matugunan ang mga pangangailangan o ang mga serbisyo na hinahanap nila, ang mga taong ito

ay mas nagiging dominante pagdating sa buhay ng isang tao. Ang midya ay nagiging parte na

bilang needs and wants ng isang tao. Sa sobrang paggamit nito ay nagkakaroon ng malaking

epekto sa mga personal na bagay tulad ng ugali, edukasyon at maging sa emosyonal na mas

hinahanap ng ating sarili ang mga bagay na dulot ng midya o nitong mga bagong kagamitan na

bunga ng modernisasyon.

SAKOP AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Tatalakayin ng pag-aaral na ito ang mga naging epekto ng mga bagong bagay na dulot ng

modernisasyon sa estudyante. Particular na dito ay kung paano gamitin ng isang estudyante ang

mga ito sa pag-aaral. Malalaman din kung ano nga ba ang mga bagay na nagiging salik sa

pagpapabilis ng mga trabaho ng isang estudyante, mga pagbabago na naidulot nitong

modernisasyon ng teknolohiya patungkol sa edukasyon.

KATUTURAN NG MGA TERMINO

Ang mga salitang ito ay binigyan ng kahulugan upang mas higit na maunawaan ng mga

mambabasa ang nakasaad sa ginawang pag-aaral.

Microsoft Ofiices

- Isang software na naimbento ni Bill Gates na siyang ginagamit ng karamihan ngayon

upang mas mapadali ang gumawa ng mga bagay na dati ay ginagamitan ng makinilya,

ngayon ay keyboard na.

Pahina | 14
Power Point

- Isang anyo ng Microsoft Office na madalas ay ginagamit ng mga estudyante tuwing

may reporting.

Media

- Mga bagay na nakakaabot sa maraming mga tao sa pamamagitan ng iba’t-ibang

midyum.

Gadyets

- Ang gadyets ay mga bagay na gumagana sa pamamagitan ng elektroniks.

Chip Set

- Isang hanay ng mga kasangkapan sa integradong sirikito na nagsisilbing

tagapangasiwa ng daloy ng mga datos sa pagitan ng CPU, memorya, at mga

peripheral.

Smart Phone

Ang pangkaraniwan na ginagamit ng bawat indibidwal sa lipunan ngayon. Madaling dalhin at nandito na

ang halos pangangailangan ng isang tao e.g. radyo, musika, text messaging at marami pang iba.

Pahina | 15
KABANATA II

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik ay gumamit ng Deskriptibo-Sarbey na

Metodolohiya ng pananaliksik. Ito ay naturang deskriptibo dahil ito ay naangkop sa mga

modernong estudyante (millennials) at kung paano nakaaapekto ang teknolohiya sa kanilang

pag-aaral. Tinangkang suriin ng pag-aaral na ito ang kasalukuyang kaalaman, damdamin,

kaisipan at pananaw ng mga estudyante sa maaaring maidulot ng teknolohiya sa kanilang

edukasyon. Ang nasabing uri ay ginagamitan ng survey questionnaires o talatanungan na

pupunan ng mga respondent at siyang panggagalingan ng mga datos. Buong puso na naniniwala

na ang disenyong ito ang pinaka-angkop na gamitin sa pag-aaral sapagkat mas madali na

makukuha ang mga kinakailangang datos mula sa malaking bilang ng respondente.

Ang sarbey din ay nagbibigay ay ang isa sa ideyal na pamamaraan sa pananaliksik na ito.

Ang paggamit ng sarbey ay maaaring mas mapaikli ang oras ng paghahanap ng datos na

makapagbibigay ng mas mahabang oras sa mga mananaliksik na intindihin ang mga nakalap na

impormasyon. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga papel sa bawat respondent ay inaasahan

na ang pamamaraang ginamit ay mas makapagbibigay ng mas klaro na impormasyon na

maaaring mas higit sa inaasahang impormasyon na maaaring makalap ng mga mananaliksik sa

ibinigay na panahon.

