You are on page 1of 4

INTRODUKSYON

Rasyunale
Sa pagsibol ng teknolohiya, nabago ang ayos ng kapaligiran at yumabong ang pag-iisip
ng tao na siyang dahilan ng patuloy na paggawa ng mga bagay na may hangaring itulak sa
modernong kamalayan ang arkaykong sibilisasyon ng mga tao.
Isang imbensyon sa ika-labing-walong siglo ang potograpiya na ginagamitan ng mga
kasangkapan o aparato gaya ng kamera na kumukuha ng mga larawan o nagrerekord ng mga
bagay-bagay na nagaganap sa ating paligid na siyang naging dahilan ng pag-usbong ng
industriya ng libangan.
Ang industriyang panlibangan ay naging isang popular na uri ng libangan ng madla na
kung saan ipinapalabas ang mga kwentong hango sa realidad ng buhay na hinaluan ng twist
sa balangkas nito upang mas maging kahumahumaling sa mata ng tagapanood. Ito ay
komersyalisadong sining na maaaring ginaganap sa teatro, vaudeville na nagpapalabas ng mga
samut saring libangan, komedya, pelikula at musika.
Ngunit sa mga hanay ng industriyang panlibangan, mas sumikat ang industriyang
pampelikula dahil ang kita ng hanay na ito ay lagpas sa iba na marahil sa dahilan na ang mga
tagapanood ay nagnanais na maranasan ang pag-upo sa sinehan na kung minsan ay kung
ninanais ng isang tao na mas nakakaaliw ang panunuod ay gumagamit siya ng 3D glasses.
Ang iba pay komportable nang nakaupo sa kani-kanilang sofa sa sarili nilang tahanan habang
nanunuod ng paborito nilang pelikulang teledrama o aksyon. Makikita mo rin na maraming
pagbabago ang nagaganap sa industriyang ito kaakibat ang tulong ng teknolohiya na pilit
hinahanap ang pinakamagandang paraan ng pagpapalabas ng mga tinatangkilik na pelikula.

Sa pag-usbong ng industriyang pampelikula, labis ang tuwa ng mga tao dahil


nakahanap sila ng bagong paraan ng pagpapawi ng kanilang pagod at kapagalan. Patuloy ang
pag-abang ng madla sa mga kwentong buhay o mga palasak ng mga direktor na gumagawa ng
mga pambihira at kahanga-hangang kwento gamit ang masidhi at malawak nilang imahinasyon.
Ang pagtangkilik ng mga tao ay naayun sa kani-kanilang panlasa matuwa, maiyak, o
matakot kaya ang mga pelikulay may kanya-kanya ring kategorya. Nakikilala ang isang
pelikula sa impresyon at emosyon na naipakita ng manonood habang pinapanood ito. Kung
silay humagalpak sa katatawa, itoy komedi at kung silay kinilabutan, napasigaw at nanginig sa
takot, itoy katatakutan.
Pelikulang katatakutan ay nalikha mula sa malawak na imahinasyon ng mga director o
manlilikha ng pelikula na ang tangi o pangunahing layunin ay sindakin sa takot ang manonood.
Itoy sumasailalim sa kadiliman o mga hinanakit sa buhay kung kayat may epekto ito sa mga
sumusubaybay dito.
Nagsimulang tumakot ang ganitong uri ng pelikula sa mga sinehan at telebisyon noong
ika-labin-siyam na siglo. Ngunit pumatok ito sa takilya dahil sa mga nagawa ng mga batikang
direktor na pinangungunahan ni Alfred Hitchcock na kilala sa mga pelikula niyang Psycho at
The Birds na siyang naging dahilan ng pag-akit sa mga mata ng mga kritiko. Nag-iba rin ang
tingin ng mga pamilya na kinamumuhian ang mga kabataang sumusubaybay sa mga pelikulang
ito. Sa kadahilanan nito, nagpatuloy at lumakas ang pagpapalabas ng mga pelikulang
katatakutan na siya naming dinadagsa ng madla. Ngunit sa pagdaan ng mga taon, mas lalo
naming pinatindi ang pagsindak at paggulat ng mga pelikula dahil na rin sa pag-unlad at
modernasisyon ng teknolohiya na nagbibigay ng maganda at nakakagulat na epekto sa mga
pelikula na ang karaniwang ginagamit ay ang Computer-Generated Imagery o CGI.

