You are on page 1of 55

Republika Ng Pilipinas

Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan


Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

PANANAW NG MGA MAG-AARAL NA NASA SENIOR HAYSKUL SA KASANAYAN

SA PAGTUTURO NG MGA GURONG HINDI MEYJOR SA FILIPINO

_______________________________

Isang Tesis na iniharap para kay


Gng. Shella Marie I. Diocares

_______________________________

Bilang pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa


Asignaturang Introduksiyon sa Pananaliksik, Wika at Panitikan

_______________________________

Nina

Bernabe, Mary Grace P.


Espinosa, Mary Divine Grace F.
Paragas, Nene DC.
Sison, Carren Ghel M.
Visperas, Romel A.

Enero 2021
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

KABANATA I

Panimula

Mahalaga ang ambag ng mga dakilang guro na nagsisilbing tulay sa pagtatatag

ng kinabukasan at kaunlaran ng sangkatauhan sa mundong ating ginagalawan. Sa

kanilang malawak na kaaalaman, karunungan, timbang na pagpapasiya, mayamang

karanasan, determinasyong magtagumpay sa isang larangan ng buhay, umaani sila ng

mataas na pagkilala at paggalang mula pa sa sinaunang panahon hanggang sa

kasalukuyan. Hitik ang mga pahina ng kasaysayan sa mga dakilang pari, propeta,

pilosopo, henyo at mga gurong naging tuntungang bato ang kanilang mga pilosopiya,

paniniwala, teorya at ıisipan sa paglinang ng edukasyon mula pa sa mga maharlika

patungo sa mga karaniwang mamamayan.

Ayon kay Bro. Armin Luistro ng DepEd (2012) sa pambansang pagsasanay, sa

pagnanais na mapaunlad at makasunod ang Pilipinas sa international standards sa

basic education, isang malawakang reporma ang itinaguyod ng administrasyon sa

pagpasok ng K to 12 curriculum. Umani man ito ng batikos sa magkakahiwalay na

kampo ng mga magulang at iba pang stakeholders, hindi napaawat ang agarang

pagpapatupad nito dahil iniisip ng Kagawaran ang benepisyong pangmatagalan sa higit

na angkop na career pathways at mga kasanayan para sa


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

mga mag-aaral, higit na kahandaang magkolehiyo, maliban pa sa pagtaas ng bahagdan

ng empleyo nila pagkatapos ng kanilang pagkatapos sa Senior High School batay sa

socio-economic standards na 12 taon sa Batayang Edukasyon sa Asia Pacific Region,

Amerika at Europa. Bagaman radikal ang pagbabago at agaran ang pagpapatupad ng

bagong kurikulum na K to 12 sa Pilipinas, ang buhay at tagumpay nito ay nakasalalay

nang malaki sa mga buhay na bayani na magsusulong ng makinarya ng pagbabago

tungo sa mga repormang kailangan sa mga paaralan, lipunan at pamahalaan. Umaasa

ang mga liderato ng Kagawaran pati ang mga pinunong pampaaralan sa mga gurong

nasa unang hanay upang magsilbing sulo na magliliwanag sa madilim na landas nang

matagal na pakikibaka laban sa kamangmangan, kahirapan, inhustisya, katiwalian,

suliraning pangkapaligiran at katamlayang mapursigi ng pagbabago.

Ang kahingian ng mataas na kalidad ng edukasyon na tutugon sa

pangangailangan ng mga mag-aaral sa ikadalawangpu’t isang siglo ay pinaniniwalaang

makukuha lamang kaugnay ng mataas na uri ng paturuan. Maisasakatuparan lamang

ito kung ang mga guro ay may mataas na pananagutan, disiplina, kakayahan, tiwala sa

sarili at may tunay na malasakit sa kabuuang kaunlaran ng kanilang mga mag-aaral.

Ang Departamento ng Filipino ay kasama sa malaking pwersa na inaasahang

magsusulong sa mga ideya ng pagbabago sa sistemang pang-edukasyon sa ating


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

bansa. Subalit sa malawakang obserbasyon at pagsuri ng mga mananaliksik sa profayl

ng mga guro ay natuklasang talamak sa

mga nagtuturo ay hindi medyor sa asignatura. Masaklap pa ring matuklasang ito’y hindi

lamang totoo sa Filipino bagkus ito’y talamak na problema maging sa ibang asignatura.

Makapangyayari ang ganitong sitwasyon dahil sa kakulangan ng kwalipikadong guro sa

ilalim ng Registry of QuaIified AppIicants (RQA) sa sangay kaya’t napipilitang kumuha

ng di-medyor sa asignatura. Dagdag pa rito, sa bisa rin ng mga “tag items”’ noon ay

nabigyan ng dagdag na mga guro ang mga paaralan bagaman ang medyor nila ay hindi

kailangan, kaya napilitan ang mga itong magturo sa hindi nila espesyalisasyon. Ito ay

isang dahilan din ng paglobo ng bilang ng mga di-medyor sa iba’t ibang asignatura na

kailangang masolusyunan.

Ang tindi o lawak ng suliranin ay maaaring magkaiba subalit, isang nagdudumilat

na katotohanan na kakaunti ang kumukuha ng medyor sa Filipino, kung kaya’t di

makasapat sa pangangailangan ng mga paaralan. Bunga nito, ang siklo ng pagkuha ng

mga bagong gurong di-medyor sa asignatura ay patuloy na umiiral. Isang isyu kung

ganoon ay ang uri ng pagtuturo na aasahan sa mga hindi medyor sa asignatura.

Kaakibat ng isyung ito ang mga pananaw o saloobin ng mga mag-aaral sa kasanayang

pagtuturo ng kanilang gurong hindi medyor sa Filipino ang nais pag-aralan ng mga

mananaliksik.
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Gayunpaman, batid nating lahat na hindi makaaasang magiging napakahusay

ang mag-aaral kung hindi mahusay ang modelo – ang mga guro (Geronimo, 2015).

Paglalahad ng Suliranin

Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy ang pananaw ng mga mag-aaral na

nasa Senior Hayskul sa kasanayan sa pagtuturo ng kanilang mga gurong hindi meyjor

sa Filipino.

Ang pag-aaral ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Paano ilalarawan ang profayl ng mga mag-aaral na kalahok sa pag-aaral batay sa

mga sumusunod:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

1.3 Paaralan

1.4 Nakaraang Kabuuang Grado sa Filipino

2. May kaugnayan ba sa pananaw ng mga kalahok ang kanilang profayl batay sa mga

sumusunod:

1.1 Edad
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

1.2 Kasarian

1.3 Paaralan

1.4 Nakaraang Kabuuang Grado sa Filipino

3. Ano-ano ang pananaw ng mga mag-aaral na kalahok kaugnay sa kasanayan sa

pagtuturo ng kanilang mga gurong hindi meyjor sa Filipino?

4. Ano-ano ang ginagawa ng mga kalahok upang matugunan ang mga obserbasyon at

karanasan sa klase kaugnay ng ipinakitang kasanayan ng gurong hindi meyjor sa

Filipino?

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay tumutuon lamang sa pagkalap ng datos na

nakapagsasabi kung ano ang pananaw ng mga mag-aaral sa kasanayan sa pagtuturo

ng mga gurong hindi meyjor sa Filipino. Saklaw ng pag-aaral ang paglalarawan sa

profayl ng mga kalahok na mag-aaral, ang kaugnayan nito sa kanilang pananaw na

kapalolooban ng kanilang edad, kasarian, paaralan at nakaraang kabuuang grado sa

Filipino, ang pananaw ng mga mag-aaral na kalahok kaugnay sa kasanayan sa

pagtuturo ng kanilang mga gurong hindi meyjor sa Filipino, at ang ginagawa ng mga

kalahok upang matugunan ang mga obserbasyon at karanasan sa klase kaugnay ng

ipinakitang kasanayan ng gurong hindi meyjor sa Filipino


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Nililimatahan ng mga mananaliksik ang pag-aaral sa limampung (50) piling mag-

aaral ng Senior Hayskul na magmumula sa Pambansang Mataas na Paaralan ng

Labrador, Pambansang Mataas na Paaralan ng Dulag, at Ramon Magsaysay Integrated

School. Isasagawa ito sa pamamagitan ng sarbey na kung saan ang mga kalahok ay

bibigyan ng mga talatanungan na kanilang tutugunan.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang epektibong pagtuturo ay nagsisimula mismo sa kung paano ang

interaksyong nagaganap sa pagitan ng guro at kaniyang mga mag-aaral kung kaya’t

mahalaga na matukoy at malaman ang pananaw ng mga mag-aaral sa pagtuturo ng

kanilang gurong hindi meyjor sa Filipino na siyang magiging isang malaking tulong

upang lalo pang matupad ang pagkakaroon ng epektibong pagkatuto at pagtuturo sa

loob ng klasrum o paaralan. Ang pag-aaral na ito kabilang ang magiging resulta ng pag-

aaral ay nararapat na mabatid ng mga guro at mag-aaral at mailapat sa paghahangad

na makamtan ang pagkakaroon ng makabuluhan at epektibong proseso ng pagkatuto.