Pahina | 16
LOKAL AT POPULASYON NG PANANALIKSIK

Ang mga tao na maaaring tumugon sa sarbey na gagawin ng mga mananaliksik ay ang

mga mag-aaral ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Mangatarem (PMPM) sa loob ng

kurikulum ng STEM baiting pito hanggang sampo.

Ang bilang ng populasyon ay tinatayang mahigit kumulang tatlong daan at anim na pu

(360) kaya ang mga mananaliksik ay kukuha ng pitumpu’t dalawa (72) na respondents na siyang

sasagot sa mga katanungan na itatanong ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng sarbey.

Sampling method ang ginamit kung papaano kinuha ang respondents. Ang pagkuha ng

dalawampung (20) porsiyento ng kabuuang populasyon upang irepresinta ang kabuaan ay sapat

na para masabi na patas ang kahihinatnan at naaayon sa proseso na sinusundan ng bawat

mananaliksik.

Upang mas maging patas, pinagkaisahan ng grupo na hatiin ang pitumpu’t dalawang

respondents sa walo (bilang ng sekyon sa buong kurikulum ng STEM Junior High) na

magkaroon ng siyam na kinatawan para sa isang seksyon hanggang sa maabot ang kabuuang 72

na respondents sa buong kurikulum na siyang magiging kinatawan ng buong STEM Junior High.

KASANGKAPAN SA PAGLIKOM NG DATOS

Sa pamamagitan ng talatanungan na gagamitin sa pag sarbey, inaasahan na makakuha

ang mga mananaliksik ng sapat na impormasyon sa mga taong nasasakupang ng STEM baiting 7

Pahina | 17
hanggang 10 ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Mangatarem. Ang mga tanong na ginawa ay

ang madalas na nagiging tanong ng isang praktikal na mamamayan patungkol sa patuloy na

paglago ng teknolohiya sa ating lipunan. Ang mga respondents ay sasagot sa isang papel na

ibibigay ng mga mananaliksik. Ang mga tanong na ito ay ang questionnaire na ibibigay ng

mananaliksik. Ang questionnaire na ito ang binubuo ng sampung katanungan na magiging

batayan ng mga mananaliksik sa pagkuha ng mga impormasyon na dapat malaman sa

pamamagitan ng pagsagot nito ng mga naturang respondents.

PARAAN NG PAGLIKOM NG DATOS

Sa pamamagitan ng pahintulot na ibinibigay ng guro, ang mga mananaliksik ay

magkakaroon ng isang tagumpay na pananaliksik. Upang makuha ang mga datos na kokompleto

sa pananaliksik, kinailangan ng grupo na gumawa ng talatanungan na sasagutan ng mga

respondents sa loob ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Mangatarem. Ang populasyon ng

STEM Junior High sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Mangatarem ay tinataya sa mahigit

kumulang na tatlong daan animnapo. Kaya’t minabuti ng grupo na kuhanin ang dalawampung

(20) porsiyento ng nasabing populasyon. Pinagmultipilika ang kabuuan ng populasyon sa (.20) at

ang lumabas dito ang siyang inaasahan na bilang na sasagot sa mga questionnaire na

ipinamamahagi ng mga mananaliksik.

(P)•(.20)=R

Kung saan;

P = kabuuang bilang ng populasyon

Pahina | 18
.20 = dalawampung porsyento

R = bilang ng respondents

Sa pamamagitan nito, ang bilang ng respondents ay magiging patas upang kumatawan sa

kabuuang bilang ng populasyon. Ang pitumpu’t dalawa na bilang ang nakatakda na sasagot sa

mga talatanungan na ginawa ng mga mananaliksik hanggang sa makomleto ito.

Matapos ang pamimigay ng mga talatanungan, idinaan ang mga ito sa isang mabusising

pagsusuri pa ng mga detalye na nakuha sa mga respondents pinagkaisa ang lahat ng naging

kasagutan ng mga respondents upang malaman ang kabuuang sagot. Sa gayon, nalaman ng mga

mananaliksik ang mga sagot na hinahanap sa mga katanungang nabanggit sa naunang kabanata

at muling sinuri ang mga impormasyon na nakalap mula sa mga sumagot ng talatanungan.

