You are on page 1of 9

Kawilihan sa Pagbabasa ng mga Mag-aaral sa Ikatlong na Baitang

sa Taong Pampanuruan 2013-2014

(Kaguruan sa Filipino-Elementarya)

KALIGIRAN AT SULIRANIN

INTRODUKSYON

Marami sa mag-aaral ang hindi nahihilig sa pagbabasa sa kadahilanan na ang mga babasahin sa

silid aralan ay higit na mahirap. Ayaw nilang mapapahiya o dili kaya ay hindi sa kanila kaiga-

gaya ang gawaing ito. Ilan sa mga mag-aaral ay may kasanayan sa pagbabasa ngunit mas pinipili

nila na hindi magbasa.Para sa iba, ang pagbabasa ay sadyang di kawili-wili at tila nakababagot

na gawain. Ang mga mag-aaral na nagbabasang mag-isa ay nasasanay ang kasanayan sa

pagbabasa ang mag-aaral na may magandang motibasyon sa pagbabasa ay higit na magaling na

mambasa.

Maging ang mag-aaral ay nagsisimula pa lang bumasa o hindi nasisiyahan sa pagbabasa, ang

paghahanap ng iba’t ibang pamamaraan upang kahiligan nila ang pagbabasa ang siyang unang

dapat na maging hakbang . Ang pagsasagawa ng inventory ng kawilihan ng mag-aaral sa

pagbabasa ay makatutulong kung anong babasahin ang nararapat na gamitin sa pagkatuto at

pagkahilig ng mag-aaral sa pagbabasa.

Sa pamamagitan ng inventory list ng kawilihan sa pagbabasa, ay mabibigyan ng pagkakataon

ang mga guro na matukoy nila ang mga kinagigiliwan ng mga mag-aara. Kaya ang pamunuan at

guro sa Filipino ng Paco Catholic ay nagsagawa ng survey upang matugunan ang

pangngailangang.
PAGLALAHAD NG LAYUNIN

Pangkalahatang Layunin

Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang kawilihan ng mga mag-aaral

sa ikatlong baitang upang mapukaw ng kanilang interes sa pagbabasa

Tiyak na Layunin

1. Anong anyo ng panitikan ang kinahihiligang basahin ng mag-aaral sa ikatlong baitang?

2. Gaano kadalas pumupunta sa silid-aklatan ng mag-aaral sa ikatlong baitang

3. Ano ang saloobin ng mag-aaral hinggil sa pagbabasa

4. Ilang bahagdan ng mag-aaral sa ikatlong baitang ang nahihilig sa pagbabasa

5. Ano-anong pamamaraan o gawain ang lilinang ng kawilihan ng mag-aaral sa ikatlong

baitang

SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa surbey o profyl ng

kawilihan sa pagbabasa ng mag-aaral . Ito ay isinagawa ng mga mag-aaral sa Ikatlong

Baitang sa Paaralan ng Paco Catholic , sa taong pampanuruan 2013-2014. Ang ikatlong

baitang ay binubuo ng 9 na pangkat, 4 na pangkat ng mga kalalakihan , 4 na pangkat ng

mga kababahihan ,at 1 pangkat na mix (babae at lalaki), (40) na may apatnapu’t limang

mag-aaral, na may kabuuan na 371.


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pagtuklas sa kawiliham sa pagbabasa ng mag-aaral ay makatutulong upang higit na

makilala ng mga guro ang kani-kanilang mag-aaral sa antas ng pagbabasa.Sa ganitong paraan ay

matatasa ng mga guro anong antas na pagbabasa mayroon ang kanilang mag-aaral na siyang

magiging batayang nila ng kanilang programa sa pagbasa. Sa pag-aaral na ito ay

1. Mapatataas ang kamalayan sa mga kawilihan sa pagbabasa ng mag-aaral hinggil sa

kinahihiligan nilang basahin .

2. Ang mga guro sa Filipino ay magkakaroon ng pagkakataon na maiangkop ang uri ng

mga babasahin na gagamitin nila sa pagtuturo upang higit na mawili ang mga bata sa

pagbabasa.