Karagdagan pa, magbibigay kamalayan ito sa mga gurong hindi meyjor sa Filipino at

lahat ng nagtuturo sa Filipino na pagbutihin pa ang kanilang pagtuturo kabilang na ang

mga estratehiya at instruksiyong isasagawa gayundin sa mga mag-aaral na kamtin ang

pagkatuto sa abot ng kanilang makakaya.


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Ang pag-aaral ay magiging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral at lalo na sa

mga guro na responsable sa makabuluhang pagtuturo. At sa mga susunod na

pananaliksik o pag-aaral, ang mga susunod na mananaliksik ay maaaring nila itong

magamit sa kanilang pag-aaral na may kaugnayan dito.

Depinisyon ng Terminolohiya

Ang mga sumusunod na salita ay binigyang depenisyon para sa malinaw na

pagkakaunawa sa kasalukuyang pag-aaral.

Pananaw. Ito ay nangangahulugang paraan ng pagsasaalang-alang o pagsusuri sa

isang bagay suliranin o pangyayari. 

Ito rin ay maihahalintulad sa paniniwala ng isang tao. Subalit, ang paniniwala ay

bunga ng pananaw ng isang tao. Sa Ingles, ito ay tinatawag na “Point Of View”.

Senior Hayskul. Karagdagang dalawang taon sa hayskul na may kinalaman sa

espisipikong kurso na tatahakin upang magsilbing paghahanda sa kolehiyo.

Hindi Medyor. "Ibang asignatura o kurso ang natapos.”

LNHS. Labrador National High School

DNHS. Dulag National High School


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

RMIS. Ramon Magsaysay Integrated School

Quantitative Reasearch. Ang ganitong uri ng pananaliksik ay nauukol sa pag-aaral ng

pag-uugaling panlipunan sa pamamagitan ng mga pamamaraan na may batayan sa

computational.

Sampling Procedure. Nagtitipon ng datos mula sa bahagi ng populasyon.


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga kaugnay na literatura at pag-aaral na

nakatutulong ng malaki sa ginawang pag-aaral dahil nagbibigay ito ng katotohanan

upang mabuo ang pag-aaaral na ito.

Kaugnay na Literatura

Guro ang susi sa lahat ng suliranin ukol sa mabisang pagtuturo. Kumbaga sa

isang manggagamot, nararapat pulsuhan ng guro ang kanyang mga mag-aaral, damhin

at pakingganang tibok ng kanilang puso, pag-aralan ang sanhi ng kanilang

karamdaman bago lapatan ng kaukulang lunas.

Ayon kay Gleason (Baluca et.al, 2006), ang baryasyon ng wika ay isang

katotohanan sa lipunan na nakabukod sa mga tradisyon ng mga tao at sa mga salik

panlipunan na nakikilala sa iba’t ibang grupong sosyal, kultural at etniko.

Gayunpaman, kinakailangan na mapaghandaan ang anumang pagbabagong

magaganap sa wika.

Lumalabas sa mga obserbasyon na patuloy na ipinagsasawalang bahala at

ipinagkikibit ng balikat ng mga mag-aaral at ilang mga guro ang Filipino, pasulat o
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

pasalita man, dahil mas binibigyang pansin pa rin ang pag-aaral ng Ingles dahil mas

nagpapakita ito ng katalinuhan ng isang tao kaysa magpakadalubhasa sa sariling

wika, ayon na rin sa kinasanayan ng ating lipunan.

Masasabing ang asignaturang Filipino ay isa sa pinakamahirap na asignatura.

Maging sa ating mga kaguruan ay nahihirapan din sa pagtuturo lalong-lalo sa pagtuturo

ng wika sapagkat lubos na malalim ang nais ipakahulugan ng mga paksang aralin.

Subalit ang lahat ng ito ay maaari lamang matamo kung sa pagpapakadalubhasa pa

lamang ng mga magiging guro ay magkakaroon na sila ng masusing pag-aaral ukol sa

mga paksang ito. Subalit dahil na rin sa mga kakulangan ng mga pasilidad at maging

mga reperensyal ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino ay nawawalan

na sila ng sandata at mahahalagang sangkap upang lubos na magpabulay-bulay ang

mga paksang aralin.

Nabanggit sa aklat ni Nenita Porciuncula, na bagamat maituturing na

pangunahing suliranin ang kakulangan sa mga kagamitang panturo, pumapangalawa

marahil ay ang angking kakayahan at kasanayan ng mga gurong nagtuturo ng Filipino

bilang asignatura at bilang wikang panturo. Sa tuwing papasok ang isang panuruang

taon, parang walang pagbabago ang kalagayan ng pagtuturo ng Filipino sa kabila ng

pagsisikap ng pangasiwaang mapaunlad sa tulong ng mga pagsasanay, kapulungan,

gawain, pakikipanayam, pagmamasid, pakitang-turo at marami pang iba. Kasunod sa


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

mga ito ang suliraning pagtuturo ng mga guro sa Filipino na hindi linya sa kanilang

espesyalisasyon.

Ayon kay (De Guzman 2010), sa Pilipinas, ang isang guro ay maaaring magturo

ng iba’t-ibang asignatura sa Junior High Schol at Senior High School. Ang mga gurong

ito ay nagpakadalubhasa sa isang partikular na unibersidad. Gayun pa man, sila ay

magtuturo sa

kanilang medyor o magtuturo sila ng ibang asignatura, ibig sabihin hindi nila ito

napaghandaan. Ang pagtuturo ng hindi nila medyor ay isang malaking hamon sa

kanilang sitwasyon. Ang gurong

out of field ay nahihirapan sila sa pagsusulat ng mga banghay aralin at pagsagot sa

mga tanong ng mga mag-aaral. Ang mga problemang ito ay karaniwan sa mga

pribadong paaralan na hindi nakahanap ng mga gurong medyor sa asignatura,

halimbawa nito ang guro sa Sience ay naatasan ng punong-guro na magturo ng

asignaturang Filipino, sa puntong ito, isa itong malaking hamon para sa guro na

tanggapin at magturo ng asignaturang Filipino.

Para sa mga guro, ang isang silid aralan na punong-puno ng matatalinong

estudyante ay isang bagay na sa panaginip lang makikita. Pero syempre, nagtuturo ka

ng asignaturang hindi mo linya, isa itong malaking bangungot. Pakiramdam mo isa kang
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

impostor at nag-aalala ka na mapansin ng mga estudyante, pakiramdam mo para kang

bumalik sa pag-aaral (Bart, 2010).

Para kay Hobbs (2013), ang pagtuturo ng hindi medyor ay mangyari lamang

kapag ang guro ay nagtuturo ng mga asignatura kung saan hindi sila kwalipikado. Ang

isyung ito na patuloy na lumalaki at hindi pa rin nasusulusyunan. Ang isang mahusay na

mananaliksik ay nakipanayam sa mga guro sa mga paaralan upang malaman ang

kanilang mga hinaing. Base sa paksa ng pag-aanalisa, ang magkahiwalay na

kadahilanan ay maaaring sariling kagustuhan para sa pag-aaral at ang pagkakakilanlan

bilang guro na wala sa linya ang pagtuturo. Ang natuklasang ito ay nagbigay ng

pananaw sa mga tagapamahala ng paaralan at mga guro sa kondisyong kinakailangan

na ang pagtuturo ay tinuturing na isang oportunidad ng pagkatuto.

Mahigit isang dekada na ang lumipas, ang kalidad bilang isang guro ang

tinututukan at pinag-uusapang isyu sa edukasyon, ang problemang ito ang pumukaw

pansin sa mga nagtuturo sa hindi pagtanggap ng mataas na pasahod lalo na sa mga

nagtuturo sa mga liblib na lugar. Ang

mga mananaliksik at ang mga nagpapatupad ng polisiya ay pinagpapaliwanag sa

patuloy na pagdami ng mga gurong “out of field”. Una dito ay ang kakulangan ng

kahandaan ng mga guro, ibig sabihin nito na ang pagtuturo na wala sa linya ay ang

kahinaan sa paghahanda sa mga guro. Ang ikalawa kung bakit may mga gurong “out of

field” ay ang kakulangan ng mga gurong magtuturo (Caylo, 2015).