PARAAN SA PAGSUSURI NG DATOS

Ang pangunahin na ginamit na paraan upang masuri ng masinsinan ang mga datos ay ang

paraan ng pagtatally o ang pagbibigkis ng mga nakalap na impormasyon. Para sa mga

katanungan na may dalawang ideya na kailangan malaman ang naging resulta sa bawat panig,

kinailangan na gumamit ng isang pormula upang makuha ng mas maayos ang mga hinihinging

impormasyon.

P=R/N•100

Kung saan;

P- Bahagdan

Pahina | 19
R- bilang ng sumagot

N- kabuuang bilang ng respondents

KABANATA III

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng pagpapahayag ng mga kabatiran mula sa nakalap

na mga datos sa mga respondente ng mga piling mag-aaral ng STEM VII hanggang X ng Junior

High School ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Mangatarem. Ang mga datos ay inilahad sa

pamamagitan ng grapiko, inanalisa at binigyang pakahulugan upang matuklasan at magkaroon

ng resulta.

Ang mga impormasyon ay nakalap mula sa mga kasagutang nagmula sa mga tagatugon

ng pananaliksik na ito na ang naging batayan ay ang suliranin ng pag-aaral na ito. Makikita mula

sa mga talahanayan at grapiko ang mga bilang at bahagdan ng mga respondente na kumatawan at

nakilahok upang tumugon sa mga talatanungang ipinamahagi sa mga piling mag-aaral.

Nahati sa sampung bahagi ang pagtalakay sa resulta ng pananaliksik batay sa inilahad na

mga layunin ng pag-aaral.

Makikita rin ang iba’t-ibang mga grapiko. Maaring ito ay pie graph o bar graph. Ang

kabanatang ito ay ginamitan ng mga ganitong pamamaraaan upang mas maintindihan kung ano

ang mga resulta na nakalap ng mga mananaliksik. At ang kabanatang ito ay ginamitan ng mga

presentasyon ay upang mas madaling maintindihan ng mga mambabasa ang pananaliksik na ito.

Pahina | 20
Grap Blg 1. Bahagdan sa tanung na Naranasan mo na ba gumamit ng silid aklatan?

Unang Grapiko

6%

94%

Oo Hindi

Ayon sa grap na ito na 94% sa mga estudante ay nakaranas na gumamit ng silid aklatan at

6% naman dito ay ang mga estudyante na hindi pa nakakaranas na gumamit ng silid aklatan.

Nangangahulugan na ang mga estudyande ay nakaranas pa rin ng manu-manong paghahanap ng

kanilang kakailanganing libro para makakuha ng sapat na datos para sa kanilang pag-aaral.

Kaugnay sa inilunsad na talatanungan, nakita sa pamamagitan naging kasagutan ng mga

mag-aaral na hindi parin nalimot ang paggamit ng libro upang isa sa pagiging unang sanggunian

at ang paggamit ng silid-aklatan.

Pahina | 21
Grap Blg. 2 Resulta sa tanung na Gaano ka kadalas pumunta dito?

Pinapakita sa graph na ito na ang pinakamataas na pursyento ay ang mahigit isang beses

na pagpunta ng mga estudyante sa silid-aklatan para doon manaliksik ng kanilang takdang –

aralin , pumapangalawa naman ang mga estudyanteng 1 beses lang na nakapunta sa silid aklatan

at panghuli ay ang madalas na pagpunta ng mga estudyante sa silid-aklatan para doon

manaliksik.Nangangahulugan na sa henerasyon ngayon marami paring mga estudyante na

pumupunta sa silid aklatan para doon manaliksik.

Isang Beses
10%

Mahigit isang Beses


28%

Madalas
62%

Kaugnay ng naunang grapiko, ang silid-aklatan ay hindi pa rin naisasantabi at patuloy na

tinangkilik ang teknolohiya. Patunay lamang na ang mga bata at nagkakaroon na ng panipis na

panipis na oras na nailalaan para sa pagbisita o pananaliksik sa silid-aklatan.