3.Ito ay magsisilbing gabay ng administrador upang maisaayos at mapaunlad ang

programang pagbasa ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.

DISENYO NG PAG-AARAL

Ginamit ng mananaliksik ang pamamaraang diskriptibo, pamamaraan na

paglalahad ng mga datos ayon sa layunin ng pag-aaral. Sa pamamagitan nito, inilarawan at

inilahad ang mga resulta ng surbey ng KAWILIHAN SA PAGBABASA .

SETTING AT MGA KALAHOK SA PAG-AARAL

Ang mga sumagot sa surbey ay nagmula sa Paaralan ng Paco Catholic na

nasa ikatlong baitang , sa taong pampanuruan 2013--2014. Ang ikatlonga baitang ay binubuo ng

9 na pangkat, 4 pangkat ng mga kalalakihan at 4 pangkat ng mga kababahihan , at 1 pangkat na


heterogenous, babae at lalaki. Ramdom Sampling ang ginamit na pamamaraan sa pagpili ng

respondante. Sa kabuuang 371 ay may 206 na sumagot ng surbey gamit ang Survey nang E-

Genyo Learning

INSTRUMENTO

Sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito, ang mananaliksik ay gumamit ng ng surbey


na nagmula sa internet (http://cw.routledge.com/textbooks/9780415802093/news-updates/interest-
inventories.pdf

. Ang mga katanungan sa naturang surbey ay isinalin sa wikang Filipino. Ang pagsasalin ay

sumailalim sa pagsusuri ng mga kaguruan at gurong tagapag-ugnay sa Filipino.

ISINAGAWANG HAKBANG

Ang mga mag-aaral sa ikatlong baitang ng Paco Catholic sa taong

pampanuruan 2013-2014 ay binigyan ng surbey ng mga guro sa Filipino sa tulong ng E-Genyo

Learning Package. Ang surbey ay naglalaman ng 15 katanungan na nauukol sa kanilang

kawilihan sa pagbabasa. Ang bawat mag-aaral may kanya-kanyang iskedyul upang sumagot sa

computerized questionaire sa tulong E-Genyo. Ang bawat katanungan ay may katumbas na click

botton sa siyang pipindutin na naayon sa kanilang kasagutan. Ang resulta ng surbey ay

awtomatikong na-i-tally nang computerized E-Genyo Program..

Panuto: Sundin at sagutan ang mga katanungan nang buong tapat

1.Ano ang nais mong gawin pagdating mo galing sa paaralan?


____ matulog ____ maglaro ____ magbasa
____ magpahinga ____ manood ng TV ____ mag-aral

2.Ano ang madalas mong gawain tuwing Sabado o walang pasok?


_____ matulog _____ maglaro _____ magbasa ____ mamasyal
_____ magpahinga _____ manood ng TV _____ mag-aral

3.Mahilig ka bang magbasa? ____ Opo _____Hindi po


4.Gusto mo bang magbasa para malibang? ____ Opo _____Hindi po
5.Magtala ng 3 aklat na nagustuhan mong basahin noong nakaraang taon
6.Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga babasahing anyo ng panitikan.Lagyan ng bilang 1-10
batay sa antas ng nais mong basahin.(1-pinakagusto,2.sumunod hanggang 10 )

_____ Kababalaghan _____ Romantiko _____ Kasaysayan ____ Katatawanan

_____ Science Fiction _____Talambuhay _____ Agham _____Aksyon

______ Tula _____ Nagbibigay Kaalaman Iba pa __________________________

7.Anong babasahin ang binabasa mo?

___ Magasin ___ Dyaryo ___ pocket book ___ komiks Iba Pa._______________

8.Nagbabasa ka ba ng pahayagan / dyaryo? _____Opo _____ Hindi po

9.Anong bahagi ng pahayagan o dyaryo ang gusto mong basahin?

10.Gaano ka kadalas pumupunta sa silid-aklatan (Library)?

