You are on page 1of 9

Kabanata I

Isang Pananaliksik patungkol sa pag sagabal ng Teknolohiya sa Paaralang

Manuel Luis Quezon Baitang 11 Panuruang Taon 2018 - 2019

Introduksyon

Ang panahon ng kasalukuyan ay sinasabing panahon ng mga kabataan na

kung saan ay naging bahagi ng produkto ng teknolohiya. Kung ating mapapansin ang

panahong ating kinabibilangan sa ngayun ay kadalasang sumasaklaw sa bahagi ng

teknolohiya ngunit dahil sa maling pag-gamit nito ay hindi mawawaring nagiging dahilan

pa upang maging kasagabalan sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), dapat

ay limitado lamang ang oras ng pagpapagamit ng digital gadget sa mga bata at alam

naman natin na ang mga digital gadgets ay isa sa mga produkto ng teknolohiya ang mga

naitalang report ay sapat lang rin na batayan upang ipaalam sa atin ang badya ng

teknolohiya na isang sagabal sa pag-aaral.

Ayon pa sa pahayag ni Cheryl Pacao-Mainar, DSWD-Protective Services

Bureau isang bata ang kanilang naisuri at napagalamang sa tuwing ito ay maglalaro ng

mobile games sa gadgets at kahit sa pa sa mga online games mula sa komputer ay

pinipigil nito ang kaniyang pag-ihi at halos hindi na kumakain huwag lamang makaligtaan

ang paglalaro ng games sa phone o sa komputer, dahilan sa nangyaring ito napabayaan

ang kalusugan ng bata at sya rin namang sapat na ibedensya upang limitahin ang pag-

gamit ng mga ito.


Mula sa mga impormasyon na nakatala ang pag-aaral na ito ay naglalayong

ipakita ang mga sapat na kaalaman, detalye at pagsusuri patungkol sa teknolohiya na

isang kasagabalan sa pag-aaral

A. Konseptwal ng Batayan

Ang teknolohiya ay isang suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa

kanilang pag-aaral. Ayon sa AbanteTonite.Com ang teknolohiya ay magiging

sagabal lamang kung atin itong aabusuhin nangangahulugan lamang na ang

paggamit ng teknolohiya ay may limitasyon. Mula naman sa makabagong

teknolohiya tungo sa kaunlaran isang pag-aaral na tumutugon sa mga kasagutan

at karagdagang kaalaman na itong nakaraang taon lamang ay itinampok ng

Department of Science and Technology (DOST) ang iba’t ibang proyekto at

makabagong kaalaman sa agham at teknolohiya sa ginanap na National Science

and Technology Week noong Hulyo 23-27 sa SMX Convention Center sa

Lungsod ng Pasay at sa pamamagitan din nito ay mapapadali ang pagiwas sa

kasagabalan ng teknolohiya sa pag-aaral.

B. Paglalahad ng Layunin

Ang mga sumusunod ay ang mga layunin ng pananaliksik:

a. Maipakita ang mga epekto – positibo man o negatibo, ng teknolohiya sa pag-aaral

at pagkatuto ng mga mag-aaral na nasa Paaralang Manuel Luis Quezon


b. Maibahagi sa mga kapwa namin mag-aaral ang wastong paggamit ng mga gadyet

tungo sa epektibong pag-aaral.

c. Mabigyan ng solusyon ang mga estudyante upang maiwasan ang pagkahumaling

sa teknolohiya.

Mga Katanungan na dapat masagutan:

1. Paano nakakasagabal ang teknolohiya sa pag-aaral?


2. Bakit nakakasagabal ang teknolohiya sa pag-aaral?
3. Ano ang nagiging dahilan ng pagkasagabal ng teknolohiya sa pag-aaral?
4. Ano ang mga paraan upang maiwasan ang sagabal na ito?
5. Sinu-sino ang mga taong kaloob ng sagabal na ito?
6. Anu-ano ang mga paraan na dapat gawin ng mga taong kaloob dito?

C. Kahalagahan ng Pag aaral

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sa mga :

Mag-aaral: Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito mabubuksan ang isipan ng mga mga-

aaral hingil sa isyu na kinasasakutan ng ating bansa at ito ay ang teknolohiya na isang

sagabal sa pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay daan upang magkaroon sila

ng sapat na kaalaman at pagpapatunay upang maiwasan ang kasagabalan ng

teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral.


Magulang: Ang pananaliksik na ito ay katuwang na bahagi ng mga magulang na

sumusuporta sa pag-aaral ng kanilang mga anak. sa tulong nito mamumulat ang kanilang

mga isipan sa pagpasok ng panahon ng teknolohiya dagdag pa nito ang sapat na mga

impormasyon na kanilang magiging katuwang sa pagpapanatili ng

magandangkinabukasan ng kanilang mga anak.

Guro: Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga guro na may kakayanang

makapagbahagi ng kanilang mga kaalaman sa mga kabataan. Ang pananaliksik din na

ito ay magbibigay lalo sa kanila ng kahusayan sa pagtuturo dahilan sa pagkakaroon ng

kaalaman na hindi lamang positibo ang naibibigay ng teknolohiya dahil sapat itong

dahilan ng kasagabalan sa pag-aaral ng isang estudyante. At sagayon magiging huwaran

sila upang tularan at ibigay din naman ang mga kaalaman at karunungang taglay nila.

