You are on page 1of 7

Kabanata 1

I.PANIMULA

Sa pag usbong na iba't ibang klase ng teknolohiya sabay din ang pag usbong ng pag unlad nito.

Malaking salik ang teknolohiya sa tao lalong lalo na sa mga modernong pamumuhay ngayon.

Nagagamit ito bilang pampalipas oras, makahalubilo sa ibat ibang klase ng tao at higit sa lahat

tumutulong din ito sa araw araw na pangangailangan ng tao. Ang teknolohiya ay kilalang kilala na

ngayon sa ibat ibang aspeto. Malaking tulong ito sa araw araw na pamumuhay ng tao gaya

nalamang ng pag aaral.

Malaking tulong ang teknolohiya upang mapadali ang ating pag-aaral. Sa pamamagitan nito

nakakakalap tayo ng mga impormasyon sa isang iglap lamang. Maaari rin tayong makapag-bahagi

ng ating nalalaman sa pamamagitan ng teknolohiya. Ngunit, masasabi ba natin na ang dukot ng

teknolohiya saatin ay purong positibo. Ang paksain ng pananaliksik ay malaman ang epekto ng

makabagong teknolohiya sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

Mahalaga ang paksain ng pananaliksik dahil sa pamamagitan nito malalaman natin ang
positibo at negatibong epekto ng teknolohiya sa ating pag-aaral. Maaaring karamihan sa
epekto nito ay nakatutulong saatin upang mabuhay ng mas madali ngunit hindi maitatangging
mayroon din itong negatibong epekto sa atin.

LAYUNIN

Ang layunin ng pananaliksik ay ang malaman kung ang paggamit ba ng makabagong teknolohiya
ay lubusang nakaapekto sa akademikong paggganap ng mag aaral sa ikalabing isang baitang sa
Our Lady of Fatima University

KATANUNGAN

1. Ano-ano ang mga epekto ng makabagong teknolohiya?

2. Gaano nakaapekto ang makabagong teknolohiya sa akademikong pagganap ng mag


aaral sa ikalabing isang baitang?
II.Kaligirang Kasaysayan

Ang guro ay may napakahalagang papel sa paghubog ng kakayahan ng mga kabataan. Sila ay

nagsisilbing instrumento upang matamo ng mga mag-aaral ang inaasam na tagumpay sa

darating na panahon. Kung kaya ang guro ay nahaharap sa pagsubok kung papaano niya mas

mapapabuti ang pagtuturo para sa inaasam-asam na layunin.

Sa pagtupad ng layunin na ito hindi lamang ng guro kung hindi pati ang ating pamahalaan ay

magkaagapay upang magkaroon ng pagbabago sa sistema ng edukasyon. Ang K to 12

Kurikulum (2012) ay ipinanukala upang matugununan ang pangangailangan ng mga mag-aaral

at makasabay sila sa pandaigdigang kompetisyon.

Ang pagbabagong ito ay nakatuon din sa pagbabago sa paraan ng pagtuturo ng mga guro sa

iba’t ibang asignatura. Ang tradisyunal na paraan ay pinalitan ng mga makabagong estratehiya

na mas gaganyak sa interes ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.

III.Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na may pamagat na "Epekto ng Pagtuturo Gamit ang Makabagong

Teknolohiya sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral sa Ikalabing- Isang Baitang ng Our

Lady of Fatima University" ang pananaliksik na ito ay may mga katangiang nais sikapin

bigyang ng kasagutan ang mga sumusunod:

1. Anu-ano ang propyal ng mga taga-tugon ayon sa:

1.1. Strand

1.2. Edad

2. Anu-ano ang Epekto ng Pagtuturo Gamit ang Makabagong Teknolohiya sa Akademikong

Pagganap ng mga Mag-aaral sa Ikalabing- Isang Baitang ng Our Lady of Fatima University?

3. An-ano ang kahinaan na matatagpuan sa paggamit ngmakabagong teknolohiya sa pagtuturo?


IV.Kahalagahan ng Pagaaral

Ang pananaliksik na ito ay naghahangad na matukoy at malaman ang epekto ng pagtuturo

gamit ang makabagong teknolohiya sa akademikong Pagganap ng mga estudyante. Sa

pamamagitan nito, makapagbibigay ng mga dahilan kung bakit higit na pinabisa ang

pamamaraan sa pagsasalin nang kaalaman ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral. Ang

kahalagahan ng pag-aaral na ito ay para sa mga indibidwal na sumusunod:

MGA ESTUDYANTE.

Ang mga kaalaman na makukuha dito ay magsisilbing tulay upang mas matuto at matulungan

ang mga mag-aaral sa kanolang pag-aaral.

GURO.

Ang mga kaalaman mula sa pananaliksik na ito ay makakapagbigay ng ideya at paraan

upang mas mabisa na maturuan ang mga mag-aaral.

PAARALAN.

Ang pananaliksik na ito ay makakapagbigay ng kaalaman na maaring maging daan upang

makatulong at mapaganda anng imahe ng paaralan dahil sa bago at mabisang pamamaraan ng

pagtuturo.

MANANALIKSIK.
Ang makakalap na kaalaman sa pananaliksik na ito ay maaaring magbigay ng ideya at

impormasiyon sa susunod na mananaliksik upang magsilbing basehan sa pag-aaral ng mge

epekto sa paraan ng pagtuturo.