Nahahati sa ibat ibang uri ang mga pelikulang katatakutan maaaring pagpipilian ng
isang manonood. Ito ay gaya ng supernatural horror na sumasaklaw sa mga kaluluwa, halimaw,
zombi o mga nakakatakot na mga bagay na hindi makikita sa totoong buhay. Isa pa ay ang dark
fantasy na may pantasiya ngunit may halong kababalaghan sa tagpuan nito. Ang sci-fi horror ay
nakatauon sa anggulo ng siyensiya na may halong katatakutan. Pinapaandar naman ang mga
takot at isip ng tauhan ang tinututukan ng psychological horror. Ibinatay naman sa mga gawa ni
Howard Philip Lovecraft ang isang uri ng katatakutan na Lovecraftian horror na maari ring
tawagin na cosmic o atheistic horror na dahilan sa mga gawa niyang kakaiba at
nakakapangilabot na mga halimaw. Pinapangibabawan naman ni Edgar Allan Poe ang gothic
horror na pinaghalong psychological horror na may makasaysayan at romantikong tagpuan
gaya ng mga kastilyo o may mga kababalaghan o mga misteryong bumabalot sa mga tauhan
na pilit sirain ang kanilang sarili. Religious/Occult/Satanic naman ang mga pelikulang may
sanib, o pagpapaalis ng mga demonyo na may pagsasagawa ng mga ritwal o black magic.
Suspense/Thriller naman ang mga pelikulang may serial killer, psychopath o mga natural na
sakuna. Ito ay hinati upang mas malaman ng mga manonood kung anong uri ng mga pelikulang
katatakutan ang nasa kanilang panlasa.
Sa industriyang pampelikula, nangunguna ang mga Amerikano sa kanilang mga gawa
ng mga pelikulang katatakutan dahil sa paglapat nila ng magaganda at epektibong mga epekto
sa kanilang mga pelikula na siyang dinudumog ng mga manonood. Patunay sa kanilang mga
pelikula na makikita ang lubusang paggamit ng makabagong teknolohiya na siyang dahilan ng
katanyagan nila sa takilya. Gayon din sa buod ng kanilang kakaibang kwento na isa ring dahilan
ng pagdagsa ng madla at patuloy na pagpuri ng mga kritiko.
Ang Mga Piling Pilipino at Amerikanong Pelikulang Katatakutan: Isang Paghahambing
ay naisulat upang imulat sa mga manonood ang kakulangan, kalabisan at pagkakaiba ng mga
pelikulang inihambing ng mga mananaliksik. Sa paghahambing na ito ay nais din ng mga

mananaliksik na ibatid kung anong pelikula ang mas akma na matawag na nakakatakot at
nakakakilabot.
Paglalahad ng Suliranin
Kilala ang mga pelikulang katatakutan dahil sa mga natatangi nitong pagkagawa at
pagpapalabas sa publiko ngunit nagkakaroon din ng pagtutulad sa mga ginamit na pantakot sa
manonood. Isinagawa ang pananaliksik na may layuning ikumpara ang ilang piling pelikulang
katatakutan ng mga Pilipino at Amerikano at alamin ang pagkakaiba ng napiling mga pelikula.
Ito ay pagkukumparahin sa pamamagitan ng:

Paghahambing ng nagamit na tagpuan ng pelikula, nanakot sa pinanood, itsura ng


pananakot (Prosthetics), tunog(sound effects), gaano kabisa ang pananakot, daloy ng

pelikula, ilaw at sinematograpo


Pagkumpara ng mga elementong kathang-isip na ginamit sa mga piling pelikula ng mga

Pilpino at Amerikano
Paglalahad ang pagkukulang at kalabisan ng mga piling pelikula
Paglalahad ng maaaring maging epekto nito sa industriya ng pelikula

Balangkas Konseptwal at Teoretikal


Saklaw at Delimitasyon
Ang pananaliksik ay nakapokus lamang sa paghahambing ng mga pelikulang
kababalaghan ng industriyang pampelikula ng Pilipino at Amerikano na nagawa sa
ikadalawampung siglo na pinili at ikukumpara ng mga mananaliksik na kung saan ang mga
elementong kathang-isip na ginamit sa bawat industriya ay magkapareho upang maging masusi
ang paghahambing.

You might also like