You are on page 1of 2

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga

sumusunod:

Sa mga mag-aaral - makatutulong ang pananaliksik na ito upang lalong mapalawak

ang kanilang mga kaalaman kung paano maging isang mahusay na mag-aaral.

Nagsisilbing gabay ito upang malinang ang kanilang kaisipan at kakayanan sa kanilang

pag-aaral. Inaasahan na ang pag-aaral na ito ay makakatulong ng malaki para sa

epektibong pamamaraan ng pag-aaral at masanay sa wastong pamamaraan sa pag-

aaral.

Sa mga guro – magkakaroon sila ng kaalaman sa mga dapat gawin ng kanilang

estudyante nang sa gayon ay magabayan at matulungan ang mga mag-aaral sa

tamang pamamaraan ng kanilang pag-aaral. Magiging isang malaking karangalan at

tagumpay sa isang guro na naging matagumpay ang kanilang mga estudyante sa

hinaharap.

Sa mga magulang – ang mga magulang bilang unang guro ng kanilang mga anak, ay

makakapag-isip-isip ng mga bagay na maipapayo at maitutulong sa kanilang anak,

kasabay ng paggabay tungo sa maayos at magandang pamamaraan ng kanilang pag-

aaral.

Sa mga administrasyon – makakatulong ang pananaliksik na ito upang magkaroon

sila ng kaalaman kung ano ang maari nilang ibahagi sa mag-aaral tungo sa wastong

pag-aaral at mahikayat ang mga estudyante na mag aral ng mabuti.


Para sa mga mananaliksik sa hinaharap- isang malaking hamon para sa bawat isa

kung ang pananaliksik na ito ay nagsilbing gabay ng mga mag-aaral sa kanilang pag-

aaral at sila’y naging matagumpay sa hinaharap.

You might also like