Grap Blg. 3. Resulta sa tanung na Ilang oras/ minute ang ginugugol mo sa silid aklatan?

Pahina | 22
Batay sa resultang nailahad, mas mataas ang pursyento ng mga estudyante na kulang 1

oras ang ginugugol nila sa silid-aklatan at pinakamababa naman ang lampas isang oras na

ginugol nila rito. Nangangahulugan na ang mga estudyante ngayon ay hindi na nakatatagal sa

silid-aklatan upang doon manaliksik bagkos ay sa internet na sila manaliksik.

Kulang Isang Oras


30%

Lampas isang Oras


61%
Isang Oras
9%

Sa pagbigay ng oras na itinutuon ng isang mag-aaral sa silid-aklatan ay karamihan o

mahigit kalahati ang hindi nagtatagal dito. Kadalasan, ang mag-aaral ay nagtatagal lamang sila sa

loob ng silid-aklatan ng walang isang oras o mas maiksi pa.

(Ang ika-apat na grapiko ay para lamang sa mga sumagot na Hindi sa unang katanungan)

Grap Blg 4. Bahagdan sa tanung na Ano ang ginamit mo upang manaliksik?

Batay sa grap na pinapakita sa taas, parehong ginagamit ng mga estudyante ang

cellphone/tablet at computer upang manaliksik. Nangangahulugang na walang pinagkaiba ang

Pahina | 23
paggamit ng cellphone/tablet sa kompyuter sapagkat pareho lamang silang may kakayahang

makapasok sa internet.

50% 50%
Cellphone/tablet
Kompyuter

Grap Blg 5. Presentasyon sa tanung na kung gaano ka kadalas gumamit ng gadyet sa isang

araw?

Batay sa grap, pinakamataas ang 68% na kung saan ang mga estudyante ay madalas

gumagamit ng gadyets sa isang araw, pangalawa sa pinakamataas ang 26%na kung saan mahigit

1 beses silang gumagamit ng gadyets at pinakamababa ang 6% na kung saan isang beses lang

gumagamit ng gadyet.Masasabing ang mga estudyante ay nakatuon ang kanilang oras sa

kanilang gadyet dahil narin sa pagkahumaling sa social media.

Pinatunyan ng sarbey at grapiko na ang kabataan ay mas nahuhumaling sa paggamit ng

mga gadyet. Mahigit sa kalahati ng nasabing populasyon ang madalas na gumagamit ng gadyet.

Maaaring sa social media, paglalaro o pananaliksik

Pahina | 24
Isang Beses
6%

Mahigit Isang Beses


26%

Madalas
68%

Grap blg. 6. Resulta sa tanung na Ilang oras/minute ang inugugol mo dito?

Pinapakita sa grap na ito na 46% nito ay 2-4 na oras silang gumagamit ng gadyet, 39%

naman ay mahigit 5 oras at 15% nito ay 1 oras lamang silang gumagamit ng gadyet.ay

masasabing ang mga estudyante ay nahumaling nang sobra o naging adik na sa paggamit ng

gadyet na may maaaring dahil sa social media, paglalaro o sa makatuturang bagay.

Ang paglalaan ng mga estudyante sa pagggamit ng gadyet ay isa sa mahalagang usapin sa

pananaliksik na ito. Mula sa mga sumagot, mahigit kalahati ng populasyon ang nagsabi na sila ay

gumagamit ng gadyet ng higit sa dalawang oras.

Pahina | 25
50%
46%
45%

40% 39%

35%

30%

25%

20%
15%
15%

10%

5%

0%
1 Oras 2-4 oras Mahigit 5 Oras

Grap Blg. 7. Resulta sa tanung na Kung ang internet ay tatanggalin, ano ang

mararamdaman mo?