V.Batayang Teoritikal

Ang teknolohiya ay hindi na bago sa pandinig at kaalaman ng mga mag-aaral dahil isa rin ito

sa pinagkukuhanan nila ng kaalaman lalo na sa gawaing tungkol sa kanilang pinag-aaralan.

Ayon din sa mga respondenteng aming kinapanayam ang mga kaalaman nila sa mga

makabagong teknolohiya ay mas nanggagaling sa kanilang kaibigan. Sa tuwing nababanggit

ang salitang teknolohiya madaming bagay ang naiisip ng mga mambabasa. Ilan sa mga

halimbawa ng teknolohiyang ito ay ang kompyuter,cellular phone at ipad na kadalasang

ginagamit ng mga mag-aaral upang may madagdag sa kanilang kaalaman. Ang mga

makabagong teknolohitong ito ay nakatutulong sa mga mag-aaral upang mapataas ang kanilang

marka sa klase. At sa panahon ngayon , mas pinipili ng mga mag-aaral na gumamit ng nga

makabagong teknolohiya sa pag-aaral ng kanilang kurso dahil para sa kanila sobrang

nakatutulong ang mga teknolohiyang ito sa kanilang kaalaman.

V. BATAYANG KONSEPTWAL

Sa pag aaral na ito, ilalahad kung anong epekto ng pagtuturo gamit ang makabagong

teknolohiya sa akademikong pag ganap ng mga mag-aaral sa ikalabing- isang baitang ng Our

Lady of Fatima University. Ang unang kahon ay ang INPUT na kung saan ay maglalaman ng

malayang baryabol, at mga impormasyon na dapat malaman mula sa mga magaaral ng Senior

Highschool, ang ikalawang kahon ay ang PROSESO na maglalaman ng mga nakalap na

impormasyon at ang pag sasaayos ng mga nakolektang datos, ang ikatlong kahon ay ang

AWTPUT na kinapapalooban ng resulta sa lahat ng nakalap na impormasyon sa mga Senior

High School ng Our Lady of Fatima University. Resulta ng pananaliksik.


INPUT PROSESO

Nais ng mga mananaliksik na Ang mga mananaliksik ay mamamahagi ng


malaman ang magiging epekto mga nasabing katanungan o kwestyuner sa
ng pagtuturo gamit ang dalawang pung lima na mag aaral ng Senior
makabagong teknolohiya sa Highschool ng Our Lady of Fatima
akademikong pag ganap ng mga University, upang makakalap ng
mag aaral ng Senior Highschool impormasyon o datos hinggil sa paksang
ng Our Lady of Fatima pinag-aaralan.
University, kaya’t nagsagawa
ang mananaliksik ng paglilimbag
ng mga katanungan o
kwestyuner na naglalaman ng
mga katanungang may
kinalaman sa paksang pinag
aaralan.

OUTPUT

Inaasahan ng mga
mananaliksik sa pag-aaral na
ito na matukoy ang mga
magiging epekto sa pagtuturo
gamit ang makabagong
teknolohiya sa akademikong
pag ganap ng mga magaaral
ng Senior Highschool ng Our
Lady of Fatima University,
upang malaman ng ibang mag
aaral kung positibo ba ng
magiging dulot nito sa
kanilang pag aaral.
VI.Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral

Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang “Epekto ng Pagtuturo Gamit ang Makabagong

Teknolohiya sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral sa Ikalabing- Isang Baitang ng Our

Lady of Fatima University".

Ang mga respondente ay manggagaling sa mga mag-aaral na kabilang sa STEM strand o

Science Technology Engineering and Mathematics , ABM strand o Accountancy Bussiness

and Management, sa HUMMS strand o Humanities And Social Science at sa GAS General

Academic Strand.

VII.Depinisyon o Kahulugan ng mga Terminong Ginamit

Katuturan ng mga salitang ginamit:

Pananaliksik- ito ay isang sistematiko, kontrolado, empirikal, at kritikal na imbestigasyon ng

mga proposisyong haypotetikal (1978 Kerlinger).

Ito'y isang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa

kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-

alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga

panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na

pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon.

Modernong teknolohiya- Ang modernong teknolohiya ay kadalasang iniuugnay sa mga

naimbentong kagamitan at gadget na ginagamitan nang kailan lamang natuklasan na proseso

at prinsipyong maka-agham.
Edukasyon- ang edukasyon ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan,

at ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan. Ang edukasyon ay isang

puhunan ng bawat mamamayan ng isang partikular na bansa upang maging produktibo ang

bawat isa sa pagpapataas ng ekonomiya.

K-12 kurikulum- ito ay isang programa na sinimulan ipatupad ng pamahalaan noong taong

2012 na naglalayong baguhin ang sistema ng edukasyon sa ating bansa. Kung saan

magkakaroon ng karagdagang dalawang taon sa pag-aaral ng mga estudyante sa high school.

Asignatura- ito ay lupon ng mga aralin na ginagamit ng mga estudyante upang matuto.

Karaniwan nitong naka-ayos sa paraang magiging madali para sa mag-aaral na maintindihan

ang bawat topic na pinagaaralan.

Estratehiya- isang salitang nangangahulugang mahusay na paraan o mahusay na pamamaraan.

Ang estratehiya ay isang pangmatagalang plano o balak sa kung ano ang dapat gawin upang

makamit ang isang tiyak na layunin.

You might also like