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Ang mga eksperto ay umaasang ang pangangailangan ng guro ay lalampas sa

pangangailangan para sa K-12 sa mga pampublikong paaralan na humigit 100,000 para

sa mga baguhan, ang dahilan ng lumalaking paghihikahos ay ang maliit na pasahod at

ang kakulangan ng kakayahan na panatilihin ang mga guro. Ang krisis na ito ay

naiparating kay President Donald Trump na nagmungkahi sa paghihiwalay ng

Programang Pederal para matulungan ang mga guro at paaralan. Ang mga distrito at

ang Pamahalaang Estado sa United States ay nilabanan ang kakulangan ng mga guro

na magtuturo sa Senior High School na inaasahang tataas pa sa taong ito (Edelman,

2016).

Ang pagtuturo ng wala sa linya ay nakakaalarma pero ito ay makatotohanan sa

mga paaralan ngayon. Kahit na ang pagtuturo ng kinasanayan mong asignatura ay may

mga paksang komportable ka sa paagtuturo kaysa ibang paksa. Ang mga hindi

eksperto ay nagbibigay ng lakas

sa silid aralan. Ang pagtuturo ng hindi mo pamilyar na asignatura ay para kang umasa

ng katotohanan sa iyong mga mag-aaral. May mga suhestyon at pamamaraan na

nakakatulong kung tayo ay nagtuturo sa asignaturang hindi natin inaasahan. Itanim sa

isip na, bilang dalubhasa, mas nakakalamang tayo. Maliban dito, ang pagtuturo ng wala

sa linya ay mapapalawak ang ating kaalaman, magiging interesado sa bagong

pananaliksik, gabay ang mga kasamahan sa trabaho at mapalawak ang ating kaalaman

(Huston, 2009).
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral ni Transona Jr. (2002), malaki ang ginagampanan ng

edukasyon sa pag-unlad ng isang bansa. At dahil sa paaralan nakabatay ang mga

inaasahan at mithiin ng mga mamamayan patuloy na nagbabago ang sistema nito dahil

naiimpluwensiyahan ng patuloy na pagbabago ng panahon. Sa anumang antas ng pag-

aaral, sa bahagi ng pagtuturo ay hindi maitatanggi ang katotohanang ang isang guro ay

isa sa pinakamahalagang sangkap sa isang paaralan. Sa palad ng mga guro

nakasalalay ang mga malilikhaing gawaing makatutulong at magsisilbing gabay ng mga

mag-aaral. Ang antas ng kahusayan ng alinmang paaralan ay nakasalalay sa pagganap

ng mga guro sa pagtuturo.

Ipinaliwanag ni Gurney (2007), sa kanyang pag-aaral na kung ang guro ay hindi

handa maaaring hindi niya magampanan ang responsibilidad ng isang guro. Kung ang

guro ay may kahandaan sa kanyang pagtuturo at handa siyang ibahagi ito sa kanyang

mga mag-aaral, mas makikita ang ganap na epektibong relasyon ng pagtuturo at

pagkatuto.
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Ayon kay Clemente-Reyes (2003), isa sa mga katangian ng isang epektibong

guro ay dapat maging eksperto sa lahat ng saklaw ng pagtuturo gaya ng paksang-

aralin, pamamahalang pangklasrum, pagtuturo at dayagnostiks na pagtuturo.

Ayon kay Reandino (2014), tatlumpu’t anim na bahagdan (36%) respondente

ng mga mag-aaral ang sumagot na di- kalidad na pagtuturo ng Filipino ang isa

sa mga suliraning kinakaharap nila sa akademikong Filipino.

Ayon kay Magtoto (2017), malaki ang epekto ng mga kwalipikasyon ng mga guro

sa pagtuturo. Kung hindi nakapag-aral nang mabuti ang mga guro, mas mababa rin ang

kalidad ng edukasyong makukuha ng mag-aaral. May mga guro sa pampublikong

paaralan na tila kulang sa kaalaman at may mga nagtuturo sa mga pribadong paaralan

na hindi pa pasado sa Professional Liscensure Examination for Teachers.

Sa kabuuan, ang pagtuturo ay isang sangay ng karunungang nauukol sa

paglikha ng maririkit na bagay at magagandang kaganapan. Ito’y isang maayos na

paraan ng pagsasagawang pagkikintal ng kaalaman at itinuturing na mahalagang

sangkap ng komunikasyon. Ang pagtuturo ay ang malilikhaing pakikipag-ugnayan ng

guro sa kanyang mga tinuturuan na may iba’t ibang katangian at paniniwala. Sa

proseso ng komunikasyon, hindi lamang natatanggap ng mag-aaral ang mensahe mula


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

sa guro kundi, ito’y kanyang naiuugnay sa sariling pamumuhay sa sistematikong

pamamaraan ng guro. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay masasabing

nagbubunga ang guro sa kanyang pagtuturo. Kung kaya’t marapat lamang na

palawakin ng guro ang kanyang kakayahan at kasanayan sa pagtuturo. Kailangang

magkaroon ng mga makabagong istratehiya at pamaraan ang guro upang mas maging

produktibo at mabisa ang pag-aaral ng sa asinaturang Filipino.

Teoretikal na Balangkas

Ang konsepto ng pagiging out-of-field ay tumutukoy sa mga kwalipikadong guro

na nagiging di-kwalipikado dahil sa pagtuturo nila ng mga asignatura o baitang na wala

silang akmang kwalipikasyon. (Ingersoll, 2001).

Ang kalidad ng edukasyon ay maaaring nahuhugot sa magkaiba-ibang

pamantayan upang masuportahan ang iba’t-ibang epektibong pedagohiya sa pagtuturo.

Kaya naman, ang mga guro ay nanatiling pangunahin at pinakaimpluwensyal na

sandigan ng edukasyon (Hattie, 2009).

Kaakibat niyan, ang pag-aaral na ito ayon kay Gadamer (1976), na naglalayong

makinig sa mga pasalita at di-pasalitang linggwahe ng mga guro habang


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

pinagsusumikapang unawain ang mga kanilang mga karanasan bilang mga out-of-field

na mga guro o mga guro na nagtuturo ng mga asignaturang hindi nila linya o medyor.

Subalit sa pag-alam ng mga pananaw ng mga mag-aaral ukol sa isyu ng

pagtuturo ng mga guro sa asignaturang hindi linya sa kaniyang espesyalisasyon ay

marapat na malaman ang

kanilang damdamin at saloobin ukol dito. Ang damdamin at saloobin ay palaging

magkaugnay. Ito ay sapagkat ang saloobin ay nakakaapekto sa damdamin. Ang

Cognitive Consistency Theory ay teorya ng saloobin. Ito ay nakatuon sa pagbabago na

nangyayari sa pagitan ng magkaugnay na paniniwala, kaalaman at pagtataya tungkol

sa isang bagay o isyu. Kahit maraming Consistency Theories ang nagkakaiba sa

maraming aspeto, lahat ng mga ito ay may parehong pakay at iyon ay ang pagbabawas

ng pagbabago at pagbabalik ng intelektuwal at emosyonal na balanse.

Sa pangkalahatang pananaliksik pinagtibay na ang tao ay naghahanap ng

konsistensi sa kanilang saloobin at sa pagitan ng saloobin at kanilang damdamin.

Nangangahulugan ito na ang mga tao ay naghahangad na makasundo ang naiibang

saloobin at maiaayon ang kanilang saloobin at damdamin upang maging makatuwiran

at konsistent. Kapag nagkaroon ng pagkakasalungatan, may lakas na magpapamulat

upang maibalik ang balanse ng saloobin at damdamin, upang muling maging


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

konsistent. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagbabago ng saloobin, o kayay

pagbababgo ng damdamin o sa pamamagitan ng pagbuo ng katwiran sa mga kaibhan.

Sa teoryang ito, ipinagpalagay na ang bawat indibidwal ay may likas na

kakayahang tumantiya at humalaw ng mga konteksto, pinagmulan ng mga bagay-bagay

at sa mga taong sangkot sa isyu batay sa kanyang personal na pagpapahalaga o kayay

batay sa pangkalahatang sistema ng paniniwala. Ginagawa ito ng indibidwal upang

makita ang balanse ng emosyonal at intelektuwal sa kanyang sarili habang nakikitungo

sa ibang tao sa kanyang paligid at hinaharap ang mga isyung umuusbong mula sa iba't

ibang aspeto ng kanyang relasyon sa kapwa.