Batay sa resultang nakalap, pinakamataaas ang 95% na kung saan magiging malungkot

ang mga esudyante kung tatanggalin ang internet at pinakamababa ang 5% na magiging masaya

sila kung aalisin ang internet. Masasabing hindi pabor ay halos lahat ng estudyante kung aalisin

ang internet sapagkat dumedepende sila rito at dito na nila nakasanayang kumuha ngn mga datos

na kanilang kailangan.

Ang teknolohiya ay nagging katabi at kasangga na ng mga estudyante kaya mahirap sa

buhay ng isang mag-aaral ang mawala ang teknolohiya. Tulad ng mga sumagot, malaking

porsiyento ng populasyon ang malulungkot o hindi matutuwa sa pagtanggal ng internet. Ang

internet na rin ay nagging katuwang ng mga mag-aaral sa paaralan lalong-lalo na sa

pananaliksik.

Pahina | 26
Masaya
7%

Malungkot
93%

Grap Blg. 8. Bahagdan sa tanung na Paano nakaapekto ang paggamit ng gadyet sa pag-

aaral mo?

Pinapakita rito na pinakamataas ang 90% na kung saan nakatulong ang internet upang

tumaas ang grado ng mga estudyante at pinakamababang pursyento ang 10% na kung saan ang

internet ay nakasama at bumaba angn kanilang grado. Nangangahulugan na ang internet ay

nakakatulong sa mga mag-aaral para sa kanilang pag-aaral.

Pahina | 27
Nakasama at bumaba ang grado
10%

Nakatulong upang tumaas ang grado


90%

Nakataulong ang internet sa malaking bilang ng mag-aaral lalo na’t mapataas ang grado

sa eskwelahan. Ang internet ay hindi na bago sa mga mag-aaral ngayon at halos kasama na

bilang isang pangangailangan ng mag-aaral upang makagawa ng mga proyekto.

Pahina | 28
Grap Blg. 9. Resulta sa tanung na Masaya ka ba na nabubuhay ngayon kasama ang

teknolohiya?

Hindi
3%

Oo
97%

Oo Hindi

Ang grap na ito, pinakamaraming mga estudyante ang sumang-ayon na masaya silang

nabubuhay kasama ang teknolohiya at 3% lamang ang mga estudyanteng hindi sumang-ayon

rito.

Pahina | 29
Masasabing ang teknolohiya ay kalakip nang mga estudyante sa pang araw-araw nilang

pamumuhay dahil napapabilis nito ang mga gawain ng mga estudyante. Ang internet ay

nagbibigay ng mas mabilis na serbisyo sa pananaliksik at pinapagaan ang mga trabaho ng mga

mag-aaral na siyang kinakaharap ngayon, ang pagdepende sa internet.

Grap Blg. 10. Bahagdan sa tanung na Ano ang rason kung bakit mas nakadepende ka sa

internet kaysa sa libro?

Sa resultang nakalap ,76% sa mga estudyante ay nakadepende na sa internet dahil mas

mabilis at mas madalil manaliksik 19% naman ay dahil mas mabilis kang makakalap ng datos sa

internet kesa sa libro ay 5% sa mga estudyante ay dahil madali manaliksik sa internet.

Nangangahulugan na halos lahat ng estudyante ay nakadepende nasa internet upang dito

Pahina | 30
manaliksik.

20%

4%

76%

Mas mabilis Madali manaliksik Lahat ng nabanggit

Bukod sa mga naunang grapiko, ang huling katanungan ay tinukoy kung ano nga ba ang

posibleng dahilan kung bakit ang isang mag-aaral ay nakadepende sa internet. Pinakapita sa

grapiko na bukod sa mabilis, ito ay nagpapagaan din ng mga Gawain ng mga estudyante tulad sa

mga takdang-aralin na inuuwi o mga gawain sa para sa bahay. Ang patuloy na pag-unlad ay

Pahina | 31
patuloy na nagbibigay ng mas magaan na serbisyo para sa mga mag-aaral at maging sa mga

taong gumagamit nito.

