You are on page 1of 2

Kwalitatibong Pagsusuri ng mga Datos

Ang Kwalitatibong pagsusuri ng mga datos sa isang pananaliksik ay isang dulog

siyentipiko na nakabatay sa pamamaraan na ginagamit ng isang mananaliksik. Gingamit ito ng

mga mananaliksik na nag-aaral sa kaugalian ng mga tao, opinion, at motibasyon. Ito ay

maaaring sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang in-depth interview at focus group

discussion.

Kadalasang ginagamit ang kwalitatibong disenyo upang magkaroon ng mas malalim na

pag-unawa ang isang mananaliksik hinggil sa paksang kanyang pinag-aaralan. Nakapokus ang

kwalitatibong disenyo sa pagsagot sa mga katanungang bakit at paano hindi katulad ng

kwantitatibong disenyo na nakapokus sa mga numero o statistics. Ito umano ang dahilan kung

bakit tinuturing na sabjektik ang kwalitatibong pananaliksik. Kadalasan sa mga pananaliksik

na gumagamit ng kwalitatibong disenyo ay Grounde theory research, narrative research,

historical research, case studies, at phenomenology.

Sa pagkalap ng mga datos, hindi nakabatay ang kwalitatibong disenyo sa mga

standardized na talatanungan kung hindi sa pamamagitan ng paggawa ng mga katanungan

mula sa iba’t ibang bagay tungkol sa paksang pinag-aaralan. Maliban dito, ang pagkalap umano

ng mga datos o impormasyon ay maaaring gawin mismo ng nagsasaliksik o ng ibang tao.

Maaari ring gumamit ng secondary source nilang metodo sa pagkalap ng mga datos sa

ilalim ng kwalitatibong disenyo. Kinakailangan na desktiptibo ang dulog na ito na maaaring

diskasyong historikal o naratibo. Ayon kay Kumar, kadalasang pinagkukunan ng pangalawang

source sa pagkalap ng mga datos ang pamahalaan, naunang pananaliksik na may kaugnayan sa

paksang pinag-aaralan, pansariling records at ang midya. Kaugnay nito, isang isyu umano ang

kalidad ng mga datos o impormasyon na maaaring makalap. Maaaring hindi reliable ang

pinagkukunan ng impormasyon lalo na’t sa kasalukuyan ay nauuso ang pagkalat ng mga fake

news; maaari ring mahaluan ng pansariling bias ang mga datos lalo na kapag ito ay mula sa

1
mga talaarawan, diyaryo at magasin; isyu rin ang availability ng mga datos lalo na kapag hindi

nasisiguro ng nagsasaliksik kung mayroon bang sandigan ang ginagawang pag-aaral mula sa

mga matatag na pananaliksik.

Dagdag pa, sa pagkalap ng mga datos gamit ang kwalitatibong disenyo, nararapat na

suriin ng mananaliksik ang mga markers na ginagamit ng mga partisipante sa pagsasalita dahil

maaari umanong mabago ang ibig sabihin ng mga mensahe batay sa kung paano ito sinasalita

kaya naman nararapat na bigyang konsiderasyon ang pagtutuon ng pansin ang tono ng

pananalita.

Sa kabuuan, kapag ginagamit ang isang kwalitatibong disenyo, nararapat na tiyakin ng

mananaliksik kung ano ang tunguhin ng ginagawang pag-aaral. Ito ay dahil na rin sa mayroong

mga pagkakataon na ang mga nakalahad na katanungan sa pag-aaral ay hindi nagsisimula sa

bakit at paano subalit nangangailangan ito ng pagpapaliwanag na hindi matutugunan ng mga

numero o statistics lamang.

You might also like