You are on page 1of 3

Lokal na literatura

Ang teknolohiya ay isang imbensyon na ginagamit upang mapadali


ang mga gawain at matuto. Ngayong makabago na ang panahon,
marami na ring mga klase ng teknolohiya ang naimbento. Pero may
kaakibat na positibo at negatibong epekto ang paggamit ng
teknolohiya, ilan sa mga positibing epekto nito ay
nakakapagbigay ito ng maraming impormasyon sa mabilis na panahon
at nakakapagpalawak din ito ng imahinasyon at kaalaman.
(“Epekto ng Teknolohiya,” 2014).

Ang teknolohiya ay nakakatulong sa mga mag-aaral na makakalap ng


mga impormasyon, sa simpleng pagsearch lang sa internet ay
makikita mo na ang iyong ninanais impormasyon hindi katulad noon
na kailangan pa na hanapin sa mga libro ang impormasyong
hinahanap. Madalas na ginagamit ang cellphone, computer,
projector, at calculator ng mga mag-aaral para sa pag-aaral. Isa
sa mahalagang parte ang teknolohiya para mas maayos na maipakita
ang mga aralin na itinuturo ng guro sa klase tulad na lamang ng
projector na karaniwang ginagamit ng mga guro sa tuwing nag
tuturo. Computer na ang ginagamit upang mag suri, mag siyasat at
mag saliksik ng mga impormasyon na ninanais malaman ng isang
mag-aaral ngunit hindi ito magagawa kung walang internet kaya
naman ang internet ay mas lalong mahalaga para sa mga mag-aaral
dahil mas epektibo naibabahagi ang kaalaman at leksyon nang
dahil sa internet. Mayroong iba't-ibang klase ng teknolohiyang
maaaring magamit depende sa asignatura o paksang pinag-aaralan,
tulad na lamang ng calculator na karaniwang ginagamit sa
matematika, ginagamit ang calculator upang mapadali ang
pagbibilang. Ang lahat ng mga nabanggit na teknolohiya ay
naimbento o ginawa para mas mapadali ang gawain lalo na ng mga
eatudyante (“Ang kahalagahan ng teknolohiya sa pag-aaral,"
2017.)
Napakaraming pwedeng paggamitan ng teknolohiya tulad na lamang
ng pagiging gabay sa pagsagot takdang-aralin, o kaya naman sa
paghahanap ng litaro o clips na makakatulong upang mas higit na
maunawaan ang kontekso ng isang paksa. Ito rin ay makakatulong
upang mas higit na maunawaan ang isang hindi pamilyar na salita
o kaya naman maaari itong gamitin upang isalin ang isang
lengguwahe sa lengguwaheng mas mauunawaan ng mag-aaral (Janella,
2011). Sa panahon ngayon nakasalalay na sa teknolohiya ang mga
eatudyante sa paaralan. Ginagamit ito upang mapalawig ang
kaalaman ng mag-aaral, teknolohiya rin ang isang dahilan sa
pagiging produktibo ng mga mag-aaral na nagreresulta sa
magandang akademikong pagganap. Mas mainam ang paggamit ng
teknolohiya sa klase upang mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral
at para na rin ihanda ang sarili nila sa hinaharap sapagkat
karamihan ng mga trabaho ay ginagamitan na ng mga teknolohiya.
Ang teknolohiya ay nakakatulong para mas mapadali ang
pagpapaabot ng kaalaman sa mga mag-aaral, may mga oras na
nababagot ang mga estudyante na purong diskusyon lamang ang
ginagawa sa klase, mayroon ding mga pagkakataon na hindi gaanong
naiintindihan ng mag-aaral ang lektyur kapag siya ay nakikinig
lang sa sinasabi ng guro. Kaya naman mas mainam na gumamit ng
teknolohiya upang maipakita sa mga mag-aaral ang mga bagay na
may kinalaman sa leksyon tulad ng paglalahad ng klips. Sa
ganoong paraan mas maipapaliwanag ng mas maayos ng guro ang
aralin maaari din ang paggamit ng audio-visual presentations sa
ganoong paraan mas mapapaganda pa ang paraan ng pagtuturo at mas
maunawaan ang lektyur. Sa tulong ng teknolohiya ay mas
gaganahan ang mga eatudyante na mag-aral lalo na kung
ginagamitan ito ng internet, sa panahon ngayon mas tutok na ang
mga bata sa internet kaya naman mas nagiging produktibo sila sa
pag-aaral dahil mas madali nilang nagagawa ang mga takdang-
aralin at proyekto. Sa pamamagitan ng teknolohiya ay abot kamay
na ang kaalaman. Kapag gumagamit ng internet ay nagkakaroon ang
mga tao ng malawak na access sa mga impormasyon sa buong mundo.
Kadalasan ginagamit na rin ng mga guro ang internet bilang
silid-aralan dahil may pagkakataon na sa internet pinapagawa ng
guro ang mga aktibidad. Sa ganoong paraan mas naeenganyo ang mga
mag-aaral ngunit may sa kabilang banda, may natututunan pa rin
ang mga estudyante. Sa tuwing may mga pagkakataon na
nahihihirapan ang mag-aaral o guro na makakuha ng impormasyon sa
mga libro, maaaring gamitin ang internet sa paghahanap ng isang
bagay o impormasyon. Sa tulong ng teknolohiya ay mas nagiging
epektibo ang mga kolaboratibong gawain ng mga mag-aaral dahil sa
tuwing mayroong mga pangkatang gawain hindi maiiwasang hindi
natututukan ng guro ang klase. Sa tulong ng teknolohiya mas
mapapadali ang mga pangkatang gawain (“Ang teknolohiya bilang
gamit sa prosesong pagtuturo at pagkatuto” , 2017)

Tunay ngang malaki ang naitutulong ng teknolohiya sa pag pag-


unlad at paglinang ng iba't-ibang aspeto ng kaalaman at ng
edukasyon. Ngunit pakatandaan dapat ng lahat ng mag-aaral na
gamitin ito sa wastong paraan, gamitin ito ng may disiplina at
huwag abusuhin ang paggamit ng teknolohiya. Iwasang dumipende
sa lahat ng nasa internet dahil maaari din itong makapagdulot ng
masamang epekto, maaari itong makapagbigay ng maling impormasyon
(“Paggamit ng teknolohiya sa edukasyon,” 2014)

You might also like