You are on page 1of 2

Parehong Edukasyon sa Bagong Estilo

Ilang araw na lang ay pormal nang magbubukas ang mga pampublikong paaralan para sa
panuruang taon 2020-2021. Sa kabila nito, gaano nga ba tayo kasigurado na ang nakasanayang
dekalidad, pantay at abot-kayang edukasyon ay mararanasan pa rin natin ngayong may
pandemya?

Naging mainit-init na isyu ang problemang dulot ng pandemya sa sektor ng edukasyon.


Napakaraming tanong at pagdududa ang gumugulo sa bawat isipan ng mga magulang at mag-
aaral ngayong isinusulong ang pagbubukas ng klase sa ika-5 ng Oktubre taong kasalukuyan.
Kung maaalala natin ay ipinagpaliban ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagbubukas ng klase
noong ika-24 ng Agosto dahil na rin sa kakulangan ng materyales at hindi pa handa ang mga
kawani nito upang ipagpatuloy ang naantalang edukasyon.

Ayon kay DepEd Undersecretary Atty. Nepomuceno Malaluan mula sa kanyang interbyu sa
Radyo Pilipinas ay hinding-hindi pababayaan ng Kagawaran ang kalidad ng edukasyon na
matatanggap ng mga mag-aaral kahit na may pandemya tayong kinakaharap.

Kung susuriin natin ang mga nakaraang pahayag ng Kagawaran ng Edukasyon ukol sa kalidad ng
edukasyon ay naglatag sila ng tatlong pamamaraan upang tiyak na hindi makokompromiso ang
nakasanayang edukasyon sa loob ng paaralan.

Unang-una sa listahan ay ang pagsasaayos ng kurikulum upang piliin nang mabusisi ang
pinakamahalagang mga aralin para ito ay matutukan sa tulong ng mga guro. Kaugnay nito ay
ang paggamit ng self-learning modules na magiging alternatibo sa nakasanayang libro ng mga
mag-aaral sa loob ng paaralan. Hindi rin pinagkaila ng Kagawaran ang nga negatibong dulot ng
edukasyon sa pamamagitan ng teknolohiya sa mga kadahilanang mahina ang koneksyon ng
internet at walang pambili ng gadyets ang mga tao.

Sa lahat ng mga ito, lubos na makatutulong ang ating mga bayaning guro upang maihatid sa atin
ang edukasyong ninanais natin ng walang palya at maayos. Sila pa rin ang magiging gabay sa
tatahakin nating bagong normal sa edukasyon. Dagdag pa rito, ang mga guro ang magsisilbing
tulay ng dekalidad na edukasyon sapagkat ang kanilang tungkulin sa paaralan ay maihahatid sa
ating mga pintuan at isipan.

Ito ang layunin ng Sulong EduKalidad – ang magpatuloy nang sama-sama habang inihahanda ng
Kagawaran ang sistema ng edukasyon para sa hinaharap na mayroong balanse sa pamamagitan
ng pagbibigay ng kalidad ng edukasyon at pag-aaruga sa bawat isa.

Sa kabila ng mga hamon sa buhay ay haharapin natin ang bagong normal sa edukasyon ng may
ligtas, kalidad at abot-kaya upang ang paraan ng pag-aaral ay hindi magiging pasanin sa mga
magulang, mag-aaral at mga guro bagkus ito ay isang pag-asa sa gitna ng krisis.

Dahil dito, muli nating gisingin ang diwang makabayan lalong lalo na ang pagsasabuhay sa
bayanihan upang tayo ay patuloy na lalaban sa pagbibigay pag-asa sa milyon-milyong mga
Pilipinong mag-aaral na ipagpatuloy ang naantalang pangarap kasabay nito ay ang garantiyang
lahat ay makatatanggap nito't magtatagumpay at gagaling nang nagkakaisa.

You might also like