______Linggo-Linggo _____ 1 o 2 beses sa isang buwan _____ araw-araw

_____ 2- 4 na beses sa sa isang taon _____ Hindi

Saloobin Tungkol sa Pagbabasa

OO MINSAN HINDI

1. Hilig ko ang pagbabasa _____ _____ _____


2. Nagbabasa ako sa bahay _____ _____ _____
3. Nahihirapan akong magbasa _____ _____ _____
4. Gusto kong magbasa ng aklat na may mga larawan _____ _____ _____
5. Nakatutuwa ang pagbabasa _____ _____ _____
6. Gusto ko ang mahahabang kwento _____ _____ _____
7. Gusto kong may nagbabasa para sa akin _____ _____ _____
8. Nakatatamad ang pagbasa _____ _____ _____
9. Magaling akong magbasa _____ _____ _____
10. Gusto ko ang mga binabasa namin sa paaralan _____ _____ _____

PAGLALAHAD AT PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA DATOS

TALAHANAYAN 1 :

TALAAN NG MGA BABASAHIN (KALALAKIHAN)


Piksyon Di-Piksyon Iba pang Bahagi ng Pahayagan
Babasahin
Tagalog Ingles
Bibliya 7 Komiks 3 Fairytales 9 Komiks 16 Paunang Salita 8
Agham 6 Alamat 1 Pocketbooks 7 Magasin 18 Isports 22
Filipino 9 Diary 19 Pahayagan 8 Komiks 13
Kompyuter 1 Horror 1 Pocketbook 5 Entertainment 1
Matematika 2 Editoryal 3
Anunsyo 1
Klasipikado
Pampelikula 1

Ipinakikita sa talahanayan 1, ang talaan ng mga babasahin ng kalalakihan sa ikatlong

baiting na mas marami sa kanila ang may mataas na bilang ng mag-aaral na mahilig magbasa ng

babasahing Di-piksyon na Ingles lalo na ang pagbabasa ng Diary na may pinakamatass na puntos

na umabot sa 19. Sa Piksyon naman , ang aklat sa Filipino ang may mataas na puntos nang

mambabasa na umabot sa 9. Sa iba pang babasahin, ipinakikita din na may kawilihan sa

pagbabasa ang mag-aaral ng mga magasin ng mayn 18 puntos at komiks na 16 na puntos. Sa

bahagi naman ng pahayagan ay nawiwili ang kalalakihan sa pagbabasa ng isports.

TALAHANAYAN 2 :

TALAAN NG MGA BABASAHIN (KABABAIHAN)

Piksyon Di-Piksyon Iba pang Bahagi ng Pahayagan


Babasahin
Tagalog Ingles
Bibliya 8 Komiks 5 Fairytales 23 Komiks 34 Paunang Salita 13
Agham 14 Alamat 12 Pocketbooks 12 Magasin 42 Isports 27
Filipino 18 Kwentong 1 Diary 20 Pahayagan 9 Komiks 28
Bayan
Kompyuter 1 Horror 1 Pocketbook 38 Entertainment 6
Matematika 7 Editoryal 12
Ingles 5 Anunsyo 1
Klasipikado
Pagpapahalag 2 Obitwaryo 1
a
Sanggunian 6 Pampelikula 1
Balitang 1
Panlabas
Ipinakikita sa talahanayan 2, ang talaan ngmga babasahin sa mga kababaihan sa ikatong

baiyang. Ang mga kababaihan ay may kawilihan sa pagbabasa ng Di-Piksyon na Ingles lalo na

ang Fairy Tales na siyang may mataas na puntos na umabot sa 23. Ipinakikita rin na hindi gaano

ang pagkawili sa pagbabasa ng Piksyon maliban sa Filipino at Bibliya na may parehong puntos

na 18. Ang iba pang babasahin na may nakuhang malaking puntos na nababasa ay ang magasin

na may 42 puntos, pocket book na 38 puntos at sinundan ng komiks na may 34 na puntos.