Pamahalaan: Ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang mamulat sila sa paraang

maari pa nilang solusyunan ang mga suliraning kinahaharap ng ating bansa. sa mga

bahagi rin nito ay matutugunan ng mga nakatataas sa lipunan ng bayan ang

pangangailangan ng bansa. sa pamamagitan ng mga proyekto at programa na kanilang

maitatalaga ay mapadadali ang paglunsad ng wastong kaparaanan ng pagamit ng

teknolohiya lalo pa’t angpamahalaan ay may kakayahang makaimpluwensya sa panahon

ng mga kabataan.

Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap: Ang aming pananaliksik ay magsisilbing gabay

upang kung sakaling ang kanilang paksa ay kauri nitong pag – aaral ay may

mapagkukunan persepsyon o pananaw tungkol sa pananaliksik na ito.


D. Saklaw at Limitasyon

Ang Pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga positibo at negatibong

epekto ng teknolohiya sa mga estudyante ng Manuel Luis Quezon Senior High School.

Hinahangad din ng pag – aaral na ito na suriin ang mga pananaw at persepsyon ng mga

guro sa epektong dulot ng teknolohiya sa mga estudyante. Sa huli, bibigyan ng mga

mananaliksik ng mga mungkahing solusyon upang maiwasan ang sobrang

pagkahumaling sa teknolohiya ng mga estudyante.

E. Katuturan ng mga talakayan

Mananaliksik – Tawag sa mga taong sumusuri sa isang proyekto o eksperimento.

Mungkahi - Isang pamamaraan upang malutas ang isang problema.

Produkto – Isag bagay na ginawa upang magawa ang isang balakin.

Proyekto – Isang balak na dapat isagawa.

Teknolohiya - Isang bagay na ginagamit upang makipag komunikasyon sa mga taong

malalayo sayo.
Kabanata II

Kaugnay na Literatura at Pag aaral

A. Dayuhang Literatura

Ang pag-unlad sa pag-aaral ngayon ay mabilis dahil sa makabagong

teknolohiyaat gadyets. Nakatulong ang gadyets sa lipunan sa lahat ng

antas kabilang ang mgainstitusyon, mga interpersonal na pakikipag-ugnayan at

maging ang mga indibidwal. Ito ay patuloy na umuusbong linggid sa control at

kaalaman ng tao at nagbabago sa ilalim ng sarili nitong momentum at walang taros

na humuhubog sa lipunan (D. Chandler, 200)

Posible nga ba para sa isang kabataan at mag-aaral ang buhay na walang

Kompyuter mobile phones (para sa pakikipag text), at iba pang makabagong

gadyets? Ang kabataan at mag-aaral sa panahon ngayon ay may bagong uri ng

pamumuhay gamit ang makabagong gadyets. Ang bagong henerasyon ng

estudyante ngayon ay gusto ng pagbabago, Gaya ng pagbabago sa paraan ng

pag-aaral nila sa panahon ngayon, mas gusto nila ang madali at komportable na

walang anumang iniisip na problema. Para sa kanila ang pinaka magandang

pagbabago ngayon ay ang makabagong teknolohiya at gadyets. (S. Kumar, S.

Raghav, 2007)
B. Lokal na Literatura

Ayon sa pag-aaral ni Sadler (2007) kadalasan maririnig natin sa mga mag-aaral

ngayon na sinasabi kung gaano sila nagpuyat sa paggawa ng mga aralin at kung gaano

sila kaaga gumising para pumasok. Sinasabi nila ito upang maipagmalaki sa iba kung

ano ang kanilang nagawa. Ang mga mag-aaral ngayon ay kayang pagsabayin ang

pagtetext at pag-aaral, iba na talaga ang mga kaugalian ng mga estudyante ngayon.

Wala na silang sapat na disiplina sa paggamit ng kanilang oras at kung paano ito

mawawaldas nang may katuturan

Ang mabilis ba na pag-unlad sa larangan ng teknolohiya ay nakakatulong ba o

hindi, lalo na sa larangan ng edukasyon sa ating bansa? Lahat ng uri ng pagunlad maging

sa teknolohiya ay may kaakibat na positibo at negatibong dulot sa ating pamumuhay,

maging sa larangan ng edukasyon. Ang larangan ng edukasyon, ang mabilis na

pagunlad ang teknolohiya ay malaking tulong ang naibibigay hindi lamang sa mga guro

kundi lalo’t higit sa mga mag aaral.


Kabanata III

Pamamaraan ng Pananaliksik

A. Disenyo ng pag aaral

Ang pananaliksik na ito ay nilikha upang maging sapat na katuwang natin upang

maiwasan ang kasagabalan ng teknolohiya sa pag-aaral at dagdag pa nito ang

pagpapanatili ng pananaw na ang edukasyon lamang ang tanging paraan upang

makatulong sa mabilis napagunlad ng ating bansa.

B. Mga kalahok sa pag aaral

Ang respondante ng pananaliksik na ito ay ang mga Baitang 11 mag aaral ng Manuel

Luis Quezon Senior High School, kung saan paano nakakasagabal ang teknolohiya sa

loob ng paaralan.

C. Instrumento sa pag aaral

Sa pananaliksik na ito, ang ginagamit o instrumento upang makakalap ng o

makakuha ng datos at maging mga impormasyon, ang aking ginamit ay ang pag-gawa

ng mga katanungan o surbey.


Kabanata IV

Paglalahad ng Datos at Kinalabasan ng Pag aaral

A. Pagtitiyak ng kinalabas

You might also like