KABANATA IV

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Sa kabanatang ito ng pananaliksik ay nakatala ang mga paglalagom, mga bagay na

natuklasan, kongklusyon at rekomendasyon ng mga mananaliksik batay sa kinalabasan na

bahagdan ng mga kasagutan na may kaugnay sa Ikatlong Kabanata. Ang mga sumusunod na

talata ay nakabatay sa mga naging interpretasyon sa mga datos at mga naging resulta mula dito.

LAGOM

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Ang Epekto ng Patuloy na Paglago ng

Teknolohiya sa Edukasyon ng mga Mag-aaral sa Kurikulum ng STEM (SCIENCE AND

TECHNOLOGY, ENGINEERING ANG MATHEMATICS) Mula sa Baitang 7 Hanggang

10 sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Mangatarem (PMPM)” ay naglalayong tayain at

malaman ang direktang naging epekto ng patuloy na paglago ng teknolohiya sa buhay ng mga

mag-aaral bilang isang kasangkapan sa pag-aaral. Mabatid ang kasalukuyang kalagayan ng takbo

ng gadyets at ang paraan ng paggamit dito. Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na malaman ang

kalagayan ng mga mag-aaral patungkol sa nabanggit na pamagat na maaaring magbigay ng

masamang epekto o mas lalong nakabuti sa mga mag-aaral.

Pahina | 32
Sinaklaw ng pananaliksik ang pitumpu’t dalawa (72) na piling mga estudyante bilang

aming respondente ng STEM VII hanggang X ng Pambansang Mataas na Paaralan ng

Mangatarem (PMPM). Mula sa tatlong daan at animnapu (360) ay kinuha ang dalawampung

porsiyento (20%) ng populasyon at ang nasabing kurikulum ay may walong (8) seksiyon kaya

minabuti na magkaroon ng siyam (9) na estudyante kada silid-aralan bilang respondent at

kakatawan sa kabuuan ng populasyon. Nakuha ang bilang nga mga respondente na pitumpu’t

dalawa (72) sa pamamagitan ng random sampling. Gumamit din ng pamamaraan na deskribtib-

sarbey ang mga mananaliksik at gumawa ng mga talatanungan bilang maging instrumento at

makatulong na makakalap ng sapat na datos ang mga mananaliksik.

Base sa resulta, malaking bilang o halos kabuuan ng bilang ng mga respondente ay

nakapasok na at gumamit na ng silid-aklatan. Bago pa man ang naglalagablab na teknolohiya,

ang mga mag-aaral ay natuto na gumamit ng silid-aklatan, manaliksik dito at magbasa ng mga

libro ng higit sa isang beses. Sa mga grapiko na iprinisinta na ikatlong kabanata, pinakita sa

unang grapiko na siyamnapu’t apat na porsiyento (94%) ng mga naging respondente ang

sumagot ng nakapasok at nakagamit ng ng silid aklatan.

Patunay lamang nito na ang mga mag-aaral ay hindi nakalimot sa paggamit ng libro at

patuloy na tatangkilikin pa ang paggamit nito.

Kasabay na nasabing patuloy na paglago ng teknolohiya, isa sa naging epekto nito ay ang

labis na paggamit ng gadyet kung saan walumpu’t limang porsiyento (85%) ng mag-aaral ay

gumagamit ng mga/gadyet ng hindi bumababa sa dalawang oras sa isang oras. Ang tatlumpu’t

siyam na porsiyento (39%) pa nito ay nagsasabi na ang kanilang paggamit ng gadyet ay

naglalaro sa limang oras.

Pahina | 33
Kasama ng patuloy na pagtaas ng kagustuhan ng isang indibidwal na matuto sa bagay na

ito, naging madikit na ang mga tao sa paggamit ng gadyet. Ang pagdepende ng labis sa mga ito

at patulot na pagtangkilik. Ayon sa ika-siyam na grapiko, siyamnapu’t pitong poriyento (97%)

bahagdan ang nagsasabi na masaya sila na nabubuhay kasama ang teknolohiya. Patunay lamang

ito na ang mga mag-aaral ay may matinding relasyon na sa teknolohiya. Kasama ng mga mag

nauna na grapiko, kung ito ay iintindihin, ang mga bata ay mas nahuhumaling sa paggamit ng

gadyet dahilan na umabot ang isang bata na gumamit nito ng hindi bababa sa dalawang (2) oras

sa isang araw

KONGKLUSYON

Sa pananaliksik na ito ang mga mananaliksik ay nakabuo ng mga kongklusyon batay sa

mga natuklasan o nakalap sa isinagawang pag-aaral.