Ang Balance Theory ni F. Hieder ay nasa ilalim ng Cognitive Consistency

Theory. Ito ay nagbibigay tuon sa katatagan ng paghuhusga ng tao sa kapwa o sa mga

isyung magkarugtong at may kaugnayan sa bawat isa. Ang teoryang ito ay may tatlong

elemento: ang imahe, ang halimbawa at ang pagsusuri. Ito ang tatlong element kung

saan umiiral ang sistema ng balanse. Kapag ang tatlong relasyon ay positibo, o kayay

dalawa sa tatlo ay positibo at isa lamang ang hindi, maituturing na ito ay balanse.

Magiging di-balanse kung tatlong elemento ang magiging negatibo o kaya'y dalawa sa

tatlo ay negatibo. Ang mga tao ay mahilig pumuna sa ibang tao at bagay na may

kaugnayan sa kanila upang maging balanse ang kanilang sistema.


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Ang teoryang ito ay nagpapalagay na ang pagiging balanse ay nangangahulugan

ng pagiging matatag at ang kawalan ng balanse ay kawalan ng katatagan. Kapag

naganap ang kawalan ng balanse, ang sikolohikal na tensyon ay mag-uudyok sa tao na

ibalik ang balanse sa pamamagitan ng pag-iisip, pag-alala at pagkatuto. Kung kaya

mahihinuha na ang saloobin ng tao tungo sa isang bagay ay nagdedepende sa

kanyang saloobin tungo sa pinagmulan na siyang tagapag-ugnay sa bagay.

KABANATA III

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang disenyo ng pag-aaral, instrumentong

gagamitin at pamamaraan sa pangangalap ng mga datos o impormasyon pati na rin

ang bilang ng mga respondente na makilahok sa pag-aaral. Nakapaloob dito ang mga

gagamiting tagatugon sa paksang sinisiyasat at gayundin ang uri ng estadistika na

angkop sa paksa.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang disenyo ng pag-aaral o pananaliksik ay deskriptib-sarbey sapagkat

naaangkop ito sa pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa kasanayan ng kanilang mga

gurong hindi meyjor sa Filipino. Maaari itong makaapekto sa kanilang lubusang


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

pagkatuto sa asignaturang Filipino. Susuriin din ang kaugnayan ng kanilang profayl sa

kanilang mga pananaw at maging ang mga gawaing kanilang ginagawa upang

matugunan ang obserbasyon at karanasan sa klase ukol sa ipinakitang kasanayan ng

kanilang gurong hindi meyjor sa Filipino.

Respondente at Populasyon

Ang magiging kalahok ng pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa Senior Hayskul

na magmumula sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Labrador, Pambansang

Mataas na Paaralan ng Dulag, at Ramon Magsaysay Integrated School. Lilimitahan

lamang ang respondente sa 50 na

bilang ng mag-aaral ng Senior Hayskul na magmumula sa tatlong paaralang nabanggit

na maaaring sumagot sa mga talatanungang ipamamahagi ng mga mananaliksik.

Teknik sa Pagpili ng Respondente

Ang ginamit bilang teknik sa pagpili ng mga respondente ay Convenience

Sampling. Ito ay sapagkat ang mga respondenteng pipiliin ay limitado lamang sa 50 na

mag-aaral at hindi buong populasyon ng SHS ng mga nabanggit na paaralan. Ang

populasyon ay masyadong malaki at imposibleng isama ang bawat indibidwal. Ito ang
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

piniling teknik ng mga mananaliksik sapagkat ang mga pipiliing respondente ay batay

sa kanilang availability at easy access.

Talahanayan 1

Pagkakahati ng mga Respondente

N=50

Paaralan Kabuuang Bilang ng

Populasyon Kalahok
Pambansang Mataas na Paaralan ng 310 16

Labrador
Pambansang Mataas na Paaralan ng 380 17

Dulag
Ramon Magsaysay Integrated School 59 17

Instrumento sa Pananaliksik

Ang instrumentong gagamitin sa pananaliksik na ito ay kwestyoner o

talatanungan na sariling gawa ng mga mananaliksik at ipanavaledeyt sa mga eksperto.

Ipamamahagi ito sa 50 piling mag-aaral ng Senior Hayskul sa Pambansang Mataas na


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Paaralan ng Labrador, Pambansang Mataas na Paaralan ng Dulag, at Ramon

Magsaysay Integrated School. Ang talatanungan ay may tatlong bahagi: Unang Bahagi

(Profayl ng mga Kalahok); Ikalawang Bahagi (Pananaw ng mga Mag-aaral sa

Kasanayan ng Kanilang Gurong Hindi Meyjor sa Filipino) at; Ikatlong Bahagi (Gawain

ng mga Kalahok Upang Matugunan ang mga Obserbasyon at Karanasan sa Klase

Kaugnay ng Ipinakitang Kasanayan ng Gurong Hindi Meyjor sa Filipino). Sasagutin ng

mga kalahok ang bawat tanong sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa kanilang

kasagutan.

Sa kabuuan, ang instrumentong ginamit ay siyang magiging daan upang

makakuha ng mga datos na susuporta sa tesis o pag-aaral na ito.

Hakbang sa Paglikom ng Datos

Ang pamamaraan at hakbang ng pangangalap o paglilikom ng mga datos ay

nagsisimula sa paggawa ng talatanungan at susundan ng pag-eedit sa instrumento

para maiwasto ang kaayusan ng mga tanong at upang matiyak ang kaangkupan ng

mga tanong sa napiling pag-aaral ng mga mananaliksik.

Kasunod ay ang paghingi ng permiso sa gurong tagagabay, Prinsipal ng mga

kalahok na paaralan at sa mga napiling respondente. Personal na pinamamahalaan ng

mga mananaliksik ang pagbibigay ng mga talatanungan sa bawat kalahok at ibibigay

ang tamang panuto sa pagsagot upang makuha ang nararapat na tugon. Ililikom ang
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

mga sagot o datos mula sa bawat kalahok pagkatapos ay iaanalisa at bibigyan ng

kabuuan at konklusyon.

Estatistikang Pamamaraan

Pagkatapos makalap ang mga datos, aanalisahin ito ng mga mananaliksik at

titignan ang hindi pagkakapare-pareho ng kasagutan ng mga kalahok. Ang mga datos

na nakalap ay ikaklasipika batay sa baryabol ng pag-aaral at i-tatally depende sa

katanungan.

Isasaayos ang mga datos sa pamamagitan ng paglikha ng talahanayan upang

matukoy kung anong pananaw at gawain ng mga kalahok ang may pinakamataas

hanggang sa may pinakamababang kasagutan.

Ang pagkakategorya, pagbibilang, at paglalarawan ay ang sumusunod:


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Talahanayan 2

Pananaw ng mga Mag-aaral sa Kasanayan ng Kanilang Gurong Hindi Meyjor sa


Filipino

Pagkakategorya, Pagbibilang, at Paglalarawan

Sukat ng Puntos Hangganan Paglalarawan

5 4.51 – pataas Napakahusay (N)

4 3.51 - 4.50 Mahusay (M)

3 2.51 - 3.50 Katamtamang Husay (KH)

2 1.51 - 2.50 Maraming Kakulangan

(MK)

1 0.51 - 1.50 Hindi Ginagawa (HG)


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Talahanayan 3

Gawain ng mga Kalahok Upang Matugunan ang mga Obserbasyon at Karanasan


sa Klase Kaugnay ng Ipinakitang Kasanayan ng Gurong Hindi Meyjor sa Filipino

Pagkakategorya, Pagbibilang, at Paglalarawan

Sukat ng Puntos Hangganan Paglalarawan

5 4.51 – pataas Sobrang Dalas (SD)

4 3.51 - 4.50 Madalas (M)

3 2.51 - 3.50 Paminsan-minsan (P)

2 1.51 - 2.50 Hindi Masyadong

Ginagawa (HMG)

1 0.51 - 1.50 Hindi Ginagawa (HG)

Ang estatistikang pamamaraan na gagamitin ay pagkuha ng porsyento o

bahagdan upang makuha ang resulta ng pag-aaral na ito. Batay sa nabilang na tugon
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

ng mga respondente sa bawat katanungan, maaari nang makita ang prekwensi sa

bawat bilang na tugon. Ang pagkuha ng kabuuang bahagdan ay:

P = f/n x 100

Kung saan ang:

P ay nangangahulugang bahagdan

f ay nangangahulugang prekwensi o bilang ng tumugon

n ay nangangahulugang kabuuang bilang ng mga respondent

Upang masagot ang suliranin bilang 2, 3 at 4 na pumapatungkol sa pananaw ng

mga mag-aaral na kalahok kaugnay sa kasanayan sa pagtuturo ng kanilang mga

gurong hindi meyjor sa Filipino at ang ginagawa ng mga kalahok upang matugunan ang

mga obserbasyon at karanasan sa klase kaugnay ng ipinakitang kasanayan ng gurong

hindi meyjor sa Filipino, ay Average Weighted Mean ang pormulang gagamitin:

AWM= ∑ FX

na kung saan ang:

AVM = Average weighted mean


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

∑ = Summation sign, ibig sabihin ay lahat ng bilang ay susumahin

F = Prekwensi

X = Weighted mean

N = Total na bilang ng mga respondent

KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS

Upang masagot ang mga suliranin sa talatanungan na ibinigay sa mga

respondents, ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong istatistikal na analisis

upang makilala o matukoy ang prekwensi, bahagdan at ang average weighted mean.