TALAHANAYAN 3

GAWAIN PAGDATING SA PAARALAN AT WALANG PASOK

Gawain pagdating sa paaralan Gawain Kapag Walang Pasok

Matulog 42 53
Magpahinga 76 76
Maglaro 26 93
Manood ng TV 31 77
Magbasa 95 81
Mag-aral 138 82
Mamasyal 70

Ipinakikita sa talahanayan 3, na ang mag-aaral sa ikatlong baiting ay inuuna ang mag-

aaral na may bilang na 138 ang mag-aral pagdating sa bahay, pinapangalawahan ng pagbabasa na

may bilang na 95, sinusundan ng pagpapahinga na may 76 na bilang, pagtulog,panonood ng TV

at paglalaro. Kapag wala naming pasok ay binibigyan nila ng oras ang paglalaro na may 93 na

bilang, sinusundan ngf pag-aaral at pagbabasa kahit walang pasok. Ang mga mag-aaral ay may

kawilihin din sa pagbabasa upang libangin ang kanilang sarili.

KONGKLUSYON

Sa mga naipakita ng resulta ng surbey, ipinakikita lamang nito na ang mag-aaral sa PCS

na nasa ikaapat na baitang ay may higit na kawilihin na interpersonal na kung saan higit
nilang nalinang ang kasanayan ng pakikipag-interaksyon o monunikasyon sa kapwa. Mas

nabigyang pansin ang mga pangkat gawain at pagtuturong peer. Sa isang banda,

kapansin-pansin na napag-iwanan ang kawilihan sa verbal-lingguistic na may kinalaman

sa kakayahan o kapasidad na magamit nang wasto ang mga salita nang pasalita o pasulat.

Gayundin ang sintaks o istraktura ng wika,ponolohiya o praktikal na gamit ng wika. Sa

isang banda di- dapat ipagsawalang bahala ang iba pang kawilihihan na tulad ng body-

kinestetic , naturalist, pang-musikal,lohikal/math, biswal/special at intrapersonal na dapat

matugunan upang higit na mahubog ang buong pagkatao ng isang PACONIAN.

REKOMENDASYON.

GRADE 1

Magkaoon ng Library Hour tuwing oras ng MT

Dagdagan ang kanilang babasahin sa naayon sa kanilang interes

Bigyan sila ng maiikling tula, may tugma at naayon sa kanilang edad at interes

Magkaroon ng pagbabahaginan ang mag0aaral hinggil sa kanilang kwentong nabasa

matapos ang kanilang maik;ing pagsusulit.

GRADE 2

Ang mga mag-aaral sa ikalawang baiting ay higit na nahihikayat na magbasa kung ang

aklat ay may makulay na pabalat at larawan

Bigyan nang pagkakataon ang mga mag-aaral na magbasa sa silid-aklatan 2 beses sa

isang buwan sa oras ng MT

Pagbabahagi ng kwentong kanilang nabasa sa harap ng klase isang beses sa isang Linggo

GRADE 3

Paglalaan ng oras sa silid-aklatan para magbasa ng mga aklat sa Filipino


Pagtatalaga ng 2-bata sa loob ng isang lingo upang magbahagi ng

Kwento,tula,balita,bugtungan,salawikain,parabola

Pag-kakaroon ng silid-alatan ng mga kawiliwiling babasahin tulad ng pambatang

magasin,bibliya,aklat bugtungan,salawikain,aklat na piksyon o di-piksyon

GRADE 4

Sa loob ng silid-aralan ay maglagay ng mini-Library na naglalaman ng mga babasahing

naayon sa kanilang interes (komiks o katatawanan, science fiction at pocket books

GRADE 5

Magkaroon ng Library Hour isang beses sa isang buwan

Maglagay ng mga babasahing Filipino sa Reading Corner

Ganyakin ang mga mag-aaral na magbasa ng pocket book at ilahad ang buod nito sa klase

GRADE 6

Hikayatin ang ilang kabataan na maglaan ng oras sa pagbabasa

Gamitin ang tula bilang bahagi ng aralin . springboard.

Hikayatin ang mga mag-aaral na magtala nang mahahalagang pangyayari sa loob at labas

ng bansa at pag-usapan ito sa loob ng klase

Suportahan ang program ng IMC (Top Library User) sa pamamagitan ng matinding

paghikayat sa mga mag-aaral na magtungo sa silis-aklatan.Maaaring mag-karoon ng

sariling tseklist ang mga guro.

You might also like