Ang mga respondente ay may sapat ng kaalaman kung paano gamitin ng wasto ang

paggamit ng teknolohiya partikular na ang internet para sa kanilang pag-aaral. Batay sa nakalap

na datos ng mga mananaliksik, mahigit kalahating pursyento ang nagsasabing malaki ang naging

epekto ng teknolohiya sa mga estudyante sa kanilang pag-aaral. May ilan namang nagsasabing

may magandang dulot ito at may mga nagsasabi ring may masama itong epekto sa mga mga

estudyante partikular na sa kanilang pag-aaral. Sa resultang nakalap na datos, ang paggamit ng

internet ay nakakatulong sa pag-aaral ng mga estudyante at nagkakaroon ng malawak na

kaalaman. Siyamnapung porsiyento (90%) bahagdan ang nagsabi nito daihl sa ang teknolohiya

ay mabilis at nakatutulong na mas mapadali ang gawain ng mga mag-aaral, marami ang

nagsasabi na mas pinadali nito ang pananaliksik ng mga mag-aaral na nagbibigay ng isang

Pahina | 34
dahilan ng pagtaas din ng grado ng mga ito na siyang isa rin na dahilan kung bakit ang

teknolohiya ay hindi nalalaos at patuloy na lumalago.

Ngayon, na nasa ika-dalawampu na siglo na tayo, patuloy pa rin ang pag-usbong ng

teknolohiya sa ating lipunan at mas nagiging produktibo ang bansa. At maging ang paglawak

nito ay hindi mapigilan.

Sa kabuuan, ang lubos na paggamit ng teknolohiya ay may malaking epektong

naidudulot, tama man o mali. Ang mga estudyante ngayon ay naging kasangga na ang

teknolohiya para makatulong sa kanilang pag-aaral. At ang pagkakaroon ng advantage o

disadvantage sa paggamit ng teknolohiya ay wala sa aplikasyon na ito kundi nasa gumagamit.

REKOMENDASYON

Matapos ang masusing pagkalap ng mga datos at impormasyon nabuo ng mga

mananaliksik ang rekomendasyong ito:

Kailangan ng mga estudyante na magkaroon ng sapat na kaalaman sa tamang paggamit

ng teknolohiya upang ang paggamit ng mga ito ay hindi makapagdulot sakanila ng masamang

epekto at magamit ang mga ito para sa kanilang pag-aaral, Balanseng oras ang mainam na paraan

upang hindi nila mapabayaan ang kanilang pag-aaral.

Ipalaganap ang paggamit ng silid-aklatan ng isang beses sa isang lingo kung saan ang

mga mag-aaral ay pupunta sa silid-aklatan at magbabasa. Ang paraan na ito ay makatutulong na

mabigyan kaalaman ang mga mag-aaral na as episyento na gamitin ang mga libro kaysa ang

Pahina | 35
pagpindot sa gadyet at lumalabas na ang mga sagot at matuto ang mga bata na mas manaliksik

ng higit pa kaysa sa kaalaman na mayroon sila ngayon.

Magkaroon ng mga oryentasyon sa paaralan na naglalayon na mabigyan ng seminar ang

mga bata at magkaroon sila ng mas malawak na kaalaman sa mga maaaring epekto ng labis na

paggamit ng mga ito maging pisikal man o mental. Ang paraaan na ito ay makatutulong sa mga

mag-aaral na magamit nila ng wasto ang mga bagay na dulot ng patuloy na paglago ng

teknolohiya at mas makikinabang pa sila lalo dito kasama ng paggamit nito ng may sapat na

kaalaman sa makabuti o makasama.

Pahina | 36
Pahina | 37

You might also like