Talakayan ng mga natuklasan

Makikita sa Talahanayan 3 ang profayl ng mga mag-aaral sa Senior Hayskul

ayon sa kanilang edad, kasarian, paaralan, at nakaraang kabuuang grado sa Filipino.

Talahanayan 4a
Profayl ng mga mag-aaral sa Senior Hayskul ayon sa kanilang Edad
(N=50)

Profayl Baryabol Prekwensi Bahagdan

Edad

14-16 gulang 22 44%


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

17-19 gulang 13 26%

20-22 gulang 15 30%

Kabuuan 50 100%

Ipinapakita ng talahanayan 3a na sa limampung mag-aaral na kalahok,

dalawampu’t dalawa (44%) sa kanila ang may edad na 14 hanggang 16 taong gulang.

Labintatlo (26%) sa kanila ay may gulang na 17 hanggang 19 at labinlima (30%) naman

ang may edad na 20 hanggang 22. Makikita natin na karamihan sa mga mag-aaral na

nasa Senior Hayskul ay may edad na 14 hanggang 16 taon.

Talahanayan 4b
Profayl ng mga mag-aaral sa Senior Hayskul ayon sa kanilang Kasarian
(N=50)

Profayl Baryabol Prekwensi Bahagdan


Kasarian

Lalaki 17 34%

Babae 33 66%

Kabuuan 50 100%
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Sa talahanayan 3b makikita natin na labimpito (34%) sa mga kalahok ay mga

lalaki at tatlumpu’t tatlo (66%) naman ay mga babae. Samakatuwid, ang bilang ng

kababaihan sa mga mag-aaral ng Senior Hayskul ay mas nakahihigit sa kalalakihan.

Talahanayan 4c
Profayl ng mga mag-aaral sa Senior Hayskul ayon sa kanilang Paaralan
(N=50)

Profayl Baryabol Prekwensi Bahagdan

Paaralan      
Pambansang Mataas na
  Paaralan ng Dulag 26 52%
Pambansang Mataas na
  Paaralan ng Labrador 15 30%
Ramon Magsaysay
  Integrated School 9 18%

Kabuuan 50 100%

Sa profayl ng mga mag-aaral ayon sa paaralan, dalawampu’t anim (57%) sa mga

kalahok ay nag-aaral sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Dulag, labinlima (30%)

ay mula sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Labrador, at siyam (18%) naman sa

kanila ay mula sa Ramon Magsaysay Integrated School. Makikita na marami sa kalahok

ang nag-aaral sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Dulag.


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Talahanayan 4d
Profayl ng mga mag-aaral sa Senior Hayskul ayon sa kanilang Nakaraang
Kabuuang Grado sa Filipino
(N=50)

Profayl Baryabol Prekwensi Bahagdan

Nakaraang Kabuuang Grado


sa Filipino
75-80 1 2%
81-85 13 26%
86-90 24 48%
91-95 11 22%
96-100 1 2%
Kabuuan 50 100%

Sa nakaraang kabuuang grado sa Filipino, isa (2%) lamang ang nasa 75

hanggang 80 ang grado. Labintatlo (26%) ang nasa 81 hanggang 85 ang grado,

dalawampu’t apat (48%) ang 86 hanggang 90, labing-isa (22%) ang 91 hanggang 95, at

isa (2%) ang may grado mula 96 hanggang 100. Samakatuwid, marami sa mga mag-

aaral ng Senior Hayskul na kalahok ang may kabuuang grado sa Filipino na 86

hanggang 90.
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Talahanayan 5
Pananaw ng mga mag-aaral na kalahok kaugnay sa kasanayan sa pagtuturo ng
kanilang mga gurong hindi meyjor sa Filipino
(N=50)

Mga Indikeytors Weighte Diskriptibong


d Mean X Katumbas

1. Kabisado ang mga araling ituturo kahit hindi 3.12 Katamtamang


gumamit ng aklat. Husay

2. Naituturo nang mabuti ang aralin sa Filipino gamit 3.78 Mahusay


ang malikhaing kagamitang pampagtuturo

3. Bawat detalye sa araling itinuturo ay binibigyang 3.88 Mahusay


pansin at nagbibigay ng sapat na babasahin para sa
mag-aaral

4. Hindi paligoy-ligoy at madaling maunawaan ang 3.44 Katamtamang


pagpapaliwanag sa mga aralin. Husay

5. Naiuugnay ang mga aralin sa Filipino sa iba pang 3.68 Mahusay


asignatura.

6. May kalinawan at pagpapahalaga sa mga araling 3.98 Mahusay


itinuturo.

7. Tinitiyak ang partisipasyon ng bawat mag-aaral at 4.14 Mahusay


ginagawang kasiya-siya para sa mga mag-aaral ang
pag-aaral sa Filipino.

8. Akma sa aralin ang mga kagamitang 3.84 Mahusay


pampagtuturo na ginagamit.

9. Nasasagot nang may kahusayan ang mga 3.68 Mahusay


katanungan sa aralin.
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

10. May sapat na batayan ang mga itinuturong 3.94 Mahusay


leksyon sa klase.

Sukat ng Puntos Hangganan Paglalarawan

5 4.51 – pataas Sobrang Dalas (SD)

4 3.51 - 4.50 Madalas (M)

3 2.51 - 3.50 Paminsan-minsan (P)

2 1.51 - 2.50 Hindi Masyadong Ginagawa (HMG)

1 0.51 - 1.50 Hindi Ginagawa (HG)

Ang talahanayan 5 ay nagpapakita na ang indikeytor blg. 2 (2. Naituturo nang

mabuti ang aralin sa Filipino gamit ang malikhaing kagamitang pampagtuturo) ay

mayroong weighted mean na 3.78 na may deskriptibong katumbas na Mahusay. Ibig

sabihin ay mahusay na naituturo ng guro sa mga respondente ang mga aralin sa

Filipino gamit ang malikhaing kagamitang pampagtuturo. Mahusay din ang kanilang

guro sa pagbibigay ng bawat detalye ng araling itinuturo, ito ay binibigyan ng pansin at

nagbibigay ng sapat na babasahin para sa kanila. Ang kanilang guro ay mahusay na

naiuugnay ang mga aralin sa Filipino sa iba pang asignatura, may kalinawan at

pagpapahalaga rin ito sa mga araling itinuturo. Dagdag pa rito, tinitiyak ng guro ang

partisipasyon ng bawat mag aaral at ginagawang kasiya siya para sa mga mag aaral

ang pag aaral sa Filipino at sinisigurado rin ng guro na akma sa aralin ang mga

kagamitang pampagtuturo. Ayon sa mga respondente na mahusay ang kanilang guro

sapagkat Nasasagot nito ng may kahusayan ang mga katanungan sa aralin at may
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

sapat na batayan ang mga itinuturong leksyon sa klase. Sa kabilang dako,

katamtamang husay naman sa pagkakabisado ang kanilang guro sa mga araling ituturo

at katamtamang husay rin sa pagpapaliwanag sa mga aralin.

Talahanayan 6

Ginagawa ng mga kalahok upang matugunan ang mga obserbasyon at karanasan


sa klase kaugnay ng ipinakitang kasanayan ng gurong hindi meyjor sa Filipino
(N=50)

Mga Indikeytors Weighte Deskriptibong


d Mean Katumbas
(x)
1. Inaaral nang mag-isa sa bahay ang mga araling Paminsan-
hindi naintindihan sa klase. 3.42 minsan

2. Nagsasaliksik sa internet o sa ibang mga aklat


upang mabigyang linaw sa aralin. 3.92 Madalas

3. Nagtatanong sa ibang guro o kapuwa mag-aaral na


napag-aralan na ang aralin para sa mga hindi 3.76 Madalas
naunawaang leksyon.

4. Humahanap ng babasahin na pagbabatayan ng


mga kasagutan sa takdang-aralin at mga 3.76 Madalas
pagsasanay na ibinigay ng guro.

5. Nagsasagawa ng group study kasama ang mga Paminsan-


kamag-aral upang maintindihang mabuti ang mga 3.44 minsan
aralin sa Filipino.

Average Weighted Mean (AVM) 3.66 Madalas


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Sukat ng Puntos Hangganan Paglalarawan

5 4.51 – pataas Sobrang Dalas (SD)

4 3.51 - 4.50 Madalas (M)

3 2.51 - 3.50 Paminsan-minsan (P)

2 1.51 - 2.50 Hindi Masyadong Ginagawa (HMG)

1 0.51 - 1.50 Hindi Ginagawa (HG)

Ang talahanayan 6 ay nagpapakita na ang indikeytor blg. 2 (Nagsasaliksik sa

internet o sa ibang mga aklat upang mabigyang linaw sa aralin) ay mayroong weighted

mean na 3.92 na may deskriptibong katumbas na Madalas. Ibig sabihin ay madalas na

kumukonsulta ang mga respondente sa internet at iba pang mga aklat upang

mabigyang linaw ang aralin. Madalas din silang humahanap ng mga babasahin na

pagbabatayan ng mga sagot sa pagsasanay na binigay ng guro at sila rin ay madalas

na nagtatanong sa ibang guro o kapwa kamag-aral sa mga leksyong hindi naunawaan.

Sa kabilang dako, paminsan-minsan naman nilang inaaral ang mga hindi naintindihan

sa klase sa kanilang mga tahanan at paminsan-minsan din ang pagsasagawa ng mga

group study kasama ang mga kamag-aral upang maintindihang mabuti ang mga aralin

sa Filipino.
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Talahanayan 7
Kaugnayan ng profayl sa pananaw ng mga mag-aaral na kalahok kaugnay sa
kasanayan sa pagtuturo ng kanilang mga gurong hindi meyjor sa Filipino
Mga Indikeytors Deskriptibong Profayl ng Mayoridad na Tumugon
Katumbas
Edad Kasaria Paaralan Nakaraang
n Kabuuang
Grado sa
Filipino
1. Kabisado ang Katamtamang
mga araling ituturo Husay
kahit hindi gumamit
ng aklat.
2. Naituturo nang Mahusay
mabuti ang aralin
sa Filipino gamit
ang malikhaing
kagamitang
pampagtuturo
3. Bawat detalye sa Mahusay
araling itinuturo ay
binibigyang pansin
at nagbibigay ng
sapat na babasahin
para sa mag-aaral
4. Hindi paligoy- Katamtamang
ligoy at madaling Husay
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

maunawaan ang 14-16 Babae Pambansang


pagpapaliwanag sa taon Mataas na 86-90
mga aralin. Paaralan ng
5. Naiuugnay ang Mahusay Dulag
mga aralin sa
Filipino sa iba pang
asignatura.
6. May kalinawan at Mahusay
pagpapahalaga sa
mga araling
itinuturo.
7. Tinitiyak ang Mahusay
partisipasyon ng
bawat mag-aaral at
ginagawang kasiya-
siya para sa mga
mag-aaral ang pag-
aaral sa Filipino.
8. Akma sa aralin Mahusay
ang mga
kagamitang
pampagtuturo na
ginagamit.
9. Nasasagot nang Mahusay
may kahusayan ang
mga katanungan sa
aralin.
10. May sapat na Mahusay
batayan ang mga
itinuturong leksyon
sa klase.

Makikita sa talahanayan na mayoridad sa mga tumugon sa bawat indikeytor ay

may edad na 14 hanggang 16, babae, nag-aaral sa Pambansang Mataas na Paaralan

ng Dulag, at may nakaraang kabuuang grado sa Filipino na 86 hanggang 90.

“Katamtamang Husay” sa kanila ang pananaw na kabisado ng kanilang guro ang

araling itinuturo kahit hindi gumamit ng aklat at “Mahusay” naman sa pananaw na

naituturo nang mabuti ang aralin sa Filipino gamit ang malikhaing kagamitang
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

pampagtuturo. “Mahusay” rin sa kanila ang pananaw na bawat detalye sa araling

itinuturo ay binibigyang pansin at nagbibigay ng sapat na babasahin para sa mag-aaral

at “Katamtamang Husay” naman sa pananaw na hindi paligoy-ligoy at madaling

maunawaan ang pagpapaliwanag sa mga aralin. At sa mga pananaw na naiuugnay ang

mga aralin sa Filipino sa iba pang asignatura, may kalinawan at pagpapahalaga sa mga

araling itinuturo, tinitiyak ang partisipasyon ng bawat mag-aaral at ginagawang kasiya-

siya para sa mga mag-aaral ang pag-aaral sa Filipino, akma sa aralin ang mga

kagamitang pampagtuturo na ginagamit, nasasagot nang may kahusayan ang mga

katanungan sa aralin, at may sapat na batayan ang mga itinuturong leksyon sa klase ay

“Mahusay” para sa kanila.


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Sa kabanatang ito ay makikita ang lagom ng mga natuklasan, konklusyon at mga

nabuong rekomendasyon ayon sap pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay pumapatungkol

sa pananaw ng mga mag-aaral na nasa Senior Hayskul sa kasanayan sa pagtuturo ng

mga gurong hindi meyjor sa Filipino.

Lagom

Ang mga natuklasan sa pag-aaral ang mga sumusunod:

1. Ang propayl ng mga mag-aaral sa Senior Hayskul ayon sa kanilang edad ay

napag-alamang apatnapu't apat na pursyento (44%) ay nasa edad 14 hanggang 16.

Dalawampu't anim na pursyento (26%) ang nasa edad 17 hanggang 19. Tatlumpung

pursyento naman ang nasa edad 20 hanggang 22. Mapapansing marami sa Senior
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Hayskul ang nasa edad 14 hanggang 16. Ang propayl ng mga mag-aaral sa Senior

Hayskul ayon naman sa kanilang kasarian ay nasa 66% ay mga babae, samantalang

34% ang mga lalake na nangangahulugang mas marami ang ang mga babae kaysa sa

mga lalake. Ang propayl naman ayon sa kanilang paaralan ay sinasabing 52% ang

mula sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Dulag, 30% naman sa Pambansang

Mataas na Paaralan ng Labrador, at 18% sa Ramon Magsaysay Integated School.

Mapapansing ang Pambasang Mataas na Paaralan ng Dulag ang may maraming

respondante. Ang propayl naman ayon sa kanilang kabuuang grado ay sinasabing 2%

ang may gradong 75 hanggang 80 at 96 hanggang 100, 26% ang may gradong 81

hanggang 85, 48% ang may gradong 86 hanggang 90, 22% ang may gradong 91

hanggang 95. Ang nasa gradong 86 hanggang 90 ang may pinakamataas na

pursyento.

2. Ang pananaw ng mga mag-aaral kaugnay sa kasanayan sa pagtuturo ng mga

gurong 'di meyjor sa Filipino sa unang katanungan kung "kabisado ang mga araling

ituturo kahit hindi gumamit ng aklat" at ikalimang tanong kung "hindi paligoy-ligoy at

madaling maunawaan ang pagpapaliwanag sa mga aralin" ay sinasabing nasa

katamtamang husay lamang. Ang bilang dalawa, tatlo, apat, anim hanggang sampo ay

mapapansing ang kasanayan ng guro sa pagtuturo ay sinasabing mahusay. Ito ay

nangangahulugang ang kasanayan ng guro sa pagtuturo ay masasabing mahusay.


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

3. Kaugnay ng mga ginagawa ng mga mag-aaral upang matugunan ang mga

obserbasyon at karanasan sa klase ay ipinapakitang mula sa limampung

respondanteng mag-aaral ay nakakuha ng 3.66 average weighted mean mula sa

kanilang sinagutang limang (5) indekeytors. Ang nakuhang AVM ay may katumbas na

madalas. Ito ay ngangahulugang madalas silang gumagawa ng paraan para

maunawaan nila ang mga hindi nila naintindihan sa leksyon.

4. Ang kaugnayan ng profayl sa pananaw ng mga mag-aaral sa kasanayang

pagtuturo ng kanilang mga gurong hindi meyjor sa Filipino ay sinasabing nasa 52% na

respondante ay mula sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Dulag. Sinasabing mula

sa sampung (10) katanungan patungkol sa paagtuturo ng kanilang guro ay nakapag

tala lamang 2/10 na kasagutang katamtamang husay samantala 8/10 naman ay

mahusay. Sa kabuuan ng kanilang kasagutan ay napag-alaman na kahit hindi meyjor

ng kanilang guro ang asignaturang filipino ay mahusay parin ang mga ito sa pagtuturo

ng nasabing asignatura.

Konklusyon

Base sa mga nailahad na mga datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa

mga sumusunod na konklusyon.


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

1. Karamihan sa mga mag-aaral ng Senior Hayskul ay nabibilang sa edad na 14

hanggang 16 gulang at mayoridad ay mga babae. Mayoridad din sa mga kalahok ay

nag-aaral sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Dulag na may bilang na 26 mag-

aaral at nasa 52% bahagdan. Ang may pinakamataas na prekwensi sa nakaraang

kabuuang grado ay nasa 86 hanggang 90.

2. Mayoridad sa mga mag-aaral na may edad 14 hanggang 16, babae, nag-aaral sa

Pambansang Mataas na Paaralan ng Dulag at may nakaraang kabuuang grado sa

Filipino na 86 hanggang 90 ay may kabuuang pananaw na mahusay ang pagtuturo ng

kanilang gurong hindi meyjor sa Filipino. Subalit hindi lahat ng kalahok na may edad,

kasarian, at nakaraang kabuuang gradong ito ay may pananaw na mahusay at ang

pagkakaroon ng mataas na bilang ng kalahok sa paaralang nabanggit ay random at

nasa kontrol ng mananaliksik kung kaya't walang kaugnayan ang pananaw ng mga

kalahok sa kanilang profayl.

3. Ang mga pananaw ng mga mag-aaral sa Senior Hayskul kaugnay sa pagtuturo ng

kanilang mga gurong hindi meyjor sa Filipino ay umikot lamang sa katamtamang husay

at mahusay. Sa kabuuan naman lumabas na mahusay para sa mga mag-aaral na

kalahok ang pagtuturo ng kanilang mga gurong hindi meyjor sa Filipino.

4. Madalas na nagsasaliksik sa internet o iba pang mga aklat upang mabigyang linaw

ang aralin, nagtatanong sa ibang guro o kapuwa mag-aaral na napag-aralan na ang

aralin para sa mga hindi naunawaang leksyon at humahanap ng babasahin na

pagbabatayan ng mga kasagutan sa takdang-aralin at pagsasanay ang mga mag-aaral


Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

ng Senior Hayskul. Pamimsan-minsan naman ay inaaral nang mag-isa sa bahay ang

mga araling hindi naintindihan sa klase at nagsasagawa ng group study kasama ang

mga kamag-aral upang matugunan ang mga obserbasyon at karanasan sa klase

kaugnay ng ipinakitang kasanayan ng gurong hindi meyjor sa Filipino.

Rekomendasyon

Base sa lagom at konklusyong nailahad, narito ang mga rekomensadyong nabuo:

1. Ipagpatuloy ang pagkakaroon ng positibong pananaw ng mga mag-aaral na

kasalukuyang may gurong hindi meyjor sa asignaturang kaniyang itinuturo.

2. Ang mga mag-aaral ay dapat na hindi mag-alinlangan sa pagtatanong sa

kanilang guro ukol sa mga leksyong hindi gaanong naintindihan.

3. Mainam na makipagtulungan o magkaroon ng group study sa iba pang mga

kamag-aral upang maibahagi ang mga nalalalaman sa bawat isa.

4. Bawat isa sa atin bilang nilalang o indibidwal ay may kaniya-kaniyang kahinaan

at kalakasan. Maaring ang pagtuturo sa asignaturang hindi linya sa kanilang pag-

aaral ay may kaakibat na kakulangan o kapintasan, ang mahalaga ay ginagawa

nila ang kanilang makakaya upang tugunan ang kanilang propesyon at sitwasyon

o kalagayang hindi nila kontrol. Magkagayon, ibayong pagrespeto at pag-unawa

ang susi sa maayos at episyenteng pagtuturo at pagkatuto. Panghuli ay ang

rekomendasyon para sa mga paaralan o sa kinauukulan na sana’y ilagay o ilinya

ang mga guro sa pagtuturo ng asignatura kung saan siya mismo

nagpakadalubhasa.
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

TALASANGGUNIAN

A. Tesis at Disertasyon

Ingersoll, R. (2001a). The realities of out-of-field teaching. Educational leadership. May


2001, 42. Retrieved from http://www.EducationalLeadership/ingsoll

McConney, A., & Price, A. (2009a). An assessment of the phenomenon of “Teaching-


Out-of-field” in WA schools: Final report. Perth: WACOT.

McConney, A., & Price, A. (2009b). Teaching out-of-field in Western Australia.


Australian Journal of Teacher Education, 34(6), 86–100.

B. Internet

Bart, Mary (2010). articles/effective-teaching-strategies/teaching-outside-


your area of expertise.

Creswell, J.W. (2007). Qualitative inquiry and research design: Choosing among five
approaches (2nd ed.). Thousand Oaks. CA: Sage.

Creswell, J.W. (2013) research design qualitative, quantitative, and mixed method
approaches. SAGE Publications
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Espiritu, C. (2015). Filipino language in the curriculum. National Commission for Culture
and the Arts. Retrieved on November 8, 2017 from
http://ncca.gov.ph/subcommissions/subcommission-on-cultural-
disseminationscd/language-and-translation/filipino-language-in-the-curriculum/
Hobbs, L. (2015). Too many teachers teaching outside their area of expertise. The
Conversation. Retrieved on November 8, 2017 from
http://theconversation.com/too-many-teachers-teaching-outside-their-area-of-
expertise-39688

Huston, Therese (2009). Teaching What You Don't Know. Cambridge: Harvard


University Press http://yalegtc.blogspot.com/2013/03/teaching-outside-your-
expertise-dont_27.html

Ingersoll, R. (2001a). The realities of out-of-field teaching. Educational leadership, May


2001, 42. Retrieved from http://www.EducationalLeadership/ingsoll

Ingersoll, R. (2003a). Is there a shortage among mathematics and science teachers?


Science Educator, 12(1), 1–9.

Ingersoll, R., & Smith, T. (2004). Do teacher induction and mentoring matter? NASSP,
Bulletin, 88(638), 28–40.

Ingersoll, R. (2001a). The realities of out-of-field teaching. Educational leadership. May


2001, 42. Retrieved from http://www.EducationalLeadership/ingsoll

McConney, A., & Price, A. (2009a). An assessment of the phenomenon of “Teaching-


Out-of-field” in WA schools: Final report. Perth: WACOT.

McConney, A., & Price, A. (2009b). Teaching out-of-field in Western Australia.


Australian Journal of Teacher Education, 34(6), 86–100.

Resnik, D. R. (2011). What is ethics in research and why is it important? Retrieved from
http://www.niehs.nih.gov/research/resources/bioethics/whatis/index.cfm.

Smith, J.A., Flower P. & Larkin M. (2009). Interpretative Phenomenological Analysis:


Theory, Method and Research. Qualitative Research in Psychology.
doi.org/10.1080/14780880903340091

Vygotsky, L. (1978). Mind in society: The development of higher psychological


processes. United States of America: Harvard University Press.
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Uy, J.R. (2016). DepEd needs teachers, lots of them. Philippines Daily Inquirer.
September 18, 2016. Retrieved on November 8, 2017 from
http://newsinfo.inquirer.net/816267/deped-needs-teachers-lots-of-them

Values Education Majors (2012). A glimpse on the issue of non-specialist teaching in


values education. Retrieved on November 8, 2017 from
http://valueseducationmajors.blogspot.com/2012/03/glimpse-on-issue-of-non-
specialist.html

Walker, J., Holloway, I. & Wheeler, S. (2005) Guidelines for the ethical review of
qualitative research. In Research Ethics Review. Vol.1, no.3, pp.90-96

Zepeda, S. (2006). High stakes supervision: We must do more. International Journal of


Leadership in Education, 9(1), 61–73. doi: 101080/13603120500448154

Zhou, Y. (2012). Out-of-field teaching: a cross-national study on teacher labor market


and teacher quality. East Lansing, MI: Michigan State University

APENDIKS

TALATANUNGAN
Pananaw ng mga Mag-aaral na nasa Senior Hayskul sa Kasanayan sa Pagtuturo
ng mga Gurong Hindi Meyjor sa Filipino

Pangalan(optional)________________________________________ Kasarian:
Babae
Strand: ABM HUMSS STEM TECH. VOC._________ Lalaki

Edad: 14-16 17-19 20-22 22 pataas


d

Paaralan: ______________________________________
Nakaraang Kabuuang Grado sa Filipino: 75-80 81-85 86-90 91-95 96-100 iba
pa: ______ d d d d d
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Pananaw ng mga mag-aaral na kalahok kaugnay sa kasanayan sa pagtuturo ng


kanilang mga gurong hindi meyjor sa Filipino
Basahin ang bawat aytem. Lagyan ng tsek ang sagot na tutugma sa iyong pananaw.
Walang tama o maling sagot. Mangyari pa, maging totoo sa iyong sarili. Ang Iyong mga
sagot ay mananatiling konpidensyal.
5-Napakahusay
4-Mahusay
3-Katamtamang husay
2-Maraming Kakulangan
1-Hindi Ginagawa
Pananaw ng mag-aaral 5 4 3 2 1
1. Kabisado ang mga araling ituturo kahit hindi gumamit ng aklat.
2. Naituturo nang mabuti ang aralin sa Filipino gamit ang
malikhaing kagamitang pampagtuturo.
3. Bawat detalye sa araling itinuturo ay binibigyang pansin at
nagbibigay ng sapat na babasahin para sa mag-aaral
4. Hindi paligoy-ligoy at madaling maunawaan ang
pagpapaliwanag sa mga aralin.
5. Naiuugnay ang mga aralin sa Filipino sa iba pang asignatura.
6. May kalinawan at pagpapahalaga sa mga araling itinuturo.
7. Tinitiyak ang partisipasyon ng bawat mag-aaral at ginagawang
kasiya-siya para sa mga mag-aaral ang pag-aaral sa Filipino.
8. Akma sa aralin ang mga kagamitang pampagtuturo na
ginagamit.
9. Nasasagot nang may kahusayan ang mga katanungan sa
aralin.
10. May sapat na batayan ang mga itinuturong leksyon sa klase.

Ginagawa ng mga kalahok upang matugunan ang mga obserbasyon at karanasan


sa klase kaugnay ng ipinakitang kasanayan ng gurong hindi meyjor sa Filipino
Basahin ang bawat aytem. Lagyan ng tsek ang sagot na tutugma sa iyong mga
ginagawa upang matugunan ang mga obserbasyon at karanasan sa klase kaugnay ng
ipinakitang kasanayan ng gurong hindi meyjor sa Filipino. Walang tama o maling sagot.
Mangyari pa, maging totoo sa iyong sarili. Ang Iyong mga sagot ay mananatiling
konpidensyal.
5-Sobrang dalas
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

4-Madalas
3-Paminsan-minsan
2-Hindi masyadong ginagawa
1-Hindi ginagawa
Ginagawa ng mag-aaral 5 4 3 2 1
1. Inaaral nang mag-isa sa bahay ang mga araling hindi
naintindihan sa klase.
2. Nagsasaliksik sa internet o sa ibang mga aklat upang
mabigyang linaw sa aralin.
3. Nagtatanong sa ibang guro o kapuwa mag-aaral na napag-
aralan na ang aralin para sa mga hindi naunawaang leksyon.
4. Humahanap ng babasahin na pagbabatayan ng mga kasagutan
sa takdang-aralin at mga pagsasanay na ibinigay ng guro.
5. Nagsasagawa ng group study kasama ang mga kamag-aral
upang maintindihang mabuti ang mga aralin sa Filipino.

Buod ng tally
KASARIAN:
BABAE 33
LALAKI 17

STRAND:
GAS 27
HUMSS 15
TECH-VOC 8

EDAD:
14-16 22
20-22 15
17-19 13

PAARALAN:
DULAG NHS 26
LABRADOR NHS 15
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

RAMON MAGSAYSAY INTEGRATED 9


SCHOOL

NAKARAANG KABUUANG GRADO:


86-90 24
81-85 13
91-95 11
75-80 1
96-100 1

Pananaw ng mga mag-aaral na kalahok kaugnay sa kasanayan sa pagtuturo ng


kanilang mga gurong hindi meyjor sa Filipino
Pananaw ng mag-aaral 5 4 3 2 1
1. Kabisado ang mga araling ituturo kahit hindi gumamit ng aklat. 1 14 28 4 3
2. Naituturo nang mabuti ang aralin sa Filipino gamit ang 9 25 12 4 0
malikhaing kagamitang pampagtuturo.
3. Bawat detalye sa araling itinuturo ay binibigyang pansin at 11 24 13 2 0
nagbibigay ng sapat na babasahin para sa mag-aaral
4. Hindi paligoy-ligoy at madaling maunawaan ang 9 21 17 3 0
pagpapaliwanag sa mga aralin.
5. Naiuugnay ang mga aralin sa Filipino sa iba pang asignatura. 11 15 21 3 0
6. May kalinawan at pagpapahalaga sa mga araling itinuturo. 15 21 12 2 0
7. Tinitiyak ang partisipasyon ng bawat mag-aaral at ginagawang 20 14 15 1 0
kasiya-siya para sa mga mag-aaral ang pag-aaral sa Filipino.
8. Akma sa aralin ang mga kagamitang pampagtuturo na 13 19 15 3 0
ginagamit.
9. Nasasagot nang may kahusayan ang mga katanungan sa 7 23 17 3 0
aralin.
10. May sapat na batayan ang mga itinuturong leksyon sa klase. 16 19 12 2 1
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Ginagawa ng mga kalahok upang matugunan ang mga obserbasyon at karanasan


sa klase kaugnay ng ipinakitang kasanayan ng gurong hindi meyjor sa Filipino

Ginagawa ng mag-aaral 5 4 3 2 1
1. Inaaral nang mag-isa sa bahay ang mga araling hindi 6 14 27 1 2
naintindihan sa klase.
2. Nagsasaliksik sa internet o sa ibang mga aklat upang 14 21 13 1 1
mabigyang linaw sa aralin.
3. Nagtatanong sa ibang guro o kapuwa mag-aaral na napag- 12 18 17 2 1
aralan na ang aralin para sa mga hindi naunawaang leksyon.
4. Humahanap ng babasahin na pagbabatayan ng mga kasagutan 7 26 16 0 1
sa takdang-aralin at mga pagsasanay na ibinigay ng guro.
5. Nagsasagawa ng group study kasama ang mga kamag-aral 3 24 16 6 1
upang maintindihang mabuti ang mga aralin sa Filipino.

CURRICULUM VITAE

Siya ay si Mary Grace P.


Bernabe na nakatira sa Brgy.
Magsaysay Labrador,
Pangasinan. Kasalukuyan siyang
nag-aaral sa Pang-estadong
Unibersidad ng Pangasinan –
Kampus ng Lingayen. Siya ay
nasa ikatlong taon na ng kolehiyo
at kumukuha ng kursong
Batsilyer ng Sekundaryang
Edukasyon - Medyor sa Filipino.
Siya ay nagtapos ng Senior High
School sa Ramon Magsaysay
Integrated School.
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Siya ay si Mary Divine Grace F.


Espinosa na nakatira sa Brgy.
Amancoro, Binmaley
Pangasinan. Kasalukuyan siyang
nag-aaral sa Pang-estadong
Unibersidad ng Pangasinan –
Kampus ng Lingayen. Siya ay
nasa ikatlong taon na ng kolehiyo
at kumukuha ng kursong
Batsilyer ng Sekundaryang
Edukasyon - Medyor sa Filipino.
Siya ay nagtapos ng Senior High
School sa Dulag National High
School.
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Siya ay si Nene DC. Paragas na


nakatira sa Brgy. Basing
Lingayen, Pangasinan.
Kasalukuyan siyang nag-aaral sa
Pang-estadong Unibersidad ng
Pangasinan – Kampus ng
Lingayen. Siya ay nasa ikatlong
taon na ng kolehiyo at kumukuha
ng kursong Batsilyer ng
Sekundaryang Edukasyon -
Medyor sa Filipino. Siya ay
nagtapos ng Senior High School
sa Dulag National High School.
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Siya ay si Carren Ghel M. Sison


na nakatira sa Brgy. Kadampat
Bolo Labrador, Pangasinan.
Kasalukuyan siyang nag-aaral sa
Pang-estadong Unibersidad ng
Pangasinan – Kampus ng
Lingayen. Siya ay nasa ikatlong
taon na ng kolehiyo at kumukuha
ng kursong Batsilyer ng
Sekundaryang Edukasyon -
Medyor sa Filipino. Siya ay
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

Siya ay si Romel A. Visperas na


nakatira sa Brgy. Baybay Lopez
Binmaley, Pangasinan.
Kasalukuyan siyang nag-aaral sa
Pang-estadong Unibersidad ng
Pangasinan – Kampus ng
Lingayen. Siya ay nasa ikatlong
taon na ng kolehiyo at kumukuha
ng kursong Batsilyer ng
Sekundaryang Edukasyon -
Medyor sa Filipino. Siya ay
nagtapos ng Senior High School
sa Binmaley School of Fisheries.
Republika Ng Pilipinas
Pang-Estadong Unibersidad Ng Pangasinan
Lingayen, Kampus
Lingayen, Pangasinan

You might also like